Chapter 3


_***Aiko Chua***_

Nakangiti ako tumalikod kay Gwyn matapos ko itong halikan.Kinilig ako sa ginawa ko at ramdam ko ang gulat sa pagkatao niya.

"woi Aiko bat ka nakangiti diyan na nagbabasa,animal science book naman yang binabasa.May naghaharutang kalabaw ba diyan" sabay kuha sa libro na hawak ko.

"Ano ba Nicole akin na nga yan"natatawa kong agaw sa libro.

"Para kang kaseng sira eh"

Nakita kong papasok na si Gwyn kaya umupo ako at ngumisi sa kanya.Nakairap ito na mas lalo ako natutuwang naasar ko siya.

Susubukan ko kung talagang hindi niya ako gusto,at kapag napatunayan kong wala talaga titigil na ako at lalayo na sa kanya.

"Hows your first kiss bhe" natatawa kong bulong sa kanya,inirapan lang ako neto at binantaang iiwasan kapag hindi ko siya tinigilan.Napatawa nalang ako ng mahina ng mapansin kong naiinis na siya.Ang cute niya maasar.

Pinitik ko ang ilong niya atsaka ko tinuloy ang pagbabasa ng nakangiti.

Pagkatapos ng klase namin hindi na niya ako pinansin,nauna na rin itong umuwi ng dorm.

"Nakauwi ka na pala,hindi mo manlang ako hinintay,anong ulam natin" nakangiti kong bungad.

Ang iginanda naman dito dalawang tao lang sa isang kwarto.tatlong palapag na puro mga scholar ng D.U.

"Magprito nalang tayo ng itlog" simangot padin itong sumagot..

"Galit ka bhe"sabay backhug ko sa kanya ,ramdam kong tila nanigas ang katawan niya na nakatayo nghuhugas sa lababo.Natutuwa ako sa mga reaction nya lately since umamin ako sa kanya.

"Aiko please,huwag mo tong gawin sa akin,stop teasing me" naiinis niyang tugon

"Hindi naman ah"at mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Alam mo,unggoy ka talaga.para kang ewan..bitawan mo nga ako,maligo ka na don at kakain na tayo mamaya" sabay tanggal neto sa braso kong nakapulupot sa kanya.

Napatawa ako ng mahina,ramdam kong tila naiilang siya pero hindi ako titigil ramdam kong pinipigilan lang ni Gwyn ang kanyang sarili.

"Ano titingin tingin mo diyan hindi ka pa maliligo,maghapon tayo sa school kanina kaya maglinis ka na ng katawan"irap neto

"Oo na maliligo na,gusto mo sumabay?" sabay kindat sa kanya

"Aiko!! para kang ewan,doon ka na nga"

"Lika na ligo" tayo,sabay hila sa kamay neto..
"kadiri ka talaga" ,asar niyang hablot ang kanyang kamay

"Hahahah pikunin talaga baby ko" mahina akong napatawa habang papunta ako sa banyo.

"Kainis" narinig kong usal neto dahilan para mapangisi ako habang naglalakad

____________________

Ilang buwan na din akong hindi nauwi kila nanay sa probinsya.
Kahit sobrang bungangera niya mahalaga na din sila sa akin.

"Sino yung nasa opisina ni Sir Philip" tanong ng isang teacher na nasa kabilang table dito sa canteen

"Si Mr.Chua,parang nagkakasagutan daw sila sa office kanina" lumipat ako ng upuan para marinig ng maigi ang kanilang usapan.

"Pinapatanggal daw ata yung scholar ng Anak niya na nag aaral dito,kapag dw hindi tinanggal mapipilitang ipull-out yung shares niya sa kompanya nila" bigla akong kinabahan sa mga naririnig ko.

"Sino ba anak niya ang daming Chua dito sa D.U" nagkibit balikat ang kausap.

Umalis ako sa canteen ng diko nakakain yung inorder kong meryenda kaya binalot ko nalang.

"Kanina pa kita hinahanap,bat dika manlang nag aya na mag memeryenda ka pala" nakabusangot na salubong ni Gwyn

"Sorry akala ko kase ayaw mo akong makasabay,palagi ka na kaseng iiwas pag andito tyo sa school" mapait ang ngiting iginawad ko sa kanya.

"May sasabihin kase ako" nakangiti nitong tugon

"Hi babe" kaway ni Paul kay Gwyn

"Hello babe,ano tuloy tayo sa library?"

"Tara na,Hi Aiko kumusta"

"Okay naman Paul,Siya maglibrary na kayo" kahit hindi na sabihin ni Gwyn,alam kong sila na ni Paul.

Tumalikod ako sa kanila,naglakad palayo,at diko mapigilang masaktan.Narinig kong sumigaw si Gwyn na mag iingat ako pero hindi na ako lumingon.Wala naman akong laban don lalaki yun samantalang ako isang babaeng lagi nalang inaayawan..Mula sa pamilya ko,sa taong mahal ko.

Rejection!!.mula sa mga taong mahal ko.

Uuwi nalang ako sa dorm,masama na ang pakiramdam ko sa dami ng aking iniisip.Hindi na ako papasok sa last subject ko.

Comment