CHAPTER 4

Sikken's PoV:

"Hindi ba't sinabi ko na sa inyong huwag na huwag kayong pupunta sa mga ganitong klase ng lugar?!" Tiningnan ni Mommy ang lugar at ipinakitang nandidiri sa nakikita. Hindi naman gano'n kasama ang lugar pero kung makaasta siya ay parang nasa kanal sya. Madalas ay hindi ko talaga siya naiintindihan.

Napatungo ang lahat ng mga kapatid ko dahil sa hiya at dala na rin sa takot nila kay Mommy. Ako sa kabilang banda ay magkasalubong lang ang braso at maya't mayang nagtitingin ng kuko.

What a boring scene.

"Ikaw Chase?" Tumingin si Mommy kay Kuya Chase na nakayuko rin. "Hindi ba't ikaw dapat ang nagsusuway sa mga kapatid mo? Bakit sa nakikita ko'y ikaw pa ang nangungunsinti at nagpapasimuno ng lahat ng ito?!" Tuloy tuloy na pagsasalita n'ya.

"Ang pangit ng lugar, nakikita n'yo? Hindi ba kayo nahihiya na ang mga anak ng Le Tavi ay nasa harap ng sirang bodega lang? Such an insult to the family!"

Anong insult do'n? Talk to the door, Mommy.

Maya-maya ng natapos ang walang tigil na sermon ni Mommy ay nakabalik na kami sa bahay. Pinatipon pa kami sa sala, dahil may sasabihin daw si Mommy at Daddy. Ano na naman kayang drama ng mga 'to. Haysss, inaantok na ko oh.

Nagsiksikan ang anim sa Plume Blanche Diamond Encrusted sofa ni Mommy at Daddy sa kwarto nila, habang ako ay nasa favorite ni Daddy'ng, The Dragons Chair. Ngayon ay inaantay lang namin ang aming mga magulang.

"Ano kayang sasabihin nila?"Singhal ni Heaven "Huhu, kinakabahan ako." Dagdag pa nito.

"Sorry Kuya Chase, ah. Nang dahil sa'min, napagalitan ka pa." Si Genuine

"Ano ba kayo. Sobrang sarap kaya mapagalitan ng dahil sa hindi ko sila sinunod para lang mapasaya mga kapatid ko." Sagot naman ni Kuya. "Tsaka, Mommy at Daddy lang yan 'no, Chase 'to." Pagmamayabang niya pa

"Asus, pero kanina hindi magkandaugaga ng tungo." Si Shame

"Foul 'yon!" Reklamo ni Kuya. Umiling-iling na lang ako. Ang gulo nila.

Pagkatapos nang mahabang oras na paghihintay ay dumating na rin sila. Si Mommy ang unang nagsalita, followed by Daddy.

"First thing for most, ayaw ko nang mababalitaan at makikita kayo na nasa mga ganoong klase ng lugar katulad kanina. Bilang mga Le Tavi ay nakakahiya. At least, respect that."

Whatever.

"Second, me and your dad are staying in Tokyo for a month because of a sudden business errands."

A hidden joy were plastered on my siblings faces. I laughed in my head. They're probably amused because it's the goodest news they've heard this year. Lmao. I hid a short laugh.

"Third which is the last, you Sikken will be partnered to Emir Nuwein Lavina Dawson for a school interview. The interview will be premiered on television, and will also serve as a school commercial." Dad

Agad na napawi ang maliit na tawang nalabas ko. I knew it. There, they saw me again. Fvck privacy.

"What? Why Sikken, Dad?" Kuya protested

"Nakita namin sa isang footage na kausap niya si Dawson. This will also serve as a punishment for you Sikken, for disobeying the rule." Mom

School commercial for a punishment?! They're insane! That's torture. I rolled my eyes and stood up.

"There's no way I'm doing that." I casually go upstairs, storming off . The hell I care with their rules and punishments, bullshits.

Halos mga nasa 3 sentences lang 'yung pag-uusap ko ro'n kina Enuih, tapos bibigyan agad nila 'ko ng school commercial?! I'm an introvert and being featured on TV by a commercial?? That's murder! My parents really know how to kill me. Anong klaseng utak mayroon mga magulang ko para magbigay ng ganoong punishment o ng ganoong rule na bawal makipag-usap? Ewan! ewan ko na lang talaga.

Pabagsak kong sinara ang pinto ko, 'yung rinig na rinig nila sana. Naiistress ako, I need to sleep and I will.

HEAVEN'S POV

Kasalukuyan akong gulat pa rin sa mga nangyayari. Si Ate Sikken nahuling kausap si Dawson?! I mean, si Ate Sikken.. Si Ate Sikken talagaa?! Who's that Dawson huh? Kailan pa nagsimulang magsalita si Ate sa iba? Haha. Literally, I was too stunned to speak. Kasalukuyan kong gustong tingnan ang footage nilang magkausap ni Dawson. Anong kalandian kaya ang pinasok ni Ate, chariz. Hahaha!

Pero grabe naman 'yung punishment. Sobrang nakakastress, tapos yung beauty ni ate ma f-feature sa Tv! Hahahaha. Ewan din talaga sa braincells ng parent's namin.

"Heaven!"

Kasalukuyan na pala akong tinatawag ng magaling kong ina.

"Po, mommy?" As usual, eh pa play safe ako.

"You'll watch out for your sister, make sure she'll do it. We're gon'na go now."

"Yakang yaka ko, Mommy! Ingat kayo, Dad" Bumeso na sila sa lahat. Syempre joke lang ang sinabi ko, bakit ko pipilitin si Ate kapag ayaw niya. Hindi ko yakang yaka pilitin si ate 'no. Baka kitilan ako no'n ng buhay!

Woohoooo! A month without them in the house! Am I really that bad to feel this? Hahaha!

Pagkalabas na pagkalabas pa lang nila ay may pumasok na agad na walo. Whaaaaattttt?!?!!!!

"Good eve, Le Tavi Siblings. We'll serve as your personal assistant for a month because your parents are away and in tokyo for a month. Your locations are track to their systems whenever you're with us." Sabi no'ng nasa gitna at tinuro ang mga kasunod niya. They are wearing the same golden nanny uniform with a watch tracker on their wrists.

Ugh! Akala ko naman!

"Xa, for Chase." The Nanny named 'Xa' goes to Kuya

"Xe, for Sikken."

"Sikken's upstairs." Trust boredly said

"Xi, for Shame."

"Xo, for Heaven." And Ate Xo, really went beside me. I gave her a hug because I appreciate their works for their family's needs.

"Xu, for Genuine."

"Hello po, Ate Xu." She as usual, genuinely said.

"Ye, for Trust."

"Yi, for our baby Pain."

"Ikaw ate what's your name?" Tanong ko. Hulaan ko 'Ya'.

"Ya."

Sabi ko na. A,e,i,o,u pala mga 'to e. Kainis ah, haha!

Tumawa ako ng mahina. Sino kaya nagpangalan sa mga 'to? Malamang si Daddy! Hahaha

[Ako Heaven, gagi. Hahaha! - element no. 50]

Ano pa nga bang magagawa natin. Mas strict pa sa strict, parents namin e. Akalain mo nasa Tokyo sila, pero gusto pa rin nila I-track mga ginagawa namin. Hahaha. Kailan kaya kami magkaka-privacy man lang.

ENUIH'S POV

Si Sikken makaka-partner ko? Sa.... isang, COMMERCIAL?! Bakit kaya nila biglang naisip 'yon?

Hays, pa'no ba 'yan mafi- feature na naman sa T.V. ang napakagwapong kong mukha. Hays, ano pa nga bang magagawa ko. Hahaha.

"Bro, nakatulala ka na naman." Si Kian

Andito ako ngayon sa harap ng hospital nila Kian habang kanina pang iniintay siyang lumabas. May idadaan lang daw kasi siya sa nanay niya. Aba, malay ko kung ano.

"Gwapo mo kasi." Pagbibiro ko

"Off topic, sa'n tayo bro? Drive thru tayo libre mo." Kapal talaga ng mukha. Gas ko na nga tapos ako pa sa pagkain.

Maya maya'y nakita ko na lamang ang sarili kong nagpapa-uto kay Kian. Papanong nakarating na kami dito agad sa counter ng Popeyes?

"Salamat bro. The best ka talaga. Sa Jollibee, bida ang saya!" Si Kian. Nagulat kami ng tumikhim ng ubo ang cashier sumisenyas na kami na pala. Nilakihan ko ng mata Si Kian at nahihiyang naintindihan naman niya ito. Maling biro nabitawan mo 'Tol. Hahaha!

"P-pero pinaka masaya ang bida s-sa Popeyes. Ate, ikaw talaga." Pagpapalusot niya pa "Dalawa nga pong-" At umorder na nga kami at hinintay itong dumating.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami agad sa School. Dahil masyado kaming maaga ay tumambay muna ako sa may music room para mag practice ng Gitara. Mayroon kasi akong gustong aralin na kanta gamit ang electric guitar.

Pagkapasok ko ay nagulat ako dahil may tao doon. May hawig siya kay Sikken, kaya huhulaan kong isa ito sa mga kapatid niya. Naroon siya sa isang tabi at hawak hawak ang gitara. Katabi ng gusto kong gamiting Electric Guitar. Si Kian nga pala ay hindi sumama sa 'kin pagpasok dahil dadaanan daw muna niya si Cess, kapatid niya.

Aba'y dinaanan na niya yata lahat.

"Marunong ka pala n'yan?" Nguso nito sa kukunin ko sanang Electric Guitar. Tumango ako at kinuha ito. Himala at nakikipag-usap ang isang 'to.

"Hmm. Ikaw, naggigitara ka pala?." Balik ko naman

"Oo naman, pangarap ko maging Icon." Sagot niya.

"Sino ka nga ulit?" Tanong ko.

"Haha, Shame." She offered her hand.

"Win." I accepted hers.

"Yep, ako 'yung repeater." Inunahan niya ako marahil ay basa niya ang iniisip ko.

"May I ask why? It's okay if you don't share." Ngumiti ako.

"I'm so sick of expectations and high pressures. Since grade school ako palaging 100%, walang palya yung average ko.I don't know, siguro nga may mental health was damaged kaya nung 2nd year ko, binagsak ko lahat. I know right, Shame on me. I guess my name is curse of how i'll live my life. Haha." She gave me a sad smile.

"You don't predict your future base on present struggles. It must have been hard for you. It's okay, I understand your desicion." Nginitian ko siya.

"Kikiligin na ba 'ko? Hahaha! Pero thank you, salamat sa pag-iintindi"

"What do you mean?" I asked, getting confused

"Wala." Binalik niya sa lalagyan ang gitara. "So, anong mayroon sa inyo ni ate? Bakit mo gusto ang ate ko?"

<3

Comment