Chapter 2

-**


Rukia's POV


"Fuck! Siya yung transferee from US diba?"


"Mygosh! Oo siya nga!"


"OMFG! Si Drexther Mondragon! Ibig sabihin totoo yung nasa facebook page ng school! Emegeessh!"


" oo siya yun. Sabi pa dun fourth year na daw!"


"Deym! Ang swerte naman natin!"


"Soobbrraaaa!. Waaaahh"


Bungad palang namin sa campus dinig na dinig na ang mga tilian ng mga babae. Drexther Mondragon? Baka sikat talaga siya. And so ? Spell WALA AKONG PAKE! Hahahah.


Kalagitnaan ng pagmumuryot ko nung biglang may humila sakin papuntang bulletin board. Puta. Sino ba to?! Tsk. Akmang sasapakin ko na sana siya nung bigla siyang lumingon. Shems! Si Kysha pala. Kala ko naman kung sino. Si Kysha nga pala bestfriend ko.


Titignan ko na sana kung anong section ko nung bigla siyang nagsalita. "Bat ang tamlay mo? May problema ba?"


"Ha? Di naman ah! Ang happy ko nga e!" Bibo kong sagot sa kanya para di siya makahalata. "Sus! Kunwari ka pa! Magsisinungaling ka na nga, sakin pa! Kilala kita. Tell me, what's bothering you ? Or should I say, 'WHO' is bothering you?" Inemphasize pa talaga niya yung WHO, psh. Pero sabagay bff ko si Kysha. Malalaman at malalaman niya. Kaya yun, umamin nalang ako at kinuwento sa kanya ang mga nangyari about sa break-up thing na yan.


"What the fuck! For real? Bakit niya nagawa yun?" Makikita mo pa sa kanya na galit siya. Galit na yan syempre. Alam niya kase kung gano ko minahal si Kaizer. For your information, siya pa ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Kaizer. They're cousins. "Aba! Malay ko sa kinginang pinsan mo. Siya tanungin mo wag ako. Ang alam ko lang, sobrang sakit ng ginawa niya. Sobra" napa hayy nalang ako nung hinug ako ni Kysha. "I'm here naman e. Tsaka kaya mo yan, lakas mo e. Madami pang iba diyan. Yung mas deserving" napanatag naman ako. Bestfriend ko nga talaga to.


Pagkatapos ng dramahan tinignan na namin kung anong section namin. Hinanap ko naman agad yung list ng section ng fourth year. Hanap, hanap, hanap.... and charan! "Ayun! 4-A ako bes! Ikaw ?" Hiyaw ko sa kanya. "4-A din ako bessy!" Sigaw naman niya pabalik. E kasi nga ang daming mga students na nagsisigawan.


Oh yess! Classmates pa rin kami. Hahahah. Aalis na sana kami ni bes nung bigla akong may naalala at bumalik sa bulletin board at hinanap ang pangalan niya.


Kaizer Santiago
Scarlet Alvarez


"Taena. Galing talaga magbiro ng tadhana. Naging kaklase ko pa yung dalawa. Damn!" Napamura nalang talaga ako nung nakita ko. Sa sobrang inis ko hinila ko na si Kysha paalis dun.


-Recess-


*sa canteen*


Maayos kaming nakapila ni Kysha nung biglang may sumingit sa harap ko. Putcha. Badtrip na nga ako kanina dun pati ba naman dito. Sino ba tong punyetang makasingit na to? Gutom na ako! Sinapak ko siya sa may bandang balikat niya. Aba! Hindi ako pinansin! Sinapak ko ulit dalawang beses! Sino ba kasi to! Humarap na siya pero biglang nahulog yung wallet ko. Sabay pa kaming namulot nung wallet ko at nung pagtayo namin.... waaaahhh!


"Ikkaaaaawwwww??!!" Sigaw naming dalawa.


Taena! Ito yung manyak na lalaki ah! Shit. Siya yun!


-**


A/N: 4 chapters down mga ka wattpad. Itutuloy ko pa ba to? Hirap na hirap na braincells ko. Hahahah Wag na po kayo magtaka. Bawat chapters ko po ay maiiksi hahahah. anyway, thank you sa mga nagbabasa at naghihintay ng update ko. Kamsa:*.

Comment