CHAPTER 18

"Tita, mag hahanap po ako ng trabaho para makatulong po dito sa bayarin." saad ko kay Tita Mica habang kumakain kami ng agahan, natigil ito sa pag subo at tinignan ako ng naka-kunot ang noo.

"What? why? you don't need to work and also you are pregnant. so the answer is no, it's bad for your health I won't risk that" sabi nito at nag patuloy na sa pagkain.

"Hindi po ba kami pabigat dito?" ani ko at yumuko nilalaro ang daliri.

"You and your mom were not a burden. I am happy because andito kayo dahil kung hindi boring ako dito, my son and i lang naman ang naka tira dito since my husband died years ago, no need to work if you want you can wash the dishes lang but every morning lang." parang maiiyak ako sa sinabi nito napalingon ako kay Mama ng mag salita siya.

"Ako na lang mag tatrabaho, sister." Sabi ni Mama umiling iling naman si Tita Mica, tumikhim si Tita.

"No, just stay here or samahan na lang si Luliana dito baka may mangyaring masama sakaniya" nahihiyang tumango si Mama.

"Thank you sa pag kupkop saamin, sister." tumango lang si Tita Mica at ngumiti hinawakan naman ni mama ang kamay ko.

"Ma, asaan nayung kikiam ko?" tanong ko dito guto ko ng kikiam.

"Nasa ref anak" sabi nito habang nag tutupi ng damit kaya dali dali akong tumayo at pumunta sa kusina upang kunin sa ref ang kikiam.

Nang makuha ko ito ay dali dali kong inilabas ang kawali at iba ko pang kailangan, itinigil saglit ni Mama ang pag tutupi ng damit para samahan ako

Habang niluluto ko ito ay nag kukwentuhan kami ni Mama tapos na ito sa ginagawa niya.

Nang matapos ay naupo ako sa tabi ni Mama.

"Anong nangyare sainyo? nung nawala ako lalo na sina Kuya at Papa?" stating my Brother and Father made me shiver.

"Hinanap ka nung pinakulong ko sina Papa mo, nung nakita kita sa mall ang laki ng pinag bago mo. mas nag mukha kang mataray habang lumalaki, nung nakita kita nun nalungkot ako kase hindi mo ako makilala tapos dun ko lang napag tanto na nagka amnesia ka" naiiyak ako sa kwento niya

Kaya pala parang familiar siya saakin nung time nayun.

"Nung nalaman ko kung saan naka tira sina Majika nag punta ako dun kaso wala kang malay naki usap ako na kung pwede ibalik kana nila saakin pinakita ko lahat lahat ng ebidensya na meron ako kahit pictures mo pero hindi ka ibinigay saakin nung lalaki. kahit lumuhod ako sa harap niya hindi siya pumayag nag usap kami ni Majika ang sabi niya wala daw siyang magagawa dahil mas malakas ang anak niya kesa sa kaniya makiki usap daw siya sa asawa niya para matulongan kang maibigay saakin alam kong nakaka takot ang pamilyang iyon pero may karapatan ako saiyo anak kita, e. pero nung hindi kita makuha kahit anong pagmamakaawa ko sumuko ako at umuwi ng Pangasinan dahil malakas sila mahina ako-" Maluhang lintaya ni Mama habang nakatitig sa kisame, ako naman ay umiiyak na dahil sa nalaman.

"Thank you, Ma. thank you kahit wala kang panalo sinubukan mo pa din" humagolgol itong niyakap ako pabalik at sumubo naman ako ng kikiam habang nag iiyakan kami.

"Anak kita, e. alangan naman sukuan kita ng ganun-ganun lang" sabi nito tumango tango ako dito unti unting inaantok humikab ako napansin naman iyon ni Mama.

"Inaantok kana agad, nak." natatawa nitong tanong tumango ako nag punas ito ng luha at tumayo inalalayan ako nito.

"Tara sa kwarto mo ng maka tulog kana kakain ka pag gising mo mukhang hindi ka kakain ng tanghalian" tumango nalang ako dito hindi na nagsalita.

"Iluluto ko na lang itong iba pang kikiam mo at ibibigay sayo mamaya ipapainit ko na lang" saad nitong muli tumango na lang ulit ako at nag paalam.

Nang makapasok sa kwarto dali dali akong humiga at natulog.

~~~

Pag gising ko ng 3 pm may pagkain nasa table nang kwarto ko may letter iyon na wala daw si Mama kasama si Tita Mica mag groceries kaya si Francisco lang kasama ko dito unti-unti naman na kami nagiging close pero hindi padin maiwasan ang bangayan.

Naalala ko na siya yung kaibigan ni Mateo isang buwan lang pala kaming hindi nag kita nakalimutan ko na siya.

Nang matapos kumain ibinaba kona ang pinag kainin at napagpasyahang manood ng Spongebob.

Habang nanonood ng spongebob nag pupunas ako ng luha hindi ko din alam bakit ko ito iniiyakan ng pumasok si Francisco nangunot ang noo ng makita akong umiiyak, dali dali siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.

"Why the heck are you crying, woman?." Nag aalalang tanong nito at pinahid ang luha ko.

Tinuro ko pinapanood ko at nabaling naman ito don, lumingon ulit siya sa akin at tinaasan ako ng kilay nagtatanong.

"Hindi ba nakakaiyak?" tanong ko dito suminghot singhot pa, He laughed suddenly.

"You're crying just because of cartoons? pfff." hindi padin ito tumitigil sa pag tawa habang naka hawak sa tyan kaya pinalo ko ito.

"Francisco. naman, e. dun ka nga" tinulak tulak ko ito lumayo ito ng kunti at tinaas ang dalawang kamay ani moy sumusuko.

"Fine, fine. stop pushing me, I won't laugh na" pero natatawa padin ito inirapan ko nalang ito at hindi na pinansin.

"Hey, I'm sorry." Sabi nito hindi ko padin pinapansin.

"Liana, I said sorry" naka fucos lang ako sa tv.

"Pag pinansin mo 'ko, I will give you chocolate" pang u-uto niya na mabilis pa sa alas kwatro akong bumaling dito at inilahad ang kamay.

"Asaan muna chocolate?" tumawa ito at ginulo ang buhok ko kaya napa simangot ako.

"Later" ani nito na maslalong nag pa simangot sakin.

"Ngayon na" ngumuso ako dito at nag puppy eyes napa lunok naman ito.

"Fine" dali dali itong tumayo at umalis nag kibit balikat nalang ako at nag patuloy sa panonood.

Naiinip na ako wala padin si Francis hanggang sa naka tulog na ako ng hindi ko namalayan pero naalimpongatan din ng naramdaman kong nag buhat saakin ng tignan ko kung sino ito si Francisco.

"Close your eyes, ipupunta lang kita sa kwarto mo" Hindi na ako umangal sanay na akong binubuhat niya ako kapag nakakatulog ako kung saan at dadalhin niya sa kwarto ko.

"Ang tagal mo naman kase, 'yung chocolate ko." inaantok kong bulong sapat na upang marinig niya narinig ko ang tawa nito.

"Sorry, I forgot. later if you wake up, I will give you your chocolates." tumango ako dito at sinubsub ang mukha sa dibdib nito naalanganin ako sakaniya dahil baka masyado na akong mabigat pero sabi niya okay lang naman daw kaya niya pa naman daw.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto at naramdaman ko din ang malambot kong kama.

"Anong ginagawa mo dito, Mateo?" galit na tanong ko, walang buhay ang mata nitong nakatingin sakin.

"Getting what's mine? you are coming with me" he coldly said.

"Walang sayo dito, Mateo. at umalis kana" sabi ko dito napa atras ako ng unti unti itong lumapit.

"You're bearing my child, you are the mother of my child, I marked you. so basically you are mine" bulong nito gamit ang malamig na boses sa tainga ko kaya itinulak ko ito at sinampal.

"Hindi ko ginusto ang pangyayari gawa gawa mo ito kaya pagkaka mali ang batang ito pero kahit ganon mamahalin ko ang nasa sinapupunan ko at palalakihin ng maayos hindi sinungaling katulad mo!" sigaw ko habang hawak hawak niya ang panga ko at marahang tumingin saakin at hinawakan din niya ang braso ko.

"Ano ba bitawan mo ako, Mateo!" pag pupumiglas ko nasasaktan na rin ako sa pag hawak niya sa braso ko, panigurado magkaka pasa ako.

"You're coming with me, I won't leave without you, I will get you, no one can stop me" hiihila ako nito nang sapilitan pasakay sa sasakyan niya, pilit naman akong nag pupumiglas.

"MAMA! TULONGAN MO AKO- Anak gising!" may tumapik-tapik sa balikat ko kaya napa mulat ako na kita ko si Mama, Francisco at Tita Mica.

"Anak okay ka lang?" tanong ni Mama.

"S-si M-Mateo?" garalgal kong tanong at luminga linga sa buong kwarto, tinitignan na baka andito siya.

"Anong mayroon kay Mateo, anak? napaginipan mo ba?" tanong ni Mama tumango tango ako.

"Kukunin daw niya ako, Ma. ayaw ko" umiling-iling ako ng paulit-ulit habang umiiyak lumapit na rin si Tita Mica at hinawakan ang kamay ko.

"Wala si Mateo dito, ija. huminahon ka, wag ka mag alala sabi sakin ni Majika hindi successful ang pag hahanap niya saiyo dahil magaling ang nakuhang tao ni Majika para harangan ang investigasyon niya, Majika's smart" napahinga ako ng maluwag sa narinig.

"Here, drink water." lumapit saakin si Francisco binuksan at inabot sa akin ang bottled water kinuha ko naman ito at ininom.

"Thank you" bulong ko dito ng naupo ito sa tabi ko.

"Are you okay?" tanong nito at inilagay sa likod ng tenga ko ang hibla ng buhok ko, tumango ako.

"Thank you ulit" sabi ko nag liwanag ang mukha ko ng binigyan niya ako ng chocolate masaya kong kinuha at niyakap siya natawa ito sa ginawa ko tinapik-tapik nito ang likod ko.

"Don't worry, I will not let him get you." bulong niya napa-ngiti na lang ako at isiniksik ang sarili sakaniya.

Nang lumayo ako sakaniya gusto ko na lang mag palamon sa lupa at naramdaman ko rin ang pag init ng pisngi ko dahil naka tingin' samin nang
naka-ngiti sina Mama at Tita.

"Mukhang maayos na kayo at hindi na nag away?" sabi ni Tita Mica.

"We're okay now we don't fight, we're friends." Sabi naman ni Francisco kaya tumango-tango ako bilang pag sang-ayon.

"Parang kailan lang para kayong aso at pusa" sabi ni Mama habang may ngiti sa labi.

"Ma, naman, e." naka simangot kong sabi dito pero tinawanan lang ako nakitawa nadin sina Tita Mica.

"Hayst tara na sa baba alas-4 na kailangan mong kumain, Ija. Hindi ka kumain nung tanghali, food is ready" tumango ako pero pinauna ko sila dahil mag hihilamos pa ako.

Habang nasa cr napa isip ako kung hindi ba marunong yung nakuha ni Tita Majika malalaman ni Mateo kung asaan kami at kukunin ba niya ako at ilalayo kay Mama?.

Sana hindi dahil sa kaunaunahan hindi kami kasal Oo, dinadala ko ang anak niya pero siya ang may kagagawan non.

Umiling ako para ibsahan ang iniisip ang iisipin ko muna ay ang kinabukasan ng anak ko.

Comment