29

Time skip

1 year ago...

GLENN'S POV

"Yes po ma, aattend po ako.. sige po sasama ko po sya.. kailan nga po ulit?.. this coming sunday na?.. ahh but Saturday dapat nandyan na kame? Hindi po ba pwedeng maaga nalang po kami ng sunday?.. may work pa po kase si Bub ng Saturday ehh. Sige po ma salamat po. Love you ma miss you. Bye po"

Nang maibaba ko na ang Cellphone ko ay nagsimula na kong mag ayos. Mas maaga kase ang work time sa akin ni Bub kaya maaga ko syang sinusundo tapos deretcho work na din ako.

Kapag uwian naman ay tumatambay muna sya sa coffee shop na malapit sa hotel na pinagtatrabauhan nya para hintayin naman ako. Ganoon lang ang daily routine naming dalawa. Minsan nakakagala pa nga kami na parang mga hindi pagod sa trabaho. Maybe because ang Isa't isa ang pahinga naming dalawa.

Sa loob ng isang taon na magkasama kami, hindi naman maalis sa isang magkasintahan ang tampuhan. We have a lot of experience about that, pero kami kase kahit na gaano pa kalala ang away namin hindi ko pinapaabot ng kinabukasan ako man or sya ang mali. Gagawa at gagawa ako ng way para magkaayos kaming dalawa. Ganoon ko sya kamahal.

Kahit ano kaseng gawin kong pagtatampo ay hindi ko sya matiis. Yung isang oras pa nga lang na hindi kami nagpapansinan ay miss ko na sya agad. Yun pa kayang patatagalin ko pa hanggang kinabukasan?

Inaagahan ko talaga ang pagpunta ko dito sa bahay nila para may time pa kong makipag kwentuhan kina tita at sa mga kapatid nya. Ito rin kase ang isa pang way ko para mas mapalapit ako sa kanila. Madalas na kabiruan ko ay si Makkie. Ang cute lang kase kahit na anong bagay na meron sya ay kinikwento nya sa akin. Kung tutuusin binatang binata na sya pero syempre diba? Hindi mo naman maaalis sa isang tao ang pagiging childish.

Pagdating ko sa kanila agad kong nakita si Makkie na nagpupunas ng Sasakyan nila. Ito ang lagi nyang ginagawa sa umaga. Bakasyon man or hindi.

Pagka park ko ng kotse sa likod ng sasakyan nila ay bumaba na ko at kinamusta ko sya.

"Ang aga natin ah?" Bungad ko

"Maagang umalis si Dy ate eh ginamit nya yung isang sasakyan kaya dinamay ko na rin tong punasan"

"Si ate gising na?" Tanong ko

"Opo ate, naliligo na po kaninang lumabas ako ng bahay. Baka nag aayos na po yun sa kwarto nya." Patuloy lang sya pagpupunas ng sasakyan habang sinasagot ang mga tanong ko

"Nice. Sina tita?"

"Nasa kusina po nagluluto kasama si ate Grace"

"Ehh sina yaya?" Natawa ako ng tignan nya ko ng may pagtataka

"Seryoso ka ate?"

"Hahahaha, joke lang. Ang cute mo kase haha sinasagot mo lahat ng tanong ko"

"Ehh nagtatanong ka po ehh" kakamot kamot sa ulong sagot ulit nya

"Haha, sige na pasok na muna ko ahh? Para makabati kina tita."

"Sige ate."

"Nga pala may Chocolate sa kotse paki kuha mo nalang. Bigyan mo nalang sina tita mamaya"

Agad na nagliwanag ang mukha niya pagkasabi ko ng mga bagay na yon. Agad din syang nagtatakbo papunta sa kotse ko. Ako naman ay pumasok na sa may gate nila.

"Thankyou ate Glen" dinig ko pang sabi nya bago ako makapasok ng tuluyan bahay nila. Minsan kase ay tumatambay si Makkie sa condo ko. Lalo na malapit lang ang school nya sa condo unit ko. At sa tuwing nasa condo sya lagi nyang nilalantakan ang mga chocolate ko sa ref. Dati rati sina Bub, Shen at Jia ang umuubos ng mga ito.

Ngayon ay si Makkie na minsan kasama nya rin si Grace na lalong ikinatutuwa ko sa kanila. Hindi na sila iba sa akin at ganoon din naman sila pagdating sa akin. Naffeel ko talaga na belong na ko sa pamilya nila.

Dumiretcho muna ko sa kusina para silipin sina tita.

"Goodmorningg po tita. Goodmorningg Grace" bati ko sa dalawa. Naabutan ko silang naghihiwa ng mga rekado sa may lamesa.

"Goodmorningg ate Glen" ganting bati naman ni Grace

"Morning, napa aga ka ata?"

"Wala lang po. Amm tita pagpapaalam ko po sana si Yves sa Inyo."

"Para saan naman"

"Ahhh, isasama ko po ulit sana sya sa probinsya may Family Reunion po kase kame and mommy told me na isama ko daw po sya."

"Ahh yun lang ba? Sige lang. I know naman na hindi mapapahamak ang anak ko kapag ikaw ang kasama nya"

"Syempre po hinding hindi ko po hahayaang mangyari yon. Thankyou tita"

"Osya osya. Nag almusal ka na ba? May tira pang pagkain dyan. Hati kayo ni Yves, hindi pa rin kumakain yang babaeng yan"

"Nakakahiya naman po"

"Jusko ngayon ka pa nahiya. You belong to us. Girlfriend ka ng anak ko kaya anak na rin ang turing namin sayo dito."

Na touch naman ako sa sinabi nya. Nilapitan ko sya at niyakap

"Thankyou tita. Salamat din po sa tiwala"

"Alam kong hindi mapapahamak ang anak ko sayo."

Nasa ganoong eksena kami ng pumasok naman sa kusina si Makkie bitbit ang chocolate na pinakuha ko sa kanya. Nilalantakan na rin nya ang isa

"Hoy Makkie kanino galing yan?" Tanong ni Grace. Lumapit pa sya dito para kumuha ng isa

"Kay ate Glen. Wag kang magtampo meron ka din oh. Yan lang ito kay mommy to."

"Ang aga aga chocolate agad yang kinakain nyo kaya ang hyper nyo buong maghapon ehh"

"Spoiled kami kay ate Glen my ehh" nakangiting turan naman ni Grace. Sinenyasan ko syang huwag maingay pero nahuli din pala ako ni tita kaya napangiti nalang ako.

"Ikaw ahh. Baka nauubos na pera mo kaka spoil mo sa dalawang yan."

"I love spoiling them tita. Para may kakampi din po ako kapag niaaway ako ni Bub haha"

"Hay naku kang bata ka. Sige na akyatan mo na ng pagkain doon si Yves para makakain na kayo bago umalis"

Sinunod ko naman sya. Nagpatulong na rin ako kay Makkie na mag akyat ng pagkain. Naabutan namin sya na nagpupusod ng kanyang buhok.

"Hi bub goodmorningg" masiglang bati ko na nagpaharap sa kanya sa may gawi ko.

"Goodmorningg. You're too early naman"

"Alam mo namang saglit na oras lang na mimiss kita agad ehh"

Binitawan muna ni Makkie ang kanyang dala tyaka na nagpaalam na lalabas na. Nilapitan ko naman si Bub at binigyan sya ng halik sa kanyang mga labi. She responded to my kisses at tumagal yon hanggang sa kapusin na kami ng hininga na naging dahilan para maghiwalay kami.

After that at niyakap ko sya mula sa likod.

"Kumain ka na?"

"Hindi pa po. That's why pinaakyat na ko ni tita dito para sabay na tayong kumain. Are you done?"

"Malapit na. Pero bago ako maglagay ng lip gloss na tinanggal mo ay kumain na muna tayo."

"Kaya pala lasang strawberry"

Nang sabihin ko yon ay nahampas pa nya ko sa balikat

"Kalokohan mo"

Maaga pa naman kaya hindi kami nagmadali sa pagkain. Nagbibiruan pa kaming dalawa habang Kumakain.

"Nga pala Bub free ka naman this Sunday di'ba?"

"Yes Bub bakit?"

"May family reunion kase kami sa Sunday and pinapasama ka ni mama. Dapat sabado pa nandun na tayo kaso sabi ko may work ka kaya sunday morning nalang tayo punta doon."

"Pwede naman akong mag half day ng sabado Bub"

"Sure ka? Nasabi ko naman na kay Mama na may work ka pa ng Sat eh kaya goods lang kung Sunday morning na tayo umalis para hindi abala sayo"

" Hindi ka naman abala sa akin ehh at sabi mo family reunion yon so lahat ng mga kamag anak mo darating sa araw na yon. Gusto ko mag enjoy ka with your Fam kahit na sa onting oras lang. Kung pupunta tayo doon ng linggo ng madaling araw pagdating natin doon magpapahinga pa tayo then baka gisingin nalang nila tayo yung malapit na magstart ang program, hindi ka na mag eenjoy non kase kinagabihan bbyahe nanaman tayo pabalik dito. Kaya wag mo kong alalahanin. Hindi naman ako mawawalan ng trabaho kung hindi ako papasok ng isang araw Di'ba? And pwede ko pa ngang gamitin ang Vacation leave ko kung gugustuhin ko man."

"Mag aabsent ka ng sabado?" Gulat na tanong ko

"Sa dami kong sinabi yun lang tanong mo?" Natatawang sabi nya

"Ehh kasi naman mag aabsent ka" naka pout na turan ko.

She close the gap between us ang she give me a smack kiss on my lips .

"Stop pouting nanggigigil ako." Aniya sabay pisil sa pisngi ko  "opo sasamahan kita mula Manila hanggang Bicol. And don't worry about me. Mababawi ko pa naman yung araw na hindi ako papasok. Gusto mo pa gawa tayo ng Cake and cookies pagdating natin doon ng sabado ng gabi. Para may maiambag naman tayo"

"Ay gusto ko yan. Matagal tagal na rin akong hindi nakakatikim ng gawa mong Cake ehh. Mag kotse nalang tayo papuntang Bicol para dito nalang tayo bumili ng mga sangkap"

"Pwedi den. Kaso mapapagod kang magdrive."

"Worth it naman. Kasama kita ehh"

"Ang harot mo haha"

"Sayo lang"

"Dapat lang"

"Ay ang possessive naman ng jowa ko"

"Aba syempre baka maagaw ka pa ng iba kung hindi ko gagawin yon"

"Walang aagaw sakin sayo bub. Naka lock na tong puso ko sayo"

Alam kong kinikilig na sya dahil sa mga banat ko. Namumula na kase ang pisngi nya kaya napapangiti nalang ako.

_________________________________________

Hayuuu late morning.

Medyo napaaga tayo kase walang ud kagabi hahaha. Busy lang po talaga kaya hindi ko rin sure kung makakapag ud pa ko mamayang gabi.🥺😭
Pasensya na hahah.

Yung reunion na to nabanggit sa story nina ate Ara at Jan. Yung nagtatampururut na si Jan?😂 Hahahah

Comment