Chapter 15

Napahinto ako sa kalagitnaan ng paghahanap sa pusa ko ng may mapansing kakaiba sa paligid ko. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang mahinang tunog na nanggagaling sa ilalilim ng sofa. Hindi ko na kailangan tignan para alamin kung ano yun at mabilis pa sa alas kwartrong tumakbo palabas ng bahay bago pa mahuli ang lahat. Saktong paglabas na paglabas ko ng pinto ang siyang paghinto Ng timer ng Bomba na siyang naglikha ng napakalakas na pagsabog. Tumilapon ako sa katapat na malaking puno ng bahay dulot ng malakas na pagsabog,sunod sunod ang murang pinakawalan ko ng maramdaman ang sakit sa likod at ulo ko pati narin ang kirot ng binting nadaplisan ng bala kanina.

At kung talagang minamalas ka nga naman Oh......bigla nalang umikot ang paligid ko at nanlalabo narin paningin ko.
Ang huling nakita ko ay ang paghinto ng isang asul na sasakyan sa tapat ko.

************************Fast Forward***********************

"Is she still alive?? Or should we need to dig a hole and burry her body on the backyard?? What do you think kuya ?"

"I don't want her corpse under my backyard, it's fucking disgusting and troublesome."

"Oh.....how about we just throw her on the  Pasig river and leave like nothing happened??"

"Don't bother, she's still breathing "

"Eh?? My bad. Kuya, tell me why did we even bring her here,in our house by the way?? That girl will bring us no good, sinasabi ko sayo. Nakita mo naman yung nangyari kanina....Hindi basta basta ang maygawa non."

May malay tao na ako pero ayaw ko pang imulat ang mga  mata ko, Hindi ako nakakarandam ng panganib sa paligid ko kaya hindi ako gumagawa ng kahit anong kilos. Isa pa masakit pa ang likod ko, gusto ko pang ipahinga ang katawan ko.

Ang boses nila, pamilyar sa pandinig ko, gusto Kong marinig ang mga sasabihin nila. Kapag may mali, doon na ako kikilos.

"I know....but I want to find out something"

Sinasabi ko na nga ba, sila Yung kapitbahay namin!! Yung dalawang gwapong lalaking daig pa ang may regla sa kasungitan. So nandito ako sa Bahay nila??? Ibig sabihin sila yung nasa kotseng nakita ko bago ako tuluyang nawalan ng malay. Magpapasalamat na sana ako sa mahal na diyos  dahil sa pagligtas nilang dalawa sakin pero dahil sa mga pinagsasabi nila kanina tungkol sakin,kumukulo ang dugo ko. Parang gusto Kong mangbuno ng tao at isilid sa sako para ipakain sa alaga kong piranha sa Bahay ni uncle Choi.

"Stop pretending asleep, you're not good at acting." Napamulat ako ng mata ng maramdaman ang pagtapik ng lalaki sa noo ko,kunot noo akong bumangon habang nakahawak sa namumula Kong noo. Ki-bigat ba naman ng kamay ng ije de puta?

Sinamaan ko sila ng tingin habang nakanguso. Katulad ng huli Kong kita sa kanila malamig parin ang mga mata ng Isa habang  puro kagalit galit naman yung Julian.

"Paano mo malamang gising na ako??"
Tanong ko na ikinairap nito.

"I told you you're not good at acting"
Tinaasan ko siya ng  kilay bago napatingin sa likuran nito kung saan nakatayo ang hindi maipintang lalaki na masama ang tingin sakin.

"What? Wanna fight???"
Nakangiti Kong hamon na ikinaismid nito.

"Kung lalabanan kita sisiguraduhin Kong hindi ka na makakabangon pa"  aniya sabay fold ng braso. Ngumiti ako sabay pakita ng gitnang daliri ko sa kanya na ikinalaki ng mata ng dalawa.

"Yeah?? Gusto ko Yan—"
Bago ko pa tuluyang masabi ang astig Kong kataga tinabig na ng kaharap ko ang kamay ko

"Stop it.... your body's still not fully recovered, brat"

Sumimangot ako sabay balik sa pagkakahiga patagilid, Ang likod ko nakaharap sa pwesto nila.
"S...Salamat sa pagligtas sakin.Wag niyo nang tanungin ang tungkol sa mga nangyari kahapon....Wala akong sasabihin"
Pag uuna ko na bago pa nila buksan ang topic tungkol doon.

Kahit ako di ko rin alam kung sino ang naglagay ng Bomba, at kung sino ang maypakana Ng pagsalakay sa Bahay ni uncle. Tatlo lang yan,una, kalaban ng pamilya namin sa negosyo, ikalawa, Isa sa mga nakabangga at nakaaway ko ,pangatlo......tungkol sa sekreto nila uncle at Lolo na di nila sinasabi sakin.

"Don't worry... I won't ask you anything because it's none of my business and besides, I don't care about your life. We just saved you out of pity, now go rest so that you can get the hell out of my house immediately. I don't want a patient to look at, it's bothersome "

Malamig na aniya na ikinangisi ko.
Really huh? Pero iba ang sinabi niya ngayon sa mga narinig ko kanina. This guy is quite wicked, I remember someone like him.

"Okay... I'll call my uncle later. I'll sleep first, Good night" Ani ko sabay pikit ng mata at maya maya pa'y narinig ko nalang ang pagbukas at sara ng pinto kasabay ng tunog ng  papalayong yapak ng mga sapatos nila, indikasyon na ako nalang mag Isa sa kwarto kaya naman dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at palihim na inilibot ang paningin sa paligid para tingnan kung may nakakabjt bang device o kaya'y camera sa paligid.

Napabuga ako ng hangin ng masigurong wala kakaiba sa buong kwarto. Bumangon ako at maingat ang hakbang na sumilip sa bintana Ng kwarto para silipin kung tanaw ang bahay ni uncle. Bukod sa mga puno't Parke,Wala na akong matanaw mula rito.

Babalik na sana ako sa kama ng may mahagip ang paningin ko sa labas ng gate. Mga pamilyar na lalaki na hindi ko inaasahang makikita ko sa sitwasyong ito. Nanliit ang mga mata ko para siguraduhing hindi ako nag iilusyun lang, pero sila talaga yun.

"What the hell ?? Anong ginagawa ng mga mokong na yun dito?? Magkakilala kaya sila?"

Kasalukuyan kausap ni Julian ang lalaking regla sa tapat ng gate at maya maya pa'y nagsipasok na ito.
Hindi pa ako nakakarecover sa nakita ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto.

Comment