20

Donny


Nakapagdesisyon ako na sundan si Gab sa Australia. Hindi ko kayang malayo sa mahal ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero sabi ng puso ko sundan ko lang yung taong nagpapatibok nito.


Nagbook agad ako ng flight at nagimpake ng mga gamit. Tinawagan ko si Natalie para magpaliwanag.


"Hello, Donny? Napatawag ka."


"Uhm, Natalie gusto sanang sabihin sayo na.." hindi ko alam pano ko sasabihin, alam kong makakasakit nanaman ako kapag sinabi kong makikipaghiwalay na ko sa kanya.


Nagulat ako ng tumawa siya. "Haha! Donny alam ko naman eh. Alam kong mahal na mahal mo si Gab. Alam kong siya yung nagpapasaya sayo. Hindi mo na kailangang magexplain Donny. Siya yung nagpapasaya sayo. May magagawa ba ko? Alagaan mo si Gab ha?" Hindi ko ineexpect na eto yung maririnig ko mula sa kanya.


"Hi-hindi ka galit? Totoo ba yan? Baka mamaya umiiyak ka ha? Ayokong may umiiyak na babae dahil sakin." Pag mamayabang ko sa kanya.


"Ako pa niloko mo Donny? Ang dami mo na kayang pinaiyak na babae. Pero sorry ka, hindi ako kasama don. Hindi ako galit. Basta gawin mo lang kung ano yung magpapasaya sayo. Basta ha, invited ako sa kasal niyo." Pagbibiro niya.


"Hahahaha! Sana umabot kami sa altar ni Gab. Sana. Thank you Natalie. Thank you talaga."


"You're always welcome. Susuportahan lang kita. Okay? Sundan mo na siya. Ingat ka. Bye." Binaba na niya yung phone.


Sana hindi pa huli ang lahat. Sana ako pa rin mahal mo Gab. Sana ako pa rin yung gusto mong makasama. Sana ako pa rin.


[ To be continued ]

Comment