mr_cuddles

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Behind The Vows na si mr_cuddles! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.



1. What was your inspiration for your winning entry, "#KayJuneKaNaLangKC"?


"It wasn't really based on any specific experience or any real person I know. I just read the prompt and see where my creativity takes me."




2. Ilang beses ka magsulat sa isang buwan?


"Hindi ko ito nabibilang, pasensya na. Kung gusto n'yo ng estimate, mga five times a month."




3. Ano ang iyong greatest pet-peeve?


"Mga mabagal maglakad na hindi ko ma-overtake."




4. Paano ang iyong writing process?


"May maiisip akong plot line tapos I procrastinate until I feel guilty enough to start writing. This is not how a writer should be. 'Wag n'yo po akong tularan."




5. Sino ang iyong first celebrity crush?


"Chris Evans. Sorry, Iron Man, Team Cap ako kahit gaano pa ka-tama 'yong pinaglalaban mo."




6. Ano ang paboritong mong genre na isulat at bakit?


"RomCom kasi natutuwa talaga ako 'pag kinikilig at natatawa 'yong mga nagbabasa ng mga sinusulat ko."




7. Favorite food?


"Corned beef. 'Yong may patatas."




8. Ano ang iyong akda na nais mong ibahagi sa amin?


"Syempre lahat pero kung isa lang ang pwede, 'yong "She's the Real Challenge" ang nais kong ibahagi sa inyo. Iyon kasi ang pinakapinaghirapan ko. I tried my best to make it, funny, kilig-filled and plot-twisty (nag-iimbento na lang din 'ata ako ng words dito). I really really don't want to spoil anything about it so sana bigyan n'yo ng chance. Kahit basahin n'yo lang 'yong story description (wow, confident ka sa blurb mo, ghorl?) and hopefully, it sparks your interest."




9. Ano ang iyong maipapayo sa ibang manunulat?


"Sa tingin ko, hindi talaga ako qualified magbigay ng payo sa mga manunulat pero dahil tinanong n'yo, ito ang maipapayo ko (wala na lang sisihan kapag hindi effective). First, tanggapin na hindi nasa 'yo ang lahat at marami ka pang kailangang matutuhan sa pagsusulat kaya mag-effort kang mag-aral at matutong tumanggap ng criticism ('wag mo lang masyadong dibdibin). Second, read. Hindi magiging magaling magsulat ang hindi nagbabasa. Third, write. Kailangan ng exp para mag-level up."




10. May mensahe ka ba para sa iyong mga mambabasa?


"Hi Aking Mga Mambabasa, do you even exist? Kasi 'di naman kayo nagpaparamdam, mga *********! (hindi 'yan mura). Anyway, kung 'di nga naman talaga kayo imaginary, maraming maraming salamat sa pagtangkilik ng aking mga sinusulat. Nawa'y patuloy kayong paligayahin ng aking mga kwento."

Comment