5

Suot ko na yung sweater na binili ni Donny para sakin. Sobrang laki pero ayos lang naman, pinagtitinginan ako ng mga tao, hindi ko alam kung bakit. Pag lingon ko sa likod, nakasunod na pala sakin si Donny. "Ang cute talaga nila 'no? Matchy matchy pa sila ng sweater." Sabi nung isang babae "Ang goals nila omg" pagtingin ko kay Donny nakangisi lang siya. The hell?


Humarap ako kay Donny. "Donny." Nakangiti siya sakin. "Yes Gabgab?" Nakatingin lang ako sa mata niya, ang ganda talaga. "Gabgab, wag ka namang tumingin ng ganyan, baka matunaw ako." Inirapan ko lang siya at tumalikod para maglakad. Kaso inakbayan niya ko. "Wait for me." Habang lumalakad kami papuntang corridor, may mga lalaking varsity player yung naghello sakin. Kaya, bumati rin ako sa kanila. Pag tingin ko kay Donny, nakasimangot at magkasalubong yung dalawang kilay. "Hoy! Bakit ka nakasimangot? Anong problema mo?" Pangungulit ko sa kanya.


Hanggang sa nakapasok na kami sa classroom hindi pa rin niya ko kinikibo. "Wag kayong maingay, yung magjowa LQ" sabi ng mga kaklase namin. Hindi ko nalang pinansin. "Dons ano ba problema? Kausapin mo ko! Hindi ko kayang walang kausap." Nagpapacute na ko dito. Sana effective. "Edi kausapin mo yang upuan!" Pilosopo talaga 'tong lalaki na 'to. "Ano ba talagang problema?" Pagtanong ko ulit. Kumuha siya ng papel at ballpen, meron siyang sinulat at binigay niya sakin. "Gabgab, nagseselos ako. :("

Comment