CHAPTER VII - GAME DAY



CHAPTER VII - GAME DAY


SIMONE'S POV


Minulat ko ang aking mga mata. Maliwanag na. Umaga na. Tumambad sa akin ang mukha ni Rae. Magkatabi pala kaming natulog. Ang cute pala nito matulog.


Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng kanyang facial features. From his eyelashes, pointed nose up to his red lips.


Rae: Good morning.


He smiles at me. I smile back. Kay gandang umaga indeed.


Humarap siya sa akin. Then he caresses my waist.


Wait. What? Napansin kong nakaunan pala ang ulo ko sa biceps niya at nakaakap ako sa katawan niya.


Nagulat ako. Nanlaki ang mga mata ko.


Sim: What the?


Bigla akong bumangon at napagulong sa side. Nauntog ako sa bedside table. And ouch! Nahulog ako sa kama.


Nabigla si Rae at bumangon siya at madali akong pinuntahan. Napaupo ako. Aray. Hinawakan ko ang noo ko. May dugo.


Rae: Sim! Okay ka lang ba? Bakit ka kasi gumulong papalayo?


Teka. Bakit nga ba? Na-concious?


Sim: Aray. Ikaw naman kasi. Ahh!


Hinawi ni Rae ang kamay ko mula sa noo ko.


Rae: May sugat ka! At ako pa talaga ang sinisi mo? Anong kasalanan ko?


Tumayo siya, kumuha siya ng gamot galing sa kanyang first aid box. Pinahiran niya ang sugat ko ng bulak na may betadine.


Sim: Eh sa nanggulat ka. Aray!


Naalala ko ang posisyon namin. Ngayon ko lang napansin na topless si Rae. Anak ng!


I feel my blood is rushing through my face.


Rae: Don't worry walang nangyari sa atin.


He casts a teasing smile. Then he winks.


Hinampas ko siya sa braso.


Sim: Ikaw Raegar Escudero! Umayos ka ah!


Rae: Aray! Bakit disappointed ka? Hahaha!


Pang asar na biro ni Rae.


Sim: Aba'y tatamaan ka talaga sakin!


Hinawakan niya bigla ang mukha ko.


Rae: Wag kang magalaw. Ang sugat mo.


Malumanay na boses ang narinig ko mula kay Rae. Huminahon ako. Inihapan niya ito.


Habang napatingin ako sa mga labi niya. Muling nagkatagpo ang aming mga mata.


His eyes are blazing. He puts his other are on my nape. At unti unting naglalapit ang aming mga mukha. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.


Malapit na. Magdidikit na ang aming mga labi. Malapit na.


Sim: Aray! Tsk.


Dinikitan niya ng band aid ang sugat ko sa noo. Damn. That was close. Hindi parin humuhupa ang bilis ng tibok ng puso ko. Rae, what are you doing to me?


Rae: Hahaha! Tara, breakfast na tayo. May laro pa tayo.


Tumayo na si Rae at dumiretso sa cr.


*


Right after we had our breakfast ay dumiretso na kami sa court sa beach front.


I am wearing a white sports bra and black spandex bikini. Naglagay din ako ng green athletic tape sa isang binti ko na nag ka-cramps last time.


While Rae is just wearing a sando and a board short.


He looked at me smiling.


Rae: Hey! Ang cute ng band aid mo dyan sa noo mo.


Muli ko tuloy naalala ang nangyari kaninang umaga. Hindi ko alam kung bakit ako napangiti. Kinikilig ba ako? Gosh.


Lumapit siya sa akin, at may binulong.


Rae: And by the way, you are so hot.


He winks.


Hinampas ko ang braso niya dahil sa pang aasar niya.


At nagsimula na nga ang signal para sa mga teams.


Referee: Lahat ng mga teams! Pumunta kayo dito sa harapan para sa presentation!


Isa-isa kaming lumapit. So, 6 teams ang maglalaban laban. Tiningnan ko ang bawat isa, ang iba ay parehong lalaki, ang iba naman ay mixed katulad samin ni Rae.


At meron ding parehong lesbian. Yes. Tama ang hinala ko na sasali sila.


Sumali si Ria at Alex. Gayun din si Summer at Erin.


Hindi na ako nagtaka kay Summer, dahil pareho kaming athlete nung college at magka team pa kami. Kaya dun din kami nagkamabutihan. Open Spiker ako, habang siya naman ay Utility spiker.


Samantalang si Rae ay setter sa boys division ng college namin.


Pinagmasdan ko silang dalawa. Pareho silang naka rashguard at spandex bikini.


Dumako ang tingin ko kay Erin. Bigla akong nairita nang makita siyang hawak-hawak si Summer sa bewang na parang napaka perpekto ng relasyon nila.


Nakakainis talaga!


Rae suddenly taps my shoulder.


Rae: Relax Sim. Pinapatay mo na si Erin sa tingin.


Sim: In different ways I know Rae.


Rae: Hey stop. Ibuhos mo na lang mamaya sa laro 'yan.


*


SUMMER'S POV


Iniexpect ko na talaga na sasali si Simone dito sa Tournament na 'to. Ayoko na nga sanang sumali pero mapilit masyado 'tong si Erin. Kaya pinagbigyan ko na lang.


Napanganga ako nang makita ko si Simone sa suot niya. Ang ganda ng kulay niyang tanned but glowing na mas lalong naglagay ng emphasis sa kanyang abs at thighs.


Napansin ko ang band aid niya sa noo niya. Ano kaya ang nangyari dun, wala naman yun nung isang araw ah?


Isa-isang tinatawag ang team at pinapaakyat sa stage. Kada team ay may pangalan.


Referee: The next one is Team Inlove.


Hinila ako ni Erin. Nabigla ako, hindi ko alam na kami pala yun!


Ref: Ang Team Inlove ay kinabibilangan ng mag girlfriend na sina Summer Torralba at Erin Balse.


Habang umaakyat kami sa stage ay tinanong ko si Erin.


Sam: Bakit Team Inlove? Haha! Ang corni.


Erin: Well, gusto kong ipakita sa lahat na inlove tayonsa isa't isa.


She smiles. Tumawa parin ako.


Ref: Next, ang Team Rialex, members: Ria Pontillas and Alex Santiago.


Mas lalo akong tumawa sa pangalan ng team nila Ria. Hahaha!


Sinalubong namin sila ng hi-five.


Sam: Anong klaseng pangalan naman yun?


Ria: Ang cool nga! Hahaha! Kaysa naman sa inyo, Team Inlove daw. Ang corni! Hahaha!


Erin: Hiyang hiya kami sa Team niyong tunog Toll Gate!


Tawana kaming lahat habang nag iintroduce pa ang referee.


Ref: And the final team, ang Team Matapat, members: Raegar Escudero and Simone Alarca!


Umiling at natawa ng bahagya si Erin nang marinig ang Referee.


Erin: Haha. Team Matapat pala ah.


Habang todo palakpak naman sina Ria at Alex para sa kanila.


Alex: Witwiwww! Sexyyyy!


Ria: Woooooh! Hotness!


Tiningnan ko silang umakyat sa stage. Magkahawak ng kamay. Masayang kumaway si Sim. Nakangiti siya ngunit hindi parin maalis ang angas sa bawat galaw niya. Ang lakas talaga ng dating niya.


Nagtaka lang ako kung bakit Team Matapat ang pangalan ng team nila. Ano kaya ang pinapahiwatig nila sa pangalan na yun?


Nagsimula na ang unang laro. Single elimination lang ang tournament, ang ibig sabihin ay kapag natalo ang isang team, ay automatically out na sila sa competition. Kaya malalaman agad kung sino ang maglalaro sa finals.


Erin: Let's win this, Sam!


She slaps my butt.


Sam: Hey!


Tumawa siya.


Sam: Ano ba ang grand prize?


Erin: Trip to Batanes for 2. And cash prize 30k.


Gagalingan ko talaga, lalo na't setter ko si Erin. Alam kong sina Simone ang mahigpit naming kalaban dito, but I think we have the advantage. I know how Rae executes his play, and I know how to dig Simone's attacks. Well sila, even they know my play they don't know what Erin is capable of.


Sam: We got this!


Erin grabs my waist and kisses me on the lips.


*


SIMONE'S POV


Napatingin ako sa dako nila Summer at Erin. I froze nung nakita ko silang naghalikan.


Sim: What the fck. *I whispered


I feel my blood rushing once again. I don't know but there is something strange deep down my throat as if I am going to throw up.


I hissed and look away. That scene was uncomfortable. Napaisip ko tuloy kung may nangyayari na ba sa kanila, kahit nung kami pa ni Summer?


Nakaramdam ako ng konting kirot bigla sa dibdib ko. Betrayal.


Honestly, I don't know where Summer's getting all her guts to face me. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, parang wala lang yun sa kanya, at parang manhid na nilalang feeling niya na okay ako kapag nandiyan siya.


She's cool with me as if I deserve to be betrayed.


Hindi ko na lang sana siya iniligtas mula sa wipe out.


Ano ba 'tong iniisip ko? Masyadong masama!


Huminga ako nang malalim. I need to focus.


Teka, nasaan nga ba si Rae?


Hinanap ko siya sa paningin ko, bumalik ako ng reception para tingnan siya.


Sim: Andrea? Si Rae nakita mo.


Andrea: Yes miss, nasa booth po siya ng Pocari Sweat. Ayun po.


Itinuro sa akin ni Andrea si Rae. Nakita ko naman siya agad.


Tumungo si Rae sa akin.


Rae: Here.


Binigyan niya ako ng 2 bottles bg Pocari Sweat.


Sim: Thanks.


Habang papunta kami sa beach front ay may sinabi sa akin si Rae.


Rae: Nakausap ko si Leila.


Napanganga ako. Hindi ko alam kung ano ang magigiring reaksyon ko, pero parang nanghina ako at may kung anong bato na nakabara sa aking lalamunan.


Sim: Ano raw?


Patay malisya ako. I want to be cool as possible.


Rae: Ano nanamang klaseng mukha yan Sim?


Tumigil ako sa paglalakad. Tumigil rin siya para harapin ako.


Hindi ako makasagot, dahil kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako. Naiinis ako.


Sim: S-sabi ko naman sayo, ayokong kausap mo yun.


Napayuko ako. Parang may ulap na namumuo sa mata ko at ano mang oras ay papatak ang luha.


Binitiwan ni Rae ang dala niyang bote.


He cups my face. Napatingala ako.


Rae: Hey. Nagtatampo ka ba?


Niyakap ko siya. Ayokong makita niya akong mahina. Ayokong makita niya akong umiiyak. Dahil kapag tinanong niya ako, ay wala rin akong maisasagot kung bakit ako nagkakaganito sa kanya.


Sim: Ikaw kasi ang kulit mo.


I sniff.


Rae: Kinausap ko si Leila para malaman niya ang tungkol sa nangyari sa bar.


Napahiwalay ako sa yakap ko.


Sim: Talaga. Ano sabi?


**last call for Team Matapat**


Nagising kami bigla ni Rae sa narinig namin. Kumaripas kami ng takbo papunta sa beach front. Muntik pang ma-default ang laban. Naku.


Ang unang makakalaban namin ay ang Team Rialex.


Rae: Focus on our goal, Sim.


Sim: I know.


As expected, nakapaglaro kami nang maayos ni Rae dahil sa tamang momentum at rhythm namin when it comes to our plays.


Lahat ng laro ay naipanalo namin sa bracket namin. Pasok na kami sa finals. Isang game na lang ang hinihintay namin para makilala kung sino ang makakalaban namin.


As expected, nakaabot din sina Summer at Erin sa semis. Sila ang naglalaro ngayon kalaban ang dalawang bading na kada puntos ay tumitili.


Team Inlove vs Team Darna


Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng tadhana. Dahil nanalo ang Team Inlove *daw. Makakaharap namin sila sa finals.


May isang oras na break para sa finals. Pinulong kami ng mga organizers for the interview.


Sim: Para saan ba 'tong interview? Ipapalabas ba 'to sa TV?


Bulong ko kay Rae, habang nasa harap kami ng isang mesa na may recorder.


Katabi ni Rae sina Summer.


Rae: For local news 'to. Sa buong region lang.


Sim: Ah, gets ko na.


Tumango ako. Napansin kong tahimik lang ang si Summer habang si Erin naman ay naka slouch pa talaga.


Reporter: Hello Guys, ako nga pala si Nicole Gaiser, so ganito, magtatanong lang ako ng ilang katanungan sa inyo, okay lang ba?


Tumango kaming lahat na parang may magagawa pa ba kami?


Nicole G: Raegar Escudero, ano sa palagay mo ang naging weapon niyo kung bakit mabilis niyong natalo ang mga teams na nasa bracket niyo?


Rae: Well, Sim and I have been so effective excuting our plays. And syempre, less errors.


Nicole G. : Next, we have Simone Alarca. Narinig ko na ikaw daw ang nagpangalan sa Team niyo ng Team Matapat. Bakit nga ba yun ang naisipan mong ipangalan sa Team niyo?


Bigla akong kinurot ni Rae sa likod. Napaayos ako ng aking upo.


Sim: Well, Team Matapat kasi, kaming dalawa ni Rae ay matapat sa isa't - isa at pati na rin sa kapwa namin. Honesty is the best policy. We never cheated.


I just dropped the bomb.


Nakita ko sa gilid ng paningin ko na napatitig sa akin si Summer at Erin.


Gulp.


Nicole G: Okay dumako naman tayo sa kabilang team. So Erin Balse, what can you say about your last game. Medyo nahirapan kayo sa Team Darna?


Erin: Well, hindi naman sa nahirapan. Sa unang set kasi, kinapa talaga namin kung pano sila maglaro then saka kami nagkaroon ng play para talunin.


Anak din ng kayabangan din pala 'to.


Nicole G: Good. What about you Summer Torralba, ngayon naman ano masasabi mo sa makakalaban niyo ngayon - ang Team Matapat?


Summer: I know they are a very strong team. So gagawin na lang namin ang lahat to win for us. As a gift for Erin here my girlfriend.


Nicole G: Aww. So sweet naman.


I smirk.


Natapos ang interview, ganun pala ang feeling. Nakakadrain, paikot ikot lang ang tanong so paikot ikot lang din ang sagot. Nakakahilo.


Nag w-warm up na kami.


Nakita ko sina Ria at Alex na nag ccheer kina Summer.


Sim: Hindi ka man lang nagdala ng cheerers Rae.


Biro ko kay Rae.


Rae: Well, anong tawag mo sa kanila?


Tinuro ni Rae ang mga staff niya na naka all green at may banner pa talaga.


*Go Sir Rae! Go Miss Simone! Wooooh! Team Matapat! Team Matapat!


Sim: Hahaha! Ang daya mo!


Hinampas ko si Rae sa braso.


Rae: Wala silamg bonus kung hindi sila mag cheer sa atin. Haha! Di joke lang. Voluntary yan Sim. Wag kang mapanghusga. Haha!


*Prrrrrt.


Referee whistles.


I step on the warm sand and strech my arms. I flaunt my curves. Erin and Summer are both staring at me.


Look what I've become after destroying me.


Look what I've done to myself to be better.


For me to feel good again about myself after you dumped me and chose that butch over me.


Thanks to you, Summer. Because of you I saw my real purpose.


I look at Rae.


I am here in my road to redemption. I am here to redeem myself!


Sim: Game on!


Game started. I fire heavy serves to dismantle their plays but their digging ability is good. Especially Summer.


Summer serves, I receive it. Rae opens up. But Erin tries to block me, then I unleash my claws to the ball and fire up.


Sim: Yeah!


Rae: Nice one, baby!


Cheerers roar.


Rae and I hug. We won the 1st set with a 6-point lead.


Rae: Good job. Ipagpatuloy lang natin. Let's finish this.


As we take some rest, napatingin ako sa kabilang tent. Napansin kong cool lang si Erin samantalang bakas ang pag aalala ni Summer.


Alex: Okay lang yan guys, bawi nalang sa 2nd set.


Ria: Yes. Kaya yan. One point at a time. Let's Go!


We continue to pound to finish the match, we are leading by 2 points. Referee whistles.


Ref: Change court!


Nagkasalubong kami, tumingin na lang ako sa malayo to avoid Summer's eyes. Pero bigla namang tumingin si Summer sa akin.


Then she whispers.


Erin: Wala ka pala eh. Haha.


WTF! Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Alam ko kung ano ang gusto niyang iparating. Nag init bigla ang ulo ko.


Hinahamon ba niya ako?!


Naramdaman kong uminit ang mukha ko. Napayukom ako ng aking kamao. Gusto ko siyang patayin. Gusto ko siyang saktan.


Damn!


Pumwesto na ako sa service line. Kailangan kong mag focus. Inalis ko ang mukha ni Erin.


But my head is doing otherwise.


Pagkatapos ay nakita ko pang ngumiti ulit nang nakakainsultong ngiti si Erin sa kabilang court.


*prrrrt!


Pumito ang ref. Nabigla ako. Napalo ko ang bola nang mali. It lands straight to the net.


Sim: Damn!


Rae: It's okay. One good receive Sim.


Summer serves, all of a sudden it drops right in front of me. Wala akong nagawa.


Service ace!


Erin: Yeah! That's my girl!


They hug each other. WTF.


Sumigaw si Ria mula sa crowd.


Ria: Deadlock guys! Wooooh!


Alex: Sige lang! Wooooh!


Bigla ko na lang napansin na set point na sila. Damn! I can't concentrate.


Summer serves again, I am now in the front row to defend. Sa kabilang ng net ay si Erin.


She winks at me. This bitch is getting into my nerves!


Rae receives the ball, tumalon ako ng maaga. Hindi ako kumunekta.


Natawagan ako ng double contact ng referee. Panalo ang kabila.


Sim: Crap!


Nagtungo kami sa tent namin. Binigyan kami ng maiinom ni Andrea.


Andrea: Kaya niyo yan Sir! Bawi tayo next set Miss Sim!


Tumango lang ako.


Rae: May isang set pa naman Sim. Come on. Let's get this one. Focus. Kanina pa ang mga errors mo ah.


Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Ano ba Sim! Focus!


Sim: Sorry. Bawi ako next set. Atin 'to Rae. Atin 'to.


Rae: Yan. Yan ang Simone na kilala ko!


Tama si Rae. Hindi ako yung Simone na puro errors. Ako ang Simone na umiiral ang mental toughness at killer instinct when it comes to a game like this.


Rae: Alalahanin mo maraming sumusuporta sa atin. Don't let them down.


Tumingin ako sa mga staff ng resort. Nakangiti sila sa amin. Nag ccheer at nakagreen talaga sila.


*


SUMMER'S POV


Kahit ako ay hindi makapaniwala na nakalusot kami sa second set. Akala ko ay patuloy na kaming padadapain ng kabila.


Simone is clearly out of focus right now. And that's a good thing for us. We will grab that chance.


Pinahiran ako ni Erin ng pawis sa noo.


Erin: You're so good babe. Let's get this.


Sam: Thanks babe. Ikaw rin naman.


Biglang sumulpot si Ria at Alex sa likod niya.


Ria: Puntiryahin niyo si Simone kapag nag seserve, kasi mahina siyang mag receive. Gulatin niyo.


Alex: Oo. Tapos kapag papalo siya, abang lang kayo sa front kasi hindi yan papalo nang malakas. Drop ball ang gagawin niya .


Erin: Ang galing ng scouting ah.


Ria: Eh puro error kanina si Simone eh.


Pati sila napansin nila si Simone. Opportunity is knocking.


Third set. Sa kabilang team ang bola. Si Simone ang mag seserve.


Naghanda kami ni Erin.


Heto na. Papunta sa akin ang bola. Napakatulis. Akala kong marereceive ko nang maayos, pero biglamg bumigat ang bola at hindi tumalbog sa braso ko. Nahulog lang ito at gumulong sa buhangin.


Sam: Shit! Sorry, sumenyas ako kay Erin.


Erin: Okay lang Sam. Bawi.


Nag serve ulit si Simone. Katulad ng una ay matulis din ito, na receive ko na yes. Pero basag na ang play namin. So I just toss it to the other side.


Mabilis kong tinapon sa kabila. Hindi nila yun mahahabol. Pero shit!


Pancake ni Simone! Bumangon siya matapos ang pancake at itinaas na ni Rae ang bola. Hinabol ko ng tingin kung saan niya ito dadalhin.


Naalala ko ang sabi ni Alex na hindi makakapalo ng malakas si Simone. Kaya nag abang ako sa front habang si Erin naman ay nag abang sa kabila.


Snap! Simone soars and kills the ball.


Pumalo siya! And it lands right behind us. Crap!


Tiningnan ko si Alex. Nag peace sign siya sakin.


Erin: Okay lang! Sigaw niya.


Napansin kong seryoso ang mukha ni Simone. Wala na ang kaninang malamya niyang laro. Nandun parin ang galit sa mga mata niya, pero bakit siya galit.


Sa tuwing nakikita ko siyang napapasulyap kay Erin ay parang papatay siya ng tao.


Seryoso ba 'to? Hindi pa ba siya nakakamove on sa akin?


Nagpatuloy ang laro hanggang sa duluhan. Nagulat kami sa pinapakita ni Simone. Bumalik na ang laro niya. And we are down 4 points samantalang 2 points na lang ay sila na ang champion.


Hindi 'to maaari.


Si Raegar na ang nag seserve, parehas kami ni Simone na nasa front line, magkaharap. Habang si Erin ay nasa likod ko para mag screen.


Bumulong bigla si Simone.


Sim: Watch me fly.


Sam: What?


Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin dahil sa pagkakataong ito kami ang aatake.


Si Erin ang nag receive, I tossed the ball to her.


Siya ang papalo. Bumwelo siya.


Sam: Go babe!


Erin: Yaaaah!


Malakas niyang pinalo ang bola. Pero ano tong mala aninong sumulpot sa harap niya.


The ancipating arms of Simone. Single block.


Na block ni Simone si Erin.


Sim: Yyyaaaay!


Rae: That's my baby!


Nagyakapan ang dalawa.


Naghiyawan na ang mga tao.


"Championship point! WOOOOOOH!"


Erin: Shit! Kanina pa 'tong Simone na 'to sa akin! Nanadya na 'to.


Inis na sabi ni Erin. Maging siya ay napansin pala niya ito.


Sam: Hey, Erin, wag mo na siyang pansinin. Kaya pa natin 'tong mahabol. Let's go!


Erin: Sige Sam. Let's go!


Si Raegar ulit ang nag serve. Nakuha ko ito nang maayos. And Erin dunks the wball on two. Pero nakaabang si Raegar. Na-dig niya ang bola.


Tinaas ni Simone Drop ball by Rae. Nakuha ko 'to.


Erin sets. I launch for a crosscourt attack. I spike the ball with all my strength.


Sam: Gotya!


Simone: Not yet!


Biglang sumulpot si Simone sa back row at na receive ang bola ko. Paka receive ay mabilis na nagpalit sila ng pwesto ni Raegar.


Raegar: Sim!


Agad kong sinabayan si Sim sa kanyang pagtalon. Pumaibabaw na siya sa akin. Naunahan niya ako.


At kitang kita ko kung saan niya papaluin ang bola.


Her eyes are on fire.


Sim: Ahhhhh!


Sim kills the ball on Erin's face! Sa lakas ng landing sa mukha ni Erin ay tumalbog ito sa palabas ng court.


"Ooooooh! Facial!!!" Sabay na sigawan ang mga manonood.


The referees whistle. The crowd celebrates. Natalo kami. Niyakap ko si Erin.


Sam: You did your best, babe.


Erin: This is not yet over, Sam!


Galit na galit niya akong tinabig. Susugurin niya si Simone.


Sam: Hey san ka pupunta? Kinuha ko ang kamay niya. Pero masyado siyang malakas at ako ang nahila.


Erin: Wag kang makikialam Sam. Nakita mo naman siguro ang ginawa sa akin ng ex mo!


Dali-dali siyang pumunta kina Simone habang nag cecelebrate mg kanilang panalo.


Erin: Nananadya ka ba hah?!


Tinulak ni Erin si Simone, napaatras siya ng bahagya pero taas noong hinarap pa niya si Erin.


Aba! Ang tigas din! Kapal!


Simone's lips just create a thin line.


Erin: Ano? Sagot, ngayon mo ako labanan!


Tinginan ang mga tao. Pumalibot na sila sa amin at nagbubulungan.


Biglang nagsalita si Raegar.


Rae: Erin, wag kang mag eskandalo dito please.


Mahinahon niyang tugon.


Eh panong hindi si Erin mag eeskandalo eh nanadya na 'tong si Simone. Nag init na rin ang ulo. Humarap ako kay Simone.


Sam: Hindi sana si Erin mageeskandalo kung tinantanan mo ang girlfriend ko!


Napanganga si Simone. Na parang naguguluhan pero sarcastic na ngumingiti.


Sim: At ako pa talaga ang may kasalanan ngayon Summer?


Biglang hinawakan ni Erin ang kamay ko at bumulong sa akin.


Erin: Sabi ko naman sayo wag kang makialam. Tama na! Tara na!


Hinila niya ako.


Sam: Hindi Erin, kanina pa 'tong si Simone eh. Parang gusto ka niyang patayin. Di pa nakuntento eh, pinaluan kapa niya ng bola sa mukha!


Bumaling ako kay Simone.


Sam: Simone please! Why can't you just move on? Stop being so bitter! Masaya na kami ni Erin.


Erin: Sam.. Tama na.


Hinila niya ang braso ko. Hindi pa ako tapos.


Sam: Bakit hindi mo matanggap na siya ang pinili ko? Siya ang mahal ko! Siya at hindi ikaw! So please! Move on.


Awkward silence.


*


SIMONE'S POV


WTF! Tama ba 'tong narinig ko? Ako daw ang masama? Ako daw ang hindi maka move on?


Sim: WHAT THE FCK!


Bigla akong pinigilan ni Rae, tiningnan niya ako sa mata. Alam ko ang kanyang pinapahiwatig. Gusto kong umiyak. My knees are trembling. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko.


Naghihintay si Summer ng isasagot ko.


Sim: Nakakaawa ka Summer. Nakakaawa. Your relationship is not as perfect as you knew it is.


Summer: What do you mean?


Sim: Bakit hindi mo tanungin si Erin?


Summer: What?


Tumingin si Summer kay Erin. Pero ang baling ni Erin ay sa mga mata ko. Parang siya ay papatay.


Gusto ko pa sanang magsalita, ngunit pinigil ako ni Rae.


Rae: Let's go. That's enough!


*

Comment