6

GLEN'S POV

Glenda Louisse Apuli's account

Starcey Sevilleja

Starrrrrrr

Pusaaaaaaaa

Tulog ka na??

Huwag muna. May kwento muna ko

: Bakitttt??

: Hindi pa ko tulog

: Ano ba chismis?? At atat na atat ka dyan?

Hahaha

Feeling ko umiipekto yung plano naten

:Paano mo naman nasabi?

Kase di'ba kanina paghatid namin sayo?

:Oh?

Bigla  nya kase akong tinanong kung ano na ba real score sa ating dalawa hahahahah. Syempre kunwari hindi ko alam. Tapos yun inulit nyang tinanong kung may gusto ba daw ako sayo or kung nililigawan na ba kita.

:Anong sagot mo?

Syempre pinaniwala ko sya sa kung anong iniisip nya. Gusto ko ngang matawa kanina ng sabihin nya yun ehh pero syempre pinigilan ko sarili ko. The way kase sya tumitig iba ehh. Dati laging nagniningning yung mga mata nya pero kanina may halong lungkot? Alam mo yun? Hahaha hindi ko ma explain ng maayos.

: Feeling ko ang saya saya mo ngayon. Base sa boses mo excite na excite kang mag kwento ah

Oo naman, kanina pa nga ko kinakabahan ehh at hindi na ko makapaghintay ng bukas para mag kwento sayo kaya pag uwi ko ikaw agad chinat ko

: Syempre ako lang naman nakaka alam ehh. Pasalamat ka malakas ka sakin.

Echos mo, kung hindi lang din kita tinutulungan kay kuya Gelo tingin mo magpapapilit ka?

:Hahaha korek ka naman ng slayt don. Pero ano nang balak mo ngayon na napatunayan mo na na nagseselos nga sya sa atin?

Wala

:Wala?

Oo, tuloy pa rin tayo sa pagpapanggap

:Hindi ka pa aamin sa kanya na sya talaga yung gusto mo at hindi ako?

Tangeks ka ba?

Edi lalo syang hindi maniniwala. Sabihin pa nya nagloloko lang ako.

Kasasabi ko lang sa kanya na mag something sa atin di'ba?

:Ayy oo nga, sorry naman no

:Natawag pa kong tanga bwiset ka

Hahahhaah echos echos lang yun ikaw kase binibigla mo ko ehhh

Basta tuloy pa rin tayo. Tyaka hindi pa ako ready na sabihin sa kanya ehh. Natatakot pa ko. 3 years din yung pinagsamahan namen. Ayo'kong bigla nalang mawala yun.

: Kailan ka pa magiging ready?

Hindi ko alam

:Kapag nasasaktan mo na sya? Kapag nagpatuloy pa rin tayo sa kung anong set up naten at alam mo na sa sarili mo na nagseselos sya tingin mo hindi mo sya nasasaktan?

:We know Yves has a strong personality. Bubbly kung bubbly pero tao din naman sya ehh nasasaktan din sya. May emotion din sya gaya naten

:Hindi sa sinisira ko yung saya mo. Ang sa akin lang eh. Pag isipan mo to habang maaga pa

Pero ikaw ang nag suggest nito ehh

:Oo nga alam ko. Pero na sa'yo na rin ang sagot na hinahanap mo. Napatunayan mo na sa sarili mo yun. Make a move koala

_________________________________________

Hindi ko na nagawang replyan pa si Star sa huling mensahe nya.

Kanina ng kausapin ako ni Yves about sa amin ni Star ay gusto kong matuwa. At ipakita ito sa kanya pero pinigilan ko ang aking sarili na maglabas ng ibang emosyon sa harap nya.

Pero matalino din kase si Yves ehh. Baka makahalata sya kaya nagpigil ako. At pagdating na pagdating ko sa Condo ay agad kong Chinat si Star about dito. Sa sobrang excited ko ay hindi ko maiwasan ang ngiti sa aking mga labi habang nag kkwento.

Si Star ang dahilan kung bakit kami nagpapanggap, siya din ang may ideya na gawin namin ito pero ng pangaralan nya ko kanina ay bigla akong napa isip.

Tama sya, may damdamin din si Yves. Kung tama ako ng hinuha ay marahil ay nasasaktan sya sa mga sinabi ko kanina. At iyon ay hindi ko naisip bago kami gumawa ng hakbang?

Paano na ngayon to? Paano ko sosolusyonan tong problemang pinasok ko. Akala ko kapag nagpanggap na kame at napaselos namin si Yves ay ayos na pero nagkakamali pala ko. May mas mabigat pa palang problema ang haharapin ko.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa aking kama at tinitigan ang aking kisame. Nag iisip ng paraan kung paano ko ito sosolusyonan. Pero kase naman. Kapag sinabi ko na sa kanya baka naman hindi sya maniwala lalo na alam nya na may something kuno sa amin ni Star.

Sa pag iisip ko ay hindi ko namalayan na unti unti na kong inaagaw ng antok.

Nagising ako kinaumagahan  at agad na naghanda ng aking sarili. Nang akmang aalis na ko para sunduin si Yves sa kanila gaya ng dating gawi ay tyaka naman ako nakatanggap ng message galing din mismo sa kanya

________________________________________

Melly Yves Ricalde

:Bes baka hindi ako makakapasok ahh? Huwag mo na ko sunduin

Bakit? Papunta na sana ako sa bahay nyo ehh

:Nanibago ata ako sa klima kahapon nagising akong masakit ang ulo at mabigat ang pakiramdam

Uminom ka na ng gamot?

:Oo nagpaabot na ko kay Makkie kanina pagkatapos kong kumain

Sige sige, mamaya puntahan kita.

Sabihan ko nalang din sila about sa kalagayan mo

Siguradong hahanapin ka ng mga yun ehh

:Sige sige salamat ahh

No problem pahinga ka

:Yes po I will

_________________________________________

Wala pa man ay may epekto na agad ito sa kanya.  Ang hirap no?

Maaga pa naman kaya nagpasya muna ko na pumunta sa kanila. Hindi rin kase ako mapapalagay kung alam kong ganito sya.

Ako man ang dahilan o hindi. Kaibigan ko pa rin sya.

Bumili na rin ako ng mga prutas para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Natatakot kase akong makita sya sa ganitong kalagayan ehh.

Nadatnan ko sa labas si Makkie na nagpupunas ng kotse nila.

"Makkie" tawag ko

"Oh ate Glen, susunduin mo si ate? Hindi ba nya nasabi sayo?"

"Nabanggit nga nya kaya ako nandito para mabisita muna sya. May dala akong prutas para sa kanya"

"Ahh ganun ba? Sige ate deretcho ka lang nasa sala sina Mommy si ate nasa kwarto nya"

"Salamat"

Ngumiti lang sya sa akin at nagpatuloy na ulit sa pagpupunas ng sasakyan. Gaya din ng sinabi nya ay nadatnan ko nga din sina tita at Grace na kapatid ni Yves na nanonood sa may sala.

Bumati din ako sa kanila at tumuloy na sa may kwarto kung nasaan si Yves.

Kumatok ako ng tatlong beses at sumagot naman ang nasa loob. Batid sa boses nya na nahihirapan talaga sya pero pilit nyang nilakasan ang boses na sumagot para madinig ko

"Bukas po yan, pasok lang po" akala siguro nya eh si tita ang kumakatok

"Goodmorningg" bati ko pagbukas ko ng pinto

Nagulat pa sya ng matanawan at mabosesan nya ko.

"Anong ginagawa mo dito. Di'ba sabi ko hindi muna ko papasok?" Hirap ang boses na saad nya

"Oo nga, pero hindi mo naman sinabing hindi kita pwedeng dalawin. Bumili na rin ako ng prutas para sayo."

Ngumiti sya sakin pero pilit. Dahil na rin siguro sa sakit ng pakiramdam nya.

"Huwag ka nalang masyadong lalapit baka mahawaan pa kita"

"Tsss, kahit payat ako malakas resistensya ko no. Kumain ka na ba?"

"Yabang, oo kumain na ko pero gusto ko yang apple na dala mo, penge"

"Wait hugasan ko muna sa baba tyaka na kita pagbabalat. Orange you want?"

"Yes please?" Parang bata na sagot nya. Napangiti naman ako dahil sa inakto nya. Ang cute nya rin kase kapag naggaganito siya ehh. Ang sarap pisilin ng pisngi nya, pero tyaka na kapag wala na sakit.

Lumabas muna ko ng kwarto nya para asikasuhin ang request nya. Nadatnan ko pa rin sa baba sina tita at ngayon ay kasama na nila si Makkie

"Alis ka na ate Glen?" Tanong ni Grace

"Ammm hindi pa, tita pwede po akong makigamit ng kusina nyo? Pagbabalat ko lang po ng mansanas si Bes."

"Ay Grace ikaw na ang gumawa non?" Utos nito " ibigay mo na lang yan kay Grace, Glen at bumalik ka na lang doon sa kwarto. Bisita ka dito. Ito talagang si Yves oo"

"Hindi na po tita ako na po haha, hindi naman na po ako iba dito sa bahay nyo. Nakikitulog pa din po ako dito minsan ehh"

"Sigurado ka?" Tumango naman ako at binigyan sila ng isang malapad na ngiti. "Osya sige ikaw ang bahala. Alam mo na din siguro kung saan nakalagay ang mga kasangkapan dyan. Wala pa si Yaya ehh namalengke pa"

"Opo tita salamat po."

Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na nabili pa ng pasalubong sina tita kaya dinamihan ko nalang din ang pagbabalat ko ng prutas at ibinigay sa kanila ang iba.

Niloko pa nila ko, dahil hindi daw sila ang may sakit at pati sila ay binigyan ko ng prutas. Sinabi ko nalang din sa kanila ang dahilan at naiintindihan naman daw nila yon. Okay nga daw kahit wala eh.

Nahihiya lang ako dahil lagi ako dito sa bahay na ito minsan.

Pagbalik ko sa kwarto ay naka upo na si Yves at nag cellphone

"Dapat ipinapahinga mo yang mga mata mo sa gadgets ehh. Lalong sasakit ang ulo mo dyan" sita ko

"Ang tagal mo ehh. Akala ko nga umalis ka na ehh"

"Hindi haha, sina tita kase. Inabutan ko din ng prutas sa baba, nakalimutan ko kaseng bumili ng pasalubong sa kanila ehh. Na biro pa tuloy ako na ikaw daw ang may sakit at hindi sila"

"Si mommy talaga kahit kailan oo"

Nagsimula na nyang lantakan ang apple at Orange na dala ko. Sabik na sabik pa syang kinakain ang mga ito na tila ngayon lang sya nakakain ng prutas sa tanang buhay nya.

Ang Cute.

_________________________________________

Ang cravings ko po ngayon ay Ud ng ibang otor hahahahha

Itong scene po na ito ay yung nagkasakit si Yves sa story ng MTB. Sabay broken sina Yves at Jia pero hindi pa nila alam noon hahaha.

May hint na po siguro kayo sa next chapter hahah.




Comment