03


Today is Saturday. Meaning to say, no classes. Pero dahil may project kaming kailangang tapusin, heto ako ngayon at nag-aantay sa mga Pilipino kong kagrupo.

I woke up at six just to make sure that I would be here by 8 dahil alas otso ang kitaan, ayon sa napag-usapan.

But look at the time, it's past nine already.

Kung alam ko lang na magiging ganito, alas onse na sana ako pumunta.

Sa sobrang inip ay muli kong binuksan ang cellphone at nagtipa ng mensahe sa gc.

"I'll give you 30 more minutes. Please be here by that time. Thanks."

Marahan kong minasahe ang sentido. Next Tuesday na ang pasahan nito pero tila hindi ito alintana ng mga kasama ko.

I am not a fan of cramming. Ayaw ko nang minamadali ako sa mga bagay-bagay. Lalo na kapag mahaba ang proseso, gusto kong nasisimulan agad para masigurong maganda ang kalalabasan.

"Sorry for being late, Ianthe. Nagkaroon kasi ng emergency sa bahay," hinihingal na sabi ni Aquisha saka naupo sa tapat ko.

I flashed a smile. "Naiintindihan ko."

"Anong oras daw darating yung iba? Late na nga ako, mas late pa sila."

"Dewei and Maesyn are on their way, they would be here any minute soon. While there's no update from Suzette."

Hindi rin nagtagal ay magkasunod na dumating ang dalawa samantalang halos isang oras pa ang inantay namin bago dumating si Suzette.

"What took you so long?" salubong ang kilay na tanong ni Aquisha sakaniya.

"Ahmm. Sorry, late kasi akong nagising then traffic sa daan, kaya ayon."

"Tapos may gana ka pang mag-starbucks?" sarkastikong sambit ni Aquisha, pertaining to a cup of coffee that Suzette's holding.

Kumunot ang noo ni Suzette bago tinanggal ang suot na shades.

"So what? Pare-parehas naman tayong late rito except Ianthe. Mas matagal pa nga yung pag-aantay niya kesa sa 'yo pero wagas ka kung makareklamo. The audacity."

"Hey. Stop that, will you?" pag-awat ni Dewei at marahang hinila paupo si Suzette.

I heaved a sigh, "There's no point in arguing. All we need to do right now is to start moving. Aware naman siguro kayo kung kailan ang deadline nito, hindi ba?"

Mabilis silang nagsitanguan.

"Now, did you bring the materials?" tanong ko at binalingan ng tingin si Suzette.

Nanlaki ang mata nito, "OMG, I forgot!"

Ilang segundo akong natutop sa kinauupuan bago pilit na ngumiti sakaniya, "That's okay. Bumili na lang tayo mamaya, may malapit namang store dito."

"Sa ngayon, pagdesisyunan muna natin kung anong magiging design ng project. I printed some samples na pagpipilian niyo. If wala naman kayong magustuhan ni isa sa mga 'to, pwede kayong mag-suggest." usal ko bago inilabas ang mga disenyo.

"I like this one. Simple yet eye-catching," kumento ni Maesyn sa pangalawang gawa ko that has a mixture of black and white color.

"Mas prefer ko ang isang 'to." Turo naman ni Dewei sa may purple design.

"I agree with Maesyn. This one's pretty impactful despite the color. I mean, black and white's not that lousy combination, all right. It's just too simple compared to others. But in overall, this design caught my attention so I'll go with this," mahabang paliwanag ni Aquisha.

"How about yo—" umangat ang kilay ko nang makitang wala sa amin ang atensyon ni Suzette. Nakatutok ito sa cellphone niya't nagtitipa habang tumatawa.

"You can talk to your friends after this, Suzette," sambit ko.

"I'll go with the yellow one," aniya habang ang mga mata'y nasa cellphone pa rin.

I pursed my lips, "There is no such color."

Sandali siyang nahinto bago sumulyap sa mga papel na nasa lamesa.

"Sorry. I meant, the Aqua."

I heard Aquisha clicked her tongue before murmuring something.

"We only have short amount of time to finish this project, kaya dapat wala tayong inaaksaya na oras. Alam niyo naman sigurong hindi tayo nagtipon dito para gumawa ng sariling mundo o mag-solo."

Doon lamang natinag si Suzette. Padabog niyang inilapag ang cellphone sa lamesa at inis akong tiningnan.

"What's with the attitude? Sinabi ko na sainyo kung anong design ang gusto ko, diba? Ano pang problema niyo?"

"Where is your manners? We're infront of important matter yet you're busy chitchatting with someone," I retorted.

"Wow. Big deal?" may panunuya sa tanong niya. My eyes narrowed a bit.

I've been extending my patience all these hours but I don't think I can take this anymore.

"Since you guys voted me as the group leader, sa tingin ko naman ay may karapatan ako para sabihin kung anong dapat gawin, at kung sinong tatanggalin."

"E-excuse me?!"

"This is not acceptable. I'll tell Mrs. Chua about this," nanggagalaiting sabi niya.

"The word came from her, actually. Go and ask her if you don't believe me."

Comment