Chapter 2- Curious Minds

Anna: Hi, ako nga pala si Anastasya Delfin. Anna for short. 16 years old at taga Cuidad Viejo. For more inquiries just approach me. Chos!! Thank you :)


Ms. Tanya: Ok it seems that you all introduce yourselves and we don't have enough time, we will start our formal discussion next meeting. So, let's call it a day.


At natapos na rin ang first subject namin. Yung next room naman namin ay sa 3rd floor. General Science naman ito. Di tulad kanina, hindi alphabetical ang searing arrangement namin, so bale may freedom na kami kung saan banda kami uupo. umupo ako sa may right side. Magkatabi pa'rin kami ni Boris. Kung titingnan ko ay magkakatabi ang halos sa mga transferee at ang mga nagraduate naman dito ng Junior High.
Umagaw ng atensyon sa'kin si Anna, mag-isa sa likod walang katabi, walang kakwentuhan. Sinuot niya uli ang sombrero sabay tago ng kanyang buhok. Gusot-gusot ang kanyang uniform at naka rubber shoes siya imbes black shoes. Tumingin siya sa paligid at tumingin sa akin. Nakita niya siguro na nakatitig siya sa akin.


Anna: "Ano problema?!" Nagtaray


Nagulat "Wala po."


Aba at napakasuplada naman ng babaeng 'to!! Nacucurious tuloy ako sa kanya. Ano kaya ang dahilan kung bakit nagkaganyan siya?
Habang busy si Boris sa kakwentuhan niyang seatmate, kinalabit naman ako ni Dmitry sa likod.


Dmitry: Uy, Vl--adim-ir (parang nag-aalangan sabihin ang pangalan ko) na-amaze ako sa'yo kanina... pinagsasabay mo ang pag-aaral at trabaho para lang makatulong sa pamilya. Dmitry nga pala (nakipagkamay sa akin)


"Nakaka-flattered naman. Salamat dahil na-inspire ko kayo.


Dmitry: Naalala ko na lang tuloy sina Nanay at Tatay sa Altamira. Katulad rin sa'yo Vlad, tumutulong rin ako sa pangingisda. Coastal area kasi ang bayan namin. Tanaw na tanaw namin ang Veracruz sa kabila. Kailangan ding magkayod para makapag-aral.


"Eh pareho lang tayo halos eh! Sa wakas parang may katulad na kami ni Boris sa section na ito. Masaya kayang magtrabaho lalo na kasama ang pamilya at mga kaibigan mo tapos dagdagan pa ng magandang tanawin sa paligid. Lalong nakakagaan ng pakiramdam."


Dmitry: Oo nga nakaka-miss naman ang mga kaibigan ko sa tabing-dagat. Sabay-sabay naming inaabangan ang sunset araw-araw. Ako lang kasi ang nakapagpatuloy ng pag-aaral saming magkakabigan dahil na rin sa kahirapan ng buhay doon.


"Hayaan mo balang araw, uunlad rin ang Altamira sa hinaharap."


Nakita ni Boris na nag-uusap kami ni Dmitry at bigla itong sumingit


Boris: Anong transaksiyon meron dito? Hello Dimitry right? Ako pala si Boris..


Dmitry: nice to meet you bro!


maka ilang saglit ay dumating na ang guro namin at nag pakilala uli kami isa-isa. Sanay naman kami ng pag 1st day of class at lalo na maraming bagong salta tulad namin ni Boris at Dmitry, hindi talaga maiiawasan ang mga ganitong bagay.


Lunch break na! napagdesisyunan ko na dito na lang ako sa kwarto mananghalian kasama ni Boris at ni Dmitry. Lumabas na rin ang ilan namin mga bagong kaklase at iilan naman ang nanatili. Habang kumakain kami ay lumapit si Natalya sa amin.


Nataya: Hello transferies, pwede bang maki-join sa inyo?


Ako, Boris at Dmitry: Puede! (sabay ngiti ng aming mga labi)


Natalya: Kumusta naman ang Torralba High School


Natalya: Napakalaki! naligaw nga ako kanina eh


"Ako rin! hindi ko alam kung saan banda ang building natin


Natalya: Pagpasensyiahan mo na Natalya 'tong mga to. 1st time nakatung-tong sa siyudad! Haha


"Yabang mo ah!" at nagtawanan kaming apat.


Natalya: O sige para hindi kayo maligaw, bibigyan ko kayo ng maikling info tungkol sa Torralba.


"Ang Torralba ay binubuo ng apat (4) na distrito.


Ang una ay "Ciudad Viejo"- ito ang pinakasentro ng siyudad. Yung mga lumang gusali na nakita niyo kanina, pati plaza, simbahan, city hall at maging ang school na ito ay napaloob sa distritong ito.


Sunod naman ang "Merkado"- ito naman ang kumbaga "commercial district" ng syudad. Sa hilagang bahagi ng Viejo
Dito makikita ang iba't ibang uri ng paninda at pamilihan.


Ang "Puerto"- naman ang makikita sa North East ng Vieja. Sa pangalan palang, dito dumadaong ang mga barkong galing ibang estado.


At dahil lumalaki ang lungsod, napagdesisyonan ni Mayor Sergey Santiago na gumawa ng bagong distrito, ang "Ciudad Nuevo". Katabi ito ng Ciudad Vieja at planong ilipat ang City Hall diyan balang araw, maraming mga bagong kabahayan ang naka-ugdok na ngayon diyan.


So, that's it. Welcome to Torralba!


"Salamat Natalya!"


Natalya: Walang anuman sa inyo.


Boris: O Vlad at Dmitry, tutal sa iba-ibang distrito tayo nakatira, sabay na tayong umuwi mamaya ha?


Dmitry: Sure!


Natalya: May mga gusto pa ba kayong itanong?


"Ako. ahmm.. Bakit ganun manamit sa Anna? Tomboy ba siya? Bakit palagi siyang mag-isa?"


Natalya: Si Anna? Haha hindi tomboy yun! sadyang ganyan lang siya namanit! Malaki ang pinagbago niya simula nung namatay ang Nanay niya nung Grade 8 kami. Siya yung umiiwas sa amin. Hindi ko alam kung bakit? At sino naman kami para husgahan siya kung hindi namin alam ang sitwasyon.


"Bakit ano ba siya dati?


Natalya: Palaging nasa honor roll siya bago namatay ang nanay niya. Siya palagi ang nirerepresent namin sa mga song contests. Bongga 'diba? At maiba tayo, pagpasensyahan niyo na si Alexandr. sadyang ganyan lang yan. Ulila kasi siya at palabarkada kaya ganon ang pag-uugali niya.


Boris: Teka lang Vladimir Tolentino, bakit concern ka kay Anna, may gusto ka sa kanya no?


"Wala ah! sadyang nacu-curious lang ako Boris Sandoval!"


Natalya: Bago pa kayo mag-away diyan, babalik na ako sa upuan ko. Kung may kailangan kayo sa akin, 'wag mahiyang magtanong...
"Salamat"


[Anna's POV]


Peste! late na nga kanina, half-day pang absent.. nandito na naman ako sa Tindahan ni Aling Lyuda sa Merkado, nambayad ng mga inutang na sigarilyo at alak ni tatay na halos isang buwan na palang hindi nabayaran.


Lyuda: Hay nako Anna, kung gugustuhin ko lang ampunin na kita.. naawa na talaga ako sa'yo ikaw lahat ang bumabayad sa utang ni tatay mo na napaka iresponsable. Nagmana ka talaga sa nanay mong si Emily.


"Salamat talaga Aling Lyuda. 'Wag kayong mag-alala.. I'm alive and kickin parin.


Lyuda: Hanga talaga ako sa katatagan mo. Patnubayan ka nawa palagi ng panginoon.


"Amen! Sige po mauna na ako."


Habang naglalakad ako sa Calle San Jose papasok sa Vieja ay nakita ko ang dress shop na dating pinagtatrabahuhan ni nanay.. Mananahi siya nga mga damit lalo na sa gown. Tuloy na-miss ko na lang siya bigla... Namatay siya nung Grade 8 pa ako. Nakita na lang siyang nakahandusay sa tulay na naghihiwalay Merkado at Puerto ng madaling-araw at hanggang ngayon ay wala pang update ang mga pulis. In short, wala pang hustisya.. Sino ang pumatay? Sino ang mastermind? Paano nila pinatay si Nanay? Bakit nila pinatay si Nanay? Mga tanong na paulit-ulit sa pumapasok sa aking isipan.


Tumunog ang kampana ng simbahan


Ay 6pm na pala sakto sa simbahan naman ang tuloy ko. Hindi naman sa pagmamayabang, pero palagi ako sa simbahan, nagsisimba at nagdarasal. Dati akong member ng choir pero tinigil ko. Marami na kasi akong pinagakakaabalahan umpisa namatay si nanay. Tumutulong ako kay tatay sa paghahanapbuhay.. Streetsweeper lang ang trabaho niya at ang malungkot ay binibili lang ng bisyo ang kanyang sweldo so ako na lang ang gumagawa ng paraan.


Pagpasok ko sa aming antigong simbahan.. may iilang taong nagdadasal rin. Tinanggaal ko ang sombrero at nilugay ang buhok ko. Pumuwesto ako sa bandang gitna, lumuhod at nagsign of the cross.


"Lord maraming salamat sa oras na ipinagkaloob mo sa'kin para makapagdasal sa'Yo. 1st day po namin kanina sa Senior High subalit may mag iilang subject na hindi ko napasukan. Gabayan nyo po ako Lord sa aking pag-aaral. Nay, kung saan man po kayo ngayon, gabayan mo po kami ni tatay. Amen."


Okay next stop, one of my raket! Dishwasher sa isang restauran sa Merkado. Kailangan ko nang magmadali palabas ng simbahan baka malate ako..
.
.
.
Aray! May nakabangga akong tao Shocks! Nahulog ang bag niya...
.
.
"Sorry po.."
.
.
OH MY GOD!! Si Vladimir?! Yung.. Bago kong classmate!! May kasama siyang dalawang naka-uniform. Baka kaklase ko rin 'to. Nakakahiya! Di ko alam kung anong gagawin ko!!
.
.
.
-end of chapter-

Comment