Chapter 8

"N-niyakap ko lang naman kasi idol ko." paliwanag ko.

Nawala naman kaonti ang kaba ko nang may sumigaw na bata habang tumatakbo sa pwesto ni Maxwell.

Mabuti naman andyan yung anak ni Archer.

"Tito, I miss you!" sigaw ng isang batang lalaki na anak ni Archer, nag iba naman bigla ang expression nito.

Binuhat naman niya ito nang tumalon ang anak ni Archer kay Maxwell. "Hi, baby. How's your school?"

"It's so much fun po, Tito. Ang dami ko napo kaagad na friends." saad naman ng bata kaya napangiti si Maxwell.

"That's good."

"May five star din po ako, Tito." sabay pakita nito ng kamay niya na may mga star.

"Wow. Your so very smart talaga like me."

May biglang may kumalabit naman sa akin kaya napatingin ako. Medyo nagulat naman ako dahil asawa ni Archer katabi ko.

"Hi. Ang ganda mo pala, sa personal." saad ko sabay yakap namin.

"Ganda mo kaya, mas maganda ka sa akin, kaya pala napaka seloso nang asawa mo kasi takot maagaw ang isang magandang tulad mo." nakangiti nitong wika.

"Sensya na sa pag yakap sa asawa mo idol ko kasi siya dati pa kahit mas pogi si Akhiro." nahihiya kong wika.

"Huy... 'wag mong sasabihin 'yung name na 'yon ba ka patayin ka bigla ni Maxwell. Maya usap tayo tungkol sa kaniya." bulong nito.

"Bahala siya. Edi mawawalan siya nang asawa't anak." aniya ko.

"Pero okay lang sa akin 'yon, di naman ako selosa. Asawa mo lang." Nag tawanan naman kami. Pero natuon kami bigla sa pang aasaran nang dalawang mag kapatid.

"Oo na Kuya ikaw na ang pinaka matalino, atleast idol ako nang asawa mo." Pang aasar nito sa kapatid kaya agad binaba ni Maxwell si Jacob.

"Wala 'yang pagiging idol nang asawa ko sa 'yo pag sinuntok ko mukha mo!" giit nitong wika, nag taas naman si Archer nang kamay na animoy sumusuko.

"Joke lang naman. Sa'yong sa 'yo na ang asawa mo. May pamilya na 'ko, pero if want mong ibigay pwede naman." lalapit naman na sana si Maxwell kay Archer para suntukin nang pumagitna na ako.

"Tumigil kana."

"Kakampihan mo 'yan? Ehh... mas pogi at matalino ako d'yan! One plus one sagot n'yan four!" turo niya sa kapatid niya natawa naman sila kasama na'ko pinipigilan ko.

Gago 1+1 nalang hindi pa alam.

"Bata pa tayo non."

"Bata, grade two kana non."

"Napaka seloso mo naman. Kalma lang." Pag iiba nito ng usapan sabay pulupot nang braso sa asawa nitong si mich.

"Kalma lang, hubby. Baka pumangit ka. Pero hindi ako naniniwala na matalino ka." aniya ko.

"You're not sure, baby." naka ngisi nitong wika.

"Pwede ba 'wag mo 'kong englishen! Lahat kami tagalog tapos ikaw English! Nakakatagalog ka naman!" Usal ko dito, pansin ko naman na tumahimik silang lahat maliban sa amin ni Maxwell.

"Bakit hindi ka ba nakaka intindi nang English?" mapanuyang nitong wika.

"For your information marami akong medal lalo na sa English. Sadyang maarte kalang kaya nag e-english ka. Mas marami pa ata medal ko sa 'yo!" bulyaw ko.

"Calm down. I'm just teasing you. Oo na matalino kana kaysa sa akin." saad nito sabay himas sa bewang ko para pakalmahin ako.

"Tskkk... maka pasok na nga nagugutom na 'ko." na pansin ko naman si jacob sa likuran ni Archer na halatang nahihiya sa akin kaya ngumuso ako kasabay naman non ang pag alis niya sa likuran ni Archer sabay takbo at niyakap niya ako nang mahigpit sa binti.

"Hi po, Tita. You're so pretty po kahit buntis ka." binuhat ko naman ito na ikina taranta nang iba.

"Buntis ka, Akisha. Baby, bumaba ka kay Tita mo!" saad ni mich.

"Kumalma kayo. Ang gaan naman niya eh..."

"Gwapo mo naman manang mana sa papa mo."

"Pero mas pogi po ako." medyo natawa naman ako.

"That's true, baby." sabat ni Maxwell.

"Kuya, naman! Hindi ko na nga nilalapitan 'yung asawa mo nang aano ka parin!" maktol ni Archer.

Tinaasan naman nang kilay ni Maxwell si Archer. "Find my care." malamig na wika nito.

*Pok*

Tunog nang pag sapok ko sa nuo niya na ikina gulat nilang lahat. "Tigil mo na nga 'yang ganyang attitude mo! Baka hindi lang 'yan abutin mo!" pag tataray ko.

"Pasalamat ka buntis ka! Kung hindi pinaiyak na kita kanina pa!" huminga naman ito nang nalamin.

"Edi salamat!" tatalikod naman na sana ako nang mapansin kong aambahan niya ako nang sapok kaya napaharap ulit ako kaya nag kunyari itong kumamot sa ulo.

"'Wag mo 'kong maamba-ambahan! Baka masampal kita!" giit ko.

"Hindi naman kita inaano ahh... pasalamat ka talaga mabait ako ngayon, nasa good mood ako. Kung wala kawawa ka!" aniya nito sabay naunang pumasok sa mansion. Sumunod naman kami.

Nasa dinning area naman na kami super daming handa kaya pati kasambahay ay kumakain narin dahil hindi naman lahat mauubos.

"What do you want?"

"Pritong manok lang tyaka sawsawan." tumango naman ito sabay kuha nang makakain ko.

Habang hinahantay ko siya umiinom ako nang gatas, dapat talaga juice kaso ayaw ni Maxwell kaya no choice kundi inumin 'to.

"Kumain kana." saad nito nang matapos n'ya akong handa nang makakain.

My dalawang pritong manok ta's my sawsawan kaya medyo natakam ako.

"Thanks." tumango lang naman ito bago ituon ulit nito ang sarili sa kinakain din n'ya.

Habang nakain ako bigla akong napatulala nang may naisip ako na bigla nalang sumagi sa isip ko.

Pa'no kung hiwalayan ko nalang siya?

Kaya ko naman palakihin ang anak ko.

Pero mayaman siya baka pahanap niya ako at makita kaagad, sayang lang ang pagtatago ko.

Pero bigla akong nabalik sa sarili nang biglang may humawak sa tyan ko habang hinihimas 'yon. "Hey, baby. Did you hear us? Are you okay?" Tanong nito nang mapansin n'yang wala ako sa sarili pa.

"Ahhh... ano po ba 'yon?"

"Napag desisyonan namin na tumira kana dito sa mansion nang mga Valdez. Marami naman kayo dito kaya hindi ka ma bo-bored, lagi din bumibisita ang mga kaibigan ni Maxwell." napa simangot naman ako.

Kinalabog ko naman malakas 'yung lamesa sabay tumayo. "No way! Ayoko s'yang makasama!" sigaw ko na ikina gulat nilang lahat.

"S-sorry nabigla lang po ako. Excuse us." nahihiya kong wika.

Andito naman ako sa garden nang mga Valdez nakatayo nagpapahangin. Napaka ganda kahit puro ilaw lang ang nag sisilbihang liwanag dito, ang maganda pa dito nakaka relax ang amoy nang mga ibat ibang bulaklak.

Habang nandito ako may nag salita. Si Mama.

"Are you okay, anak ko?" saad ni mama na sa pandinig ko ay parang hinehele ako.

Hinarap ko naman ito sabay yakap. "Ma, ganon naba ako kasama kay Akhiro? Tumanggi ako na makasama siya." iyak kong wika.

"Natural lang 'yon kasi padalos-dalos kami sa disisyon. And i know Maxwell understand that. " kumento ni Mama.

"Natatakot po kasi ako. Hindi ko kayang maging asawa n'ya. Hindi ako handa."

"Kahit anong gawin niya kahit hindi niya pinapansin lahat nang effort mo tuloy mo parin, ang isip mo kaylangan mo maging perfect wife. Kahit hindi niya na appreciate kaylangan mong gawin parin iyon dahil asawa mo siya." Payo ni Mama kaya tumango naman ako.

"Kahit na mag-away o mag sabihan kayo nang masasakit na salita kaylangan mo parin pag tiisin. Dahil pag subok lang 'yan sa inyong mag asawa. Pero kung napagod kana andito lang kami nang papa mo. Bukas ang pinto nang bahay natin malaya kang bumalik." dugtong pa ni Mama kaya napangiti ako.

"Opo, Mama. Thank you. Pangako gagawin ko po ang sinabi niyo. Magiging perfect wife ako kahit hindi namin Mahal ang isa't isa kahit hindi niya mapansin lahat nang effort ko basta tuloy lang hanggat hindi napapagod." lakas loob kong sambit kahit hindi ako sigurado kung makakaya kong maging perfect na asawa.

"Medyo mahamog na baka mapano kayo nang apo ko. Pumasok kana." pag aalalang sambit nito.

"Maya-maya na po. Gusto ko pa pong mag pahangin."

"Hindi na kita pipilitin. Papasok na ako may pinag uusapan pa kasi kami sa loob. Pero pag pagod ka andito lang si mama." saad nito bago tumalikod at naglakad papasok ulit nang mansion.

Hindi ako nagsisi na sila ang magulang ko dahil kahit busy sila may time parin sila sa amin lalo na pag pagod na 'ko sa buhay ko kagaya nung 19 ako na pagod ako sa buhay ko ang daming hinanakit sa puso ko pero andyan sila mama at papa nung oras na 'yon cinomfort nila ako hanggang sa nag karoon ulit ako nang lakas nang loob lumaban sa mundong ito.

Napa ayos naman ako nang tindig nang tayo dahil my presensya sa likod ko at alam kong si Akhiro iyon.

Hindi nga ko nag kamali dahil nang tumabi ito sa akin naamoy ko kaagad ang mabango n'yang pabango na million ang halaga.

Dinaig pa pabango ko. 1k lang pero napaka bango at mukhang expensive.

Pero siya talaga pure expensive kaya sobrang bango, kung tutuusin lang napaka bango nakaka adik siya sa sobrang bango. Hindi kagaya nung isa n'yang pabango para sa akin ang baho pero i know mas mabango 'yon sadyang maselan lang pang amoy ko.

Kung pag didikitin kami hindi mo maamoy pabango ko mawawala nalang na parang bula kasi napaka bango at long lasting kahit pawisan ka mas lalo pa ngang bumabango eh kaya nga minsan nahihiya akong lumapit sa kaniya sa sobrang bango ang linis pa sa katawan.

Habang pasimple ko s'yang inaamoy May inilahad ito na ikina tingin ko.

Baso na may lamang gatas?

Seryoso?

"Drink this." maikli nitong wika.

Bakit puro gatas nalang lagi?

Pwede naman akong uminom nang juice pero bakit laging gatas?

Baka mamaya anak araw na ang anak ko sa sobrang puti.

Pero sabagay nakalahati ko lang kanina yung gatas na tinimpla ni manang.

Sabi din pala ni Tita kaylangan ko talagang uminom nang gatas, kahit oras oras nga daw kasi mas okay daw 'yon dahil ilang weeks palang daw ang tyan ko para may risistensya. Para narin pag lumabas daw ang anak ko malusog at hindi sakitin.

Pero inferness caring siya sa amin nang baby ko. Sinusunod niya talaga lahat nang sinasabi ni Tita Rita.

Comment