Chapter 4 - Sombrero




[Natalya's POV]


Kabadong-kabado kaming naglalakad papuntang Principal's Office. Taga-awat lang kami ng away eh, nasangkot pa! Ang lakas naman kasi ng mga boses namin ni Yulia eh haha. Habang naglalakad, Kami talaga sa harap kasama ko si Boris habang hawak-hawak si Vlad na kalmado. Sa gitna sina Anna na tahimik at Yulia. Sa bandang likuran si Dmitry habang hinahawakan ang nagpupumiglas na si Alex. Ang mga estudyane sa loob ng classroom na nadadaanan naming ay tinitingnan kami.


My God!! First ko 'tong maexperience!! Nakakatakot kasi si Ma'am. Matandang dalaga kasi kaya palaging mainitin ang ulo. Siguro ang mga manliligaw niya noon hindi lahat nakapasa sa kanya sa pagkamaldita niya haha.


Pagpasok namin sa office, pinaupo ni Ma'am Polina sina Alex at Vlad. Nakatayo naman kaming nakapalibot sa kanilang dalawa.


Polina: Ms. (Natalya) Cruz, tell me what happened?


"Ang naabutan ko lang po ma'an ay kinuha ni Alex ang sombrerong hawak ni Vladimir. Nag-agawan sila, and then ayun na nagkasagutan at nagsuntukan na silang dalawa."


Polina: (nakatingin kay Vladimir) bakit kanino bang sombrero 'yan?!


Alexander: Kay Anna yan ma'am ninakaw niya!


Vlad: Hindi totoo yan sinungaling ka!


Muntikan silang magkasakitan, pero mabuti nandyan sina Dmitry at Vlad para awatin sila.


Polina: Stop it!!!!!! Wala kayong mga hiya, ang tanda-tanda nyo na, para kayong mga batang walang control sa sarili. Bilang Senior High student, you should be a model sa mga lower years. At teka lang, Mr. Tolentino, bakit na sa'yo ang sombrero ni Ms. (Anna) Delfin?


Nakita ko sina Dmitry at Boris na nagtataka rin.


Vladimir: Kahapon po ma'am, nagtungo kami nina Bors at Dima sa simbahan. Nakasalubong namin si Anna at nagkabanggaan pa kaming dalawa. Ewan ko nun kung bakit nagmadali siyang lumabas ng simbahan. Pagkatapos kong magdasal ay nakita ko ang sombrero ni Anna sa upuan at kinuha ko.


Nagkatinginan sina Dmitry at Boris habang si Anna ay tahimik parin.


Polina: Okay, so your plan is to return the hat to Ms. Anastasya?


Vladimir: Yes ma'am.


Polina: Mr. Alexander Corpuz, change your attitude to a mature one! Gumagawa ka na ng istorya, basagulero ka pa! I don't know why you changed a lot. Hindi ka naman ganyan dati eh? Consistent Honor student ka from Elementary up to 3rd Year high school. Marami kang sinasalihang activities. Acadamic, extra-curriculars, sports and cultural event present ka. You're a versatile student. Sayang ang talent at talino mo.


Nagulat sina Vlad at napatingin sa kanya.


Anna: Excuse me ma'am pwede ko na bang kuhain ang sombrero ko?


Polina: Ok sure!


(Kinuha ni ma'am ang sombrero kay Vlad at ibinigay sa kanya.)


Anna: Salamat ma'am.


Polina: O ayan, sinauli ko na kay Ms. Delfin. I don't want to happen this again. Mr. Tolentino, iwasan mo ang pagiging violente mo. Kontrolin mo ang sarili mo. Alexander, may oras ka pa para magbago, I know marami pa akong walang alam about sa life mo, but when I saw you, I see potentials in your life, 'wag mong sayangin ang buhay mo ha?. Okay, so oras na para magkabati na kayo. O shake hands na!


Vlad: sorry brad.


Alex: 'wag mo nga akong ma brad-brad! (tinanggap ang la mano niya)


Hay salamat nakahinga na kami ng mabuti. Nakangiti naman kami nina Yulia, Dmitry at Boris. Wala pa ring imik si Ana, pero nakikia ako na hindi na siya nate-tense.


Habang nagsha-shake hands silang dalawa. May biglang pumasok sa office. Si Sir Ivan ("eevan") de los Reyes MAPEH Teacher naming nung JHS at may dala-dala siyang mga papeles.


Ivan: Hello ma'am (nakita kami) ... ay sorry po may counseling po pala kayo.


Polina: It's okay. Ano ang sadya mo?


(Lumapit siya kay ma'am)


Ivan: Narito na po ma'am ang mga lists of participants for the upcoming cultural contest. Bale wala po tayong entry sa battle of the bands dahil pong walang nag-audition and wala po tayong gamit especially for the musical instruments.


Polina: Walang nag-audition? (tumingin siya sa amin) Kayo ang sasali sa Battle of the Bands!


Kami: What?! Kami Ma'am?!?!? (Nagulat)


Yulia: pero ma'am...


Polina: Walang pero-pero. It's my final decision.


Ivan: Very good students! Eh, pa'no po ang mga instruments ma'am?


Polina: Eh, trabaho mo na 'yan. Kaya mo na 'yan Ivan. O sya, submit the papers today at kumustahin mo ako sa Supervisor, understand?


Ivan: Yes ma'am


(nag-smile si ma'am at napakamot na lang ng ulo si Sir)


Polina: Kayo naman, go to your respective classes and good luck to your contest.


Kami: (Kabadong nagsasalita) yes ma'am.. thank you po...


Haaay.. finally nakalabas na rin ng Principal's Office at sa wakas parang nagkabati na rin sina Alex at Vlad.. pero tila hindi pa yata.


Alex: Kainis talaga oh! Dahil sa 'yo Vladimir nadagdgan tayo ng obligasyon. Diyos ko! Tayo? Magkakasama sa isang banda?! Argh! Kainis!


Vlad: Bakii... (biglang sumalita si Anna)


Anna: Bakit?! Sino ang umagaw ng sombrero ko? Sino ang unang nanghamon? Sino ang unang sumuntok? Diba ikaw? Alam mo Alexander Corpuz III di'ko alam kung bakit ang epal mo sa akin! Kainis ka!! (at tumakbo palayo si Anna.)


Dmitry: Buurrn...


Alex: Isa ka pa!!


Yulia: Alex, tama na..


(Pinipigil ni Alex ang kanyang galit at lumakad palayo.)


Yulia: Vlad, Bors at Dima, pasensyahan nyo na lang kung ganyan si Alex. Mabait at palakaibigan naman yan, pero nag-iba ang lahat nung 3rd year high school kami. Namatay kasi ang mga parents niya. Ang lola na lang ang nag-aalaga sa kaya. Kaya kung puwede 'wag natin siya husgahan. Marahil hindi pa siya nakamove-on.


Boris: Bakit? ano ba ang nangyari sa mga magulang niya?


"Pinatay sila at hindi pa alam kung sino ang salarin."


Boris: Ang saklap naman Natalya.


"Oo nga kaya intindihan na lang natin siya."


Vladimir: Salamat Natalya. Ngayon alam ko na kung bakit ganyan siya.


[Vlad's POV]


Pagkatapos ng klase ay lumabas kaming tatlo (Boris at Dmitry) para mag-unwind. Nakatatak pa sa aking isipan ang mga nangyari kanina. Oo siga ako sa lugar namin, pero aaminin ko, ang laban namin ni Alex kanina ay kakaiba. Nakaupo kami sa seawall sa Puerto habang tinitingnan namin ang paglubog ng araw.


Boris: Pre, napadaan ka kanina sa simbahan?


"Oo pre bakit?"


Boris: Hindi mo ba nabasa ang announcement?


"Anong announcement?"


Boris: Na may audition sila ng choir ngayon.


"Talaga?! Tara baka hindi na tayo maabutan."


Dmitry: Sigurado ka brad? Eh magga-gabi na oh?!


"Basta kung hindi natin maabutan, edi hindi.. atleast pinuntahan natin. Halika na!"


(Tumayo kaming tatlo at pumunta ng simahan. Pagpasok namin sa umakyat kami sa Choirloft at may nariring kaming nagsasalita.)


Fr. Mikhail Llamanzares: .....And that concludes our audition, thank you for coming.


"Wait lang po!" (at nanlaki ang mata ko sa tuwa!)


Fr. Mikhail: Vlad?!?!


Ako at Boris: Padre!!! (At niyakap namin si Father.)


Naging cura parroco namin si Fr. Llamanzares sa Tierra Alta at maganda ang pamamalakad niya sa amin. Napakalapit ng loob ko sa kanya dahil siya ang nagbibigay payo sa akin kung mangungumpisal ako sa kanya at sa kanya rin kami sumaklolo nung nasira ang bahay namin dahil sa bagyong 3 taon na ang nakaraan. Sa kumbento kami nanuluyan nun pansamantala. Kaya malaki talaga ang utang na loob ko kay Padre.


Boris: Dito ka na ngayon naka-assign father?


Fr. Mikhail: Oo Bors mga isang linggo na ang nakakaraan. Ano ang sadya nyo rito? Mag-aaudidtion din ba kayo?


Vlad: Opo Father. Salamat sa Diyos na nakaabot pa kami.


Fr. Mikhail: Bueno, sino ang uuna sa inyong tatlo.


Boris: Ako na lang po.


(Kinanta ni Boris ang "How Lovely is your Dwelling Place habang "Huwag Limutin" naman ang kinanta ni Dmitry.)


"Kuya, maari bang mahiram ng iyong gitara?"


Lalaki: sure!


(Kinanta ko ang "Pagsibol" habang naggigitara. Pagkatapos kong kumanta ay nagpalakpakan silang lahat.)


Fr. Mikhail: Hanep ka Vlad, habang tumatagal lalong gumaganda ang boses mo, pati na ang rin ang pagtugtug mo ng gitara. Ikaw din Boris pati ang kasamahan nyo.


Dmitry: Thank You po Father!


Fr. Mikhail: Okay parang nakapag-audition na lahat.. Ipapaskil namin kung sino ang mga nakapasok! Good luck to all of you.


Kaming lahat: Salamat Father...


Masaya kaming tatlo na lumabas ng simbahan. Nung nakita ko si Father, parang gumaan pa lalo ang pakiramdam ko at nabawasan ang kaba habang nakikipagsapalaran dito sa Torralba.


Nagpaalam na ako sa dalawa at humiwalay na kami pauwi.


Habang naglalakad ako papunta sa amin, nagsalubong ang landas namin ni Anna habang siya ay lumabas sa isang restaurant. Balak niyang lumayo sa akin pero tila wala na siyang lusot.


Anna: Hi...


"He-ll-oo An-na"


(Biglang nabubulol ba ako at kinakabahan sh*t!)


Anna: Pauwi ka na?


"Oo sa amin kina Tiya Olga, ikaw?"


Anna: Ako rin pauwi galing sa trabaho. Yung resto kanina? Waitress ako dun.


(Sabay kaming tahimik na naglalakad)


Ako at Anna: Sorry nga pala kanina.


(Sh*t sabay kaming nagsalita!)


Ako at Anna: okay lang yun!


(Bigla kaming natawa)


"haha hindi.. ahhmmm Anna.. sorry.. sana itinago ko na lang ang sombrero mo kanina sa bag ko para hindi nakita ko Alex. Hindi ko naman kasi akalain na alam ni Alex na sombrero mo yun." (napauko ako)


Anna: (natawa) Ako nga dapat mag-sorry sa'yo dahil sa akin kung hindi ka naiwan ang sombrero ko sa simbahan, napa-away ka pa kanina at may pasa ngayon ang mukha mo.


"Eto? (itinuro ko ang aking pasa) wala 'to. Mawawala rin 'to!


Anna: Pero salamat talaga ha? (kunuha niya ang sombrero mula sa kanyang ulo at bumagsak ang kaniyang mga mahabang bukok.) May sentimental value kasi sa'kin ito kasi bigay to sakin ni nanay at ito lang ang tanging alaala ko sa kanya gabo siya namatay."


"walang anuman."


Sa aming paglalakad ay nakarating kami sa Fuente de la Paz, isa sa mga tulay ng lungsod. Pareho naming tiningnan ang buwan na napakaliwanag.


Anna: Sige Vladimir hanggang dito na lang tayo, doon ako nakatira oh! (Itinuro niya ang housing block kung saan siya nakatira.)


"Vlad na lang. Oh? Talaga?! Doon naman ako nakatira (itinuro ko rin kung saan ako nakatira). Sa harap lang."


Anna: Vlad (hinawakan niya ang braso ko) thank you ulit.... (nag-smile siya sa akin.)


"Wa-al-ang A-nu—man Anna."


Lumakad na siya papalayo, ipinakok ang buhok niya sa sombrero at isinuot muli. Habang ako naman ay parang poste na naiwan sa gitna ng tulay. Nung hinawakan niya ang braso ko, parang nakuryente ako sa kamay niya at biglang kumabog ang puso ko. 


Tila yatang unti-unting gumagaan ang loob ko sa kanya.

Comment