21

YVES'S POV

Sinasabi ko na ehh. Kaya missing in action 'tong dalawang to ehh. May pinaplano sila at kasalukuyan namin nasasaksihan ang pagsagot ni Jia sa ilang buwan na panliligaw ni Cley.

Dahil apat ang gagraduate ngayon ay umattended kaming lahat to support na din. Kasabay kong pumunta sa university si Glen at ang mommy nya. Then dahil nga hindi pa ayos sina ate Ara at Jan ay sumabay si Ate Ara kina Shen at Star papunta dito sa university

Sina Cley ang una naming nakita kasama ang buong pamilya nya. At hindi na namin naabutan ang iba dahil pinapasok na kami. Sumama ako sa pamilya ni Cley dahil kailangan ko munang iwan si Glen. Close naman ako sa kanila kaya hindi ako naiilang. Minutes later nag chachat si Star kung saan kami naupo kaya chinat ko sa kanya kung nasaan kami.

Malinaw na sa amin lahat. Kung bakit bigla nalang nag palit ng oras para mag speech ang dalawa. Dahil may pakulo palang gagawin si Jia at kasabwat nito si Jan. Lahat ng paliwanag sinabi na ni Jia sa harap ng maraming tao.

Nakikita ko na napakasaya ng kaibigan ko ngayon. The smile on her lips? At yung kislap ng mga mata nya. Kahit na malayo kami kitang kita mo pa rin. Pagkatawag ni Jia sa pangalan ni Jan ay tyaka naman lumantad sa pinaka likod ang isang napakalaking tarpaulin. Kulang nalang nga ay sakupin hanggang baba ehh.

Napatingin naman ako sa katabi ko na si Shen.

"Kamusta ka?" Biglang tanong ko.

Tumingin sya sa kin na may pagtataka.

"Ayus lang?" Patanong na sagot nya

"Yang puso mo kamusta? Lalo na ngayon na official na sila?"

"Haysst ate Yves, ayus nga lang po ko. I'm happy to both of them. Atleast now official na sila.

"Mahal mo pa rin ba?"

"Hindi naman basta basta mawawala yun ehh. Pero I'm slowly moving on. Wala na kong naraamdamang inggit at selos sa kanilang dalawa. Happy pa nga ko kase kahit na ganito yung nangyari sa aming tatlo ehh hindi kami nailang sa isa't isa." Paliwanag nya.

"Napaka tapang mo"

"Naman!, Tyaka isa pa masyado na kong busy sa aking life. Wala na kong oras para sa pag ibig na yan. Kahit nga yung araw araw na nagiiwan ng gift sa office ko sa SSCO ay hindi ko na malugaran eh"

"May secret admirer ka?"

"Secret admirer na bang maitatawag yun?"

"Oo. Nuks naman dalaga na talaga ang bunso namin. Alam ba nila to?" Turo ko sa katabi nyang si Star na busy sa pagtanaw sa nagaganap sa stage. Umiling lang si Shen at sinenyasan akong manahimik muna.

Kaya itinuon ko naman ang aking pansin sa isa ko pang katabi na ramdam kong nalulungkot ngayon.

"What happened?" Pa inosenteng tanong ko

"I was wrong. Jinudge ko sya agad at nilayasan ng hindi sya binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag."

"alam ko namang maiintindihan ni Jaja yun ate."

"Hindi ko maiwasang hindi mag isip lalo na hindi nya ko nilalapitan para magpaliwanag"

"Baka naghihintay lang sya ng time para sa inyong dalawa."

"Bahala na. But this time ako naman ang unang lalapit sa kanya. Alam kong may mali din ako kaya hindi ko hahayaang tumagal pa to."

"That's my Ate"

After graduation ay nagpaalam na agad si Ate Ara dahil bigla nalang nawala sa paningin namin si Jan. Hindi rin sya sumabay kay tito na labis na pinagtatakahan ko. Kaya hindi din magkandaugaga si ate Ara. Hindi na nga din sya nakapagpaalam sa ibang girls ehh.

Sa may hallway naman habang sinasamahan ko ang girls na magbalik ng toga ay muli naming nakasalubong si ate Ara na tila pinagsakluban ng langit ng lupa

"Oh ate Ara hindi pa kayo nagkita ni Jaja?" Tanong ko ng makita ko sya 'di kalayuan sa office

Umiling sya at parang nawawalan ng pang asa.

"Paki hawak muna to" suyo ni Jia kay Cley na agad namang tinugunan ng isa. May hinanap ito mula sa kanyang bag at inilabas ang isang maliit na papel at ibinigay ito kay ate Ara na ngayon ay naguguluhan na rin sa nangyayari.

"Blooms Art Gallery? Para saan to?" Tanong pa niya na may pagtataka

" Basta punta ka sa location na yan. Nandyan din sa lugar na yan ang sagot sa mga tanong sa utak mo. Trust her okay? Huwag mong gayahin tong si Cley na padalos dalos sa mga desisyon nya sa buhay."  paliwanag ni Jia

"Thankyou. And congrats nga pala sa inyong tatlo ahh. Sa inyo din ni Cley congrats."

"Thankyou din ate Ara. Bukas ka nalang bumawi sa amin or kahit sa next day nalang just enjoy the day with jaja later"

Iba din talaga tong dalawang to kapag nagplano. Wala kang mahahalata.

"Ano nanaman kayang pakulo ni Jan para kay ate Ara?" Bulong ni Glen sa may tenga ko.

"Ewan ko din ehh. Malalaman natin mamaya kaalus ni ate Ara. Hindi ko naman titigilan yang isang yan"

"Ay bet hahaha. We need an explanation. Na stress ako sa kanila ehh"

"Hindi lang ikaw bub, ako din."

"Ano bang meron?" Tanong pa ni ate Ara

"Basta it's all gonna be worth it. Trust me. Kaya kilos na and magpaganda ka na habang may oras ka pa."

Pagkatapos naming bumeso sa kanya isa isa ay nagmamadali na syang umalis. Nakatingin lang kami sa kanya habang papalayo samantalang sina Glen, Jia at Cley ay pumasok na sa loob ng office para isauli ang mga toga na ginamit nila.

"Talagang hindi nawawalan ng surprises ahh. Kahapon si bebe ang may pasabog para sayo ate Yves, tas kanina sina Cley at Jia tapos hindi pa man natatapos ang araw ito namang si Jan ang may pasabog. Sino kayang next?"

"Si Yves panigurado. Papayag ka bang wala?"

Napa isip naman ako dahil sa sinabi nilang dalawa. Naiwan kase Kaming tatlo dito sa labas ng office. Dahil maraming tao sa loob ay hindi na kami nakipag siksikan pa.

"Oo nga pala ate Yves ano na palang plano mo para kay bebe. Sabihan mo naman kame ohh. Hindi yung bigla bigla nalang kayong nanggugulat. Nakaka hurt na kayo sa heart ahh"

Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Shen. Ako pa ba walang naka plano? Syempre meron pero hindi ko ngayon ibibigay. May gift ako oo pero hindi tulad ng inaasahan nyo. Secret muna syempre.

"Wala naman kase syang gustong sabihin na kahit anong gift ehh. Kaya wala ako kahit na anong bagay na maibibigay sa kanya sa ngayon. Pero naka plano na ang mga happenings this week. Bago bumalik ang mga parents nila pa probinsya."

"Anong plano?" Tanong ulit ni Star

"I'll treat her pa Dubai at aalis na kami sa makalawa."

"Talaga nga naman oo! Ano na ba kami sa pamilyang to? Parang napapansin ko lagi kaming walang alam ni Shen ahh. Ganunan nalang ba??" Nagtatampo pang wika ni Star.

"Haha ilang araw lang kami doon. Babalik din kami agad. Kase di'ba may plano na mag ffamily dinner tayo bago bumalik sina tita papuntang probinsya.?"

"Alam ba ni Bebe?"

"Syempre hindi no. Mamaya ko palang sasabihin sa kanya."

Sakto namang lumabas na ang tatlo kaya hindi na nakahirit pa ang dalawa sa akin.

"Nainip ba kayo kakahintay, andaming tao sa loob ehh" tanong ni Glen pagkalabas

"Hindi naman, hindi naman nauubusan ng chicka tong dalawang to ehh" sagot ko tyaka binalaan ang dalawa

"So tara na?, Saan nyo gustong mauna?" Tanong ni Ji

"Sa inyo syempre doon ang handaan ehh." Sagot naman ni Star.

Dahil nga nasa malayo ang probinsya nina Glen at Cley ay hindi na sila nag abala pa na magluto dito dahil nasa malayo din ang mga kamag anak nila. But Jia's parents included the two para sa celebration sa bahay nila.

Sa katunayan lahat ng tarpaulin naming anim ay naka post sa bahay nina Jia. Para talaga kaming isang buong pamilya kung mag turingan kami. Pati parents namin ay involved.

Masaya ako dahil na appreciate nila kami. Kung sa ibang barkada kase against ang parents sa mga kaibigan nila dahil nakaka apekto lang daw ito sa academic performance ng isang tao. Na bad influence daw ang kaibigan. Pero sa kalagayan namin. Sa tingin ko hindi naman. Dahil Nagtutulungan kami para sabay sabay kaming umangat. At ganoon naman ang nangyari diba? Sabay sabay kaming nag graduate at Cum Laude pa.

"Ayy Jiji maalala ko lang anong kwento sa likod ng card na binigay mo kay ate Ara?" Biglang tanong ko dahil need ko na din ng kasagutan.

"Ahh yun ba? Yun naman yung surprise ni jaja para kay ate Ara para sa 3rd monthsarry nila. Yun ang pinlano namin ni jaja nitong mga nakaraan kaya pareho kaming hindi nagpaparamdam sa inyo. Hindi lang nakayanan ni Jan ang pagkamiss sa jowa nya kaya sya rin kusang sumuko at pinuntahan si ate Ara para mag sorry sa ilang araw na hindi nya pagkibo sa isa. Na hindi ko naman magawa kahit na sobrang miss ko na tong mokong na to. Hindi ako magaling magtago ehh baka mabisto ako agad kaya tiniis ko sya until kanina. Ako unang humingi ng tulong sa kanya at kapalit ng tulong na iyon ay ang pagtulong ko din sa kanya para makahanap ng swak na place para sa surprise which is ate Art Gallery. Alam naman naten na hilig ni ate Ara ang arts diba? Kaya doon ko naisipang dahil ang dalawa. The rest si Jaja na ang nag plano. Bwisit na bwisit pa nga si Jaja ng mag away sila ni Cley ehh. Kababati lang daw nila ni ate Ara tapos nag away ulit sila dahil sa maling akala nitong si Cley"

"Sino naman kaseng hindi iinit ang ulo. Makikita ko kayong masaya tapos makikita ko sya kasama ulit si Ara. Tapos hindi pa nya sinabi ng deretyahan na mali yung hinala ko. Hindi nya nilinaw."

"Buti na lang at hindi nya ginawa kase siguradong hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag nalaman mo ng mas maaga"

"Atleast ngayon okay na di'ba? It's official" saad pa ni Shen

_________________________________________

Ang hirap palang mag brainstorming no?? Sumabog utak ko hahaha. Kase involve na ang BML sa scene huhuhu. Goodluck self..

Comment