24


Aligaga ang karamihan sa 'min dahil sa rami nang ginagawa. Narito kasi kami ngayon sa Angels Refuge for the outreach program na nakasanayan na naming gawin, isang beses kada taon.

Tatlong estudyante bawat strand lang ang pwedeng sumama at mga faculty members ang namimili nito.

Every year, iba't-ibang orphanage ang pinupuntahan ng school namin para magbigay nang tulong at saya.

Kung minsa'y bumibisita rin sila sa mga home for the aged pero madalas talaga ay sa mga orphanage.

And this will be my second and last time na makasasama rito dahil next school year ay tutungtong na kaming kolehiyo.

Pero hindi naman doon magtatapos ang pagtulong ko. I can still help by giving donations such as clothes and foods.

"Need some assistance?" tanong ni Grenache habang inaayos ko ang mga pagkain na ipamimigay namin.

"If it's fine with you," nakangiting sabi ko. She nodded as a mean of response bago ako tinulungan.

Grenache Oespertine's the president of whole HUMSS STRAND. She's kinda intimidating, they say. But not for me.

She's very kind and reliable. A great role model for everyone, I must say.

Mukha lang siyang masungit dahil parating nakakunot ang noo at bihira lang din makipaghalubilo, katulad ko.

"We'll start in 10 minutes," anunsyo ni Mrs. Banquiles saka lumapit kina Mother Cessiana, na nagsisilbing tagapamahala ng bahay-ampunan.

I roamed my eyes around the place. There are 48 orphans. Their age ranges from three to eleven years old.

Nang tanungin namin kung bakit gano'ng edad lamang ang tinatanggap nila, ang paliwanag nila'y dahil takot silang mag-alaga nang mas bata at mahirap namang kontrolin kapag lagpas na sa edad labing-isa.

Hindi naman namin sila masisisi kung iyon ang pamantayan nila, dahil sila naman ang nag-aalaga sa mga bata.

Naagaw ang pansin naming lahat nang makarinig ng isang matinis na boses.

Isa itong batang babae na patakbo at humihikbing lumapit sa 'min.

Her hair's in pigtail. May hawak itong pink na manika sa kanang kamay at barya naman sa kaliwa.

Taranta siyang sinalubong ni Mother Cessiana at sinubukang patahanin, ngunit mas lalo lang itong ngumawa.

"Gladeline, marami tayong bisita. Nakakahiya sakanila, ano ka ba."

I walked towards their direction. Naisipan ko nang tumulong dahil walang makapagpatahimik sa bata.

Nagtatakang tumingin si Mother Cessiana at Sister Ivory sa 'kin nang makalapit ako ngunit agad din naman silang tumabi matapos mapagtanto kung anong balak ko.

Lumuhod ako para pantayan ang taas ng bata. "Why are you crying?" tanong ko, pero imbes na sagutin ay mas lalo lang lumakas ang iyak niya.

My nose wrinkled. Kung minsan talaga'y hindi ko maintindihan ang mga bata. 'Pag pinabayaan mo, magwawala. Kapag naman inalo mo, iiyak lalo. I don't know if ganito rin ba ako nung maliit ako or what. Sana naman hindi.

Sunod-sunod ang naging pagkurap ko nang lumapit si Kejadian at marahang binuhat si Gladeline. He hushed her.

I almost drop my jaw when the kid immediately stopped from crying. She even wiped her tears while looking at the man who lifted her.

"Anong gusto mo? Sabihin mo at ibibigay ni Kuya," nakangiting saad ni Kejadian. Inayos pa nito ang nagulong buhok ng bata.

Her face brightened, "Ice cream."

"Naku. Sabing hindi ka pa nga pupwedeng kumain ng sorbetes dahil hindi ka pa nakain ng kanin," pagtutol ni Sister Ivory.

"Ganito na lang. Bibilhan kita ng ice cream, but promise me na kakain ka muna ng kanin. Deal?"

Matagal bago nakasagot si Gladeline ngunit kalauna'y tumango rin.

"Okay po, Kuya pogi," anito saka bumungisngis. Kejadian smiled widely.

Kita ang maingat na paghawak niya sa bata, na tila ba sanay siya sa ginagawa. Nakakamangha. Paanong pati sa pag-aalaga ng bata ay magaling siya?

"Anong flavor ang gusto mo?"

"Chocolate!"

"Let's buy chocolate ice cream, then," he said bago sila naglakad paalis.

Habang tinitingnan ang bulto nilang papalayo, isang katanungan ang sumagi sa isip ko.

He's good-looking, smart, talented, kind, gentleman, and is good at handling kids. He almost had everything! May bagay pa ba siyang hindi kayang gawin?

Comment