19


"Louella Ianthe Xelouvilla, with high honors and with an average score of 96. Congratulations!" masigabong nagpalakpakan ang mga kaklase ko't mga magulang nito, matapos ianunsyo na ikalawa ako sa may pinaka-mataas na grado sa buong klase.

Mabilis akong lumapit sa Adviser namin para kuhanin ang certificate at masabitan ng medal. I smiled timidly after that.

Even without my parents, I can still able to get those, hindi nga lang kasama ang grades ko.

"Let's take a picture," ani Mrs. Banquiles kaya tumango ako at humarap sa taong nagsisilbing photographer namin. Every recognition, parating ito ang kumukuha ng mga litrarto namin kung kaya't hindi na siya bago sa paningin ko.

He took three shots that made my brows furrowed. Sa lahat ng estudyanteng naririto'y ako lang ang kinuhanan niya ng tatlong litrato. Sa iba'y tig-iisa lang naman.

"Where's your parents, Ianthe?" takang tanong ni Maesyn habang naglalakad ako pabalik sa upuan ko.

"Nag-out of town. May business trip kasi sila," I replied. Tumango naman ito bilang pag-intindi.

"Now, let's proceed to the consistent top 1 of the class. Congratulations to Kejadian Rimanov for having an average score of 97.90!" malawak akong ngumiti bago pumalakpak.

He deserved that. He's the only one deserving for that spot.

Sabay na nagpunta sa unahan si Kejadian at ang Mama niya.

His Mom looks ethereal despite her age. Nakasuot ito ng summer dress na bumabagay sa mapusyaw nitong kulay at magandang hubog ng katawan. I think we're almost the same height dahil hanggang leeg lang din siya ng anak niya.

Hindi maipagkakailang mag-nanay nga sila dahil parehas mukhang modelo. Now, I wonder what does his Dad looks like. I bet he's gorgeous, too.

I was busy looking at Mrs. Rimanov when Kejadian's eyes landed on me. I gasped loudly. What the hell?

Sandali lang naman ang itinagal no'n ngunit pakiramdam ko'y naubusan na agad ako ng hangin sa katawan.

Kagaya naming mga nauna'y binigyan din siya ng sertipiko't medalya. But instead of wearing it, he put it on his Mom's neck, na palagi niyang ginagawa.

"Pwede po bang mag-request pa ng another shot? I'm willing to pay," anang Mama ni Kejadian.

Sunod-sunod ang pasasalamat nito nang pumayag ang photographer at sinabing libre lang ang pagpapakuha ng litrato.

Napaamang ako at nalilitong nagpapalit-palit ng tingin kay Kejadian at sa Mama niya nang tawagin ako nito, "Halika hija, sumama ka."

Sumenyas pa siya para palapitin ako.

I nervously gulped. This is so sudden. A picture with them? For what reason?

Is it out of pity dahil wala akong kasama ngayon or she's just being kind?

Inilibot ko ang paningin sa buong classroom at napagtantong lahat ng atensyon ay nasa amin. Oh please, I hate being center of attention.

"Ma..." ani Kejadian at hinawakan sa braso ang ina. Umiling pa ito senyales na tutol siya nais gawin ng Mama niya.

Sighing, I walked hesitantly. Ayaw ko namang isipin nilang nag-iinarte ako at parang picture lang, hindi ko pa mapagbigyan. Plus, she seems too nice to reject.

I automatically bowed my head as soon as I came in front. "Hello po."

Lalong lumawak ang ngiti nito at marahang hinila ako palapit sakaniya.

"You're so pretty," she said that made my lips parted. Uminit rin ang pisngi ko.

I saw how Kejadian licked his lower lip before mouthing, 'Are you okay?'

Nag-thumbs up ako bilang sagot saka tipid na ngumiti.

Bakas pa rin sa ekspresyon nito ang pagkabahala pero wala na itong nagawa nang dumikit ako sa Mama niya bilang paghahanda sa pagkuha ng litrato.

"At the count of three, two, one, smile!"

Nang matapos ay masayang humarap ang Mama ni Kejadian sa 'kin.

"Congratulations, hija. You did a very great job," aniya.

"Thank you po," nahihiyang sambit ko.

"Where's your parents, by the way? Sinong kukuha ng grades mo?" that question got me frozen for a second.

"Nasa business trip po sila," mahinang sambit ko.

"Ma, saan ka pupunta?" kunot-noong tanong ni Kejadian nang damputin ng Mama niya ang maliit na bag nito.

"Tatawagan ko ang Kuya mo. Ang sabi niya kasi sa 'kin kanina, sasandali lang siya sa Cafeteria, eh halos isang oras na hindi pa rin bumabalik."

Oh... he has a brother?

"Gusto mo po bang hanapin ko na lang sa baba?" mabilis itong umiling saka siya binulungan.

Kalauna'y tumango si Kejadian at saglit akong tiningnan. "Okay po. We'll wait for you here."

Comment