CHAPTER 1

"Sikken, gising na!" Daddy shouting at me. I ruffled my hair as a sign of irritation.

"Why would I?" Pabalang na inaantok na sagot ko. Nakayakap sa unan

"Anong 'why would I'? It's your first day of school. Ikaw na lang ang inaantay ng mga kapatid mo. Do you want me to kick you out from school?" Him on a stern voice.

"If you give me a chance."

I smirked on my head. Ang ingay n'ya. Bahala ka d'yan daddy.

"What the? Sikken!"

............

"Sikken,  my god!"

............

"Sikken aren't you really gonna wake up?!"

............

"Sikken, isa!"

............

"Dalawa,"

..............

"SIKKEN!"

............

"FUCK IT!. LOVE YUNG ANAK MO GISINGIN MO KUNG AYAW MONG BUHUSAN KO NG MAINIT NA TUBIG 'YAN!" Sumisigaw na sabi n'ya palabas ng kwarto 'ko. As if papasok si mommy. She always don't have time.

I was expecting Daddy to come again. But it's Pain.

"Ate, you wake up na, let's go na. The van is waiting." She cutely said. Her hair is in two high ponytail with white ribbons on top of it.

Fine I'll wake up na. Tss. Bakit ba kasi kailangan pa ng school?!

Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na 'ko. Hinayaan ko lang ang buhok kong straight na bumaba d'yan. Pinagilid ko lang 'tong bangs na ginupit ni Heaven. Ang sabi n'ya ay maganda pero mukhang tanga naman. Bakit ko nga ba s'ya hinayaang gupitan ako? Tss, your fault self.

"Finally!" Si Kuya Chase nang makita n'ya kong naglalakad, pinalakpakan pa ako ng tatlong beses. Inirapan ko lang s'ya.

"Ang tagal mo, Ate Sikken!" Reklamo ni Heaven. Hindi ko s'ya pinansin at umupo na lang sa pwesto ko.

Tiningnan ko ang pwesto ng mga kapatid ko habang kami ay nasa byahe. Si Kuya Chase ay nakatingin lang sa kawalan. Si Genuine ay inaayos ang mga librong nasa lap n'ya. Si Shame ay naka earphones habang naghahanap ng ewan ko. Si Trust ay naka pikit. Si Pain ay nakakalong kay Kuya Chase dahil nasa may window side s'ya. Si Heaven ay----

*****************************

"CAUSE YOU GOT THAT JAMES, DEAN, DAY,DREAM, LOOK IN YOUUURR EYEEEEE! AND I GOOT THAT REEDD, LIIPP, CLAA,SSICC THIING THAAT YOOUUU LIIIIIIIIIIKKKEEEEEEE!!"

Ayan na nga. Nandiyan na naman 'yong pagkanta ni Heaven sa sasakyan habang nasa byahe. Ang ingay! Wala namang pakialam si Kuya Chase na tatawa-tawa lang at dinagdagan pa nitong si Trust na sinasabayan pa si Heaven. Pareho daw silang S-swiftie ba 'yon? 'Yon! Maya't maya ko nang narinig ang mga kanta ni Taylor Swift dahil sa dalawang 'to. Kaunti na lang ay masasaulo ko na lahat. Tss

"AND I GOT THAT GOOD GIRL FAITH AND A TIGHT LITTLE SKIIIIRRTT!" Heaven

"A tight little skirt!" Si Trust habang nakapikit pa din ang mata

"'CAUSE WE NEVER GO OUT OF STYLE." Heaven

"WE NEVER GO," Trust

"WE NEVER GO OUT OF STYLE." Heaven

When are this people gon'na stop?!

Salamat at nakarating na rin kami sa school. Wari ko'y pati driver ay natuwa dahil sa nakalabas na kami sa nakakabinging concert ng dalawa. Maganda naman ang boses, 'yun nga lang ay paulit ulit na jusko!

As usual ay ako ang nauuna lumabas ng sasakyan. Hindi ko sila hinihintay, kasi bakit ko gagawin 'yon?Pumunta na 'ko sa loob ng classroom at umupo sa seat na may pangalan ko.

Rule number one sa'min nina mommy ay bawal kaming makipag-usap kahit kanino. Dahil sa posisyon daw ng buhay namin, wala raw taong totoong makikipagkaibigan sa'min. Lahat daw ay habol lang ay pera. Kami lang daw magkakapatid ang kakausapin ng isa't isa at wala ng iba. Maliban sa mga teachers syempre.

Sinabi ang rule na yon sa buong school namin kaya walang nagtatangkang kumausap sa'min. Sa wari ko'y tinakot nila. Tss. Dati nung nalaman nina Mom at Dad na may friends si Heaven ay pinaghiwalay sila. That scene svck me. Lumipat kami ng place dahil do'n. Syempre walang choice si Heaven no'n dahil kung hindi s'ya sasama ay saan s'ya titira? She was crying sa buong byahe namin no'n. I saw how genuine their group was. It's just that mom and dad didn't saw it. They look at the bad side of the people first before letting them introduce themselves. I don't know what's their problem. I don't see anything wrong with having friends. E 'di kung hindi naging totoo yung friendship mo, e 'di hindi 'di ba? Lahat naman ng tao nasasaktan. Nasa tao na lang yon kung pa'no nila i-hahandle.

Wala 'kong pakialam sa rule na 'yon. Dahil una, hindi naman ako palakaibigan. Pangalawa, tamad ako umimik. Pangatlo, bastos daw ako at pangapat, ayaw ko. Tss, ang ingay kaya magkaroon ng kaibigan. Kanila Heaven pa nga lang 'di ko na kaya. Tss.

Pumasok na nga ang teacher namin kasunod ang lalaking; Anong klaseng buhok 'yan? Ang gulo. Maputi, matangkad, at mukha s'yang, maingay. Tss, another clown.

'Tama nga yung chismis. Lumipat nga dito si Win'

'Waaah!  Ang gwapo."

'Shocks pa'no 'yan nagawang lokohin ni Lumia.'

'Not her lost.'

Pagbubulong-bulungan ng mga kaklase ko. Hindi masyadong clear sa pandinig ko kaya hindi ko narinig yung mga pinagsasabi nila.

"Good morning class, good morning Sikken."

Tss, there is it again. Special mention ng mga teachers sa'kin. Pag Le Tavi ka talaga wala kang katahimikan sa buhay. Tinanguan ko lang s'ya. Muntik ko nang mairapan.

"As you can see, we have another special student here. Guess what, he is a Dawson. A very big pleasure for our school to have another Dawson here." Our teacher, gaslighting the new student.

'Yung totoo ma'am?

"Ay grabe ma'am hindi naman masyado." Pabirong sabi nung Dawson kaya nagtawanan ang mga talandi kong kaklase

Tss, clown.

Sinabi ko lang 'yun sa sarili ko. Pero nagulat ako no'ng nakatingin na s'ya sa'kin. Napalakas ba?

Nakita ng teacher na nakatingin s'ya sa'kin kaya

"Oh, that beautiful young lady there, is Sikken. Sikken Finley Le Tavi. One of the Le Tavi's here in Le Tavi International School." Pagpapakila ni ma'am sa'kin

Yeah, my dad owns this school. That's why they dominate everyone here. Tss.

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil ang atensyon ng lahat ay nasa akin na.

Naramdaman kong kinabahan ang teacher sa ikinilos ko kaya binaling n'ya ulit kay Dawson ang topic

"S-so Mr, Dawson. Can you introduce y-yourself?" Ayan nag s-stuggle na.

"Ehem, Pleasure to meet you all. I'm Emir Nuwein Lavina Dawson. I'm 16 years old. My hobbies are playing basketball and dancing. You can call me Win" Pagkasabi n'ya noon ay kumindat s'ya kaya nabaliw ang buong klase at sa nakikita ko ay pati si ma'am. Pati s'ya ay napatili din. Napailing na lang ako. So unprofessional.

Pinaupo na si Emir sa katapat kong upuan at doon ay dinig na dinig ko ang pag uusap nito at ng isang kaklase ko

'Hi Win, I'm Nacy.'

'Win. Matagal ka na rito?'

'Oo. I study here ever since grade school.'

'Good for you.'

'Idol na idol kita. Natalo mo sila Mico sa Dance Battle last year.'

Ah, kaya pala familiar. Siya pala 'yung lalaking nakatalo kay Mico na representative namin sa aming yearly dance battle competition.

'Ako lang 'to, ano ka ba.' umiling pa s'ya kunwari patagilid at tumawa nang humarap ulit. Natawa din si Nacy at nag-blush pa dahil nakita ang pagtawa noong Emir.

Tss.

Napalakas na naman yata ang sabi ko no'n kaya lumingon ito sa'kin. Tinaasan ko s'ya ng kilay ngunit lumipat ito sa tabi ko. Napaawang ang labi ko.

"May I sit here?"

This guy is doomed.

<3

Comment