Chapter 12

***Aika Chua***

Akala siguro ng babaeng to tulog na ako,sino ba naman makakatulog knowing na may babae kang kahiga na basta basta nalang nangyayakap at nanghahalik.

Halos pigil ko ang aking paghinga dahil sa sobrang dikit niya sa akin.

Hindi nagtagal ramdam kong mahimbing na ang tulog niya,kaya inalis ko ang kanyang kamay na nakapatong sa aking bewang,dahan dahan akong bumangon at naupo sa kanyang study table.

Binuksan ko ang aking laptop dahil madami pa pinapagawa si Aiko tungkol sa financial report niya sa opisina niya sa Ilagan.

E-mail from daddy
"Haist"Humugot ako ng malalim na hininga bago ko ito binuksan.

"Aika,what you think you are doing?,Bakit kayo nanloloko ng tao.Bakit ka pumayag sa gusto ng kakambal mo.Paano na si Brandon.Ano nalang ang sasabihin ng kanyang angkan kapag nalaman nilang may kinakasama kang babae at iisipin nilang siya ang dahilan kung bakit hindi kayo maayos ayos na dalawa,Umuwi ka sa mansion at mag uusap tayo ng masinsinan!!Hindi na nakakatuwa yang ginagawa ninyong magkapatid!!Tatanggalin ko sa kompanya Si Gwyneth ng matapos na ang kahibangan niyo!!" ramdam ko ang galit ni Dad,napalingon ako kay Gwyn na himbing na himbing ang pagtulog..

"Okay Dad,I'll go after 2days may pupuntahan ako bukas baka sa susunod nq araw ang balik ko sa Santiago"sending..

Binuksan ko ang messenger ko nagbabakasakaling online si Aiko.Tama nga ako online pa siya

"Hey twinnie,may problema tayo,alam na ni Dad na andito ako sa pinas"

"Whaatt??How come?" agad naman niyang reply

"Hindi ko alam,Uuwi ako sa bahay sa susunod na araw,binantaan niya aking aalisin na niya si Gwyn sa trabaho"

"Hindi yan pwede Aika,ako ang nagpalago sa CVC kaya walang karapatan si Dad na galawin ang mga empleyado ko!" Madiin niyang tugon

Lumingon ulit ako kay Gwyn,I dont know pero nalulungkot ang puso ko na siya ang magsasuffer sa kagagawan naming magkapatid.

"Bumalik ka na ng Pilipinas Aiko,please you need to fix everything,company and most specially to Gwyn.I know she loves you.At ramdamnkong naghinhintay lang siya ng tamang panahon para sa pagmamahal niya sayo,kaya please bumalik ka na" malungkot ang puso ko habang nagtitipa ng keyboard,dahil alam ko pagbalik niya mawawala na din ako kay Gwyn ang totoong Aiko na ang magpapatuloy.

Hays,bakit naman ako malulungkot gusto ko nga eh para magtigil na siya sa ginagawa niyang kahibangan sa akin.Hindi.kami talo at hindi ako pwedeng mainlove sa kapwa ko babae.

"Okay uuwi ako nxt week,aabisuhan kita para makapagpalit tayo" reply nito.

"Hhmm Okay twinnie,,see you,sige na matulog na ako may lakad kami nila Gwyn bukas sasama ako sa kanila punta ng Santa Ana,ingat diyan Goodnight" paalam ko sa aking kambal,hindi ko na hinintay na magreply isinara ko na ang laptop.

"Bat gising ka pa?"bigla akong napaatras dahil sa biglaan nitong pagsasalitaa sa aking tabi habang inaantay na magshutdown ang laptop.

"ilang beses ba kita sabihan na h'wag kang nag sasalita ng pabigla bigla o susulpot sa kung saan saan" inis kong sinabi para hindi mahalatang sobra kong kinabahan

"Ang sungit mo nanaman" tumalikod siya at bumalik sa pagkakahig,Alam kong hindi siya sanay na sinusungitan ni Aiko base sa kwento ng kambal ko sweet siya at may pagkapossesive sa kanya.Pero ngayong ako ang andito si Gwyn ang may pagkapossessive dahil konting galaw,kahit tingin lang sa lalaki o babae naiinis na siya.Lagi niya akong hinahalikan kapag nakakagawa ako ng ikkaselos niya .

Lumapit ako sa kama at nahiga na din sa tabi niya.

"She's crying" ano ba tong ginawa ko,nadurog ang puso ko ng marinig kong mahina itong humihikbi,dahan dahan akong nahiga sa tabi niya.

"Hays" eto ang pinakaayaw ko ang manuyo."Im sorry" sabay yakap ko sa kanyang bewang."I dont mean it na masungitan kita"isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang batok,gustong gusto ko ang kanyang pabango. "Please stop crying na"hinahaplos haplos ko ang kanyang balikat.

"Nakakasakit ka naman na kasi,ilang beses mo na akong ginaganyan na hindi mo naman yan ginagawa dati" tila kinurot ang aking puso dahil wala kaming pinagkaiba ni Aiko nasasaktan ko din siya ngayon.Iniharap ko siya sa akin at pinusan ko ang kanyang luha gamit ang aking palad.
Nakatitig lang ito sa akin pero tumutulo padin ang luha.

"Im sorry,last na yun hindi na mauulit pa" dinampian ko ng halik ang kanyang noo.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi,out of my mind unti unti kong inilapat ang aking labi sa kanyang labi..
Ng maramdaman ko ang lambot ng kanyang bibig biglang tila may boltaheng dumaloy sa aking katawan,bakit ang sarap sa pakiramdam habang hinahalikan ko siya.

Banayad lang ang aming halikan,mayat maya naramdaman kong gumaganti na ito sa aking halik,naramdaman ko ang bahagya niyang pagkagat sa lower lip ko,dahilan para mapa uuhmm ako.

Bumitaw kami sa isat isa at matamis ko siyang nginitian,Hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman sa oras na to,basta masaya ako I dont know why,
Yumakap siya sa akin at isiniksik ang mukha sa aking dibdib,halos pigil ko ang paghinga dahil ang lakas ng kabog ng aking dibdib ,sana huwag niyang mahalata.Hinaplos haplos ko ang kanyang malambot na buhok
Natulog kaming magkayakap at puno ng saya ang aking puso.

_____________

***AIKA CHUA***

Maaga akong nagising dahil sa pakiramdam na tila may nakadikit sa aking noo,tila hinihingaan ang aking mukha.Dahan dahan kong iminulat ang aking mata.Si Gwyn magkadikit na halos ang aming noo.Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa aking puso ang di normal na pagbilis ng tibok nito.

Dahil sa kaba nadikit ang aking ilong sa kanyang ilong ,Pinigilan ko ang paghinga baka magising siya kaya nagkunwari akong tulog.Ramdam kong gising na siya pero hindi siya kumikilos,nanantiling pikit ang aking mata

Ilang segundo pa nagkunwari akong kagigising lang.

Kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mata at unang tumambad sa aking ay ang matamis na ngiti ni Gwyneth.

"Goodmorning baby" matamis niyang bati

"Goodmorning too,Gwyn" napaatras ako ng konti

Ewan pero gusto ko siyang yakapin kaya yumakap ako sa kanya ganon din siya.

"Hmm bangon na tayo need pa natin maghanda" tugon niya at dinampian ako ng halik sa ulo.

"Okay sige tara na,bangon na"masigla akong bumangon at hinawakan ko ang kamay niya at ibinangon ko ito,pero pagtayo niya direcho yakap ang ginawa at dinampian ako ng halik sa labi,hindi na tama tong nararamdaman ko twing nagkakadikit ang aming labi.

"Gagamitin mo ba yung kotse mo or jojoin tayo sa van na sasakyan nila mama?" tanong nito habang nagsusuklay siya ng buhok.

Lumapit ako at kusa kong kinuha ang hawak niya suklay at ako ang gumawa sa ginagawa niya sa kanyang buhok" Gusto ko makabonding ang family mo kaya doon nalng tayo sa Van mas madami mas masaya "ngumiti ako sa reflection namin sa salamin na nasa harap namin.

Ilang oras din ang byahe,medyo nakakangawit pero enjoy din naman dahil masaya ako na kasama ko si Gwyn.

Isang private resort at napakaganda..hapon na ng makarating kami.Hindi matao kaya magandang mag stay dito.

Naglalakad lakad ako sa gilid ng biglang may humawak sa aking braso.

"Ang ganda ng sunset noh"

"Hhmm,yeah"maiksi kong sagot.

Ipinulupot ni Gwyn ang kanyang kamay sa aking braso,Kung jowa ko sana siya romantic na sana,may malaking bato na nasapyawan ng alon iginiya ko siya doon at naupo kami sa pinakatuktok ng bato para hindi kami mabasa.

"Are you happy?" wala sa sariling natanong ko siya,habang nakatingin sa palubog na araw

"Oum,sobra alam mo nung time na nakipag hiwalay ako kay Paul yun din sana yung time sasabihin ko sayong pinapayagan na kitang manligaw sa akin,kaso hindi ka sumipot" malungkot ang tinig nito,idinaop ko ang aking palad sa kanyang palad,isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat.Ang saya ng nararamdaman ng aking puso.

"Dont worry andito na ako,hindi na ako mawawala pa" sagot ko sa kanya kahit alam kong one of these days I will leave her,at ang totoong Aiko na ang makakasama niya.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot pero hindi dapat niya mahalata,I want to enjoy this moment .

"Ate Gwyn!!! halina kayo kakain na tayo!!" sigaw ni Gilford ang bunsong kapatid ni Gwyn.Sumenyas akong susunod na kami kaya tumigil na ito sa kasisigaw.

"Tara na doon,gutom na din ako"baling ni Gwyn at binalik ang tingin sa palubog na araw.,"Isa sa mga pinakamagandang paalam,ang paglubog ng araw" nakangiti niyang sambit.

Inalalayan ko siya na makababa,at ganun din siya iniabot ang kanyang kamay para maalalayan din ako.Bumalik kami na magkadaop padin ang aming palad.

"Magpahinga na kayo at bukas ng umaga mamangka tayo" dinig kong bilin ni Mama Estela sa mga batang kasama namin ng matapos na kaming kumain.

Hindi mahagilap ng aking mata si Gwyn,baka nasa kabilang cottage kasama ang mga pinsan niya.Tanaw na tanaw ko ang bilog at liwanag ng buwan.

Nagitla ako ng biglang may yumakap mula sa likod ko,ramdam ko ang paglapat ng kanyang dibdib sa aking likod.

"Are you okay"? sabay patong ng kanyang baba sa aking balikat,ramdam kong tila nagsitayuan ang buhok sa aking katawan ng masagi ng kanyang labi ang aking tainga.

"hmm yeah,ang ganda lang ng buwan,bilog na bilog"nakangiti kong tugon.

"Sleep na tayo,bukas daw aalis tayo pupunta tayo sa kabilang isla,maganda daw doon,inayos ko na yung higaan natin doon tayo sa kabilang cottage"

Tumayo ako at inakbayan ko sya habang kami ay naglalakad,naging normal na din sa akin nasasanay na din na lagi kaming magkahiga at nagkakadikit ang katawan pero ang puso ko ay laging kumakabog lalo na kung ninanakawan niya ako ng halik.

Ng makahiga na kami nakikiramdam ako,as usual yumakap nanaman siya sa akin at isiniksik ang mukha sa bandang leeg ko.

" Uuwi ako ng mansion pagkauwi natin" wika ko habamg nakapikit.Ramdam kong tumingala ito para tignan ang aking mukha.

"Bakit may problema ba?" idinilat ko ang aking mata at nakita kong tila nag tataka."sama ako,miss ko na din si hampy" dagdag neto.

" next time nalang may pag uusapan kase kami ni Dad tungkol sa negosyo,dadalhin ko nalang si hampy sa apartment" palusot ko.

Kinurot niya ako sa tagiliran " Sira ka talaga,mas mabigat pa nga sayo si Hampy " sabay hampas ng mahina sa aking tyan.

Napaisip ako sino ba si Hampy,aso kase yung nasa isip ko.
Tila nabasa niya nasa utak ko.

"Si Hampy tigre yun hindi mo yun pwdeng ilabas ng mansion nyo para kang sira talaga"mahina itong napatawa

Napahimas nalang ako ng ulo dahil hindi ko naman alam talaga.Niyakap ko nalang siya "Sleep na tayo " sabay halik sa kanyang noo.

_________________

****AIKO CHUA*****

"Hon sure ka ba talaga na okay lang" nag aalala kong tanong kay Nicole.

"Hon kung dito magiging okay na ang lahat at magiging malaya na tayo papayagan kita,oo masakit na muli magkakasama kayo pero ayaw kong nakikita kang nahihirapan,alam mo naman kung gaano kita kamahal" kita ko ang sakit na nararamdaman niya mula sa kanyang namumulang mata.

"Aayusin ko ito,at sana andiyan ka padin kahit ano man na kalalabasan ng lahat" hinaplos ko ang kanyang buhok habang nakayakap sa akin..

"Umaasa akong pipiliin mo ako sa huli,pero kung nahihirapan ka handa akong magparaya makita ka lamang na masaya" mapait ang ngiting iginawad niya sa akin.

" Mahal kita hon,alam mo yan"malungkot kong tugon

Yumakap siya ng mahigpit," Alam ko,dahil hindi ka sasama dito sa L.A kung hindi ako ang pinili mo,alam ko din na mahal mo pa siya ,sana muli kapag naayos mo na,kapag naipaliwanag mo na kay Gwyneth ang lahat sana...sana sa akin ka parin uuwi" halos garagal ang boses habang inuusal ang mga katagal iyon.

Nasasaktan ako na nasasaktan ko si Nicole pero kailangan ko ng harapin si Gwyn.Ako ang dahilan ng kasakitan ni Nicole ngayon,kung sana hindi ko na siya pinahanap at nag utos ng taong pa applyin siya sa aming kompanya sana hindi kami umabot sa ganito.

Marahan kong hinagkan ang labi ni Nicole,banayad naman itong gumanti at ramdam ko ang mga halik niyang punong puno ng pagmamahal.Hanggang sa naging mapusok ang aming halikan.

Comment