Chapter 16

Nasa loob naman na kami kumakain.

Habang tahimik akong kumakain may biglangmay nag salita kaya napa angat ako nang ulo. "Bakit po, Tita?"

"Okay kalang ba, ija?" tanong ni Tita Issa.

"Okay lang po ako."

"Sige tapusin mona 'yan matulog ka muna gigisingin ka nalang namin pag nandyan na ang asawa mo." saad ni Tita Jack.

"Opo. Tita, pwede bang umuwi po muna ako kila mama?" aniya ko na ikina gulat nila.

"Bakit naman, ija? May problema ba?" tanong nila na ikina ngiti ki nang peke.

"Papahinga lang po ako nang ilang weeks sa bahay. Medyo na i-istress po kasi ako sa Anak niyo baka mapano po ang anak ko." paliwanag ko na ikina tango nila.

"Alaga naman kita, ija. Kahit stress ka healthy parin ang baby mo." ngumiti naman ako sabay hawak sa tyan ko.

Mabuti naman kung ganon.

"Payag naman kami pero ang asawa mo parin ang masusunod. Try mong mag paalam sa kaniya, kaylangan n'yang malaman muna 'yon bago ka umuwi kasi asawa mo siya." mahinahon na wika ni Tita

"Pero alam kong hindi po ako papayagan non." aniya ko.

"Wala kaming magagawa, ija. Asawa mo siya." tumayo naman kaagad ako dahil natapos na ako sa kinakain ko.

"Sige po, hintayin ko nalang po si Akhiro." bigla naman hinawakan ako sa kamay ni Mich.

"Gaga ka talaga kaya ka kinagat nung nakaraan ehh... kasi tinatawag mo s'yang, Akhiro." natatawang wika ni Mich kaya natawa rin ang iba.

"Bakit anong masama don?"

"Ayaw n'yang tinatawag s'yang, Akhiro. Nagagalit s'ya kasi ayaw niya 'yung second name niya kahit ang ganda naman." paliwanag nito.

"Hayaan mo siya basta mas bet ko, Akhiro itawag sa kaniya. Hindi kona pala siya hihintayin bago na isip ko." saad ko.

"Ayaw pa naman ni kuya na hindi tinutubad 'yung pangako. Tyaka maganda sa pakiramdam pag uuwi agad yayakapin nang asawa, nakakawala nang pagod." aniya nito Archer kaya nag bago na isip ko ulit.

"Sige na nga. Gisingin niyo nalang po ako pag andyan na siya, kahit galit ako sakaniya." usal ko nag lakad naman na ako paakyat.

Nang maka akyat ako sa kwarto agad akong humiga at nag taklob nang kumot.

Magiging cold person ako mamaya sa kaniya.

Bahala siya. Nakaka inis siya iniwan niya 'ko!

Hindi ko naman namalayan na nakatulog na 'ko sa pag iisip ko.

*Tok*

*Tok*

"Beh, malapit na daw sa mansion ang asawa mo!" medyo sigaw nito kaya rinig na rinig ko ang sinabi.

Agad naman akong bumabangon at nag toothbrush nang mabilis at agad na inayos ang damit.

Nang matapos ako sa sarili ko bumaba ako.

Agad naman akong lumabas nang makarinig ako nang busina. Napangiti naman ako nang patago nang makita ko sa loob nang Lamborghini na kotse si Akhiro na nakangiti kahit halata sa mukha ang pagod.

Nang maka labas ito sinalubong ko siya sabay pinahubad ko siya nang coat niya.

"Good evening, baby." naka ngiti nitong wika sabay pulupot sa bewang ko. "Nakakawala nang pagod pag niyayakap mo 'ko." Hahalikan naman niya sana ako pero pumiglas na ako sa pagkaka yakap nito sa akin.

"Baby." tawag nito pero patuloy parin ako sa pag lalakad papasok.

Naka,salubong ko naman si Manang norma. "Manang pa patong naman po nito sa kama nang kwarto namin. Thank you." naka ngiti nitong wika.

Nag lakad naman ako papuntang kusina pero pansin ko si Akhiro na naka sunod parin.

Kumuha naman ako nang baso at pumunta sa ref, kinuha ko naman 'yung gatas at nag lakad sa lamesa kung saan naka patong 'yung gatas.

Habang nag sasalin ako nang gatas naramdam kong may yumakap sa likod ko sabay siksik nang ulo nito sa leeg ko kaya bawat hinga nito kinikilabutan ako dahil sa mainit nitong hininga.

"Baby, pagod na 'ko wala na 'kong lakas. Pwedeng mag pahinga na tayo." walanggana nitong wika na halata talagang pagod.

Naawa ako pero hindi ko parin siya papatawarin.

"Pahinga ka. Nakabukas 'yung pinto matulog ka kung gusto mo!" usal ko.

"Gusto ko katabi kita. Sorry na nga ehh..." pagod nitong sabi.

"Kanina nag sorry ako pero anong ginawa mo? Iniwan mo 'ko, akala ko pa naman bababa ka pero tinawag mo sila Tita!" sigaw ko.

Hinamas naman nito ang tyan ko habang nasa likod ko parin siya. "Calm down, don't shout baka mapano ka." pag aalala nitong wika.

Sinong hindi magagalit pinaasa niya 'ko.

Uuwi talaga ako sa amin. Ewan ko lang talaga.

Kahit pigilan niya 'ko bahala siya!

Comment