Chapter 22

"Beh." medyo bulong ni Monica kaya dahan-dahan akong nag angat nang ulo.

"H-hello, good morning." nahihiya kong wika sabay ngiti nang peke.

"T-tulog si, kuya?" utal na tanong ni Archer.

"Opo, h-hubby gising!" saad ko sabay yugyog sa kaniya.

"Ngayon lang ako nakatulog kaya please mamaya na." saad ni Akhiro sabay yakap sa akin.

"May pasok kapa,"

"I know. Five minutes." sabay higpit nang yakap nito sa akin, pinatong naman niya ang ulo nito sa ibabaw nang suso ko.

"Kaylangan 'tong malaman nang doctor ni, Akhiro." saad ni Tita Issa sabay kuha nang cellphone nito sa bag.

Nag lakad naman palayo ito kaya napa tingin ulit ako kay Akhiro na nakanganga.

Hindi daw siya inaantok pero nakanganga. Bawing bawi sa tulog.

"Akhiro!" sigaw ko.

"Haystty." nagulat naman ako nang ilagay niya ako sa ibabaw sabay upo nito.

"Ngayon na nga lang nakatulog gigisingin niyo pa! Pake ko sakanila? Atlis kahit tulog pogi ako!" saad nito kaya tinampal ko.

"Baka nananaginip kapa." dahilan ko kaya huminga nalang ito nang malalim.

Baka rinig naman kaki bigla nang pag basag at isang tunog nang isang kawali kaya nataranta kami dahil parang nawala sa sarili si Akhiro kaya napalayo ako.

Nag takip naman ito nang tenga sabay angat nang tuhod nito at doon pinatong ang ulo.

"No! 'Wag, maawa ka!" sigaw nito kaya naiiyak ako sa sobrang troma nito.

"Kuya, kumalma ka!" sigaw ni Monica habang umiiyak.

Walang nag babalak na may lumapit dahil sumigaw sila Tita, tito na wag daw lalapit dahil baka manakit at dahil natakot akong masagi niya ang tyan ko nakatingin lang ako sa kaniya.

Gusto ko s'yang lapitan kasi natatakot ako.

Anong gagawin ko?

"Anak, kumalma ka." mahinahon na wila ni Tita habang naka takip ang kamay niya sa bibig dahil umiiyak narin ito.

"No! W-wala a akong ginawa sa inyo. Wala akong ginawa, sila mom 'yon!" sigaw nito habang umiiling.

"H-hubby...." iyak kong tawag sa kaniya dahan-dahan naman akong nag lakad. Hindi ko kayang makita s'yang nag hihirap.

Kahit may takot sa loob ko kakayanin ko 'to!

Pero malapit na 'ko sa kaniya nang biglang hawakan ako nang mga lalaki.

"Bitawan niyo ko!" piglas ko pero napaka dami nila hindi ko kaya ang lakas nila.

"Baka saktan ka niya. Wala siya sa sarili ngayon. Masasaktan niya kayo!" tumingin naman ako kay Akhiro sabay tingin ulit sa kanila.

"Kaylangan ako nang, asawa ko. Kaya please pakawalan n'yo ko!" pag mamakaawa ko.

"Hindi pwede!" sigaw ni Archer.

"Kung sa inyo kaya n'yong tignan nan nagkakaganyan siya pwes ako hindi, kaya pakawalan niyo ko. Hubby!" sigaw ko pansin ko naman na unayos nang upo ai Akhiro, pero ang mga kamay niya nasa tenga parin habang nailing.

"Don't hurt her!" sigaw bigla ni Akhiro gamit ang napaka lalim na boses na hindi mo makikilala na boses iyon ni Akhiro. Napa bitaw naman sila kaagad sa akin.

Nang malapit na 'ko sa kaniya sumigaw ulit 'to. "Maawa kayo! Pabayaan niyo na 'ko! P-pagod na 'ko sa buhay kong ganto!" sigaw niya hahang nanginginig ang mga braso.

"Please....pakawalan niyo na ako sa t-troma ko! Kalimutan niyo, kalimutan niyo!" pag kausap nito sa sarili kanina pa kaya napa hagulgol nalang ako sa pag kaawa.

Sa ilang years s'yang na troma laging s'yang ganto?

Bakit parang grabi ang nangyayari sa kaniya?

Bakit?

Balak lang naman s'yang patayin nang dalawang beses pero bakit sa kaniya napaka lala non? Bakit hirap na hirap s'yang kalimutan ang pag banta sa kaniya.

Comment