markferms

Hello mga ka-RomancePH! Ating kilalanin si markferms na isa sa mga nanalo para sa Summer of Hope Contest para sa kaniyang akda na That Summer, The Cupid Came.





1. Ano ang nagtulak sayo para sumali sa Summer of Hope Contest?


     - I saw this as an opportunity para dumami pa ang makakilala sa akin at sa mga akda ko. I also took this as a challenge for myself. Kahinaan ko kasi ang gumawa ng short story. Madalas, ang mga balak kong short stories ay parang magic na lang na humahaba, which is why this is a good avenue for me to turn my weakness into a strength, kasi may word limit, at may writing prompt na agad na kailangang sundin.


2. Ano ang maipapayo mo sa mga nais sumali sa mga ganitong WriCon pero pinanghihinangaan sila ng loob?


     - Sali lang, guys! Don't let your fears consume you, ang isipin mo na lang ay 'yung maraming benefits na makukuha mo rito sa pagsali pa lang. Actually dahil dito, nakakilala rin ako ng mga fellow writers ko. Some of them ay naging kaibigan ko rin, naging reader ko rin. Shout out kay @MissMaChy23 na avid fan ng ilang novels ko!


3. Sa tatlong prompt ng Summer of Hope Contest, alin sa mga iyon ang pinakapaborito mo at bakit?


     - Iyong "Second Chance". Iyon kasi ang part na pinakanahirapan ako dahil hindi ako sanay gumamit ng character na playboy. And what made the task even harder ay kung paano siya gawing likeable. Aware ako na maraming kinikilig sa isang playboy, lalo na kung bumanat siya ng mga pa-kilig na lines, pero ayokong doon lang umabot ang romance nila. I want it to have substance. And their ending might not be full-blown romance na may halikang ganap, but for me, what happened in its ending is my type of romance, 'yung simple lang, 'yung appreciation at understanding sa isa't isa.


4. May nais ka bang ipabatid sa mga sumuporta ng iyong pinasang entry?


     - Sa mga sumuporta ng entry ko, maraming salamat! Iyong mga comments ninyo ay super helpful! It's like a constant reminder for me na nag-iimprove ako lagi as a writer. Thank you!


5. Ano ang iyongmaituturing na pinaka malaking achievement bilang manunulat?


     - Ang makatapos magsulat ng isang full-length na nobela sa wattpad. My very first experience was when I wrote the novel, "Locked" (naka-hide siya ngayon since for revision uli siya) last October 2014, and I consider it as my greatest achievement dahil aaminin ko, kahinaan kong makatapos ng isang nobela noon, puro first ten chapters lang ako tapos titigil na dahil mawawalan na ng gana. Well at least, my first completed novel, Locked, was always there to remind me na kinaya ko ang pagsubok na iyon, and of course, kakayanin ko pa sa susunod.


6. Mayroon ka bang ritual or habit na ginagawa bago o habang nagsusulat?


     - Umiinom ako ng dugo.Charot! Well, I always make sure na nasa tahimik na lugar ako, ino-off ko angphone ko, tapos nagpe-play ako ng lofi study music (nang mahina lang) parapam-boost ng concentration. But the most important part is that I don't waitfor inspiration to come. Sinasanay ko lang ang sarili ko na tuwing gabi otuwing may free time ako ay makapagsulat ako, so that I would crave it, so thata day would feel incomplete kapag wala akong naisulat na kung ano sa isangaraw.


7. Ano ang mga bagay na ipinapangako mong hindi na uulitin?


     - Ayoko nang magsimulang magsulat ng panibagong akda habang may mga ongoing pa ako. Hahaha! Nakaka-stress. One at a time lang talaga dapat.


8. Dapat bang maniwala sa pag-ibig para maging isang epektibo na Romance writer?


     -  Yes. Since romance centers around love, you need to believe in it. Dahil papaano mo maipapadama sa readers mo ang pag-ibig kung ikaw mismo ay hindi naniniwala rito?


9. Ano pa ang pangarap mong maabot bilang isang writer?


     -  Ang makapag-publish ng sarili kong akda. Ang makita ko ang isang isinulat kong nobela nang naka-print, naka-display sa shelf ng isang bookstore, minamahal ng ilang mga readers, ganoon.


10. Ibahagi sa amin ang iyong pinaka paboritong sariling akda at kung bakit naman ito dapat basahin.


     - I consider "Canon" as mybest and most ambitious work. It's a gay superhero novel, something na hindi pagaanong nae-explore, something na hindi pa nabibigyan ng representation dito saPinas. This novel not only centers about superhero fights, meron din itongelements about homophobia, bullying, discrimination against lgbt, and familydrama. Hindi lang iyon, since teacher ang bida rito, naipapakita rin dito angmga kinahaharap na problema ng mga teachers sa trabaho nila, kung saan minsanay may unfair treatment silang nararanasan. Fantasy/Action/Adventure man anggenre nito pero karamihan ng mga elemento nito ay grounded sa reality. And Iwould love you to read it. I really hope you will.

Comment