04


Hindi ko tinanggal si Suzette dahil sa gusto ko lang. I removed her from the group 'cause it seems like she doesn't want here.

Pinalagpas ko ang pagiging tatlong oras niyang late. Ang pakikipag-talo niya kay Aquisha kahit siya naman ang mali. Inintindi ko rin ang pagkalimot niya sa mga materials na pinaka-importante sa lahat.

The other 3 members agreed to remove her from the group, so she had no choice.

She even cussed us before leaving the Café. "Damn you all."

Kasunod no'n ay ang pag-alis niya sa gc.

Maesyn can't help but to shake her head.

"Hindi ako magaling sa sagutan eh, sasampalin ko na nga lang sana diretso buti napigilan ko sarili ko," aniya na ikinatawa naming lahat.

Habang nasa daan pauwing bahay ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Fyearie.

Siya ang kauna-unahang taong tumawag sa bagong cellphone at numero ko.

"Why?" bungad ko.

"Are you busy? Samahan mo ako, dali!" excited na sabi niya mula sa kabilang linya.

"Saan na naman ang punta mo?"

"Well, someone invited mo to a party and I heard, Arjem's invited too!"

"So? What does it have to do with me?"

"Duh. Of course, I need some chaperon."

"You know that I hate crowded place."

"Kahit ngayon lang, please? Atsaka, hindi naman bar ang pupuntahan natin, it's just a house party," pangungumbinsi pa niya.

"Mom will not allow me. Galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon."

"Ako na ang bahala sa parents mo. Malakas kaya ako sakanila."

Malalim akong bumuntong-hininga. Kahit anong idahilan ko, wala talaga akong takas sa isang 'to.

"Curfew ko na ng 8. Baka sa mga oras na 'yon, papunta pa lang tayo."

"Nope. 5 ang start ng party, and by 7:30, uuwi na rin tayo. Don't worry."

I rolled my eyes. "Ang dami mong kaibigan, pero bakit ako na naman ang napili mong isama sa kalokohan?"

Humalakhak ito bago sumagot.

"Alam mo namang bago sila, ikaw muna."

Wow. Dapat ko ba 'yong ipagpasalamat?

"Is it a birthday party?" tanong ko para malaman kung magbibigay pa ba ng regalo.

"No. Celebration 'yon para sa pagkapanalo ng basketball team nila Sanjou sa finals."

I nodded eventhough she won't see it.

Narinig ko na ang tungkol sa balitang 'yon kahapon. Ipinagsawalang bahala ko nga lang dahil hindi naman ako interesado.

I went inside the house as soon as the call ended.

Naabutan ko si Mommy sa sala na busy sa pagtitipa sa laptop niya. I immediately walked towards her para magmano.

"Saan ka galing?" tanong niya habang nakatutok pa rin ang paningin sa ginagawa.

"I went out for a school project po. Nagpaalam naman po ako kay Dad," kinakabahang sagot ko.

Huminto siya sa ginagawa saka ako tinapunan ng tingin.

"Fyearie called. Nagpaalam siya sa akin kung pwede ka raw bang isama sa party na pupuntahan niya," my eyes widened.

"I said yes, so go and get ready. Just make sure to be back before eight."

I blinked, multiple times. That fast? Fyearie sure is Mom's favorite. She doesn't even need to talk to her personally.

"Aren't you going?" nakataas ang kilay na tanong niya ng mapansing natigilan ako.

Marahan kong kinagat ang ibabang labi bago ngumiti. "Thanks, Mom."

Comment