CHAPTER VI - AFTERMATH

CHAPTER VI - AFTERMATH


SIMONE'S POV


That was an intense scene right there. Laking pasasalamat ko talaga dito kay Rae na dumating siya sa tamang oras para maalis ako sa awkward na pangyayari na yun.


Karga-karga ako ni Rae dahil sa hindi ko parin mailakad ang binti ko. Pansin kong pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin at pati ang kanyang mga staff.


Gosh!


Bigla akong nahiya. Mabuti na lang ay tanned ang mukha ko, hindi masyadong halata ang pamumula nito.


Tinawag ni Rae ang isang staff para kunin ang mga surf boards ko na naiwan sa dalampasigan.


Tahimik lang si Rae na naglalakad. Ano kaya ang iniisip nito?


Sim: Uy, salamat ah.


Rae: For what?


Sim: For this. For everything.


Rae: Well, you really have to explain why nangyari sayo 'to. At kung bakit naman pinahiram mo pa si Cali sa ex mo?


Ipinaliwanag ko lahat ng nangyari kanina. Habang papunta sa kwarto niya. Inilapag na niya ako sa isang upuan.


Rae: Naks! Bayani ka pala. At talagang sa ex mo pa. Haha!


Nang-aasar pa 'to.


Sim: Hindi naman yun mangyayari kung hindi natutulog ang mga lifeguards mo.


Ganting pang asar ko. Bigla siyang humarap sa akin at kinurot ang pisngi ko.


Sim: Ouuuuch! Raaaae!


Rae: Gusto mo ibalibag kita?


Tumawa kami nang sabay.


Sim: But seriously Rae, you are right. Akala ko, hindi ko sila mahaharap, pero kanina, nakaya ko. At wala akong naramdaman na bigat sa damdamin. Naka move on na talaga siguro ako 'no?


Rae: Definitely Sim. Ayaw mo kasi saking maniwala.


Nag squat siya sa harap ko, at pinatong ang isa niyang kamay sa isang binti ko.


Rae: You must feel better about yourself Sim.


I put my arms around him.


Sim: Thank you Rae. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung mawala ka sa akin.


Tumitig siya sa akin. His eyes are blazing.


Ayokong makita, pakiramdam ko ay matutunaw ako sa titig niya. Kaya niyakap ko ulit siya nang mahigpit.


Katahimikan.


Rae: You know that I would do everything for you Sim. Pwede favor.


Tumitig siya ulit sa akin. Gulp. Bigla akong kinabahan.


Sim: Any- Anything Rae.


Rae: Ano kasi. Uhm.


Ano ba 'to, masyado pang pinatatagal.


Rae: Maligo ka na at mag palit. Naka swimwear kapa oh, at marami ka pang buhangin sa buhok.


What? Nawala sa isip ko ang itsura ko. Oo nga pala. Hindi pa ako nakakapagpalit.


Sim: Seriously? Haha!


Rae: Pinadala ko na rin dito ang gamit mo. Sige, mag wash up kana diyan at mamaya nalang kita sosolohin. Hihi.


Pang asar na biro nanaman ni Rae. Habang papalabas ng kwarto. I manage myself, medyo okay na rin ang binti ko kaya nakatayo na ako.


*


SUMMER'S POV


Masyadong hyper si Alex at Ria sa pagkakakilala nila kay Simone. Kabaliktaran naman kami ni Erin. Umupo ako sa buhangin katabi si Erin habang pinapanood niya ang dalawa na nagsasayaw at nagkukulitan.


Sam: Are you okay, babe?


Erin: Yes babe. Basta't alam kong okay ka, okay rin ako. How are you?


She casts a weak smile.


Sam: I'm okay. Somehow.


I take a deep breath. Tumingin siya sa akin.


Erin: So, that girl, who rescued you was your ex right?


Tumango na lang ako.


Erin: Simone Alarca. Napakaliit talaga ng mundo.


Tumawa siya ng bahagya.


Sam: We can leave, Erin. Lumipat tayo ng ibang resort kung gusto mo. So that she can't bother us. I don't mind. Okay lang sa akin.


Hinawakan ni Erin ang kamay ko.


Erin: No. I am good here. Tutal, Villa Escudero naman ang pinunta natin dito, diba? At isa pa, wala naman akong pakialam kung nandito ang ex mo. For me, she's just a random girl here, one of the tourists. Ex is ex for a reason Sam.


Sam: Well, you are an exception remember? You were my ex, yet heto ka ngayon kasama ko. Ikaw na ang present at future ko. You are my everything.


Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.


Erin: I know that my princess. Tama lang ang naging desisyon mo na balikan ako. Dahil ikaw ang kumukumpleto sa akin Sam.


Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.


Napangiti ako. Halos maiyak sa sobrang saya dahil sa pinaparamdam na pagmamahal sa akin ni Erin. Napakaswerte ko sa kanya.


Alam kong tama ang naging desisyon ko na balikan siya.


*


RAEGAR'S POV


I am just so happy right now for Sim. Buti naman at na realize na niya na naka move on na siya. She's being so hard with herself since Summer left her, it's about time na maging masaya naman siya para sa sarili niya para maging kumpleto siya.


Bumalik na ako sa kwarto ko. Siguro naman ay tapos na si Sim sa girl routine niya.


Pagbukas ko ng pinto ay bumulaga sa akin si Sim na naka denim high waist shorts at tucked in na white tank top na humuhulma sa balingkinitan niyang katawan at sa mahahaba ng thighs at naka gladiator sandals. Halos napanganga ako sa ganda niya.


Naku Sim. Kung hindi lang ako matinong lalaki. Naku.


Rae: What's up? Okay na binti mo?


Sim: Okay na. Labas naman tayo Rae, please.


She says with puppy eyes. Ughr. She's so cute.


Rae: So that explains the outfit.


I stare.


Sim: Bakit? May mali ba sa suot ko?


Rae: Wala naman. You look seductively elegant.


Sim: Tss. Seductive ka diyan. Anong gusto mo, mag tshirt at pants ako?


Rae: No! Ang baduy. Okay na nga 'yan.


Sim: Yay! So san tayo?


Pumulupot siya sa braso ko.


Rae: I know a place.


*


Lumabas kami ng resort, pumunta kami sa isang lugar na maraming bars, restaurants and may night market. Ilang kilometero lang naman ang layo nito sa Villa Escudero, maraming tao ang pumupunta dito dahil rin sa may gilid lang din ito ng dagat.


Pagkatapos namin kumain ni Sim ay nagyaya itong mag bar.


Rae: Naalala mo ba kung kailan yung last time na naglasing ka?


Sim: Haha! Oo sa Manila! Naalala ko pa yun. Nakakahiya. Hahaha! Iyak ako ng iyak. Gosh ayoko nang maalala!


Rae: That was the hardest part of being your best friend Sim. Yung sumusuka ka habang umiiyak nun sa kotse ko pa talaga! Urgh.


Sim: Tanga diba? Haha! Wag mo na kasi ipaalala!


Hinampas niya ang braso ko habang papasok kami sa isang bar. Agad kaming umupo sa may bartender at umorder si Sim ng tequila shots.


Rae: Hey! Ano? Bakit hard? Gusto mo bang umuwi nang gumagapang ah?


Sim: Isa lang naman Rae, na miss ko 'to eh. Sunod beer na promise.


She casts her bright smile. Ang ngiti na wala nang mata.


Rae: Yes negra.


Sim: Racist!


Pinanood namin ang bartender na kumuha ng shot glass, at pinataob ito sa iodized salt para malagyan ang labi ng baso ng asin, sinalinan ng Jose Cuervo at nilagyan ng sliced lemon sa gilid.


Agad naman itong kinuha ni Sim.


Sim: Cheers!


Sabay inom sa isang shot ng tequila.


Patuloy kaming nagkatuwaan. Matapos ng ilang oras ay nag yaya naman si Sim sumayaw. Kitang-kita na ang pamumula ng kanyang pisngi kahit na maitim siya.


Nag uusap parin kami habang sumasayaw.


Rae: May tama kana Sim.


Sim: Konti. Kaya nga nagyaya na akong sumayaw. Ayoko namang magpakalasing. Haha!


Rae: Buti naman, at ayokong magdala ng lasing sa resort.


Sim: Haha! That's why nagyaya ako dito sa labas kasi ang laki laki ng nakapaskil sa resort mo "No Hard Liquor Allowed" tapos "Drink under moderate " masyadong strikto!


Rae: Kaya nga detox zone ang Villa, tapos magdadala ka pa ng toxic? Haha! Speaking, bukas ay opening na ng beach volleyball.


Sim: Aye! Aye! Captain!


*


SIMONE'S POV


Masaya rin minsan ang ganitong bonding kasama si Rae. Naisipan ko talagang yayain siya dahil pansin ko'y masyado na siyang busy sa resort, kailangan din niya ng time para sa sarili niya.


At pasalamat ko na rin sa kanya sa lahat ng mga ginagawa niya for me. Kahit na siya ang nagbabayad ng mga bills namin. Haha!


Medyo nahihilo na rin ako dahil sa ininom namin at sa walang humpay naming pagsasayaw.


Kaya nagyaya na rin akong umuwi, 10:55pm pa lang pero kailangang matulog nang maaga para sa opening ng Beach Volleyball Tournament. Kailangan seryosohin, sayang ng premyo. Haha!


Sim: Teka Rae, cr muna ako. Hintayin mo na lang ako sa labas.


Rae: Sige, bilisan mo.


Agad naman akong dumiretso sa Girls' cr.


*


Paglabas ko ay nakita kong kausap ni Rae si Leila! Anak ng!


Bigla kong hinablot si Rae. Natulala na lang ang ang babaeng higad sa ginawa ko. Is she trying to flirt with Rae? WTF!


Rae: Hey! Okay ka lang?


Hila-hila ko pa rin siya papunta ng parking lot.


Sim: Ayaw na ayaw kong makita kang lumalapit sa mga ganung klase ng babae Rae!


Biglang tumigil si Rae ng paglalakad. Naguguluhan.


Rae: Well, bakit? May galit ka ba kay Leila? Ano ba kasing problema? May nangyari ba sa loob?


Sim: Pumasok na tayo sa kotse.


Umuwi na kami ni Rae sa resort. Sa sobrang daming nangyari ay napagod talaga ako, napahiga na lang ako sa kama ni Rae.


Blackout.


*

Comment