Chapter 1 - Transferee

[Vlad's POV]


Pambansang Awit ng Unidos
(Russian Anthem tune)
Pagkakaisa ng iba't-ibang pangkat
Kalayaan ang tanging hangad
Lahat ng hamon ay pinagdaanan
Pinanday, hinubog magpakailanman


Mabuhay ka inangbayan tahanan ng malaya
Pagkakapatiran ng mamamayan
Karunungan ay dala, pamana ng ating angkan
Akayin mo kami sa tagumpay.


Sa wakas natapos din ang unang Flag Ceremony ko dito sa Torralba High School. Bagong lugar, bagong environment, bagong buhay.


At dahil 1st day ko dito, nangangapa pa ako sa paligid. Napakaraming estudyante.. siyudad eh. Triple ang laki kumpara sa school namin sa bayan.


Sa ngayon, 'di ko pa alam kung anong section at kung saan ang mga rooms ko. Grade 11 GAS ang kinuha ko kasi wala pa akong naisip na kurso sa college. Ang dami ko kasing talento kaya I'm still confused at this moment hahaha!!


"Manong, saan po nakalagay ang listahan ng mga enrollees?"


Guard: "Andun sa kanan. Dumiretso ka lang" itinuro gamit ang labi


"Ah! Salamat po!"


Syempre nakipagsiksikan rin ako.
May mga staff na tutulong sa mga bagong salta katulad ko. Tiningnan ko yung pangalan ko at napunta ako sa 11-GAS Section B. After that binigyan na ako ng schedule at biglang may kumalabit sa'kin.


Boris: Pre! Dito ka rin nag-enroll?!


Nagulat. "Uy Bors!! Sa wakas may kasama na'ko rito. Anong kinuha mo?"


Boris: "GAS, sa Sec. B ako. Papunta palang sa 1st period ko sa SHS building."


"Sinuswerte nga naman o! Magkaklase tayo pre! Sama ako sa'yo. Di'ko pa alam kasi ang mga pasikot-sikot dito eh."


Boris: "Sige halika!"


Sinamahan ako ni Boris hanggang makarating kami sa SHS Building.


By the way nga pala... pinsan ko si Boris. Pareho kaming naglaki sa Tierra Alta, mga 30 kilometro pa ang layo dito sa Torralba.


Pag-akyat namin sa 2nd Floor, may pila na naman. Alphabetical kasi ang seating arrangement, kaya ayun. Nagtiyaga ulit.
Sa wakas nakapasok rin kami. Napunta ako sa likuran.


Maganda naman ang kwarto, kulay mint green ang pintura, bago rin ang mga upuan o baka bagong pinta lang siguro. May iilang mga familiar faces. Baka nakita ko lang sa tabi-tabi. Ang iingay ng ilan at ang iba at tahimik. Transferee rin suguro. Mabuti na lang magkatabi kami ni Boris ng upuan. Unfair lang sa kanya kasi sa likuran na siya, pandak pa. Kawawa naman hahaha. At alam ko naman na mag-iiba rin ang seating arrangement namin. Iba-iba naman ang mga kwatro namin per subject. Ewan ko lang kung bakit alphabetical dito.


Boris: "Saan ka ngayon nakatira"


"Kina Tiya Olga. kapatid ni Nanay. May puesto kasi siya sa Merkado kay dito siya naninirahan. Boring nga eh.. kami lang dalawa sa bahay. 35 años na siya pero wala pang asawa. Maiiwan na tuloy siya sa biyahe."


Boris: "Haha huwag kang magsabi ng tapos! Baka sa makalawa, magugulat ka lang."


"Ganito pala dito sa siyudad. Napakagulo, at polluted pa. Kaya pala ngangitim ka eh! Haha"


Sikuntok ako sa balikat


Boris: "Gago to ah!" Natawa rin. "Kung ikaw ba naman magdeliver ng gulay mula Tierra Alta papunta rito linggo-linggo. Ewak ko lang sa....."


May pumasok sa guro at biglang tumahimik ang buong kwarto.


Ms. Tanya: "Good Morning Everyone!"


Students: "Good Morning Ma'am"


Ms. Tanya: "I am your instructor for Social Science 1." Tiningnan ang kanyang relo "Sakto! 8 o'clock pa naman. Some of you here came from different schools right? and some of here are from Grade 10 na mga loyalista. To start with, magpapakilala muna ako. I'm Tanya Guevarra. 28 years of age. I'm from Altamíra. (isa sa mga bayan 100km away from Torralba.) Finished my degree from Caceres State University." Nag-wow ang ilang estudyante. "Yes... I'm married blessed with two kids." "O kayo naman.. introduce yourselves."


(Ang ipapakilala ko lang ay ang mga important characters... so ako muna.)



"Good morning, I'm Vladimir Tolentino 17 years old. Nakatira ako sa Tierra Alta. I finished my Junior HS at Tierra Alta High School and got With Honors. Pareho pong mga farmer ang mga magulang ko. Tinutulungan ko po silang magtanim ng cabbage, carrots, at kung minsan naman ay strawberries. Solong anak ako kaya sa akin lahat ang grasya! During my vacant times, yung mga strawberries na not marketable ay ginagawa kong jam at ibinibenta ko sa tindahan. Mahilig akong magbasa ng history and geography books. Kaya kung naliligaw kayo ay I'm here to follow your directions!! Haha.. During sundays, nag-gigitara ako sa aming choir sa simbahan. Kung minsan naman ay nagraraket kami sa patay, kasal at mga piesta. That's all... thank you."



Boris: "Hello po, I'm Boris Sandoval.. 17 years old. Taga Tierra Alta. Bale pinsan ko po si Vladimir. Kung sila ang tagatanim ng gulay, kami naman ang taga-deliver from Tierra Alta papunta dito sa Merkado. Tuwing delivery time namin, sa Puerto (distrito ng Torralba) kami nagsi-stay. Miyembro rin ako ng choir.. kasi mostly ng kabataan doon sa Tierra ay bahay-trabaho-paaralan-simbahan lang ang puntahan namin. Kailangang kumayod dahil panganay ka sa 8 magkakapatid. Sakripisyo muna mga kapatid! 'Yun lamang po at maraming salamat."



Natalya: "Magandang Umaga sa lahat ako po si Natalya Cruz. 16 taong gulang. Taga-Ciudad Viejo (old district of Torralba) pangatlo sa limang magkapatid. Si Papa ay pulis at lawyer naman si Mama. Compliment di'ba?! Ditong school ako sa nakapagtapos ng aking Junior High with High Honors. I'm single but not available char! Haha That's all Thank you!"



Yulia: "Good morning I'm Yulia González. 17 years of age. My mother is Torralbana and my Father is Veracruzeño and currently working there as an engineer in a power facility. I chose GAS coz hindi pa ako maka-decide kung ako ang kukuhain kong course sa college. I have lots of hobbies like singing, dancing, and even doing some magic tricks. Sa mga transferee, welcome to my almamater. Thank You."



Dmitry- "Hi! Ako po si Dmitry Santos 18 years old from Altamíra. Fisherman si tatay at vendor naman si nanay. Dahil sa sobrang layo ng aming bayan, kailangan kong mag-board at kasalukuyan akong nanunuluyan sa Ciudad Nueva (district of Torralba) yun lang.. salamat!"



Alexander- "Yo!! I'm Alex. Eto na naman tayo sa paulit-ulit na pagpapakilala. May mga transferee pa kasi eh!!"


Ms. Tanya- "Alex!!" Galit. "Watch your mouth ang tanda-tanda mo na! Act like a mature man now!!"


Alexander- "Totoo naman eh.. By the way I'm Alexander Corpuz, bow. 16 years of age. Taga dito lang sa tabi-tabi.. That's all! Bow!'


At nagsitawanan ang buong klase


Ms. Tanya- "Ok that's it. I think you introduce youselves in your own and unique style. So next meeting let's....


Biglang may pumasok na lalaking student



Anna: "Good morning ma'am" naka peace-sign.


Ms. Tanya- "Oh Anna late ka na naman. Pati ba naman first day of Senior High di mo pinalagpas?! Okay introduce yourself to the class."


Ay babae pala baka tibô siguro


Anna: "Hi, ako nga pala si..."


Ms. Tanya: "wait lang.. ano nga gagawin sa sombrero pag sa loob ng kwarto???"


Tinangaal ni Anna ang kanyang sombrero.


-end of chapter-

Comment