XIII

BDL


Hey Deanns. Are you okay?


Huh? Oo naman.


Weh? Okay lang magsabi ka
sakin Deanns.


Okay lang talaga ko Bei


Masakit?


Huh? Hindi ah


Di ako naniniwala sayo.


Di wag ka maniwala.


Magsabi ka lang Deanns. Tutulog na ako. Kung gusto mo magrant dito sa conversation natin go lang.


Goodnight.



Hindi. Di naman masakit eh. Sobra lang. Tagal kong hindi nakaramdam ng sakit. Ganon parin pala. Parang di parin pala talaga kakayanin ng puso ko masaktan.


Nasayang yung ilang taon na pagtatayo ko ng wall para hindi mainlove.








"Ikaw ang gusto ko makita pag gising ko sa umaga"


"Hindi ako uuwi Jema. Wag ka mag alala" and I chuckled nervously


Wag ka naman ganyan Jema. Wag mo ko bigyan ng false hope


Inalalayan ko makahiga si Jema.


Mas nakakakaba pa ang susunod na ginawa nya.


Hinila nya ako at niyakap papunta sa kanya.


Halos magkapatong na kami. Nasa gilid nya ako pero yung upper body ko nasa ibabaw nya.


Inayos nya yung buhok ko na tumatakip sa mukha ko. Inipit nya sa likod ng tenga ko.


"Huy andito kami ha?" Ponggay said


Napalingon ako. Nakatingin lang samin si Bea at Ponggay.


"Parang kilala ko na kung sino ang gusto mo Jema. Nahahalata ko na simula pa kaninang nasa Van tayo pauwi" Ponggay said


Ako ba Ponggay? Sana ako. Sana ako talaga ang gusto mo. Pero malabo naman mangyari yun eh. Alam kong si Bea talaga.


Nilagay ni Jema ang kamay nya sa likod ng ulo ko.


Nilalapit nya pa lalo yung mukha ko sa mukha nya.


Nilalayo ko naman. Oo. Nilalayo ko. Kahit gustong gusto ko na ilapat ang labi ko sa labi nya.


Hindi ko lang kaya gawin yun. Na lasing sya. Baka hindi nya lang alam ginagawa nya. At ayako mag take advantage kahit gustong gusto ko sya. May respeto ako kay Jema.


"So sino na gusto mo Jema?" Bea asked


Nasa ganong posisyon parin kami. Ang tagal na din. Pero ni hindi man lang ako nakakaramdam ng ngalay.


"Bakit ko sasabihin?" Jema answered


"Sino nga kasi?" This time ako na yung nagtanong


"Secret" sabay ngiti.


Aish Jema Galanza. Nababaliw na ako kakaisip na may pag asa ako sayo.


"Sino na kasi"


"Wala yun. Niloloko lang kita"


"Sino nga gusto mo?"


"Wala nga"


"Sabi mo aamin ka sakin pag nalasing kita? Dami mo na ngang naisuka oh?"


"Wala nga"


"Ang daya mo naman eh"


"Ikaw"


"Ha? Ako?" Tinuro ko sarili ko


"Ikaw"


"Pwedeng pangalanan mo?"


"Ikaw nga" Nakatingin siya sakin.


Ako ba? Ako ba tinutukoy nya? E sa akin sya nakatingin eh. Ako nga ata?


"Ano bes? Umamin na???" Ponggay asked


"Oo nga ano na? Ang hina nyo mag usap eh!" Bea said


"Ako daw"


Hindi makapaniwalang sagot ko.


Ako? Totoo ba Jema? Or lasing ka lang talaga? Or baka akala mo ako si Bea?


Dapat ba kita paniwalaan?


"Ayieeee! Puta kinikilig ako! Sabi na eh!" Ponggay said habang tili ng tili.


Ngiting ngiti ako ngayon. Siguro wag ko muna isipin yung mga tanong sa isip ko. Itong moment na muna na to. Ito muna ang mahalaga sakin.


Hinawakan ni Jema ang kamay ko. She intertwined hers to mine.


Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.


Hawak ko ang kamay ni Jema.


Hawak ko ang kamay ng mahal ko ngayon.


Sobrang saya. Sobrang sarap sa pakiramdam. Alam nyo yung sayang hindi maipaliwanag? Ganon. Ganon yung feeling.


"Kelan nagstart Jema?" Bea asked


Pangiti ngiti lang si Jema.


Sobrang cute mo.


"Ano huy"


"Nung Baguio"


"Baguio? Baguio pa?" I asked


"Oo"


Inayos ko na yung posisyon ko. Nakakaramdam na kasi ako ng ngalay. Humiga ako sa tabi ni Jema


Hawak nya parin kamay ko.


"May pag asa ba sayo si Jema Deanns?"


"Oo naman"


"Yieee! Puta lalandi nyo!" Ponggay shouted


"Oh ano Jema ayun oh. Go na!" Bea said


Hinawakan ni Jema ang kamay ni Bea.


"Huy! Di yan kamay ni Deanna!" Bea said


Napabitaw ako sa kamay ni Jema.


Parang may tumusok sa puso ko. Bumalik lahat nung tanong ko kanina.


Baka nga ang nasa isip nya kanina habang sinasabi nyang gusto nya ako ay si Bea?


Lumayo ako kay Jema ng konti at tumalikod. Pabebe lang. Titignan ko lang kung susuyuin ako.


"Uy uy!" Pinipilit nya ako humarap sakanya


"Balakajan"


"Uuyyyyyy Deansss"


Di ko siya pinansin.


Ilang minuto pa ang lumipas hindi na nya na din ako pinansin.


Ano pa ba aasahan ko?


Yung saya napalitan ng lungkot.


"Pongs. Tulog na kayo. Higa na kayo dito. Pwede bang dun nalang ako sa room mo?"


"Madumi dun Deanns. Kasya naman tayo dito eh. Magdadagdag pa ako ng foam"


Pumwesto na ako sa pinakadulo.


Yung braso ko sa kaliwa ibinuka ko. Para walang tumabi sakin.


Pero si Jema. Humiga sa may braso ko.


Tumabi si Bea kay Jema then sa kabilang dulo Ponggay.


Nakaharap si Jema kay Bea


Nag uusap sila.


"Atleast alam kong sa mabait ka mapupunta. Sobrang bait nyan ni Deanna, Jema"


Nagseselos ako. Naninikip ang dibdib ko. Parang tinutusok tusok.


Ang lapit nila masyado sa isa't isa.


Hindi ko siguro dapat paniwalaan yung mga sinabi ni Jema kanina.


Pero hindi ko maiwasang umasa. Umasa na baka totoo.








Nagising ako ng bumangon si Jema.


Tumingin ako sa bintana. Madilim pa.


Inabot ko ang phone ko. 4:30am


Nung narinig ko na palabas na si Jema galing CR agad kong ni-lock ang phone ko at nagtulug-tulugan.



Naramdaman ko ang paghawak nya sa wrist ko. Tinanggal nya yung braso ko sa may hihigaan nya.


Another sakit nanaman. Another heartbreak.


Lalo pa ngayon na nasa wisyo na yan SI Jema.


30 minutes na ang lumipas pero hindi na ako makabalik sa pag tulog.


Minulat ko ang mata ko.


Naliwanag na din ang langit.


Tumingin ako kay Jema.


Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Magkahalong sakit at saya.


Saya kasi nasa tabi ki siya. Lungkot kasi baka hindi na maulit pa.


I kiss her hair. Many times.


Down to her forehead


"I love you"


Pero sa isip ko lang.


Hindi ko kayang sabihin.


Baka hindi naman kami pareho ng nararamdaman.


Wala namang assurance na totoo yung mga pinaramdam nya kagabi. Yung mga sinabi nya.




Bumangon na ako. Nag ayos ako ng sarili.


Umupo ako sa couch. Hinihintay silang magising.


I scroll and scroll through my social media.


Pabalik balik lang sa Instagram, Twitter and Facebook.


Hanggang sa hindi na ako makatiis. Ginising ko na sila.


Gusto ko na umuwi. Gusto ko na maging mapag isa ngayon. Gusto kong mag isip


Kahit ang sakit ng ulo ko sa hangover, mas nangingibabaw yung sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.


Nag uusap sila. Pero ako. Eto, nakaupo sa couch. Kunwari may kinakalikot sa ohone kahit paulit ulit na yung nakikita ko sa social media.


Sobrang awkward ng atmosphere para sakin.


" Pahatid na kayo kay Luigi" I finally said


"Deanna" Yung boses mo. Hindi ako magsasawang pakinggan ka. Kahit ngayon kapag naririnig kita nasakit lang ang puso ko.


"Oh?" Without looking at her


"Hatid mo ako sa kanto"


"Magpahatid ka na din kay Luigi sa bahay niyo"


"Ayoko. Magco-commute nalang ako. Hatid mo na ako"


"Sige"






Dumaan muna kami sa bahay ni Luigi.


Naiwan na si Bea at Ponggay doon.


Ihahatid ko muna si Jema.


Tatlong bahay na yung layo namin mula sa bahay nila Luigi nang sumigaw si Bea


"Matchy matchy kayo!"


Napatingin ako sa suot ko.


Yun parin pala.


Nakapants at black shirt parin pala kami.


Hindi ko na pinansin si Bea. Kunwari wala nalang akong narinig.


Hindi kami nag uusap ni Jema hanggang sa makarating kami sa gitna ng village.


"Lagot ako kay Mom. Hindi ko siya nareplyan kagabi"


Ano ba dapat sabihin ko? Is she trying to make a conversation para less awkward?


"E di replyan mo ngayon?"


So lame Deanns. Wtf! Say a word! Ngayon ka magjoke!


"Dami mong naisuka kagabi ah hahaha!"


Ang fake ng tawa mo Deanna! Ano ka ba naman?!


"Wag mo na ipaalala yun! Hahahaha! Nakakahiya!"


"Hindi naman. Okay lang"


Paano mo nagagawa na hindi awkward yung aura mo? Hindi mo ba naaalala yung kagabi?


Bakit parang wala lang sayo?


"Thank you Deanns"


"Ingat ka. Chat me when you get home"










Hindi na ako makatulog.


Kahit gustong gusto ko bumawi ng tulog hindi ko magawa.


Hindi mawala sa isip ko yung kagabi.



I scroll through my IG.


Merong story si Jema.



Oh. She's with Jia right now.



Oh shit! Jia?! Sinasabi nya lahat kay Jia!


Holy mother cow! Bawal malaman ng iba na nagkafeelings ako sa babae! Malilintikan ako ng parents ko!



I immediately chatted Jema


Jema?


Oh Deanns?


Uhm ano kasi...


Ano?


Yung kagabi? Nakwento mo ba
kay Jia?


Ah. Yun? No.


Phewwww! Akala ko sinabi nya. Kinabahan ako dun.


Ohh. Wag mo na ikwento ha?
Naaalala mo ba yung mga
nangyari kagabi?


Sana hindi. Sana hindi. Sana hindi.


Oo naman. Pero ewan ko yung iba.


Can we talk about that?


Yup. Sure.


Totoo ba lahat ng sinabi mo kagabi?


Uhm. Deanns about don.
I'm sorry. I just like you as a friend.


Putangina. Pamura lang. putang ina mo universe! Pinaglaruan mo ako.


Tang ina. Ano wala pa bang sasakit dito?


Ano ibigay nyo na. Para ikamatay ko na.


Sobrang hindi ako makahinga sa nabasa ko.


Pinilit ko magreply. Kahit hindi ko alam ang dapat kong sabihin.


Pero ano yung mga kagabi?
Naaalala mo ba mga ginawa
mo sakin?


Oo Deanns. Naaalala ko lahat. I'm sorry for giving you a false hope.
But we're still friends right? Walang magbabago?


Oo naman. Friends. Pero hindi pwedeng walang magbabago don Jema.


Sorry Deanns. Sana walang
magbago.


Ewan ko din.


I'm really sorry Deanns :(


Tapos na yun.


Are we cool?


Hindi ko na nireplyan si Jema.


I chatted Bea and Ponggay


Hi guys


Bea: Oh ano 'to baging group chat?


Ponggay: Sup guys. Sakit parin ng ulo koooo!


Sana walang lumabas sa mga
nangyari kagabi ha.


Ponggay: Sure! About that, how are you two?


Bea: Kwento ka na Deanns!


Wala na yun. Forget about that
guys.


Bea: Huh? Paanong wala e kagabi sobrang sweet nyo na ah.


Ponggay: What happened?


Wala. Ewan ko din. Ano nga bang nangyari?





Bruh what happened? Do you wanna come over to talk?


Thanks Pongs. I really wanna
come. I'll be there in a minute





"Oh ano Deanns? How are you?"


"Not okay" I handed her my phone


Binasa nya yung conversation namin ni Jema.


"What???? Ano Deanns? Ganon nalang yun? After niya ipakita yung mga gestures nya kagabi? Pinaniwala nya lang na gusto ka nya?"


"Kung kayo nga naniwala na gusto nya ako, ako pa kaya na ginawan nya non? May pasabi sabi pa sya na ako gusto nya makita pag gising nya. Bullshit"


"Ano balak mo?"


"Ewan? Magkunwari? Na parang walang nangyari?"


"Ang bullshit talaga ni universe. Akala ko magiging kayo na eh"


"Akala ko rim Pongs. Akala ko rin"



Ilang minutong tahimik lang kami ni Ponggay.


*beep*


"Si Bea nagchat Pongs"


"Ano sabi?"


"Kinakamusta ako"


"Replyan mo"



How are you Deanns?


Okay naman ako. Why?


"Ang fake ng reply ha"


"Di ba nga ang plano ko ay magkunwari?"


Kausap ko si  Jema


Oh. Anong pinag uusapan nyo?


Ikaw. Hindi  mo daw sya
nirereplyan. And ayaw mo daw
sya kausapin ng maayos



Hindi ko na din nireplyan si Bea.


"Ang bullshit din naman ni Jema ano gusto nya? Replyan mo sya? Hindi ba sya nakakaramdam? Hello? Nakasakit ka teh"


"Hayaan na natin. Uuwi na ako. Thanks Pongs. I really appreciate"


"No worries"





Ang labo mo Jema. Ang sakit. Hindi ko alam kung ano gagawin ko.


Hindi mawala sa isip ko yung mga ginawa mo kagabi.


Kung paano mo ko tignan.


Kung paano mo ako hapitin papalapit sayo.


Yung kamay mo.


Yung scent mo.


Yung mga mata mong sobrang ganda.


Friends? Friends lang? Bakit mo pa sinabing gusto mo ako?


Bakit kailangan mo akong paasahin na meron?


Na baka sakaling magustuhan mo ako?


Pero kahit anong sakit hindi ko magawang magalit sayo.


At kahit anong sakit walang tumulong luha sa mata ko.


Hindi na. Hindi ko hahayaan na tuluyan ako mag break down dahil sa isang tao.


May natitira pa naman sigurong wall. Hindi mo pa naman ata nababasag lahat. Kaya ko pa isalba sarili ko.

Comment