Chapter 3- Under the Moonlight


[Vlad's POV]


Pagkatapos ng klase namin sa hapon ay pinasyal ni Boris kami ni Dmitry sa buong Torralba. Talagang ang lungsod ay napakaganda, napakalinis at hospitable ang mga tao o sadyang likas lang talaga sa buong estado ang ugali namin. Pero ang nagustuhan ko sa lahat ay yung mga gusaling antigo sa Viejo. Wala kasi sa amin kaya naa-amaze lang ako. Kung paano ito ginawa at ang kanyang building design sadyang pinasadya talaga ang paggawa. Ang last stop namin bago umiwi ay ang catedral. Malayo pa lang ay dinig na dinig namin ang tunog ng kampana nito. Mapapatanga ka sa sobrang taas at laki ng simbahan.


Pagpasok namin ay napatanga kaming tatlo sa ganda ng mga pinta sa kisame ng katedral. Habang ang mga mata sa taas habang papasok ng simbahan, 'di ko malayan at may nakabangga na pala akong tao. Sa lakas ng impact ay nalaglag ang bag ko at muntik na kaming matuma, buti na lang mabilis ang kamay ako at nahawakan ko siya sa baywang...


Anna: Sorry po!


Nagulat ako!!


Nagulat siya!!


Nagulat kaming dalawa!!


Nagulat kaming apat!!


"Aa-nn-aa.. Sorry, ok ka lang? Hindi ka ba nasakt..."


Bigla niyang binigay ang nahulog kong bag sa bandang dibdib ko at tumakbo palayo.


Dmitry: Ano ba problema 'dun?


Boris: Napaka misteryosa talaga niya


Nanaitli akong tahimik hanggang tinitingnan siyang tumatakbo palayo sa simbahan. 1st time kong nakita na nakalugay ang buhok niya, at habang hinahawakan ko siya para maiwasan na matumba kami, parang tumigil ang mundo ko. Kahit ilang segundo lang ang titigan naming dalawa, parang may merong espeyal sa kaniyang mga mapungaw na mata at mapupula niyang labi na tila tumagal ang pagkahawak ko sa kanya. Na-appreciate ko ang kagandahan niya kilang saglit lang.


Binatukan ako ni Boris


"Aray!"


Boris: (Napansin ang pagkatulala ko) Ayan ka nanaman sa mga ilusyon mo may gusto ko sa kanya no?!.


"Ikaw Boris ah nakakadalawa ka na makakaganti rin ako sa'yo. Hindi ah!!"


Boris: Eh bakit ka natulala kay Anna?


"Ewan ko 1st time ko kasing nakita na nakalugay ang buhok niya, malayo sa kanyang kilos sa school."


Dmitry: Nagagandahan ka sa kanya no???


"Oo kahit bihis at kilos lalaki siya sa school eh mayroon siyang ganda na hindi ko maintindihan."


Boris: E di umamin rin! Naku Vladimir! Speaking of 1st time, unang beses ko rin nakita na nagkaganyan ka..


balak na babatukan si Boris pero tinigil "Pasalamat ka Boris nandito tayo sa loob ng simbahan ang dami mo talagang iniisip!!"


Dimitry: Kalma lang guys, ayan na man kayo haha! Halika na magdasal na tayo.


Lumuhod kami sa bandang gitna at nagdasal. Naunang natapos silang dalawa at pumunta sa may main door banda. Pagkatapos kong magdasal, may nakita akong sombrero.. Teka lang, kay Anna to ah?!?! Pasimple na pinasok ko ito sa bag at pumunta sa kanilang dalawang nag-uusap.


Boris: Alam mo Dmitry, napakabait talaga 'tong pinsan ko. Masyadong madasalin, kulang na lang maging pari to! Diba Vlad?


"Poket madasalin? Magpapari agad?! Labas muna tayo guys."


"Siya nga pala Boris, mabait pala ah?" Sa wakas nakaganti rin, binatukan ko siya!!!


Nagsitakbuhan at naghabulan kami ni Boris sa Plaza. Sumunod rin si Dmitry sa pagtakbo at hanggang nakarating kami sa gitna, pagod at humiga sa damuhan.


Boris: Hay, namiss ko ang habulan natin sa bukid pre!


"Oo nga pre, naalala ko na lang ang mga kalarong naiwan natin doon!"


Dmitry: Nakakarelate talaga kayo, mabuti na lang nandito kayo, kahit papapaano nawawala ang kalungkutan ko dito sa lungsod.


Bumangon ako at tinulungan ko rin silang bumangon at nagkasundong umuwi na. Sinamahan namin si Dmitry hanggang makarating sa kanyang inuupahang apartment sa Nuevo. Pati rin si Boris sa Puerto at hanggang ako na lang mag-isang naglalakad pabalik ng tinitirhan ni Tiya Olga dito sa Viejo. Halos malapit lang ang gusali dito sa merkado.


Sa ika-apat ng palapag kami No. 410, parang apartment building siya pero hindi na ito binabayaran buwan-buwan, sa madaling salita, kay Tiya Olga na ang kwartong ito.


Pagpasok ko sa kwarto ay nakikinig si Tiya Olga sa radyo habang umuupo.


"Mano po Tsang."


Tiya Olga: (Nag-aalala) "Vlad! Bakit ngayon ka lang? sa'n ka ba nanggaling?"


"Paumanhin po Tsang, pumunta po kasi kami sa simbahan kanina nagdasal kasama si Boris at Dmitry, bago kong classmate."


Tiya Olga: "Kaklase mo si Boris?! Mabuti naman. Hay naku Vladimir, nagmana ka talaga sa 'yong mga relihiyosong magulang."


"Hehe.. siyempre naman!!"


Tiya Olga: "Halika oras na ng hapunan."


Tumayo si Tiya Olga papunta sa kusina para kumuha ng ulam, kumuha naman ako ng pinggan, kubyertos at kanin at inilagay namin ng sabay sa lamisa. Nagdasal kami bago umumpisang kumain.


Tiya Olga: "Kumusta naman sina Sonya at Nicolas?"


"Mabuti naman po tsang sina Nanay at Tatay. Sa awa ng Diyos ay wala naman silang karamdaman na iniinda."


Tiya Olga: Na mi-miss mo na sila?


"Oo nga po, sa susunod pang buwan sila pupunta dito sa Torralba, makikisakay sila sa delivery truck ng gulay papuntang Mercado."


Tiya Olga: "Talaga?! sa wakas! sabik na sabik ko nang makita sa Ate. Alam mo namang ilang taon ko nang hindi nakikita sa Ate umpisa na nagkapuesto ako rito sa Mercado.


"Oo nga po Tsang miss na miss ka na rin ni Nanay.


Tiya Olga: "Pasalamat na dito ka nag-aral. Ikaw pala ang magiging daan upang magkita kami.. Kumusta naman ang 1st day of School mo?


"Mabuti naman po.. nag-aadjust pero may nakikilala na akong mga bagong kaibigan.


Tiya Olga: "Mag-aral ka ng mabuti, wag kang magmana sa mga pinsang mong tambay at barumbado. Tila kayo na lang talaga ni Boris ang may pag-asang maka-asenso.


"Opo mag-aaral po ako ng mabuti."


Pagkatapos ng hapunan ay niligpit ko ang pinagkainan namin at hinugasan ang mga pinggan. Si Tiya Olga naman ay bumalik sa kanyang upuan at nakinig muli sa radyo. Umakyat na ako sa Attic sa 'king kwarto. Maliit lang siya. may dalawang bintana sa may pader at sa bubong banda. Humiga ako saglit habang tinitingnan ang buwan at mga bituin sa kalangitan.


Nay.. Tay... ok lang ako rito. wag kayong mag-alala mabuti naman ang sitwasyon dito. May mga baong kaibigan akong nakilala at makikilala pa sa susunod na araw.


Bumangon ako at kinuha ang mga gamit sa bag para ihanda bukas. Nakita ko ang sombrero ni Anna at natigil saglit. Naalala ko bigla ang nangyari kaina... Ibang-iba talaga siya sa paaralan at kanina sa simbahan. Parang nakita ko ang good side niya nung nagkabanggan kami. Ang mga mala-inosente niyang mata ang tumatak sa'king isipan. Gusto ko siyang makilala at maging close sa kanya sa mga susunod na araw.


[Anna's POV]


Hay salamat sa Diyos at natapos na rin ang mga raket ko ngayong gabi. Raket? Serbidora, waitress at dishwasher sa isang restauran tapos tinu-tutor ko pa ang anak ni Governor Nikita Salcedo.. Sapat na sapat na para tustusan ang daily needs namin ni Tatay Leonid.


Mag-aalas 8:30 na rin natapos ang mga raket ko at naglalakad ako ngayon pauwi sa Puerto. Ang presko ng hangin dito sa labas. Hinahampas ang buhok ko.. ang ganda sa pakiramdam.


Sa wakas nakarating na rin sa aming building block. Kung mapapasin niyo ang lungsod namin, puro building blocks, apartment etc. kasi ang mga elitista lang ang kayang mag-afford ng mga lupain dito. Kaming nasa middle class at sa low class ay naninirahan sa mga blocks na ipinamimigay naman ng libre mula sa gobyerno at donasyon ng ilang mababait na mayaman.


Nasa 4th floor kami nakatira. Room 407.. Pagpasok ko ay natutulog sa mesa kasama uli ang mga friends niya..


Tama po kayo... ang mga kaibigan niyang mga bote ng alak Haha..


Nagising siya pagbukas ko ng pinto. Nilapitan ko siya at nagmano.


Leonid: Aannaa... Mabuti nakauwi ka na.. Ilan? ang kinita mo ngayon? Akin na.


"'Di pwede tay! wala na tayong panggastos sa pang araw-araw."


Leonid: Aba! marunong ka nang rumason ah!


"Bakit Tay?! iniinom nyo lang ang sinusweldo nyo at ako pa po ang nagbabayad sa mga bisyo mo, sumusobra na po kayo tay!"


Sinampal ako sa likod ng kanyang palad at natumba...umpisang umiyak..


Leonid: Walang hiya ka! matapos ang lahat?! kung ganyang ka nang umasta sa akin!!


Kinuha niya ang bag ko, agad ko na mang pinigilan pero sa laki ng katawan niya ay tinulak niya ako palayo na ikinatumba ko ulit. Nakuha niya ang pera ako at ihinagis ang bag pabalik sa akin.


Leonid: Pinapainit mo lagi ang ulo ko!!


Pumasok siya sa kwarto 'nya at sinara ang pintuan ng padabog.


Wala akong magawa kundi kinuha ang bag ko at umakyat sa'king kwatro sa attic habang umiiyak. Napakaliwanag sa kwarto ko dahil sa sinag ng buwan.


Sa tuwing ginaganito ako ni tatay, kinukuha ko ang sombrero ko.


Teka lang, asan na yun? bakit wala dito sa bag ko?


Hala naiwan ko sa simbahan kanina!!


Ang burara ko talaga..May sentimental value yun kasi bigay pa naman sa akin ni nanay yon..


Tanaw na tanaw ang buwan mulas sa kinahihigaan ko. Napakaganda, bilog na bilog at napakaliwanag.


Nay, gabayan nyo po ako sa pang-araw araw. 'wag po kayong mag-alala sanay na sanay na po ako kay tatay, ang importante nandito ako para sa kanya na umaantabay. Kahit ganito ang pagtrato sa'kin ni tatay ay mahal ko parin siya. gaya ng pagmamahal niya sa'yo Nay..


Pero ang tanga tanga ko talaga! sa daming pang dapat maiwan, bakit sombrero pa! sa tuwing nalulungkot ako ay sinunuot ko yan dahil naalala ko si nanay. Hay naku! dadaanan ko na lang sa simbahan bukas bago pumasok sa school.


[ Vlad's POV ]


Maaga akong umalis ng bahay para pumunta ng school. Hawak-hawak ko ang sombrero ni Anna. Ibibigay ko sa kanya to mamaya. Habang naglalakad ay nagpa-practice ako kung ano ang sasabihin ko sa kanya mamaya.


"Hello Anna, alam mo nakita ko yung sombrero mo kahapon sa simbahan, pasalamat ka nandun ako."


Teka, parang ang yabang ko naman.. erase erase..


""Hi Anna, nakita ko pala ang sombrero mo kahapon sa simbahan, ang ganda ng pagkagawa, kasing ganda mo!"


Tangina naman Vladimir! ang baduy mo talaga.... Ah! bahala na mamaya... mas maganda parin pag impromptu.


Bandang mag aalas-siyete y media na rin ako nakapasok ng school, hapang papunta ng SHS Building biglang may humablot sa sombrero.


Alexander: Bakit sa'yo to?! Diba kay Anna to?!


"Wala kang paki-alam"


Saktong sa mga oras na 'yon ay nakita ni Alex si Anna sa Hallway


Alexander: Pssst!! Anna! Ito ba ang hinahanap mo? Ninakaw ng classmate nating transferee!


Nakita ko ang galit na tingin sa akin ni Anna. Bigla akong kinabahan and at the same time galit naman kay Alex.


"Hoy Alex hindi totoo yan, ano bang problema mo ah?!"


Alexander: Aba! Hinahamon mo ba ako?!?! (tinulak ako)


"Bawiin mo ang sinabi mo!"


Alexander: Yabang mo ah! Hindi mo ba alam kung sino ako?!


"Wala akong paki-alam!"


Sinuntok ako ni Alex sa bandang kanang pisngi. Sa sobrang lakas ay napatumba ako. Siyempre hindi naman ako magpapahuli. Sinuntok ko rin siya sa sikmura at sa kaliwang pisngi. Nagulat ang mga dumaraang estudtante at pinanood namin ang aming suntukan. Hindi makalapit si Anna dahil natatakot rin siyang masaktan. Eventually nakita at lumapit sina Boris at Dmitry at inawat kaming dalawa, pati narin sina Natalya at Yulia na sumisigaw na "Hoy!! Tama na!!. Pilit ni pinaglalayo kami nila Boris at Dmitry pero sa sobrang galit naming dalawa at nahihirapan sila. Biglang natigil ang lahat ng may sumigaw!


Principal Polina Rodriguez: Stop it!!! Those who are involved there go to my office right now or you will be suspended!!


Nagsibalikan ang mga estudyanteng nanood sa kani-kanilang mga kwarto habang kami naman ay kabadong pupunta sa Principal's Office....


-end of chapter-

Comment