Chapter 33

May nag hampas naman sa akin sa pwetan ko kaya napa inda ako.

"Aray ano ba 'yon?!" inda ko.

"Don't mind that. Baka makasama sa anak ko." aniya nito nang ibubuka kona sana ang bibig ko nang hatakin niya ang bewang ko palapit sa kaniya sabay tingin kila Tito.

"What time is it?" pag iiba nang usapan ni Maxwell.

"Mag s-seven na hindi lang halata." saad ni Archer habang nakatingin sa oras na naka sabit sa counter.

"Let's go." saad nito na ikina taka namin.

"Huh? Saan?" mga tanong namin.

"Mall!" banas n'yang wika sabay lakad nito papasok nang van.

Sumunod naman kami sa kanya.

Nang maka baba kami agad kong hinawakan sa laylayan nang damit si Maxwell kaya nilingon niya ako.

"Hubby, nasa akin 'yung pera mo. Paano ka bibili? Eto ohh..o" medyo bulong kong wika dahil nahihiya akong malaman nilang nasa akin ang wallet niya. Baka sabihin sa akin nilang lahat pineperahan ko si Maxwell.

Inabot ko naman sa kaniya pero umiling ito. "I don't need that. I still have a one wallet." malamig na wika nito kaya napatingin sa akin silang lahat at ngumiti.

"Nasayo pala 'yung isang wallet. Kaya pala hindi ko nakita sa isang bulsa nang pants niya." naka ngising aniya ni katty.

"Oo ehh..." sabay kamot sa ulo.

"Sana all, daming pera n'yan." sabay halakhak nito kaya tumawa nalang din ako. Nakakahiya naman kung hindi ako tumawa edi napahiya siya.

Habang naka hawak ako sa brasi ni Maxwell bigla akong napa urong at napahawak sa tyan ko dahil biglang may babaeng naka pasok sa harang nang guard habang dala ang anak.

Niyakap naman nito si Maxwell nang biglaan kaya napaawang ang labi ko sabay hawak sa tyan ko.

Pero lahat 'yon napalitan nang takot at lungkot dahil nasa harapan ko mismo ang ex-girlfriend ni Maxwell.

"Akhiro, i miss you!" sigaw nito na ikina bulong nang mga taong naka libot sa amin.

"Ha-luh 'yung ex ni Maxwell si Ricca." saad nito na ikina laki nang mata ko dahil tama sila siya 'yung babaeng nakita ko sa frame.

"B-baby." saad ni Maxwell na ikina hina ko nang sobra.

Totoo ba ang narinig ko tinawag n'yang baby si Ricca na call sign namin ni Maxwell?

Bakit? Bakit ganto ang nangyayari?

Ang sakit parehas na silang may pamilya. Si Ricca may anak na sa ibang lalaki, si Maxwell may anak na kami pero mahal parin nila ang isa't isa.

Sabi na ehh... minahal niya lang ako dahil nabuntis niya ako tyaka nung iniwan siya andito ako sa tabi niya.

Ang sakit sa part na kita mo harap harapan ang asawa mo may kayakap, ex pa talaga. Ang pinaka malala call sign namin call sign din nila ni Ricca.

Kaya din pala ayaw n'yang tinatawag s'yang Akhiro dahil tawag pala sa kaniya nang ex niya. Pero bakit sabi nila ayaw lang ni Maxwell na tawagin s'yang ganon napapangitan siya maski si Maxwell sabi niya rin.

Pero bakit ngayon rinig nang dalawa kong tenga ang pagtawag ni Ricca kay Maxwell?

Comment