CHAPTER 7

SIKKEN'S POV

"Dinner Ate?!" As expected e' OA itong reaction ng kapatid ko. Nag-kwento lang naman ako sa kanya para mabawasan ang inis ko. Ikaw ba naman pa-gawin ng isang bagay tapos sa iba sasabihin na hindi tuloy. Ugh! I hate my parents that I want to eat them.

"Nakakainis talaga," bumuntong hininga ako "I-tetext ko na si Emir. Sasabihin ko hindi tuloy." Sabi ko kay Heaven.

"Huh, e' bakit mo sasabihin 'yon?!" OA paring sabi niya

"E' bakit hindi ko naman sasabihin 'yon?"

"Ugh!" She rolled her eyes "Ate, sayang!"

"Bakit naman sayang?" Salubong ang kilay na tanong ko

"Sayang 'yong date!" Napupunong sabi niya

"Date? yuck. That is stupid. I don't believe in dates." Sabi ko habang tina-type ang mga sasabihin ko kay Emir, walang pakialam sa sinasabi ni Heaven.

"Grabe maka stupid, 'pag ikaw talaga nagka-date!" Banta niya at lumabas na ng kwarto ko, nagmamaktol pa. E' bakit hindi na lang kaya siya ang pumunta, tutal mukhang siya naman 'yong may gusto. Tss

Okay na rin 'yon at hindi tuloy, wala na akong iisipin.

SCHOOL

Papasok na naman para mag-aral. Heto kami ngayon ni Trust at naglalakad sa maaliwalas na umaga papunta sa classroom. Malayo pa lang kami ay tanaw ko na si Emir na naka upo sa bench sa tapat ng building nina Trust. Ano naman kaya ang ginagawa nito rito?

"Ate tingnan mo, si Win." Turo ni Trust sa direksyon kung nasaan si Win. Tinakpan pa nito ang bibig niya at bahagyang tumawa. Agad na lumingon si Enuih sa akin. Marahil naramdaman niya ang presensya ko o hindi naman kaya ay narinig ang bunganga nitong si Trust. Tumayo kaagad siya sa kina-uupuan niyang bench at nilagay ang mga kamay sa bulsa habang ang itim na bag ay nakasabit na sa kanyang likod, nakamasid sa amin.

"Sa totoo lang ay kanina ko pa siya nakikita, Trust. Hindi lang ako nagsasalita." Natahimik si Trust sa sinabi ko, nakuha ang pasimpleng sermon. May bahid na ngayon ng takot ang mga galaw niya.

"Sorry, Ate." Tumango ako "Pumasok ka na." Sagot ko na lang dahil nasa tapat na kami ng kanyang building.

Pagkapasok ni Trust sa kanyang classroom na nasa first floor ay agad niya akong nilapitan. Kilala niyo na ang tinutukoy ko

"Alam mo, ang sungit sungit mo. Para kang madrasta sa kapatid mo, grabe ka! Maganda ka, kaya ngumiti ka rin." Hinawakan niya ang baba ko. Hindi na ako nagulat nang marami na kaagad siyang nasabi na tila mo 'y bubuyog sa tabi ko. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang. Siya naman ay sinasabayan akong lumakad papunta sa aming campus. Ano kayang trip nito?

"Sabi ko na nga ba hindi ka iimik. Hahaha" Pagkausap niya sa sarili niya

"Sayang at hindi natuloy 'yung project. 'Yun na sana 'yung paraan para makasama kita. Hahaha, naks,"  siya na bilib sa sarili niyang banat

"Nice talking, Emir Nuwein." Pagbibiro niya naman ngayon sa sarili niya. Sana ay okay lang siya.

Nang makarating na kami sa classroom, nagulat ang lahat nang sabay kaming dumating ni Emir sa classroom, may nagbulungan pa. Maging ako ay nagulat din dahil nando'n na pala 'yung Prof. Late pala 'ko?

Napatingin tuloy ako sa relo ko sa palapulsuhan... Hindi pa naman.

"Sorry prof, late." Paghingi ng tawad ni Emir sa Prof. Ako sa kabilang banda ay walang imik. Wala naman akong dapat sabihin 'di ba? Meron ba dapat? Umupo na lang ako sa upuan at gano'n din si Emir.

"Give me the reason why you're late Mr. Dawson and Ms. Le Tavi."

Late? I believe I'm not late.

"Sikken's the reason why I'm late, Professor Sanchez." Agad na nanlaki ang mata ko at tumingin sa kanya. Tumingin din siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. Anong pinagsasabi nito? Naalala ko tuloy siya kaninang nakaupo sa may bench, paanong ako ang dahilan? Umirap na lang ako sa kanya at binalik ang tingin kay Prof na ngayon ay magkasalubong ang kilay

"Ayieee!" Isang nakakabinging ingay na nga ang umugong sa classroom. Lahat ng mga kaklase ko ngayon ay inaasar na kami. Nag-iinit na tuloy ang dugo ko kay Emir. Anong sinasabi nitong hinintay niya raw ako? E' nadatnan ko siyang nakatambay sa bench, ang kapal ng mukha.

"And why is that, Mr. Dawson?" Professor Sanchez, smirked at Enuih. I don't think this is going to be good

"I waited for her." Sinabi niya sa pinaka-simpleng paraan na akala mo 'y ang ganda ng ginawa niya..

"I didn't asked you to wait for me." Sagot ko na lang din sa pinaka-tamad na paraan at lumingon sa kanya. Bigla ay natahimik ang klase.

"Totoo 'yun sir." Sumabat naman itong si Kian. Napapikit na lang ako sa inis at napasapo sa noo.

"Magka-sabay kami pumasok n'yan Sir, e'. Nagtaka pa 'ko kung ba't biglang tumigil sa bench dahil may aantayin daw. Para intayin pala si Sikken." Pang-aasar niya. Agad namang nag-react at umingay ulit ang buong klase.

Hindi ko na lang pinansin at kunwaring may ginagawa sa notebook. Kahit na wala talaga akong sinusulat. This is embarrassing.

"And you Ms. Le Tavi? Why are you late?" Professor Sanchez asked me with his serious tone.

"I didn't know that 1 minute before stated time is late, Sir. I believe I don't have the need to explain myself. I'm not late." Sinasabi ko 'yun habang naguguri-guri pa din sa notebook

"Pardon?" Tanong niya, marahil nabastusan sa sinabi ko. Ramdam ko ang kakaibang pagtahimik ng klase.

Sinarado ko ang notebook at ipinatong ang ballpen sa taas nito bago tumingin kay Professor Sanchez. Sa mukha nito ay kitang kita ang hindi niya pagkagusto sa akin. O malamang sa malamang sa pamilya ko.....

"Tatagalugin ko po ba? Hindi ko alam na gano'n pala kaimportante sa inyo ang isang minuto para tanungin-"

"Leave my class." Sabi niya habang turo turo ang pinto. Kitang kita sa mukha niya ang pagkagalit at pagkapahiya. Ano ba ang problema nito at ganito na kalaki ang galit niya sa akin sa pag dating ko ng 6:59 sa klase? 7 pa start ng klase ah? Hindi pa ako late!

"And you Mr. Dawson, leave!" May bahid ng galit ang tono niya. Hindi ako tumayo at pinagkrus lang ang braso ko.

Acting superior now, huh? Let's see kung saan ang abot mo.

"S-sorry Sir." Natatakot na sabi ni Emir at sinimulan niya ng isuot ang bag niya.

"Walang aalis." Sabi ko na ikinatigil niya. Saglit akong tumingin kay Enuih at ibinalik din agad ang paningin kay Professor Sanchez. "Ikaw ang aalis." Mariing dugtong ko sa kanya at nakipaglaban sa galit niyang mga mata. Kinalma ko lang ang hitsura ko dahil sa POV ko ay mukha siyang tanga ngayon.

"Huh, as if you have the authority to do that." Lumapit siya at dinuro ako. Sobrang lapit ng daliri niya sakin habang galit na ang mata.

"Wow, scary. I think I'm gon'na cry now." He was about to slap me but someone spoke.

"On the contrary, she has all the authority to do that." Pormal at malinis na pasok ni Kuya Chase sa eksena. Tumingin lahat sa kaniya dahil sa biglaang pagsasalita niya at walang pasabing pumasok na agad siya sa room. Sa sobrang tahimik ng klase ay parang naka-mic ang pagsasalita ni Kuya. Good thing he's here. Atleast lahat mae-expose na. I'm so done with this guy infront of me. Tiningnan ko ang kamay niyang nakaduro pa rin sa akin. Tss

"On legal papers, may karapatan ang Le Tavi Siblings na mag-pasok at mag-tanggal ng kahit anong uri ng tauhan sa kanilang paaralan. Sa kahit anong dahilan at uri pa ito. You didn't read the school rules and regulations didn't you, Mr Sanchez?" Kalmado ngunit mayroong awtoridad na boses ni Kuya. May natatanging angas din ang isang 'to kung hindi nga lang nang-aagaw ng Skyflakes.

"Ano bang ginagawa mo at nandito ka?" Kunwaring pikon na tanong ko

"Saving you from talking, Sikken." Narinig ko ang mahinang tawa ng mga kaklase ko sa sinabi ni Kuya. Napairap na lang ako sa hangin.

"Nasa'n na nga ako? Oh there. And Mister, desisyon na lang ni Sikken ang hinihintay namin para mapa-tanggal ka. I wonder kung bakit tumagal ng isang buwan ang desisyon na 'yon." Pag-paparinig niya sa akin

Pina-private investigation kasi namin lahat ng school teachers sa eskwelahang 'to para sa safety ng mga studyante at mga kasamahan. Dahil sa instinct na rin ni Daddy na parang may guro siyang dinududahan at si Sanchez nga ito. Lumabas sa investigation na kaya nag-trabaho si Mr. Jino Sanchez dito ay para sa paghihiganti. Paghihiganti para sa nakulong niyang corrupt na politician na ama na napabagsak ni Daddy sa malayong bayan.

Nag-meeting kaming pamilya tungkol dito at ang desisyon ng lahat ay tanggalin siya. Maliban sa 'kin. Sapagkat gusto kong makita kung paano siya kikilos at "maghihiganti". Sa hitsura niya ay nakikita kong siya ang klase ng taong magaling lang sa salita kaya gusto ko siyang pakainin ng sarili niyang pain. Napairap ako sa naisip dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ginagawa.

"Walang makukuha sa paghihiganti, Mr. Jino." Tumayo na ako sa aking upuan at kinausap siya ng maayos. Magkaharapan na kami ngayon habang si Kuya ay nasa may bandang likuran niya "Hindi ako nag desisyon agad sapagkat gusto kong makita ang paghihiganting sabi mo." Ngumisi ako

"But I guess, one month is enough. Too much waiting for me. You wanted to destroy our school just like how we destroyed your corrupt father right? Well it's not my sorry. We're not sorry for thinking that the public deserves better, Mr. Jino. Besides, it isn't late for you to change and be not your father, Sanchez." Sabi ko habang nilalabanan pa rin ang masama niyang titig. Kinakalma ko lang ang hitsura ko.

"Paano niyo nagagawa at nalalaman ang mga bagay na hindi niyo dapat alam? Masyado kayong nangingialam sa buhay ng iba!" Galit na siya.

"Thank you sa compliment, Mister. Pwede na kayong umalis. Kuya Run at Nier paki-escort please." Si Kuya na sinusubukan pagaanin ang sitwasyon. Umupo na lang ako.

Nakatingin kay Jino na nagpupumiglas habang kinakalad, ang buong klase samantalang si Enuih lang ang nakatingin sa 'kin. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay ngunit ngumiti siya ng malaki sa 'kin. Anong ngini-ngiti-ngiti nito?

"HINDI KO KAYO TITIGILAN MGA LE TAVI KAYO!" Bumaling ako kay Sanchez na sigaw pa rin ng sigaw. Nginisian ko lang siya na lalong kinainis niya. Tumawa naman si Kuya Chase sa nakita

"Sorry about do'n pupils. E' ito kasing si Sikken dito pa talaga piniling gawin 'yon haha."

"Ako na naman." Inis na reklamo ko at tumawa ang buong klase

"Hahaha, kidding asside wala muna kayong gagawin ngayon kasi sinong magtuturo, ako? The remaining 30 minutes will be your vacant. Reserve your energy for the next subject." Ngumiti siya saglit tapos umalis na din. Mabigat na bumuntong hininga na lang ako.

'Ang gwapo talaga ni Chase!' Nagbulong bulungan ang mga kaklase ko.

What a chaotic morning.

<3

Comment