CHAPTER 20

"Oh, Liana. hindi ka pa kakain? lunch na ah." si Ella kasama si Jake katrabaho ko sila 3 weeks na ako dito sa pilipinas bago paman maka punta dito may napag aplayan na akong trabaho bilang secretary.

"Hindi pa ako tapos sa iniencode ko at maaga akong uuwi, kailangan kasi namin mag bonding ni Kyle" sabi ko sakanila at nagpatuloy sa pag encode.

"Wala pa naman si boss atyaka hindi pa naman ata kailangan 'yan kaya halikana" umiling na lang ako at natatawang tumigil sa ginagawa pinatay ko na rin ang monitor wala akong magawa dahil mapilit ang isang ito.

"Sige ito na, kung sabagay sa friday pa naman kailangan martes pa lang naman ngayon pero maaga tayong uuwi may anak pa akong uuwian." sabi ko at niligpit ang mga gamit na nasa ibabaw ng mesa.

"Oo na tara na baka siksikan na naman sa canteen gusto ko makita yung gwapong katrabaho natin sa kabila" malanding sabi ni Jake at inayos ang buhok.

"Kahit kailan talagang bakla ka ikalma mo pwede, landi nito." sabi naman ni Ella ito na naman sila bangayan na naman.

"Tse wala lang lumalandi sa 'yo" Jake fired back, natawa ako sa sinabi ng baklita.

"Meron kaya hindi ko lang type" aniya at umirap, umiling iling ako sa mga pinag sasabi ng dalawang ito ganito silang dalawa lagi pag magkasama hindi mawawala ang bangayan.

"Tumigil na nga kayong dalawa, kahit kailan talaga, jusko dalian niyo na baka masaraan na tayo ng elevator dapat talaga hindi kayo pinagsasama, e." sabi ko sa dalawang at inirapan silang dalawa, para akong nanay nila na lagi silang sinusuway.

"Ikaw ba, Liana. may lumalandi ba saiyo? or yung Tatay ni Kyle ke gwapong bata ere panigurado gwapo ang Tatay" Ella said.

"Sa ganda mong iyan wala? hindi ako naniniwala gwapo nga ni Kyle, e. Naka bingwit nang gwapo" tumango naman si Ella at nag apir ang dalawa.

"Oo nga pernes pogi ni baby Kyle sino ama niya? englishero pa halatang may lahi palahi kaya ako" malanding saad niya kilala nila ang anak ko hindi ko naman itinatago dahil anak ko yun pero kung kinikailangan kong itago sa iba gagawin ko.

Wala namang kaso sa akin yung pag-puna nila sa mukha ni Kyle dahil halata naman na may lahi siya.

"Ito naman out of the blue ka pati tatay tinatanong, ito na lang sino yung chupapi na kausap mo sa phone kaninang umaga?" napa ngiwi ako sa sinabi ni Jake kausap ko si Francisco kanina dahil uuwi daw sila bukas at nasa tabi ko silang dalawa non nakikinig sa usapan namin.

"Si Francisco kaibigan ko sa states" napa-tango naman ito.

"Shala pa states si bakla may bebe ba 'yon?" pinalo niya ako sa braso at inakbayan ako.

"Oo nga sis kung wala reto mo ako" pang gagatong naman ni Ella at pinulupot ang braso sa braso ko.

Inis ko namang itinulak ang dalawa para mapalayo sa akin.

"Wala siyang girlfriend pero hindi ko alam kung may nililigawan ba iyon o wala" sabi ko sa dalawa at nagkibit balikat.

"Alamin mo baka siya na ang forever ko" malanding sabi ni Ella at parang tangang tahimik na tumitili hinampas pa si Jake sa braso.

"Ouch, sis! masakit 'tyaka hindi ka papatulan non mas maganda ako sayo" napangiwi na lang ako at napa iling sa kaingayan ng dalawa.

"Pusibling papatulan kanon gaga wala kang pukelya" ako nahihiya sa kaingayan ng mga ito.

"I have pukelya like mo ma see?" binilisan ko na lang ang pag lakad dahil ang lalakas ng boses nang dalawa at nakakakuha na sila ng attention, nakakahiya ang lakas lakas pa ng boses akala mo kung nabili na nila itong buong companya.

"Bilis mo mag lakad, Liana. hindi mo kami hinintay" sabi ni Jake ng maka habol nasa loob na kami ng canteen.

"Ang ingay niyong dalawa ni Ella, hindi man lang kayo nahiya" iiling kong sabi habang tinitignan ang buong canteen kung may bakanteng lamesa paba.

"Si Jake naman kase, e." paninisi ni Ella.

"Hoy anong ako, e. ikaw nga nag simula may pukelya kaya ako!" ito na naman sila bangayan na naman walang pinipiling lugar 'tong dalawa na ito.

"Tumigil na kayo umorder na lang kayo ng makakain hahanap ako ng table natin, kahit ano na lang sa akin" tumango silang dalawa kaya nauna na ako para humanap ng table.

Nang may mahanap na table ay naupo na agad ako at tinawagan ang yaya ni Kyle kahit ayaw ko ayun ang gusto ni Tita Mica para may kasama kuno ang anak ko which is totoo naman since may trabaho na ako at pag aalis ako ng bahay wala siyang makakasama.

"Hi, baby." bungad ko dito ng ibigay sakaniya ng yaya niya ang phone, sumimangot naman siya ayaw niyang tinatawag ko siyang baby.

"Mommy, I'm not a baby anymore I am 4 years old na po" pinakita nito ang apat nitong daliri, napangiti na lang ako.

"I know you are already 4 years old but you are still my baby" mas sumimangot ito kaya natawa ako sa kakyutan ng anak ko, apat na taong gulang palang siya pero ang matured na kung mag isip.

"What ever, Mommy. I want to meet my Daddy when will I met him mom?" tanong nito hindi ko alam kung sinong Daddy tinutukoy niya pero isang Daddy pa lang naman ang kilala niya kaya si Francisco ang tumatak sa isip ko.

"Tomorrow you will meet Daddy Francisco with your Lola's, They're going home tomorrow" umiling ito kaya nag taka ako.

"Not Daddy Francis my real dad, mom" unti unting nawala ang ngiti ko napa kagat ako sa labi nanggilid ang luha nito, he is too soft when it comes to asking about his dad pero isa lang naman ang binabanggit ko si Francisco.

Siya lagi binabanggit ko kasi akala ko si Francisco talaga ang hanap niya.

"Y-your D-dad? He's uhh." hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Mom?" ani nito hinihintay ang sagot ko.

"He is working far away from him, for you to buy you a lot of toys, yeah. he is working from afar" kabado kong sabi nag sisimula ng mamawis ang kamay.

"But I want my Daddy, I want to meet him, I am a big boy now, you said when I grow up I will meet my Daddy, and I don't need toys, Mommy. I don't need toys mommy. I need my dad, I need his love. Tell him Mommy to go home" sabi nito na nagpa kirot sa puso ko akala ko nakalimutan niya yun.

"Anak kasi... ano you are still a baby if you grow older you will meet him and play basketball or go to the zoo and buy the things you want and do all things you want to do with him. don't cry na baby"

"He will?" tanong nito kaya tumango ako nasa mukha parin ang lungkot.

"Yes baby, for now, Mommy have to go let's talk later, okay?" tumango ito.

"I want to meet him already because whenever I and yaya na pupunta sa park nakikita ko ibang ka age ko with their dad, alam mo pa Mommy, I saw a man na gwapo and he looks like me but we only fight. I accidentally natapon yung juice ko sa pants niya, He is super nakakainis." pag kukwento niya kinabahan ako, siguro hindi si Mateo iyon hindi mahilig si Mateo sa matao at hindi siya pumapatol sa bata, pero siguro?

"I will tell him to go home, perhaps, he is also handsome like you" sabi ko na lang dito tumango naman siya at ngumiti ng tipid.

"Bye, Mommy. mwa I love you." kumaway muna siya at nag flying kiss kaya nag flying kiss din ako.

Pag baba ko ng cellphone saktong dating ng dalawa.

"Sino 'yon? si bebe pogi ba?" tanong ni Ella kaya tumango ako.

"Oh si pogi naman pala bakit mukha kang pinag bagsakan ng langit dahil sa mukha mo, hindi mo bagay." sabi ni Jake at naupo sa kaharap kong upuan.

"Hinahanap niya kase ang tunay na Tatay niya hindi ko alam kung paano i-explain sa kaniya ang lahat" alam nila ang sitwasyon ko dahil na e kwento ko sa kanila ang naka raan ko.

"Hanggang kailan mo ba itatago ang anak mo? kahit anong gawin mo sooner or later mag kikita rin ang mag ama mo" Ella umagree naman si Jake.

"Yeah, Ella is right. kailan mo ba balak?" tanong ni Jake.

"Hindi ko alam bahala na kung anong mangyari pero sa totoo lang galit pa rin ako sa tatay ng anak ko, dahil sa nag sinungaling siya sa akin pero dati naman na iyon kaya kahit mahirap unti-unti ko ding kinakalimutan" sabi ko hinawakan naman ni Ella ang kamay ko.

"Andito lang kami pag kailangan mo ng tulong sa ngayon kain muna tayo at gutom na ako" natawa ako sa sinabi niya, ngumiwi naman si Jake sa kaniya.

"Kahit kailan, Ella. walang oras na hindi ka ginutom at kumain" inirapan nito si Jake.

"Tse" padabog na umupo si Ella sa tabi ko.

Naramdaman ko ang pag hawak ni Jake sa kamay ko kaya binalingan ko ito at nginitian, nginitian naman niya ako pabalik.

Nang tapos na kami kumain ay nag sibalikan na kami sa aming trabaho.

Habang nag eencode tinawag ako ng boss ko gamit ang speaker.

"Miss Cartier. come to my office" si Panot- este boss ko kaya dali-dali akong tumayo at kinuba ang tablet, kumatok bago ako pumasok.

Minsan nakakapikon na siya kase kahit hindi importante ipapa encode niya sa akin.

"Yes, Mr. Panit. What can I do for you?" magalang kong sabi at yumuko ng kaunti bilang pag-galang.

"Do I still have meeting today?" tanong nito kaya cheneck ko ang tablet na dala ko.

"You have a meeting, sir. At 4 Pm" sabi ko tumango naman ito.

"Okay, yung pinapa encode ko kailangan na sa friday make sure tapos mona mga yun bago mag friday" tumango-tango ako bilang sagot.

"Yes, sir. may kailangan pa po ba kayo?" magalang kong tanong umiling lang ito.

"None. you can go home, get out" sabi nito, hindi niya ba ako kailangan?

"I wont go with you you, Sir?" pag compirma ko umiling lang siya kaya yumuko na lang ako at lumabas.

Sabi nitong pwede na akong umuwi kaya inayos ko na gamit ko hindi na ako mag papatumpik pa dahil miss ko na ang anak ko at hindi ko rin namalayan ang oras 6pm na.

"Aalis kana? sabay na tayo wait lang natin si baklita" na kita ko si Ella sa labas ng companya tumango ako bilang sagot at hinintay namin si Jake.

"Tagal mo naman saan ka ba galing ha? almost 2 hours kaming nag hintay saiyo, tignan mo alas-8 na! may naghihintay pang bata sa akin!" reklamo ko sakaniya marahang hinila ang buhok niya, namumula ang labi niya kaya alam ko agad ang rason.

"Chill, sis. may na kita kasi akong chupapi sa hallway kanina" napa irap ako sa sinabi nito.

"'Yan kaka landi mo nakalimutan mong may naghihintay sayo, atyaka imposibleng na kita lang, hoy. namumula labi mo. Bawal landi rito sa kompanya" sabi naman ni Ella at binatukan ito.

"Aray ha! hindi masakit, 'te? tse palibhasa ang type mo yung tito outfit" tatawang sabi ni Jake ito na naman nagsisimula na sila sa bangayan umiling na lang ako at nag patuloy sa paglalakad at hinayaan silang mag bangayan.

"Bye Ella at Jake ingat kayo sa daan" nang nasa sakayan na ng taxi ay nag beso beso kami nag taka ako ng lumupat ito sa side ni kuya at nilabas ang cellphone.

"Bye sis, kuya harap ka dito picturan kita saglit ingatan mo itong kaibigan ko may anak pa iyang pinapakain at uuwian." nahihiya ako sa pinag gagawa ni Jake si Ella naman patawa tawa lang sa gilid, senenyasan ko siya na lapitan si Jake.

"Tumigil ka nga Jake tanga nito doon alis, nakakahiya ka." sabi ko at tinutulak siya.

"Bye sis ingat ka, ingatan mo yang kaibigan ko Kuya" narinig ko pang sigaw ni Jake napa iling na lang ako.

"Sorry manong" pag hingi ko ng paumanhin sa kagagawan ni baklita.

"Okay lang ma'am, naiintindihan ko po" nahihiya akong tumango.

"Saan po kayo, ma'am?" binigay ko address ko at hinatid na ako ni manong sa address ko.

Kamusta na kaya sila Alicia at Tita Majika, matagal na rin yung last na pag-uusap namin.

Comment