Chapter 10

***AIKA CHUA***

Lunes ngayon pero hindi ako papasok sa coffeeshop dahil nangako ako kay Gwyn na sasamahan ko siya pauwi sa Cordon.
Nahihirapan ako sa sitwasyon ko pero wala akong magawa,kasalanan ko din naman na pumayag agad ako.Hindi ko naman alam na may ganito palang mga ganapan.Nakailang beses na niya ako hinalikan..

"Nakakainis"

"Okay ka lang?" biglang sulpot nito sa aking tabi habang naghuhugqs kaya naman bigla kong nabitawan ang hawak kong baso na hinuhugasan buti hindi nabasag.

"Will you please knock first or magsalita ka kapag nasa malayo ka pa hindi yang bigla ka nalang sumusulpot kung saan saan"inis kong tugon.

"oh bakit ang sungit mo,ang lalim kase ng iniisip mo eh kanina pa ako dito dimo namalayan" tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"Haist,okay sensya na kung nataasan kita ng boses"mahinahon kong tugon,ang hirap talaga maging Aiko,kailangan mahinahon palagi.."Haist"

"Gusto ko ng Adobong manok,namimiss ko na luto mo" nakanguso nitong wika.

Bigla akong kinabahan at tila nanlamig ang buo kong katawan,
Hype talaga,hindi ko alam paano magluto ng adobo,Nakakainis talaga bakit kase walang katulong dito.

"Ah ehh walang gamit eh,dimo naman sinabi kahapon para nakabili ako"pagdadahilan ko.

"No problem baby" sabay yakap niya sa aking likuran dahilan para mapaigtad ako dahil may pahaplos pa siya sa aking tyan "ihahatid na mamaya dito nag order ako online" kasabay ng pagtunog ng doorbell "baka iyan na yon " sabay kalas sa pagkakayakap.

"Aika,ano tong pinasok mo" panenermon ko sa sarili.

"oh eto na,ikaw na ang bahala ha,ang sakit nanaman ng ulo ko"sabay himas niya sa kanyang sintido,bigla akong nakaramdam ng awa at pag aalala kaya lumapit ako sa kanya para alalayan.

"Sige na ihatid na kita sa room mo para makapgrest ka na,ihahatidan nalang kita ng food mo mamaya"sabay hawak ko sa kanyang braso at hinawakan ko sa bewang para maalalayan sa paglakad.

Nahiga na siya sa kama,halatang masakit nga ang ulo niya dahil sa ugat na umigting mula sa kanyang sintido.Wala sa sariling hinimas ko ang kanyang ulo at minasahe.

"Huwag ka muna sa gadget para hindi ka masyadong maexpose sa radiation"bulong ko sa kanya,pero hindi na ito sumagot,baka nakatulog na,inayos ko ang kanyang pagkakahiga kinumutan ko dahil nakabukas ang aircon.

Maamo ang mukha niya,lumuhod ako at hinawi ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha.Hindi naman talaga nakaksawa ang kanyang ganda.Ang kanyang labi na palaging akong ninanakawan ng halik.
Hinawakan ko ang kanyang baba at hinimas iyon.

"Ang labi mong nagpapaconfuse sa akin"bulong ko sa sarili

"Wanna kiss me?" napatayo ako agad dahil sa gulat,at hindi ko alam kung tatakbo ako o ano,basta gusto ko nalng maghukay ng sarili kong libingan ,gusto kong maglaho sa kanyang paningin.Nakakahiya,narinig kaya niya,Ng tignan ko siya nakapikit nanaman ito.
Dahan dahan akong lumabas ng kanyang kwarto.
Yung kaba ko andito padin plus magluluto pa ako ng adobo.

Nakakainis talaga.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Aiko pero hindi ito sumasagot..
"Arrghhh!!! Aiko answer your phone!!"

Si Aira,subukan kong tawagan.,wala din line busy ang numero..
Youtube manood ako kung paano magluto ng adobong chicken.

Sinunod ko lahat ng sinabi sa napanood ko.Pero hindi ako makontento sa lasa kaya nag add ako ng toyo.

"Haist bahala na,basta may toyo adobo na yun"bulong ko sa sarili..

"Nagutom ako sa amoy ng niluluto mo" nabitawan ko ang sandok dahil sa pagkakagulat.

"kanina ka pa diyan?" kinakabahan kong tanong baka nakita niya akong nanonood ng youtube habang nagluluto.

"Hindi kabababa ko lang,naamoy ko kase kaya bumangon ako"nakangiti nitong sagot,sabay dantay ng kanyang kamay sa aking braso at pinapanood ang niluluto ko.

"Halika" iginiya ko siya sa upuan para maupo "Hahanguin ko lang at ng makakain ka na" medyo ilang na ngiting ipinukol ko sa kanya.

Inilagay ko na sa mangkok ang niluto kong chicken adobo,.

"Kainan na" excited kong winika

Halos hindi ako huminga habang iniihipan niya ang kanyang isusubo..

Hanggang sa umulit ito ng subo.Kinakabahan ako pero dapat kalma lang Aika.

"Aiko,adobong adobo ah" baling niya ng tingin

"A--anong lasa,hindi ba masarap?" kabado kong tanong.

"Okay na din pero parang nadamihan mo yung toyo,pati ugali mo isinahog mo kaya sumobra sa toyo" pang aasar nito sa akin."Pero masarap " dagdag nito.

"Mas okay na tong Adobo ang matapang kesa yung nagluto" dag dag ulit niya.

Kinuha ko yung tinidor niya na maya nakatusok na karne at isinubo ko "mag oorder nalang tayo sa labas" nahihiya kong tugon.Sabay ubo ko sa sobrang alat..

"Uuwi naman tayo sa cordon eh,doon nalang tayo kakain..Okay lang yan baby" nakangiti niyang sagot

"Pero nakakahiya,hindi ko nakuha yung timplang gusto mo" tumaas ang sulok ng aking labi

__________________

"Mabuti naman at napadalaw kayo dito" bungad ng mama ni Gwyn ng makita kaming pababa ng kotse.

"Hello po tita kumusta po" matamis kong ngiti

"Naku nak,ikaw din ata na Amnesia na,dati mama tawag mo sa akin ngayon tita na" nakapamewang niyang tugon.

"Halla pasensya na po ti--mama,medyo lutang lang sa dami ng iniisip"palusot ko

Napansin kong tila sinusuri ni Gwyn ang aking reaksyon,na tila nagtataka sa mga ikinikilos ko.

"Aiko okay ka lang?" lapit nito sa akin,ng bigla akong kahulan ng maliit na aso.

"Hachi enough sweetheart si Aiko yan hindi mo ba nakikilala" wika ni Gwyn sa kanyang aso na ayaw magtigil sa kakatahol.

Binigyan ako ni Gwyn ng tinapay para ibigay kay Hachi,medyo nakakatakot pero kailangan kong makuha ang loob ng aso.

"baby you want treat,come here baby" mahinahon kong usal sa aso,hindi nagtagal nag wiwiggle wiggle na ang kanyang buntot ng matapos niyang kainin ang pagkain na binigay ko.

Nahawakan ko na din siya,mabalahibo nga lang,ilang minuto pa biglang sumama ang aking pakiramdam.

"Achuu.."sabay punay ng tissue sa aking ilong.

Sunod sunod na bahing,halos nahihirapan na akong huminga.

"Aiko okay ka lang?Ano nangyayari sayo" nag aalala tanong ni Gwyn.

"Wala to sinisipon lang ako,Achuu.."

Pero nahihirapan na talaga akong huminga.

"Ma--may hospital bang malapit dito"

"Aiko..anong nangyayari sayo jusko naman,bat namumula ka na" halos hindi alam kung ano ang gagawin ni Gwyn,andiyan na iwan ako para magtawag sana ng masasakyan pero dipa nakakalabas babalik agad " Ma!!, si Aiko!! Ma!!" palahaw nito at umiiyak na sa sobrang kaba.

"Bakit ano bang nangyayari,Anong nangyari sayong bata ka" hinawakan ako ni Mama Estella at inalalayan "Sabihin mo sa Tiyo Ador mo,ihanda niya yung tricycle at itakbo natin siya sa Javonillo" Agad naman tumalima si Gwyn at mabilis akong isinugod sa hospital.

Matapos akong maturukan ng gamot at nag nebulizer medyo umayos na ang aking pakiramdam.

"Sa susunod iwasan mo sa maalikabok at kung may mga alaga kayong hayop huwag niyo hahayaan na madikit sayo para hindi ka na ulit atakehin,baka ikamatay mo pa yan iha" paalala ng Doctor bago ito lumabas.

Nakatingin lang sa akin Si Gwyn,na tila ang lalim ng iniisip.Kaming dalawa nalang ang naiwan si Mama estella umuwi na muna para tapusin yung inihahanda niyang makain,lalabas din kami mamaya ikakalahati ko lang yung dextrose na naka inject sa akin.

"Kailan ka pa nagka allergy?" tila nahihiwagaang nakatitig sa akin.

"Ahmm,eh hindi ko din alam eh basta nalang" kalmado kong tugon.

"Kaya ba may stock kang ventulin sa room mo" titig padin niyang tanong,hindi ko alam na nakita niya yung mga gamot na yon.

"Hmm,galit ka ba?" tanong ko at tumaas ang sulok ng aking labi.

"Hindi naman,pero sana sinabihan mo ako para alam ko naman kung ano yung nakakasama sayo,kase dati hindi ka naman ganyan,madami akong hindi naalala Aiko kaya dapat maging honest ka sa akin.Kung ano mga totoong nangyayari para hindi ka naman napapahamak" seryoso nitong tugon.

Napalunok ako sa kanyang tinuran.

"pero iyakin ka",sabay ngisi sa kanya medyo kinakabahan akong baka mabisto niya ako kaya idinaan ko nalng sa biro.

"Sino ba naman hindi iiyak,ayaw kong may mangyaring masama sayo,diko kakayanin na mawala ka ulit" naluluha niyang sagot

"I'm sorry" malumanay kong sagot,lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking buhok.

"Siya magrest ka na muna mamaya konti pag okay ka na lalabas din tayo" dinampian niya ako ng halik sa noo.Ramdam ko yung care niya sa akin at ramdam ko sa puso ko yung tuwa.

Comment