Chapter 7

Nang makapasok kaming lahat sa elevator pumwesto ako sa gilid.

Lumapit naman sa akin si Maxwell.

"Sorry hindi ko talaga sadya."

"Lagi naman. 'Pag may nagagawa ka lagi mong dahilan 'yan kaya walang bago." Aniya ko hindi naman na kami nag salita kaya sobrang tahimik.

Nang maka labas kami nang elevator bumungad kaagad sa amin ang maraming tao kaya walang alin langan na hinarangan ni Maxwell ang sarili niya para hindi ako maipit.

"Aray..." daing ko nang biglang nasagi yung mga bodyguard sa amin.

"Sasabihin kona talaga na asawa kita!" Nanggagalaiti nitong wika.

"'Wag, Akhiro." pag pigil ko.

Medyo kinabahan naman ako nang biglang tumayo Ito nang tuwid. "Medyo urong po tayo, may buntis po kasi!" Sigaw ni Maxwell pero hindi kita ang mukha ko kasi bago siya tumayo inilagay niya sa akin 'yung coat niya.

Kasabay naman non ang pag luwag nang daan pero naka yuko parin ako kasi hindi pa talaga ako handa.

"Sino po siya, Sir. Maxwell?"

"Nothing. I don't even know her. Nalaman ko lang na buntis siya dahil patient siya ni Tita." Palusot nito, agad naman silang lahat naniwala dahil nag patuloy ulit silang mag picture.

"Thanks, akala ko sasabihin mona ehh..." bulong ko habang nag lalakad kami sa malawak na parking lot.

"Balak kona talaga aminin kaso baka magalit ka lalo kaya sa susunod nalang." lumayo naman ako sa kanya na ikina taka niya.

"Sa isang van ulit ako para hindi mahalata." saad ko kaagad kaya nawala yung kaninang magka salubong na kilay nito.

"Haysst, fine. Take care of my, Wife." saad nito sa bodyguard kaya nung may humintong van bumukas iyon kaya pumasok na ako kasunod naman na sumakay yung mga bodyguard.

"Bye." sabay kaway ko sa kanila, kumaway din naman sila maliban kay Maxwell na seryoso lang ang mukhang naka tingin sa akin.

Ilang sandali lang umandar naman na ang sinasakyan kong van. Tinignan ko naman yung side mirror nakita kong naka sunod yung van nila Maxwell.

Habang nasa kalagitnaan kami nang byahe sa one way na wala masyadong dumadaan nakaramdam ako nang pag halukay nang sikmura ko kaya pinakiramdam ko kung susuka ba talaga ako.

Napansin naman nang mga bodyguard 'yon. "Okay kalang po ba, Ma'am?" saad nilang lahat.

"Nasusuka ata ako."

"Namumutla ka, Ma'am!" Natataranta nilang wika kaya medyo malakas iyon.

Habang pinapakiramdaman biglang naramdam kong susuka na ako nang tuluyan. "Ihinto niyo nasusuka po ako!" Sigaw ko habang pinipigilan na hindi mag duwal.

'Yung dalawang bodyguard na lalaki na nasa harapan kinatok yung van kaya binuksan nila yung maliit na bintana. "Ihinto niyo sa gilid, si Ma'am namumutla at nasusuka!" taranta nitong wika. Pansin ko naman na lahat sila may radio nakalagay sa gilid nang bewang nila na magkaka-
connect sa lahat nang bodyguard.

Kinuha naman nang isa yung isang radio na nakapatong. "Gigilid kami, may problema!" saad nang isang nasa harapan.

Agad naman may sumagot sa kabilang radio. "Anong nangyari?"

"Si ma'am." saad nang nasa harapan bago ako tuluyang tumakbo palabas nang van.

Agad naman akong sumuka nang puro laway pero medyo madami iyon. Ramdam ko rin na nahihilo ako kaya sumandal ako sa isang poste.

Pansin ko naman na bumukas yung pangalawang van kung saan sila Maxwell pero agad din akong pumikit.

Linuwa naman non si Maxwell na nag aalalang mukha na tumatakbo sa pwesto ng asawa kasunod ang mga naka sakay din doon sa van.

"Namumtla ka." saad ni Mama kaya lumapit si Maxwell sa akin.

"Isusugod kita sa hospital." saad nito kaya agad akong umiling.

"Narutal lang sa buntis 'to. Oa niyo."

"Medyo maselan sa pag bubuntis si Akisha. Pero makapit ang baby maselan lang kagaya nang pagsusuka at nahihilo kasi natural lang 'yon. Pero kaya mo ba?" aniya ni Tita Rita.

Tumango naman ako. "Medyo po." bigla naman akong nahilo ulit kaya bago ako matumba nasalo kaagad ako ni Maxwell.

"Fuck! Sa van kana namin sasakay!" pa sigaw n'yang sabi kasabay non ang panghihina nang tuhod ko kaya naramdam ko nalang na buhat na 'ko ni Maxwell nang bridal style pero gumilid muna ito.

"Kumalma ka natural lang sa buntis na mahilo at mahimatay." saad ni Tita habang naka pikit ako.

May nag paypay naman sa akin kaya nag mulat ako nang mata kasabay non ang pag kirot nang tyan ko.

"Dahil sa init kaya nahimatay siya. Hindi siya maselan dahil lang sa init." gulat na wika ni Tita.

"Umupo kalang. 'Wag ka muna tumayo." saad ni Tita Rita.

"Nagugutom na talaga ako kaya ako ganto. Ang sakit na nang tyan ko." Pag amin ko na ikina gulat nilang lahat.

"Hindi kaba kumain kanina?" saad nila.

"H-hindi."

"Bakit hindi ka kumain?! Alam mong buntis ka!" sigaw ni papa kaya napa yuko ako.

"Oo nga. Haystt, kaya pala nag kakaganyan ka!"

"Pinag alala mo kami sobra. Maski ngayon!"

"Kasalanan mo rin 'yan!" giit pa nang iba.

Medyo nagulat naman kami nang biglang kalabugin ni Maxwell yung poste na katabi niya.

Nakaya niya 'yon ehh... bakal 'yon.

Nasaktan kaya s'ya?

"Can you please stop blaming my, Wife?! It's all my fault kaya 'wag n'yong pag tulungan ang asawa ko! Minadali ko kasi siya kanina, kaya nakalimutan kong pag handaan nang makakain! Kaya kung aawayin at pag tutulungan niyo siya ako harapin niyo! Papapiliin ko naman kayo don't worry. Babarilin o pag sasakalin ko kayo hanggang sa malagutan kayo nang hininga!" usal nito kaya napa yuko ako.

Iniba naman ni Maxwell ang pwesto ko buhat na niya ako paharap habang ang binti ko naka pulupot sa bewang niya. "Let's go home. I'm sorry because i didn't prepare a breakfast to you. I'm so sorry to both of you." saad ni Maxwell habang papasok nang van.

"Minadali mo kasi ako eh...pinagalitan tuloy ako."

"Pag sasakalin ko pa 'yan gusto mo? Para hindi kana pagalitan." seryoso nitong wika kaya hinampas ko siya nang mahina sabay tawa.

"Baliw ka. Tyaka kasalanan ko rin kasi hindi ako kumain."

"Don't blame yourself."

Tumango naman ako kaya binalot na ulit nang katahimikan ang van.

Ilang sandali lang andito na kami sa loob nang mansion.

Nauna naman silang lahat bumaba. Nang ako na ang bababa aalalayan sana ako ni Maxwell nang biglang sumigaw si Kenneth.

"Ate si Archer!" agad naman akong napatingin sa pinto nang mansion nakita ko naman ang idol kong naka tayo nang tuwid habang may ngiti sa labi. Gwapo n'ya rin kaso hindi ko maitatanggi mas gwapo talaga si Maxwell pero si Archer talaga idol ko kasi palangiti at mabait. Si Maxwell kasi cold person na wala minsan emotion ang mukha kaya nakaka turn off.

Napa takbo naman ako kay Archer sabay yakap kaya naiwan si Maxwell na naka tunganga. "Oh my god. Nakita ko rin idol ko!" sigaw kong sambit.

Niyakap naman niya ko pabalik. "Uyy... ganda naman nang asawa ni, Kuya. Kaya pala binuntis ka kaagad." saad nito.

"Gwapo mo! Idol kaya kita kaysa sa Kuya mo!" saad ko tawa naman sila nang tawa lahat dahil si Maxwell naka kuyom yung kamao habang nakatingin sa amin.

"Kalma, Kuya. Nakita mo naman na siya unang yumakap. Pero inferness ang ganda at sexy nang asawa mo." He teasing said while he's nervous. Pa'no hindi kakabahan namumula na sa galit si Maxwell.

"Distance to my wife or i will kill you?" he said with husky and deep voice. Halata naman na seryoso ito sa sinasabi niya dahil sa expression ng mukha niya.

"K-kuya, I'm your brother." utal nito dahil sa banta ni Maxwell sa kaniya.

"Then? I don't care!" medyo napalayo naman ako kay Archer nang tignan ako ni Maxwell nang matalim.

Katapusan kona ata.

Grabi nakakatakot yung tingin niya.

Tyaka nakakatokot. Baka sigawan nanaman niya ako o baka saktan.

Hindi ko akalain na seloso pala siya. Kaya ata siya iniiwan kasi seloso.

Akala ko ba hindi niya ako mahal? Pero bakit nag seselos siya eh, niyakap ko lang naman yung kapatid n'yang si Archer pero akala niya aagawin ako nang kapatid niya.

Kikiligin naba ako kasi nag seselos siya?

Comment