11

YVES'S POV

Gusto ko ikaw naman ang gumawa ng way ngayon Cley para umamin kay Jia. But before you confess to Jia i-fix mo muna yung sa inyo ni Shen

Tapos ako magiging comforter haha

:Gagi natawa ako

:Bwisit ka

:Pero sorry na rin kase nadadamay ka pa

Sus wala yun. Paano kong hindi ko pala alam?

Sinong pagsasabihan nyo?

I'm glad na sa akin nyo nalalabas. Na may tiwala kayo sa akin. Kahit na medyo naiipit na ko sa sitwasyon nyo.

Kaya kung ako sayo?  Gawin mo na yung nasa loob mo

I know Shen will understand naman

:Paano kung hindi naman ako tanggapin ni Jia?

Sabi ko nga sayo. Ako ang mas nakaka alam ng nangyayri sa inyong tatlo. Onti na nga lang sasabog na utak ko sa mga nalalaman ko ehh

Basta magpakatotoo ka lang sa sarili mo. At sa nararamdaman mo.

Basta yung sinabi ko ahh.??

Shen muna?

:Yes ate

Iwww yuckkk.

:Bakit? Tinatawag ka namang ate ng iba ahh

Hindi bagay sayo, na ccringe ako at isa pa mas matanda ka kaya sa akin no

:Haha oo na. Salamat sa time at advice ahh

Always Cley. Always.

_________________________________________

Nang hindi na sya nag reply ay ibinaba ko kuna ang aking Cellphone. Atleast ngayon sigurado na sya sa nararamdaman nya. Na si Jia talaga ang mahal nya. Kumbaga isa si Shen sa naging dahilan para mapatunayan nilang dalawa kung gaano nila kamahal ang Isa't isa.

Yung love life ko kaya kailangan mag ggrow?. Kailan kaya ako magkakaroon din ng lakas ng loob para masabi ko man lang kay Glen na mahal ko din sya?

Kahit na hindi nya masuklian ang pagmamahal ko, maamin ko man lang sa kanya na matagal ko ma din syang gusto.

Malabo. Malabong mangyari yon. Yes I love Glen but I also love Star as my Friend. Hindi ko magagawang hadlangan ang kaligayahan nilang dalawa ng dahil lang sa nararamdaman kong ito.

Bahala na kung hanggang saan ako dadalhin ng tadhana. If hanggang friends lang talaga kami ni Glen. Okay na siguro ako doon. Atleast kasama ko sya, kahit na masakit kapag nakikita ko silang magkasama ni Star at masaya.

MGA dalawang araw lang ata ang pinalipas ni Cley at nagtapat na sya kay Jia. Gaya ng bilin ko ay kinausap na nya si Shen.

Okay na rin yon atleast hindi na aasa pa si Shen na mababaling sa kanya ang pagtingin at pagmamahal ni Cley. Nagkalinawan na daw sila at alam ni Shen na noon pa ay may gusto na ang dalawa sa isa't isa. Halata nya yon sa kilos ng dalawa pero nagbaka sakali pa rin sya na sumubok.

Napakinggan ko na rin ang kwento nilang tatlo at masaya ako na okay na sila. After magkapaliwanagan sa condo ni ate Ara ay nagkanya kanya na kami.

Sinabay na rin namin si Shen dahil wala naman nang maghahatid sa kanya. Ayaw pa nya ng una pero nag pumilit si Glen kaya pumayag na rin sya.

"Hindi ko alam na nagkakaganito na pala ang tatlong yon." Sabi ni Glen pagkahatid namin kay Shen.

Patuloy na tinatahak ang daan patungo sa bahay naman nina Star

"Oo nga ehh. Bigla nalang umamin si Cley kanina. Nagulat pa nga ko ng malaman ko kanina ehh. Kaya pala may pamimilit pa kay Jia na pumunta sa gig nila. Tapos wala man lang nasasabi si panda sa atin."

Napatingin naman ako sa likod kung saan naka upo si Star. Nasa passenger seat kase ako.

"Like they said. Ayaw nila na may iba pang madamay? So tutal alam nyo naman na. Remember nung nagkasakit ako bes? Nung time na sinermunan mo ko kase lumabas ako? Yun ang dahilan kung bakit nagkasakit si Jia. Hindi ko pa alam na si Cley ang tinutukoy nya kaya nagtataka din ako bakit hindi si Cley ang sinabihan nya about sa problema nya sa pag ibig. Kung nakita nyo lang talaga kung paano na down si Jiji ng mga oras na yon maaawa din kayo? Umiiyak lang sya maghapon magdamag at sinisisi nya yung sarili nya kung bakit hindi sya umamin agad. Natakot lang daw sya na hindi sila same ng nararamdaman ni Cley kaya tinatago nalang nya. Until one day si Shen naman ang lumapit sa akin kaya nalaman ko na yung girl na tinutukoy ni Jiji at si Cley ay iisa. Hindi ko agad naisip na si Cley pala ang tinutukoy ni Jia na girl. Siguro dahil nasanay tayong lahat na nagbabardagulan sila kaya kahit asarin natin sila ay wala lang sa atin. Hanggang nung birthday ni Cley doon ko naman nalaman saloobin ng babaeng  yon. Doon nya ipinagtapat sa akin lahat. Na si Jia talaga ang may hawak ng puso nya kaya hindi nya mapagbigyan si Shen sa gusto nito na magligawan sila. Kaya ako din naiipit sa kanilang tatlo. Hindi ko alam kung sinong papanigan ko kaya kung napapansin nyo. Hindi nyo rin ako Maka usap ng matino" mahabang paliwanag ko.

Alam naman na din nila ehh kaya wala na kong dahilan para itago pa sa kanila. Sapat na yon para maunawaan nila kung bakit ako alam ko at sila ay hindi.

"Pero ang sabi mo bes eh family problem ang dahilan ni Jia?"

"Sinabi ko yun para hindi ka na mangulit pa. Kilala kita. Hindi mo ko titigilan hanggat hindi ko nasasabi sa'yo ang lahat."

"Okay, Atleast ngayon okay na silang tatlo. Okay na tayong lahat. Naaawa lang ako kay bebe ngayon."

"Huwag nyo syang kaawaan. Shen is a strong person, alam nyo yan. Kaya instead na kaawaan natin sya. Tulungan nalang natin syang makapag move on agad. Alam kong hindi madali para sa kanya 'to lalo na at araw araw tayong nagkakasama. Sya pa ang bunso. Tulad ni Jia noon. Mahirap makita na yung taong mahal mo eh masaya sa piling ng iba. Kaya umiiwas sya. Ganoon din ang gagawin ni Shen panigurado. Ang kailangan nating gawin ay huwag ipa feel sa kanya na mag isa sya. Dapat lagi syang may kasama at ako ang gagawa non"

Para itong nararamdaman ko. Masakit sa akin na nakikita sina Glen at Star na laging magkasama at laging masaya. Kaya pilit ko din na tinatagagan ang sarili ko para hindi nila mahalata.

"No, kasama mo kami ate Yves. Ngayon ko lang naka close yang isang yan. Classmate ko sya oo pero madalang kung magka usap kame gawa ng busy kame pareho sa club na sinalihan namen. Balak ko na talagang makipag close sa kanya noon pa pero hindi ako pinalad. Hanggang sa nakahanap ako ng dahilan para mapalapit sa kanya at doon palang ako nagtagumpay."

"Bakit naman gusto mo syang kaibiganin noon pa?" Tanong naman ni Glen

"I don't know."

"Ikaw ahhh baka nagkagusto ka na din kay bebe ahh"

"Gagi hindi hahahaha bwisit ka. Maybe siguro same kami ng vibes? Yung pagiging bubbly nya sa room namin kahit pagod sa training? Tapos wala din akong kapatid diba?"

"Eh nandito naman kaming anim ahh?" Sabat ko naman

"Noon nung hindi pa ko napapabilang sa inyo. Yun ang unang pumasok sa isip ko non. Tapos nung nakilala ko kayo hindi pa rin nawala yung want ko na mas kilalan8nnat kaibiganin sya."

"I see, I see."

Nagpatuloy kami sa kwentuhan ng kung anu ano. Kung kani kanino na napunta ang topic namin para lang ma lessen yung bigat nang nangyari kanina.

Nagtagumpay naman kame, sa buong byahe ay tawa lang kami ng tawa. Kung anu ano kase ang napapansin ni Star ehh. Kahit maling spelling ata sa mga billboard na nadadaanan namin nakikita nya.

Nang kami nalang dalawa ni Glen sa sasakyan ay naging seryoso na kami.

"Sa bahay ka nalang matulog tutal masyado ng late?" Suggest ko

"Hindi ba nakakahiya?"

Napatingin naman ako sa kanya agad. "Ngayon ka pa talaga nahiya ahh" pagbibiro ko

Napakamot naman sya ng batok dahil sa sinabi ko

"Ehh kase lagi nalang akong nakikitulog sa inyo"

"So? Kilala ka naman nina mommy at sanay naman na sila na every gig night naten ay sa bahay ka natutulog. Ako pa nga dapat mahiya sayo ehh kasi hindi mo naman ako obligasyon pa na ihatid sa bahay pero ginagawa mo parin."

"Kase bestfriend kita"

"At bestfriend din kita at concern ako sayo sa tuwing uuwi ka ng mag isa"

"Oo na wala na po akong kontra pa baka ma high blood nanaman panda ko."

"Dapat lang no. Masyado na kayang late para umuwi ka pa. But wait wala ka naman bang tinatapos na plates?"

Bigla ko kaseng naisip na kaya nga hindi kame nag stay sa condo ni ate Ara ay dahil may tinatapos pa silang projects. Ako din naman may kailangang gawin pero magagawa ko naman yun kahit nasa bahay si Glen. Ang inaalala ko lang is yung kanya naman.

"Tapos na po ako, tinapos ko na nung isang gabi kase paniguradong puyatan nga ngayon. Gusto ko matulong maghapon bukas"

"Kaya ang tangkad tangkad mo ehh tulog ka ng tulog"

"Maka matangkad ka naman dyan. 5'6" lang naman height ko ahh. Masyado mo lang kinukumpara yung height mo sa height namen. Trip ka lang talaga asarin ng mga kaibigan naten"

"Kaya pati ikaw nakikitrip?"

"Hindi naman medyo lang hahaha"

_______________________________________

Goodluck po pala sa mga students na mag eexam this week. Kaya nyo po yan laban lang.

Your author is so proud of you all😉

Goodnight po🥰




Comment