29


"Anong sabi ni Dad? Nasaan na raw sila?" tanong ni Kuya habang nakapatong ang kaliwang siko sa bukas na bintana at ang kanang kamay ay nasa manibela.

"He's not responding yet. Baka nasa flight pa sila," usal ko habang nire-refresh ang messenger.

We're on the way to airport to pick up our parents, but it happens to be traffic.

Well, ano pa nga bang bago eh ganito naman talaga lagi sa Pilipinas.

Umalis na nga kami nang mas maaga para hindi kami abutan ng mabagal na daloy ng trapiko, pero wala pa rin.

Mas mahaba pa 'yong oras na naka-stuck kami sa daan kesa pagmamaneho ni Kuya papuntang NAIA.

***

I sighed in relief when he successfully parked his car. Finally.

"They'll be arriving at what terminal?" tanong ni Kuya habang naglalakad kami, dahil sabi ni Daddy, hintayin na lang namin sila sa labas.

"Terminal 3," I answered.

Mabilis kong ibinalik ang cellphone sa bag ko nang tuluyan na namin silang matanaw sa may 'di kalayuan.

I smiled from ear to ear while walking towards their direction. It's been a week since they left. I missed them.

"Welcome back, Mom and Dad," ani Kuya saka hinalikan sa pisngi si Mommy at nagmano naman kay Daddy. I also did the same thing.

"You look thinner than last time, Thatcher. What happened?" tanong ni Mommy ng may pag-aalala.

Kuya scratched his nape. "The usual, Mom. Busy. I don't have time to eat much."

"Sinabi ko naman sa 'yong kalusugan muna ang unahin mo bago ang lahat. Your health's more important," pangangaral nito sakaniya.

"I'm sorry. I'll keep that in mind po."

"Ikaw, Louella? How are you?"

"I'm perfectly fine, Daddy. Kayo po?" sagot ko at binigyan siya ng isang tipid na ngiti.

"Work's very tiring. But when I saw you earlier, smiling at me, all of my stress and tiredness vanished," he said before ruffling my hair.

I chuckled. "You're overreacting, Dad."

"No, I'm not," natatawang depensa niya.

"Anyway, kumain na ba kayo?"

"Not yet, Dad. Napagkasunduan kasi namin ni Louella na sa labas na lang kumain para sabay-sabay tayo."

"Para rin po diretso pahinga na lang tayo 'pag-uwi ng bahay."

"Okay. So, where do you want to eat?"

Kuya shrugged. "I have nothing in mind. Kayo na po ang bahala."

"How about you, Louella?" I inhaled sharply because Mom suddenly called me.

Thought she's going to ignore me since we're not yet completely okay.

Lumabi ako at sandaling sumulyap kay Daddy na ngayon ay malawak ang ngiting tumatango sa akin.

"Kahit saan po," tanging nasabi ko.

"May kainan bang kahit saan ang pangalan? Never heard of that," aniya.

I pouted, "Mommy naman."

Mas lalo akong napanguso nang sabay-sabay sila magsitawanan.

At dahil wala kaming ibang maisip kung saan pwedeng kumain, nagdesisyon na lang kaming mag-manam.

"How's your stay at the orphanage?" Mommy asked while we were eating.

That made me stop from chewing.

Sana naman hindi nila ako pagalitan dahil tapos na 'yon. Nakauwi rin naman ako ng ligtas at maayos, kaya nga nandito ako ngayon.

"Ayos naman po. They were kind enough to let us stay there for one day," I replied after sipping on my iced tea.

"Maaga rin po kaming umalis kinabukasan dahil may pasok pa ang lahat."

"Nag-enjoy ka naman ba?"

I nodded twice. "Yes po, Daddy. Sobra."

The fact is, it became one of the most memorable moments in my life, that I will treasure forever.

Ang mga ngiti at tawa nila na puno ng saya na tila ba walang iniindang problema, ang walang humpay na pasasalamat, at ang mga pabaon nilang kuwento na nagpalambot sa puso ko.

Masaya ako na nakilala, natulungan, at napasaya namin sila. And I guess, that won't be the last time na magkikita kami.

'Cause I'll surely visit them, again. Kahit pa mag-isa na lang akong pupunta.

"Glad to hear that," saad ni Daddy.

"Hindi po kayo galit?"

"Nope. We were just worried dahil iyon ang unang beses na sa ibang lugar ka nagpalipas ng gabi tapos wala pa kami ng Mommy mo sa tabi mo."

"Pero alam naman naming para sa kapakanan at kaligtasan niyong lahat ang desisyong 'yon. And we trust all of you. Especially you, Louella."

Comment