Chapter 4

Itinutok ko sa kanya ang baril habang unti unting lumalapit na may malaking ngisi sa labi.Parang nawalan ng kulay ang balat nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kin.
"Bakit may dala kang baril??Diba bawal yan??"


Pinanlakihan ko siya ng mata saka ngumuso
"Bakit?may dala ka din namang kutsilyo gago!Ikaw narin ang nagsabi na gumaya ako sayo Gago!!!"
Nakakagigil talaga ang mabahong pangit na toh!Siya ang nauna tapos pagsasabihan ako??Eh kung iumpog ko kaya siya sa pader para lalong pumanget??


"Wag mong ipuputok kundi sasaksakin kita!" Takot nitong saad na ikinatawa ko saka inalis ang safety lock ng baril bago ikinasa.Lalong nagsiingayan sa loob ng classroom


Niloloko ata ako ng gagong toh eh,bago pa niya ako masasaksak..uunahan ko na siya.
"H-hoyyy!!S-sandali"


Nagtulong tulong sila para mapigilan ako pero di naman makalapit..palibhasa mga duwag


Habang umaabante ako patuloy lang siya sa pag atras hanggang sa macorner ko na siya.
"Babye.."
Nakita ko ang takot sa mukha niya at napapikit na ikinatawa ko
"Huwagggggg!!"


Kinalabit ko ang gatilyo
"Bang!bang!bang!hahahaha"
Saka ako tumawa ng malakas habang ang kamay ay nakahawak sa tiyan.
Rinig ko ang pagkabigla ng ilan at paghinga nila ng maluwag dahil nalamang laruan lang ang baril na hawak ko.
"Hahahaha!!epic-fail ng hitsura mo tang*na..lalong pumanget!!!Hahahaha"
Tawa ko pa pero mukhang Hindi siya natutuwa dahil nagbago ang hitsura ng lalaki.napalitan ito ng galit at Inis


"Tang*na mong babae ka mamatay ka na!!!" Umamba siyang aatakihin ako pero dahil mas maliit ako at mabilis nagawa ko pa itong iwasan hanggang sa sunod sunod na ang ginawa niyang pagsugod sakin....nadaplisan ako sa kaliwang braso pero di ko ininda iyon dahil nag eenjoy pa ako sa inis na reaksiyon niya...


'Segi..sugod pa,tangina mo rin!'


Para akong mabibingi sa ingay sa classroom gawa ng mga kaklase ko.pero yung ibang lalaki nagchecheer pa sakin at nagpupustahan....mga wala talagang kwenta


Nangmapagod ako sa kaiiwas ay hinawakan ko na ang pulso niya saka sinuntok ng malakas ang mukha niya ng tatlong beses na ikinahilo nito.Kinuha ko mula sa kamay niya ang kutsilyo saka itinapon sa bintana.Pero dahil matigas ang kalaban ko ,nakatayo pa ito ng deretso at sobrang sama ng tinging ipinapataw sakin.


Pinakyuhan ko lang siya na lalong ikinainis nito.may Narinig akong tumawa sa likod ko kaya napalingon ako,pero wrong move pala dahil ako naman ngayon ang nasuntok niya sa panga kaya naman nag init na ang ulo ko at ginantihan siya ng suntok na double ang lakas kesa sa ginawa niya.
Umikot ako at saka sinipa ang ang pagmumukha niya..


*blagggg


Ayun,sa wakas natumba narin ang mokong.Napabuntong hininga ako at pinagpag ang kamay sa paldang Suot ko.Kumunot ang noo ko ng mapansing bigla nalang natahimik ang paligid kaya lumingon ako sa likuran na agad ko ring pinagsisihan


"Miss Salvador!!! To my office NOW!!!"
Napangiwi ako sa matinis na sigaw ngatandang principal


Kamot ulo Kong kinuha ang bag ko mula sa sahig at sinundan ang matandang principal.Bago ako nakalabas sa room nakipag apir pa muna ako sa mga kaklase Kong lalaki


******


Masama,Napakasama,sobrang sama,masamang masama talaga ang nangyayari sakin pagnalaman ni uncle ang nangyari ngayon sakin.Ngayon ko lang din naalala ang usapan namin ng matauhan ako.
Halos maiyak na ako habang iniimagine ang sarili ko pagkaharap ko na siya.Para pa naman siyang dragon pagnagalit...bumubuga ng sermon


"Miss Salvador... "
Napatingin ako ng deretso sa principal at napakamot ng ulo


"Hello po..hihihi"
Tumaas ang kilay nito saka hinampas ang mesa na ikinangiwi ko


"Alam mo naman siguro ang dahilan kung Bakit ka nandito Hindi ba??"
Tumango ako


"Nakipag away po ako pero dahil lang po pinagtanggol ko ang sarili ko laban sa kanya..Siya ang nauna eh!!Self-defense lang yung ginawa ko Lola, maniwala kayo sa Hindi mabait na bata po ako...kahit tanong niyo pa sa mga kaklase kong nakakita ng nangyari kanina wala akong kasalanan..."


"Self defense??self-defense ba yung nambogbog ka ng estyudanteng halos mamaga na ang mukha? At nabalitaan Kong nagdala ka raw ng baril na mahigpit na ipinagbabawal sa esk-Diyosmiyo!!"


"Heto po ba ang sinasabi niyo??okay..sayo nalang"
Ibinigay ko ang baril na hawak ko sa kamay niya pero napatayo lang ito sa gulat kaya nahulog ang baril.Sumimangot ako


Binibigay na nga ayaw pa..hmp


"Ano yan!!"matinis nitong sigaw na pasimple Kong ikinairap


'Baka talong yan!okaya hotdog!'


" baril po yan"sagot ko na ikinakunot noo nito


"Miss Salvador!!"
Tumikhim ako at nagseryuso ng mukha


"Laruan lang naman po yan eh..at sana po wag nang makarating toh sa guardian ko Lola ah-"


"Miss Salvador!!" Sa Toni niya ay parang Hindi na siya natutuwa sa nangyayari kaya napasimangot ako at nakaramdam ng kaba.


"Nabasa ko ang files tungkol sa dating MGA school na pinasukan mo..and I'm very disappointed dahil pati dito sa Carson University ay dinala mo pa ang asal kalye mo..Miss Salvador,I'm sorry to say this but-"


"NO!!!Please po,give me another chance...babarilin-este mayayari po ako sa uncle ko pagnalaman niyang nakickout ako dito...pang sampung eskwelahan na po toh eh..nakakapagod maglipat"
Pagmamakaawa ko pa dahil nakakapagod na talaga..nabanggit sakin ng pinsan ko na higit limang oras ang byahe patungong ikalawang iskwelahan mula sa bahay ni uncle.. Like duh!!baka matamad lang ako pumasok noh


"Miss Salvador, Hindi ka makikick out dahil ililipat lang kita ng section mo,doon sa nararapat sa mga kagaya mo.....mga tulad mong-ehem..Alam mo na yun"


Segi ma'am, ituloy mo,papatulan na talaga kita...pero dahil bait baitan muna ako ngayon,tahimik muna kaluluwa ko,kalma lang self,wag kang papatol diyan..matanda na yan


"Talaga po?yun naman pala eh,okay lang kahit saang section basta Hindi ito makakarating sa guardian ko ah??"


Okay lang na lumipat ng room basta wag lang school,nakakatamad eh,Isa pa may kailangan din akong gawin dito


******
Kinabukasan,pinagtitinginan na ako ng mga tao habang naglalakad,yung ibang lalaki nakikipag high five pa dahil ang astig ko daw kahapon.
Kalat na sa buong school yung laban sa pagitan namin nung lalaki at ang pagkapanalo ko.Kaya ngayon may ibang mailap na sakin na halatang takot sakin.


Itong mukhang toh??kinakatakutan??Ang cute cute ko kaya!!Inosente po ako mga tol,di po ako nangangagat..
"Lantis baby!!Ang tapang mo!!nabugbog mo si Hugo..idol na kita"
Pinakita ko lang sa kanya ang middle finger ko kaya natawa ang mga kasama nito


"Yan yung bago na nambugbog Kay Hugo kahapon diba?di ata nakapasok ngayon dahil namamaga pa daw ang mukha"


"Nabalitaan ko nga ring pati kapatid niya nasa hospital din eh,sabi ng pinsan ko si Lantis din daw ang may gawa"


"Tanga...sa liit ng katawan ng babaeng yan?makakagawa ng ganun??sa TV ko lang napapanood yun,gumising ka nga..puro ka imagination"


"Small but terrible kung baga..wag mong ismulin..Isa pa pamilya yan ng mga military kaya wag ka ng magtaka"


"Oh my god??really??"


"Hi baby girl!!good morning"


Di ko na pinansin ang mga pagbati at kakaibang tingin ng mga estyudante dito.
Dumiretso na ako sa dulong bahagi ng building kung saan ang tinutukoy na classroom ni ma'am


Nakakapagtakang parang walang ilaw sa hallway na dinadaanan ko.ito lang ang Nakita Kong bahagi ng school na madilim kahit umaga pa


Nang matapat ako sa room section D,walang katok katok at hinawakan ko na ang sidura ng pinto saka dahan dahang binuksan.Nang sumilip ang ulo ko sa pinto,ipinakita ko lang ang malapusa Kong mga mata at inosenting pumasok.


Matahimik naman ang dati pang tahimik na room.Inilibot ko ang tingin ko at nakitang lahat sila ay sakin ang atensiyon,may nakakunot ang noo,may salubong ang kilay,may masama ang tingin,may nakasubsub sa arm chair na malamang ay natutulog,may walang pakialam at ang ibay may sariling mundo


At Alam niyo kung anong kinabigla ko??Puro sila lalaki at ako lang yata ang nag iisang babae dito-malamang.


"Good morning.."
Bati ko saka kumurap.
Tahimik parin..


"Oh nag good morning na ako ah..teka asan si teacher??"


Tahimik parin...mukhang naputulan ata ng dila o baka naman maling room ang napasukan ko?baka room toh ng mga piping estyudante??


Kaya para makasigurado napapakamot batok akong muling sumilip sa labas ng pinto para tignan kung tamang silid batoh


"Section -D..hmm tam naman ah..anong problema ng mga kaklase ko??"
Muli ako bumalik sa loob at naabutan ko silang nakatitig sakin kaya tumikhim ako


"Miss,naliligaw ka ata ng room" hayag ng lalaking may asul na buhok,may salamin at singkit ang mga mata.napahinga ako ng maluwag..hayy salamat.Akala ko pipi sila e


"Hindi ah..ito bagong magiging room ko sabi ni tandang principal, ah nga pala nasaan ang teacher dito??wala pa bang nagtuturo sa unang subj??pwede na ba akong umupo??"
Napanganga ang lahat sa sinabi ko.


Tsk!alin ang di pakapanipaniwala sa sinabi ko??kailangan nganga?


"Bakit ka nalipat dito??anong Kaso mo?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya


"Anong Kaso??di naman ako preso at lalong di ako kriminal...anong ibig mong sabihin?"
Napasinghap ang iba.


"Nasaan na ba si red?"


"Natutulog pa sa garden,tinatamad na naman pumasok"


"Gago yun ah..may bago pa naman tayong classmate"


"Seryuso ba yan tol??bakit siya pa?tignan mo naman,hitsura palang di na makakagawa ng masama"


"Looks can be deceiving brad...wag kang magpalinlang sa tuta na yan Malay mo masama pala ugali"


"Tingin mo masama siya?"


"Hindi ko sure..mukhang pusa eh,cute"


"Tang*na mo gago"


Maghahanap na sana ako ng pwesto ng biglang bumukas ang pintuan.
Pumasok ang isang lalaking guro na bakas ang gulat sa mukha ng makita ako pero agad ding ngumisi kalaunan.
Naglakad ito papunta sakin


"So...Miss Salvador, pumasok ka na pala.. You're early as I expected, BTW..Nasabi na sakin ni Mrs.Delamon ang tungkol sayo.. Sana ay makatagal ka sa ugali ng magiging kasama mo sa loob ng dalawang semester"
Humarap ito sa estyudante


"Class D students, Meet Miss Salvador, your new classmate.. Sana naman ay wala akong mabalitaan kinabukasan na mapunta sa hospital ano?BTW,Where's Mr.Chen?"


"Tinatamad daw siya sir,bukas nalang daw papasok"
Sagot ng nakakulay brown na buhok


Tumango naman si sir at bumaling sakin
"Magpakilala ka muna IJA"


Ngumisi ako at nagbow
"Good morning people, I'm Lantis Xiajara Salvador, 17 years old...nice to meet you all"
Pagkatapos Kong magpakilala pinaupo na ako ni sir sa bandang unahan kung saan ang pinakaayaw Kong pwesto dahil umiiwas ako sa recitation at pagpuna ng teacher sa class


Nagsimula na ang araw ko at ang mapapansin ko lang ay wala sa unahan ang atensiyon ng lahat dahil may kanya kanya silang mundo-kabilang ako roon actually.
Di ko nga Alam kung anong tinuturo sa unahan dahil nagdidrawing lang ako sa sketchpad ko ng mukha ni kingkong.


Lumingon ako sa katabi ko dahil nahuli ko siyang nakatitig sakin.Agad naman itong nag iwas ng tingin
"May kailangan ka ba??"
Tanong ko na ikinatigil nito bago lumingon


"Paano ka napunta dito?"


"May sasakyan kami eh,hinatid ako ni uncle tapos nilakad ko nalang from gate papunta dito"
Rumihistro ang inis sa mukha nito kaya nalito ako


"Hindi iyon ang ibig Kong sabihin!!I mean.. Anong ginawa mo bat ka napunta sa section na toh??you're not suppose to be here I know kaya sagutin mo ko"


Napatigil ako ng ilang sandali bago sumeryuso ng tingin sa kanya
"I punch someone"
Maikli Kong sagot


"Still not enough reason...tell me the truth"
I give him a cold stare


"Okay... I raped my classmate, I murder someone, I kill my teacher, I stabbed my friend then boom..Heto na ko,welcome to section D Lantis, Is that what you want to hear.hmm??"


"You're unbelievable"


I smile.Of course I am

Comment