3

GLEN'S POV

For some reason hindi ko alam kung bakit ko ba napagdiskitahan ang binili kong drinks para kay Yves

Alam ko ever since na favorite ni Yves ang Strawberry kahit anong pagkain basta may strawberry kakainin at kakainin nya. Kaya pati ako ay nasasanay na sa lasa nito.

Kaya naman kanina ng matikman ko mismo ang inorder ko ay hindi ko na na awat pa. Sabi ko kay Star ay titikim lang ako kaya tawa sya ng tawa ng makita nyang halos paubos ko na ang isang Cup.

At hindi nga nagkakamali si Star ng sinabi pagdating namin sa music room naghahanap nga si Yves ng drinks.

Pero sya din naman ang kumontra ng bibili ko nalang sana sya ng drinks sa Canteen at mag ttubig na nga lang daw sya.

Glenda Louisse Apuli nga pala ang pangalan ko. A 5th year student as an Engineer. Classmate ko si Cley Laiden since first year but kaibigan ko na sya since grade 9 palang kame. Hindi ko alam kung friend na va ang turung nya sa akin noon dahil hindi ito pala kibo. Aaminin ko minsan ay naiinip ako sa tuwing kasama ko sya. Pero kase hindi naman nya ko tinataboy ehh kaya siguro ang hirap nya ring iwan. Baka want nya lang ng kasama at hindi nya gusto ang may kausap.

Sumasama man ako sa ibang classmate namin noon ay sa kanya pa rin ako babalik. Until mag senior high school kame ay same strand pa run ang kinuha namin. Or sabihin na natin na sunundan ko talaga sya sa STEM para kahit papaano ay may makasama sya. Baka kase kapag nag iba ang ng strand ay wala nang kumausap sa kanya.

At doon ko nakilala si ate Ara. Transferee sya sa School na pinapasukan namin kaya wala pa syang masyadong kakilala. Kaya ako heto bilang isang extrovert person ay nilapitan ko sya at nakipag kaibigan.

Nang medyo close na kami ay tyaka ko naman sya pinakilala kay Cley. Ilag pa si Cley noong una pero nasanay na rin kalaunan sa presence ni ate Ara. At hanggang ngayon ay magkakasama pa rin kame matatag patun ang smahan naming tatlo kahit na sinukuan ni ate Ara ang pagiging engineering student. Hinayaan naman namin sya kung anong gusto nya pero hindi nagbago ang samahan namin. She have friends din sa course nya pero kami talaga ang kasa kasama nya.

Naghihintayan kami every break at lunch time. Kung sino ang unang matatapos na class hour ay matyagang maghihintay sa amin sa music room. Ganon ang gawi namin lagi hanggang sa dumating sa buhay namin ang tatlong magkakaibigan din. Unexpected lang din yon. Tatlo din sila ang kaibahan lang ay ngayong college lang sila nagkita at nagkasama

One time kase habang naghahanap kami ng mappwestuhan ay nakita namin sila at suggest ni ate Ara na samahan na lang namin sila tutal ay same club at group lang naman daw kami. Kami naman ay nagpatangay agad at yun, doon nagsimula na lumaki ang barkadahan namin.

Everyday kami na ang sama sama. Naging close sa isa't isa hanggang sa napapansin ko na nagiging by partner na kami. Si Ate Ara laging kasama si Jan kase nga Englishera matter. Tapos ako laging kasama si Yves dahil same vibes din kami pareho. Hyper din naman si Jia pero mas pinili nyang lapit lapitan ay ang nananahimik na si Cley.

Doon ko naman nakita na unti unti nang nagsasalita si Cley. Wow ahh ano si Cley pipe? Or batang hindi pa marunong magsalita? Haha. Hindi ehh. Hindi ko alam kung anong meron kay Jia pero imbis na mainis si Cley sa kakulitan nya ay sinasabayan nya pa ito. Isang Jia lang pala ang makakapagpakibo dito sa bestfriend ko.

Ngayon? Masasabi ko na goods kaming lahat. Lalo kaming naging solid. Walo na rin kami ngayon. Naunang napabilang sa amin si Star na kasa kasama nga namin ni Yves tapos si Shen na kaklase din ni Star. Nirecommend kase nya sa coach namin si Shen at dahil recommended nga sa grupo din Namin sya napabilang.

"Para ka talagang koala no?" Biglang sabi ni Jia mula sa likod namin ni Yves.

Nakayakap kase ako sa kanya. Ganito kami lagi. Mahilig kami pareho manyakap ng tao kaya tawag nga nila sa amin minsan ay koala at panda ehh. Out of nowhere yayakap nalang ako bigla. Si Cley nga lang ang hindi ko nayayakap, madalang lang sa madalang tapos hindi pa nagtatagal.

Bukod kina Yves at Star. Si Shen ang hilig ko pang yakap yakapin. Dahil siguro sya ang pinakabata ang clingy nya dun kase.

"Bakit ba? Eh gusto ko ehh" sagot ko sa kanya. Kasama nya as usual si Cley at Shen samantalang nahuling dumating sina Jan at ate Ara.

"Wala nasabi ko lang masama ba?"

"Seselos ka lang kase akap akap ko si bes eh"

"Ay beh kahit magsawa na kayong dalawa dyan magyakapan wala akong paki"

"Grabe ka naman sakin Jiji, para mo namang sinabing ayaw mo ko kasama"

Si Shen naman ay tawang tawa.

"Ayan lagot ka. Bebe pa yakap nga. Ikaw nalang yayakapin ko. O kaya ikaw nalang mare"

"Ito gusto mo?" Agad na sagot ni Cley sabay pakita ng kanyang kamao.

Akmang tatayo palang ako pero ito na agad bumungad sa akin kaya dumiretcho na ko sa kinatatayuan ni Shen

"Masyado akong payat para sa suntok mo mare baka liparin ako" pagbibiro ko nalang na tinawanan naman nila

"Hindi ko alam kung paano ko kayo naging kaibigan" sabi nalang ni Cley tyaka na naupo hawak hawak ang gitarang nakuha nya kaninang pagpasok nya dito.

"Kami din hindi namin alam kung bakit hanggang ngayon ganyan ka" sita naman ni Jia na ikinahalakhak namin.

Ito talagang dalawang to oo kung ano ano napapansin. Kung anu ano ginagawa.

Ginaya lang naman ni Cley ang mukha ni Jia at hindi na sinagot pa. Nag strum na din sya sa gitarang hawak.

"Friday ngayon tutugtog kayo?" Tanong ni ate Ara

"Syempre naman. This is the day that I've been waiting for haha" sagot ni Yves

"Lalaklak ka nanaman ng Mic" sita ni Jan

"Oyy grabe ka naman Jaja. Bakit parang napapansin ko kayong dalawa ni Jia trip nyo ko asarin. Kanina pa kayong dalawa ahh. Baka nakakalimutan nyo mas matanda pa rin ako sa inyong dalawa."

"Mas matangkad naman ako sayo malas" sagot naman ni Jia na ikinasimangot namn ni Yves

"Payag ka non bes? Maliit ka daw?" Tanong ko just to teas her ang cute cute kase nya ehh

"Ginatungan mo pa." Awat ni ate Ara sa akin.

"Grabe kayo sa height ko. Porke matatangkad kayo sakin ginaganyan nyo na ko." Sagot ulit nya

Mabuti nalang at dumating na ang mga coach namin kaya natahimik na kami lahat. Tumabi parin ako sa kanya, bali nakapagitna ako sa kanya at kay Shen na hinila ko kanina.

"Oy bes galit ka ba?" Hindi ko maiwasang tanungin sa kanya habang nag didiscuss yung coach namin.

Alam ko kase si Yves ehh, madaling mapikon perp saglit lang naman. After mga five minutes balik na yung dating Yves na Makulit

"Hindi naman why?"

Sabi sa inyo ehh, wala na agad haha

"Wala naman baka kase nagagalit ka na dahil sa pinagsasasabi namin sayo" bulong ko ulit para hindi kami maka istorbo sa mga nakikinig. Mabuti nalang at nasa pinaka likod kame. Yun kase gusto naming pwesto ehh

Kapag kase sa unahan lagi sa inyo ang spotlight haha. Kayo lagi ang sample.

"Not a big deal bes. Sinasakyan ko lang din trip nyo para ma light yung mood natin para pareho"

"Just checking bes, ayoko naman may tampo ka na pala sakin or sa amin"

"Jusko po rudeh. Hindi na tayo bata para isipin at palalain pa yung mga bagay na yun. Mga isip bata nga lang talaga tayo minsan." Paliwanag pa nya

Ito lang din ang gusto ko sa kanya. pikon man pero nasa lugar

"Goods" sabi ko nalang tyaka ko sumandig sa balikat nya. Samantalang sya naman ay sinandal ang ulo sa ulo ko at nagpatuloy na kami sa pakikinig kay Coach

Pagkatapos ng training ay nag ayos na kami lahat bago kami pumunta sa restaurant na tinutugtugn namin. Ako ang nagsisilbing drummer, si Jia ang Pianist, si Cley ang acoustic at nag ssecond voice tapos si Yves ang kumakanta.

Yung mga karaniwang kanta lang din ang kinakanta ni Yves. Tina timing nya sa kung anong mood ng mga tao na kumakain. Minsan may mga nagrerequest kung anong music ang tutugtugin namin.

Mga 4 to 5 song lang din ang kinakanya nya. Alam nyo ba na pari ako ay namamangha dahil sa blending ng boses nilang dalawa ni Cley. Alam ko na noon pa na maganda talaga boses ni Cley pero kapag nag dduet na sila ni Yves lalong gumaganda. Ang sarap sa tenga pakinggan

Nakatingin lang ako kay Yves habang kumakanta sya. Damang dama kase nya ang bawat lirikong binibigkas nya kaya lalo itong nadadama ng mga taong nanonood sa amin. Yung emosyon. Kung paano nya ito ipaparating sa mga tao. All I can say is she slay on it.

Kaya siguro nahulog ako no?

_________________________________________

Pasensya na po tunatamad mag type si otor ehh. May problem lang po talaga. Sana naging satisfied pa rin po kayo kahit na Ud turtle ang nangyayare.🥺 Salamat po



Comment