Chapter 12

Kanina pa tawang tawa ang buong myembro ng section D dahil sa nasaksihan.
"Gago.. Ang hina naman pala magpatakbo ng sasakyan niyang manok natin eh!!konti nalang makakarating na sa finished line yung hayop na manok ko!!!"
Aniya Paul sabay subo ng popcorn sa bibig galing sa katabing babae.

"Bakit pa ba siya sumali sa race eh di naman toh playground!"

"Wala...wala ng pag asa yang bulinggit na yarn..uwian na tayo!"

"Nakakahiya!!Di Ganyan umasal ang mga Taga section D!!!Gago dapat ako nalang nakipagrace!"

Seryuso lang nanonood si red habang nakasalubong ang kilay.

Parang may mali dito ...kanina pa mabagal ang takbo ng sasakyan ni Lantis pero kaunting agwat lang naman ang sasakyan ng nasa unahan.Para siyang nakikipaglaro sa kalaban niya.

Aniya sa isip niya.

Meanwhile....

Sila Lantis nalang at ang lalaki ang natitira sa race field dahil sunod sunod na binangga ni Tony ang sasakyan ng ibang kalaban kanina pa,parang nananadya ang lalaki at sila lang ang itinira

Kanina pa nakangisi ang kalaban ni Lantis habang nagtataas baba ang kilay nito na siyang kinasimangot niya.

Naaalala ko tuloy yung asong nakatambay sa kapitbahay namin dati...di kaya magkamag anak sila??..

Gusto ko sana siyang banggain Kaso naalala Kong may pustahan pala kami!ayukong magaagasan ang future baby ko!!!

Tumaas ang sulok ng labi niya ng makita na malapit na ang lalaki sa finish line kaya bago pa man ito makakurap ay agad niyang pinabilis ang takbo ng sasakyan hanggang sa maungusan niya na ang lalaki at maunahan makarating sa finished line.

Umingay ang buong arena sa di kapani paniwalang naganap.
Samantalang umawang naman ang labi ng section D, nalaflag ang panga nito sa gulat at nanalalaki ang mga mata sa nasaksihan.Napatayo si Paul na susubo pa sana ng popcorn.
Napaasik naman si red at umiling ang ulo.

Sabi na nga ba't loko loko rin mag isip ang liit na yun eh!
Dapat di siya Basta Basta minamaliit kahit pa maliit naman talaga siya!

Nakangiting tagumpay na bumaba sa sasakyan niya si Lantis at kumaway sa itaas ng arena kung saan nagsihiyawan ang mga taong manonood.
"Salamat fans!!!hihihi"

Mas lalong lumawak ang ngiti niya ng nakitang lumabas din ng sasakyan ang lalaking nagngangalang Tony na di maipinta ang mukha.

Nakasalubong ang kilay nito habang masama ang tingin sa kanya.

Pikon yarn???

"Pawis na pawis ah?!Nasaan susi ng bagong kotse ko hmm??"
Sabay lahad ng palad niya pero tinabig lang ito ng lalaki at dinuro siya.

Nawala ang ngiti niya at napalitan ng blankong expression.
"Dinaya mo ko!!!" Sigaw nito saka dinuro ang field kung saan sila nagrace "Ako dapat ang mananalo kung di mo ko dinaya!!!!mandaraya ka!"

Eh sira pala ulo nitong bugok na toh eh!!Anong pandaraya dun???Pinagbigyan ko na nga siya nung una na manalo dahil mabagal pagpapatakbo ko pero di niya ginawa!!Bakit??Dahil bobo yan!Tapos ako pa sisisihin kung bakit siya natalo sa pustahan?!

"Hindi ko kasalanan kung natalo ka dahil binigyan na kita ng pagkakataon para maungusan ako tapos sasabihin mo dinaya kita??Asaan pandaraya dun??Yung mabagal na pagpapatakbo ko sa sasakyan tapos di mo inaasahang mauunahan kita sa finish line???Tanga!Natural yun dahil magaling ako!"
Puno ng kumpyansang saad ng dalaga na nagpapiksi ng pisi ng pasensya ng lalaki at walang ano ano'y inambahan siya ng suntok na sasalagin niya na sana ng may iba ng gumawa nito para sa kanya.

Gulat na tinignan niya ang pakialamero at napatakip ng bibig ng makilala ang lalaki

"Oh!Classmate!! Kamusta??Ikaw pala yan..."
Sunod na napatingin siya sa mga lalaking nadating at nagtaas ang kilay sa dami nila.

Wow!kompleto buong klase ng section namin!!Sa kalagitnaan pa talaga ng gabi!!Ang galing!

"Anong ginagawa niyo dito mga classmates ko??napanood niyo ba yung Laban ko??Galing ko noh??" Tumaas baba ang kilay niya pero nahinto ng samaan siya ng tingin ni red na hawak na ang kwelyo ng gulat na si tony.

"Why are you always involved in this kind of trouble??? Kadalasan pang ikaw ang nagsisimula."

Napamguso siya saka lumapit sa di makapagsalitang lalaki
'A-Ang dami nila..'Isip ng lalaki habang palipat lipat ang tingin sa kanila...

"Mamaya ka na manermon father..kukunin ko muna premyo ko sa pustahan namin ni Tonio.. Hoyy ikaw!!yung susi akin na!!"

Napalingon si red sa lalaki sa tabi niya na nawalan ng kulay ang balat dahil sa takot sa mga bagong dating..
Di parin ito makagalaw ng maayos
"B-bakit ko naman gagawin yun???—"

"Kapag di mo ibinigay....Nakita mo tong mga kasama Kong toh??" Turo sa mga kakalase na amused sa nangyayari at kasalukuyang nanonood

"Mga gangsters ang mga yan sa central district alam mo ba???Pag di ka tumupad sa napagkasunduan nating premyo ipapatodas kita sa mga yan...diba mga pare??" Sabay sabay na sumagot ng Oo ang lahat maliban Kay red..

Nanlaki ang mga mata ng lalaki at napaatras sa kinatatayuan
"A-anong todas??"

Ngumuso siya"luh..di mo alam yun??Other term for salvage, papatay..papalibing ng buhay...papapunta sa empyerno..ganun lang naman"
Aniya na parang wala lang na ikinalaglag panga ng kausap.

Isa lang naman ang nasa isip ng mga kasama niya

Ibang klase ang bibig ng bagang toh!walang preno!!

Napalunok ang lalaki at. Di mapakaling kinuha ang susi sa bulsa saka ibinigay sa kanya at dali daling tumakbo paalis.Nakangisi niyang itinago ang susi sa bulsa at parang walang nangyaring tatalikod na sana ng hawakan siya sa braso ni red para pigilan sa akmang pag alis.

Nakalimutan ko sila'

Ngumiti siya Kay red at tinapik ang mukha nito"Musta classmate Kong yelo...naparaan ata kayo??"

Salubong ang kilay nito sa kanya"Let's go home..."

"Home??Bahay natin? May bahay ba tayong dalawa na uuwian???"
Nagtawanan ang nga kasama niya na ikinatiim bagang ng lalaki

"Shut it...Iuuwi ka na namin,it's past 2:00am already"

"Si pula concern oh"

"Let's go home na daw kayo bulinggit!"

"Iuwi mo na nga yang malayas mong asawa!"

"Anong ginagawa niyo ulit dito?"
Tanong niya habang sumusunod sa mabibilis na hakbang ng lalaki

Gagamitin ko sana yung bago Kong kotse kaso baka mapagalitan naman ako ni uncle at maisip na iuwi na naman sa may ari eh akin na yun.Iwan ko nalang muna Kay Tank

"May dinaanan lang kami"
Sagot ni Leo

Tumaas ang kilay niya

"Grave naman pala yang dinaanan niyo at kompleto nating lahat..ano yun?"

A/N:
Pasensiya na sa typos

Comment