Chapter 13

"Baby, why are you sitting there?! Tiles 'yan malalamigan ka!" sigaw nito sabay pwesto sa gitna nang dalawa kong binti.

Hinawakan naman niya ang bewang ko.

"Gusto ko dito." pag mamatigas ko.

"Napaka kulit mo!" nag kunyari naman akong uminom nang gatas.

"Good." saad nito pero nawala ang ngiti nito nang mapalingat ito sa likod nang oven toaster.

Shit!

Lagot na, nakita niya na.

Tumingin naman ito sa akin nang matalim. "Balak mo bang patayin ang anak ko?! Juice tyaka gatas inumin mo nang sabay, tangina!" sigaw nito sabay kinuha 'yung baso sa likod nang oven toaster.

Padabog naman nito binaba 'yung baso kaya medyo natakot ako.

"Tangina naman, akala ko ba pinag usapan na natin 'to?!" nangingilid naman na ang luha nito.

*Bogshhh*

Tunog nang pag sipa nito sa isang upuan. "H-hubby, hindi ko naman pinag sasabay. Display lang 'tong gatas." utal kong paliwanag.

"Display pero ininom mo kanina 'yung gatas!"

"Hindi ko ininom 'yon." itatapon naman niya sana nang hawakan ko siya.

"Hubby, 'wag sayang?!" pag pigil ko dahil itatapon niya sana 'yung baso na may gatas.

"Why?"

"'Wag mong itapon sayang. Ilagay mo lang sa rep, iinumin ko nalang mamayang umaga."

"Huh? How?"

May naka sabit naman sa likuran kong plastic labo tyaka goma. "'Yan taklob mo ta's lagyan mo nang goma." sinunod naman niya 'yon kahit na pansin sa mukha ang pagkaka inis.

"Okay na! Kaasar ang daming kasambahay ako inuutusan mo!" maktol nito.

Napansin ko naman na ubos ko na 'yung cake kaya yumakap ako kay Maxwell. "Palagay nga po sa lababo, hubby." bata kong wika.

Huminga naman ito nang malalim bago kunin 'yung plato.

"Galit ka?" mapang asar kong saad.

"What do you think?"

"May trabaho kapo ba ngayon?" pag iiba ko nang usapan. Ayoko na muna nanggulo.

"Yep."

"Anong oras uwi mo?"

"Eight o'clock, madami kasi akong pinipirmahan." paliwanag nito.

"Ahhh...ganon ba. Bakit pala hindi kapa natutulog?" tanong ko dahil halatang halata na puyat ito. Pero pogi parin.

"Malalaman mo rin pero ayokong sa akin mo mismo malaman. Gusto ko malalaman mo 'yung bagay na 'yon pero sa ibang tao galing. Baby, pwede bang timplahan mo 'ko nang kape?" mahinahon nitong wika habang naka patong na ang ulo nito sa balikat ko.

"Sige, hindi narin naman ako matutulog. Aakyat ko nalang po sa taas."

Tatalikod naman na sana ito nang hawakan ko s'ya. "Akin na nga 'yang orange juice ko. Nauuhaw na 'ko." usal ko, nang akmang kukunin ko na sa kamay niya nang iiwas niya kaya napa simangot ako.

"Ano ba! Akin na. Kalahati na nga lang 'yan ayaw mopa paubos sa akin, nasasawa na kasi ako sa Gatas!" paliwanag ko habang inaabot.

"Hindi..." namilog naman ang mata ko nang biglang inumin niya lahat nang juice.

"H-hubby..." naiiyak kong tawag sa kaniya pero nagulat nalang ako nang biglang sunggaban niya 'ko nang halik sabay pasa nito nang juice sa akin, naramdam ko naman na buhat buhat na niya ako kaya napa kapit ako sa leeg niya.

May gulat man sa ginawa niya nilulunok ko dahan-dahan lahat nang juice na pinapasa nito sa akin.

Mas lalo naman lumalim ang paghahalikan namin nang wala nang juice sa bibig nito.

Habil hininga naman ito nang mag hiwalay kami. "Chansing karin ehh...noh!" tumawa lang naman ito samantalang ako namumula sa hiya.

"Sarap. Akyat na 'ko para matapos kona kaagad 'yung power point. Para narin maka tabi kita saglit bago ako pumunta nang trabaho." saad nito sabay halik sa nuo ko sabay binaba ako nang dahan-dahan. Hinawakan naman niya ang tyan ko at hinimas iyon saglit bago siya tuluyang umalis.

Lalakad naman na sana ako nang bigla sumigaw ito. "Baby, ingat ka sa pag akyat mo!" sigaw nito kaya napangiti ako.

"Opo!" sigaw ko pabalik.

Mabilis lang naman ako nakapag timpla nang kape ni Maxwell dahil may coffee maker.

Nang matapos ako kumuha ako nang platito para ilagay ang baso na may lamang kape.

Nasa hagdanan naman na ako nang 3rd floor nang biglang naka isip ako nang kalokohan.

Prank ko kaya siya na nadulas ako?

Ano kayang reaction niya?

Kakabahan kaya siya?

Good luck sa prank ko baka pag sesermonan nila akong lahat.

Comment