2

Sabado ngayon, as usual gagawa ako ng mga plates. Mula kasi elementary, honor ako. Hindi ako naalis. Kaya minemaintain ko. Ngayon kasi, 4th year college na ko, so kailangan na talagang magseryoso. Architecture yung kinuha kong course.


Tumatawag si Donny. Jusko. Ano nanamang kailangan nito? Sinagot ko yung tawag niya. "Oh ano nanamang kailangan mo?" Bungad ko sa kanya. "Busy ka?" Parang magaaya 'to lumabas. Ayaw talagang magseryoso sa pagaaral. "Oo, gumagawa ako ng plates. Bakit?" Sana naman maintindihan niya na kailangan kong magfocus. "Samahan mo naman ako sa mall. May bibilhin lang ako." Hindi pa ba niya kaya magisa? "Busy ak--" Hindi ko na natapos yung sinasabi ko kasi yung boses niya nagpapaawa. Alam niya kasing kapag ginamit niya yun sakin, hindi na ko makakatanggi. "Please Gabbi? Please? Please?" Ano pa nga bang magagawa ko? "Oo na, sa mall nalang tayo magkikita?" Lagi naman kaming ganon, never pa naman kasi niya kong sinundo dito at pinagdrive. Grabe diba? "No, I'll pick you up. Magready ka na. Dadalin ko yung car." Wow, himala 'to. Nananaginip ba ko? "Hoy Donato, totoo ba 'to? Pero dib--" nagsalita agad siya kaya di ko natapos yung sinasabi ko. "Wala ng pero pero Gabriella Alexis. See you later baby girl." Binabaan niya ko. Yung totoo? Anong meron? Date ba 'to? Pssh, wag kang assumera Gabbi. May kailangan lang siya sayo. Kumalma ka.

Comment