Chapter 8

--**


Rukia's POV


Ang kulit talaga netong Mondragon nato! Sabi ko wag na alo ihatid. Kesyo mapapahiya daw siya at masisira daw reputasyon at career niya pag di niya ako nahatid ng maayos sa bahay. Like duh? Malalaman ba ng fans niya kung walang magsasabi? Tsaka kalapit lang ng bahay namin no! Walking distance lang mula sa bahay niya. Shunga rin ee -.- kaya heto, nandito kami ngayon sa kotse niya----TAHIMIK. Spell, AWKWARD -.-


Five minutes lang were here na.


"Oyy Mondragon! Salamat sa paghatid"


Saka ako bumaba. Malapit na sana ako sa may gate nung biglang may nagsalita.


"Let him in"


Haalllaaaa! May nagsalita! Teka, kami lang naman ni Drexther dito aa!


"Oyy Mondragon! Ikaw ba yung nagsalita ?"


Umiling naman siya.


"Ee sino garod yon? May kaibigan ka bang dwende? May nagsalita kasi talaga ee! Meron talaga, narinig ko! Halllaaa! Di kaya may multo ? Pero ang aga naman yata! Hala Drexther!"


Natawa naman siya nang bigla ulit may magsalita.


"Ako yun, tanga!"


Teka, kaboses ni Kuya yun aa! Waaiitt.. saka ako lumingon sa nagsalita.


"Kuya Rein?"


Ahh.. Si kuya Rein nga pala, He's the eldest. Fresh graduate lang siya pero dahil sa expert at talino niya through medicine, ayun. May nakadiscover sa kanya at kinuha agad siyang private doctor ng isang family na based sa United States.


"Ako nga" sabi niya.


"Bakit nandito ka kuya? Diba nasa US ka?" bulalas ko naman kay kuya.


"Naahh.. I just missed you. Sino ba yang naghatid sayo? Pababain mo nga ng makilatis ko. Ikaw Rukia aa, late kana pala umuuwi. Mom and Shakira are worried. Tigas ng bungo mo!" Sabi niya sabay kurot sa pisngi at ilong ko.


"Kuya naman ee! Nangurot pa. Dii na. Pauwi na rin naman siya" sakto namang paalis na si Drexther


"Tekkaaaaaaaa!"


Hinabol ni kuya yung kotse niya at eto namang si tanga, nag stop pa!


Wtf. Mapapasubo ako sa lalakeng to ee!


Bumaba naman siya sa car.


"Bakit?"


"What the? Drexther Ezekiel Sarmiento Mondragon?!!"


Kilala ni kuya ? At buong pangalan talaga ?


"uhmm.. yeah. Why ?" -Drexther


"Ikaw ba maghatid sa little sister ko?" -kuya


"Kuya naman ee!"


"Kapatid po pala kayo ni Rukia? Uhm.. Sorry po ha? kung nalate po siya ng uwi. And yeah, ako po naghatid sa kanya dito" -Drexther


"Nakooo! Ice lang. Okay lang din na mag date kayo! Oks na oks! Basta hatid mo siya ha? By the way, ako nga pala si Rein, kuya ni Rukia"


kingina. Kapal ng feslak netong kapatid ko. Nakipag shake hands pa! At anong date date pinagsasasabi neto?!


What's happening?


"Ahh. Di po kami nagdate ni Rukia" -Drexther


"Hayynnaaa! Wag kana magsinungaling. Okay lang naman ee!" -kuya


"Kuya ano ba! Hindi nga sabi kami nagdate!" -ako


"Aish! Shattap Rukia! Pumasok nalang tayo. Sa loob na kayo magpaliwanag"


Di na napigilan si utol. Sumunod nalang kami sa kanya. Anong meron dito sa kapatid ko, ang lapad ng ngiti. Psh. Kung diko lang to kuya ee!


"Maahh! Rukia's hheeerreeee! May kasamang lalake! Nag date sila!" -kuya


I looked at kuya with what-the-fuck-are-you-talking-about look. And guess what?! Tinawanan lang niya ako! Si Drexther napakamot nalang ng batok.


Kingina neto. Wala man lang ba siyang gagawin? Ang strict ng nanay ko pagdating sa boys. Tsk.


"Oh, you're home. C'mon sit" -mama


Waaahh! Si mama nakasimangot! Paktay ka diyan Rukia! Pahamak kasi tong si kuya!


"Bakit kayo late umuwi?" Straight to the point na tanong sa amin ni mama pero sakin siya nakatingin.


Yung tingin ni mama parang nagsasabing wag-kang-magsisinungaling look.


"Ah, eh. Kasi po Ma..." -ako


"Ikaw na ngalang ang tatanungin ko. What happened at late kayong umuwi ni Rukia?" -mama


"Maaahh! Drexther just drive me home" -ako


"Ahh. Drexther pala pangalan mo. Drexther iho, anong dahilan at balit kayo ginabi ni Rukia?" -mama


Pababa na si Shakira nung bigla siyang napasigaw.


"Mama andyan na po ba si A--- OMFG! Drexther Mondragon!" -Shakira


"Shakira!" Sita ko sa kapatid ko na akala mo nakakita ng multo habang nasigaw at nakatulala


"Teka nga, manahimik nga muna kayo. May bisita ee" -mama. Tumahimik naman kami. Mahirap nang magalit si mama. Long speech yan pag nagkataon!


"Drexther, tell me the truth. Nag date ba kayo ni Rukia?" -mama


Bigla namang nanlaki yung mata ko sa gulat. Hallaaaa! Si mama, kung makatanong naman walang preno. Napaka straight to the point.


"Mama naman ee. Pati ba naman ikaw?" -ako


"Nag date nga ba kayo?" -mama


"Ayy hindi po. Hinatid ko lang po talaga siya. Sorry po kung nalate siya ng uwi, nakatulog po kasi siya sa bahay ko ee" -Drexther


"Huuwwaaaaaaatt?" Sabay sabay nilang sabi.


"Wait lang Ma, Kuya, Shakira, lemme explain!  Isinabay niya lang ako pauwi kasi yung bahay nila malapit lang dito. Nakatulog lang ako nung on the way kame pauwi. Napasarap yung tulog ko kaya ayun nahiya naman daw siyang gisingin ako to ask if saan tong bahay. So let me sleep sa kanila. Paggising ko 7PM na. Ano, oks na ba?" -ako.


Okay, I lied. Ayoko lang malaman nila yung tungkol sa issue namin ni Scarlet. They're very protective tho. And pinaka rason, malapit na magkaibigan yung mga magulang namin ni Scarlet. Ayoko namang mag away oh magka lamat yung friemdship nila nang dahil sa issue namin.


"Fine. Naniniwala na ako sa inyo. Besides, nandito ka na rin lang, dito ka na samin mag dinner. I won't take no as answer"-mama


"Mama! Uuwi na siya!" -ako


"Nagmamadali ka ba Drexther?" -mama


Okaaayy. Di ako pinansin -.-


"Ahh. Di naman po. Pero sige po. Dito nalang po ako kakain" -Drexther


Ngumiti nalang si Drexther sakin. Psh. Kainis. Kaya hinila ko siya sabay bulong.


"Tangek! Dapat sinabi mong uuwi kana! Bahala ka! I-i-interrogate ka ng mga yan!"


He just smiled and whisper back.


"Okay lang yun" -Drexther


He smiled, AGAIN.  Tsk. Ang cute talaga neto pag na ngiti.


Huh? May sinabi ba akong ganun? Erase! Erase! Erase! Kung anu ano nang nasasabi ko! Ikakain ko na ngalang. Gutom lang to.


And ayun! Nagkwentuhan lang silang tatlo over dinner na akala mo di ako nag eexist sa mundo. Psh. Inasar pa nga ni Mama na bagay daw kami ni Drexther ee. Wahahahahah. Baliw na nanay ko. But surprisingly, cool na cool at komportable si Drexther sa fam ko. He knows how to use his charm :D Then after dinner, nagpaalam na rin si Drexther. Yung kuya ko naman, tuwang tuwa! Close na daw kase sila ng Idol niya! Psh.


Edi wow!


--****


A/N: Hheeyyyooowww! Hahahahah sprry if lame. May sakit pa ako while making this chapter. Sorry if boring :( anyways, thank you sa mga sumusubaybay kung meron man, HAHAHAHAHA XD And by the way, ipopost ko na nga po pala yung isang sulatin ko dito. Title is HUGOT 101. Hindi po iyon story. Mga hugot lines at ka cornyhan lang ang laman non pero kung gusto niyo ma sight edi go! Thank you. Lovelots :* :* :*


- Eya_Tan😘

Comment