Prologue

Ang bansang Unidos ay isa sa mga maunlad at payapang bansa. Binubuo ito ng limang estado at isang kabisera na tagapamagitan.


1. Guadalupe- ito ang pinakamaunlad na estado at may pinakamaraming populasyon. Siya ang sentro ng komersyo at kalakalan sa bansa.


2. Rosario- matatagpuan sa hilagang bahagi ng Guadalupe. Siya ay tinawag na "industrial capital" dahil ang ikinabubuhay nga mga mamamayan doon mula sa pabrika.


3. Toledo-Murcia o (TM)- ito naman ag estadong taga-suplay ng yamang dagat sa bansa na binansagang "Seafood Capital". Matatagpuan ito sa kanluran ng Guadalupe.


4. Veracruz- maraming mga minahan sa estadong ito at dito rin matatagpuan ang mga naglalakihang planta ng koryente na naghahatid ng enerhiya sa buong bansa. Ang lokasyon ng estadong ito ay sa timog ng Guadalupe at kanluran ng Torralba.


5. Torralba- ito naman ang "food basket" "lumber state" nga bansa. Mayaman sa natural resources ang estadong ito kaya halos pagsasaka ang ikinabubuhay nga mga tao rito.


6. Caceres- ang kabisera ng Unidos. Matatagpuan ito sa pagitan ng Guadalupe at Torralba. Dito nakatayo ang Palasyo ng Presidente, Parliamentaryo at mga tanggapan ng gobyerno.


Isang ilog na tinatawag na "Rio Grande de Unidos" (o Rio Grande for short) ang humahati sa bansa. Sa kanlurang bahagi ay Rosario, West TM, Guadalupe, Caceres at Veracruz. Ang Torralba at East TM naman ay sa silangang bahagi.


Sadyang napakaunlad ang bansang ito. Bawat estado ay may ambag sa bansa. Para silang mga sulô na kapag isinama ay lalong lumiliwanag ang apoy. Kaya nga ito'y itinawag na "Unidos" kasi ito ay ang pagkakaisa nga mga estado.
Ikabagsak ng isang estado, ay ang ikapahamak ng buong bansa kaya ginagawa ng mga politiko ang paraan upang mapanatili ang kaayusan ng buong Unidos.

Comment