Chapter 16


A/N:
Isa sa dahilan kung bakit matagal mag update ang isang writer ay dahil walang support galing sa reader.. ... Comment naman kayo!!!!

Continuation....

The door opened revealing the indifferent face of the man who've save me. Di ko maalala kung sinabi niya ba ang pangalan niya sakin o Hindi, Wala naman akong amnesia pero nakalimutan ko talaga. Sa dami ba naman ng magagandang nilalang na nakakasalamuha ko araw araw??

Napaayos ako ng tayo saka tumikhim.
"Bakit??"

"Your friends came here to pick you up. They're waiting downstairs"
Sandali akong natigilan sa sinabi niya.

"H-ha....Anong...Sinong kinginang friends ba Yan???" Inirapan niya lang ako bago isenenyas na lumabas na ako para harapin ang mga kolokoy na di ko alam kung bakit nandito at ngayon ko lang nalaman na friends pala kami??

Yung pinagkakaisahan nila ako sa klase, Prends?? Yung pinapagawa nila sakin mahihirap na project tuwing may group activities,Prends?? Yung pagsumbong nila saking pag vandalism ko sa Cr, Prends?? Prends pala yun??? Kinginang Prends Yan. Ang saya saya!

Matutunog ang mga hakbang na bumaba ako ng hagdan at tanaw ko nga ang mga kolokoy na nagsisiksikan sa iisang sofa katapat ng Isa pang may dalaw sa sala.

"Oh Ayan na Yung dwende-Putangina!"

"Prends!!"
Nanlaki ang mga mata ng mga ito at kita ko ang pag awang ng mga labi nila ng biglang lumundag ako pahiga sa kandungan nila Kaya sabay sabay silang nagmumura ng reklamo na ikinatawa ko pero napalitan din agad ng ngiwi ng maramdaman ang pagkirot ng bahaging likuran sa biglaang pwersang ginawa.

"Aray-yung likod ko! Kingina!!"
Akmang itutulak na ako ng mga ito paalis sa kandungan nila ng may kamay na bumuhat sakin na parang magaang kahon lang saka ako pabagsak na pinaupo sa Isang single sofa katabi ng lalaking palaging masama ang tingin sakin. Si Julian.

"Stop being stubborn you hardheaded brat, I told you you're not fully recovered yet. Ang lit liit mo pero ang sakit mo sa ulo"
Walang katono tonong Saad ng lalaking may pilat pero anak ni Adonis. Ngumuso ako bago muling ibinalik ang tingin sa mga bisita.
Binilang ko sila sa isip bago may mapagtanto.

"Bat di nalang kayo nagkompleto?? Nahiya pa kayo ...sinama niyo na rin sana Yung Isa." Si red nalang Kasi ang kulang , reunion na namin toh.
Si singkit ang unang nagsalita habang Yung mga kasama niya ay nagbubulung bulungan.

"I need to tell you something -"

"What are you doing here, Prends?? Pano niyo nalamang nandito ako?? Anong kailangan niyo sakin?? Himala at bumisita kayo kahit-"

"Can you please let me fucking speak first Lantis,??? Hindi ako pumapatol sa Bata pero putangina lang, wag mong painitin ang ulo ko at di pa ako kumakain ng lunch!"

Natahimik ako sa biglaan nitong bulalas, Siya pa naman Yung president namin sa klase na mature mag isip pero pagkain lang katapat. Kaya siguro mainit ulo dahil di pa nag lunch.

Pansin ko ang pagpipigil ng mga katabi niyang magsitawa pero dahil sa seryusong anyo ng lalaki ay walang nag lakas loob sumubok sa maikling pasensya ng binata. Sa kanilang lahat siya lang ata ang matino bukod kay pula na wala dito. Napahilamos ito ng mukha bago muling nagsalita.

"Okay... listen" tumango ako
"We're......"napahinto ito sa akmang sasabihin ng mapansin na nandito parin ang dalawang lalaki. Tumingin din ako sa katabi ko "Ah..pinapaalis niya ata kayo..." Ani ko ng mahalata ang gustong iparating ng titig ni singkit. Tumaas ang kilay ni Julian saka lumingon sa kuya niya.

"This is our house, baka kayo ang gusto ng umalis?? Didn't you said you're here to pick this brat up?? We don't welcome stranger in our home-"

"Julian..." Banta ng kuya nito na ikinaikot nito ng mata bago pababog na umalis. Bago sumunod ang lalaki ay humarap ito samin.

"Lock the door and the gate when you leave."
Napangiwi ako sa sinabi niya na parang walang pinagkaiba sa sinabi ng Kapatid niya kanina. Parang gusto na talaga kaming paalisin sa bahay nila.

Muli akong tumingin sa mga kaklase ko at pare pareho lang kami ng reaksyon sa dalawa
"Go on, continue..."

"Your uncle...." Panimula nito pero kinabahan na agad ako sa susunod nitong sasabihin.

"W-what... how'd do you know about him?? What happened??"

"Your uncle got ambush on his way-"

"Stop..."tinaas ko ang kanang kamay ko para patigilin siya ng matunugan ang nangyayari saka tahimik at pasimpling inikot ang paningin sa paligid. I'm sure may mga nakapalibot na mga devices sa paligid. They're listening in our conversation. Kahit wala sila sa harapan ko mismo ay ramdam ko parin ang presensya nila, Hindi lang nila kami pinapakinggan, pinanonood nila kami. I don't know who are they but one thing I'm sure of is that..... they're not ordinary. I know they've save me and I'm thankful of that, but..... I can't be reckless.

Nagtataka ang ekspresyon ng mga kaharap ko sa biglaan Kong pagpigil. Sumeryuso ako at biglang tumayo " Let's discuss it somewhere else. Umalis na tayo rito"

"Why?? what's the matter??"
Di ko sila sinagot at nagpatiunang lumabas ng bahay para puntahan ang sasakyan nila.
Sumakay ako sa passenger seat at hinintay na tuluyang makasakay ang lahat. Ng umandar na ang sasakyan ay saka ako nagsalita.

"What happened to my uncle and how'd you know him?? "

"We don't know him, napag utusan lang kami and About your uncle, he got ambush on his way home. Di ko alam ang buong detalye pero nasa hospital siya ngayon and...."
Napakunot ang noo ko ng mapansin ang pag aalangan sa boses nito.

"What is it??"

"He's in coma..."
Napatiim bagang ako sa narinig.

"Why are you all here??" Tanong ko sa kanina ko pa gustong malaman.

"We've told to accompany you to the Headquarter"

"Headquarter??" Kunot noo Kong tanong pero hindi na siya muling sumagot at iniwas na sakin ang tingin kaya nanahimik nalang ako at hinintay kung saang Lugar nila ako dadalhin.
Dalawa lang ang dahilan ng hindi nila pagsagot sa tanong ko; it's either they don't really know the answer to my question or their words are restricted, maybe someone forbid them to talk too much.

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ng katabi ko na hindi naman makuhang magrereklamo dahil siguro alam niya ang kalagayan ko,pero kung normal na sitwasyon lang siguro toh ay iniuntog na nito ang ulo ko sa upuan.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nagkunwaring tulog dahilan para tuluyan nang sagutin ng nasa likuran ko ang tawag mula sa telepono niyang kanina pa patuloy na nagv-vibrate at sa palagay ko'y mula sa importanting tao ang tawag.

"Hello Red...Oo natutulog -eh paanong sasagutin ko e kasasabi mo lang na wag magsabi ng sobrang impormasyon sa kanya??......edi wow, ako na bobo.....tsk, eto na nga papunta na kami diyan......hayyst, diyan nalang tayo mag-usap malolowbat na ko kakatawag mo-OO nga! Pagdating namin diyan buo pa siya, wag Kang OA.......tss, bahala, segi bye na!"

"Ano daw Sabi?"

"Bilisan na daw natin dahil baka masundan pa dw tayo sa daan.."

Napairap nalng ako sa isipan ko sa maging usapan nila. Yung leader talaga nila ang nakakainis, anak ng tingin pupo niya!!

Magpapatuloy pa sana ako sa pakikinig sa usapan nila kung hindi lang ako kinain ng antok. Nagising lang ako ng maramdaman ang bahagyang pagyugyog ng kung sino sa balikat ko. Nabungaran ko ang salubong na kilay ni red na nakadungaw sa pinto ng sasakyan. Nang tingnan ko ang paligid ay doon ko lang nqmalayan na ako nalang pala ang natitirang nasa loob ng sasakyan.
"Come on...don't make me to pull you off this Van. Let's go "

Comment