VI

Nagising ako ng sobrang sakit ng katawan ko.


Anong oras na ba bakit bukas pa rin yung TV? Nag CR muna ako because I really need to pee.


Paanong hindi sasakit katawan ko grabe yung siksikan namin as in isang galaw lang namin malalaglag si Jema sa higaan.


Maliwanag na. So umaga na.


Mas pinili kong bumalik sa higaan ko kesa humiga sa kabilang kama. Mas okay na 'tong siksikan.


Ilang minuto na akong nakahiga pero hindi na ako makatulog.


Naramdaman kong bumangon si Jema. Siguro magcCR din.


Nanatili lang akong nakapikit hanggang sa naramdaman kong pinatay nya ang TV at bumalik sa tabi ko.


I don't know but I think I'm starting to like her.


Pinilit kong lumingon paharap sa may pwesto nya. Nakatalikod parin siya samin.


Ang alam nya naman tulog ako. Nilagay ko yung kamay ko sa may balikat nya. Hindi ko kayang yakapin siya kaya hanggang ganon lang.


I sniff her hair too. Ang bango pa rin.


Maybe I like her na talaga. Hindi ko naman gagawin siguro 'to kung hindi di ba? Pero ayako lumala 'to dahil ang alam kong may gusto si Jema kay Bea at ramdam kong may gusto si Bea kay Jema kahit hindi niya aminin.


Pero just this once hahayaan ko muna sarili ko ng ganto ako kalapit kay Jema.






Nagising ako ng may tumamang unan sa katawan ko.


"HAHAHAHAHAHA! Lakasan mo pa Gi! Tulog mantika yang dalawang yan!"


Hinampas nanaman kami ni Luigi ng unan.


"ARAY GI! Babangon na nga oh eto na!" Sigaw ko.


"Tara na Bei mag ayos na tayo sa kitchen"


Pag alis nila bumalik na ulit ako sa pagkakahiga.


Nakatulog pala ulit ako.


Since maluwag na yung kama dahil wala na si Bea at Luigi umusod na ako. Bka sabihin ni Jema ang breezy ko sakanya eh.


Ilang minuto lang akong nakapikit may tumamang unan na naman sa katawan ko.


"HOY! ANO BUMALIK PA TALAGA SA PAGTULOG?!"


"AISH GI NAMAN! I'm not sleeping okay?!! Nakapikit lang ako!"


"Nakahiga ka pa rin. Bumangon ka na dyan magluluto pa kayo ni Bea!"


Tumingin ako sa kabilang side ng kama. Nakapikit pa rin si Jema.


"Bakit tong si Jema ayaw mo gisingin?! Ako lang ginigising mo!"


"Hinampas ko na din ng unan yan. Gising na yan. HOY JEMA! Gusto mong hampas ulit?!"


"Gising na ako ah. Eto na babangon na oh"


Hahahaha! Such a cutie!


Cute pala ha


Aish! Ano ba tong naiisip ko!


Napa iling nalang ako sa mga naiisip ko.


"Okay ka lang Deanns? Masakit ba ulo mo?" Jema asked


"Ha? Ah ano. Okay lang ako"


"Sure ka?"


"Yup. Okay lang talaga Jema. Tara ayusin na natin tong higaan"


Or pwedeng wag na guguluhin nyo naman din mamaya eh 😏


Wtf????


Napailing na naman ako. Sana hindi nakita ni Jema yun.


Thank God hindi ako nakita ni Jema.


Sinimulan ko ng tiklupin yung mga kumot at sya naman nag ayos ng bedsheet.


After ko mag tiklop ginawa ko na yung morning routine ko at pumunta na ng kitchen para tulungan si Bea.


Nag fry lang ako ng tocino, bacon, ham, hotdog and egg. Yung mga normal na breakfast lang ganon.


This will gonna be a long day!


Habang nakasalang yung tocino. Umupo muna ako sa couch.


I forgot to call my mom yesterday. Lagot. I immediately video call my mom.


"Hi mom!"


"Hi anak! How's Baguio? You forgot to call yesterday"


"Yup mom i'm sorry. Here's Bea and Luigi oh"


I rotate the cam para makita nya sila Bea and Luigi.


"Bakit ikaw nakaupo lang? Ayaw mo kumilos dyan"


"Mom naman. Ako kaya yung nagluluto. Umupo lang ako saglit tapos Bea check it if luto na ba"


"Whatever"


Baliw din talaga yang mom ko. Para lang kaming friends mag usap. Ganon kami ka-close.


Tumabi sakin si Jema sa couch. She's super close. Ang laki ng couch pero dikit na dikit sya sakin.


I rotate my cam para ako na ulit ang makita ni Mommy. Then pinakita ko din si Jema.


"Mom si Jema nga pala. Napakilala ko na sya sayo nung nagpunta kami sa house ni Luigi last time"


"Hi po!" Masiglang bati ni Jema kay Mommy.


"Hi!" Balik ni Mommy. And she smiled


Hinilig ni Jema yung ulo nya sa balikat ko.


Ugh! Jema why you do this to me!!!


Buong pag uusap namin ni Mommy nakahilig lang ulo ni Jema sa shoulder ko kaya nakikita din sya ni Mommy.


My Mom send a screen capture of our video call. With Jema of course kasi nga yung head nya diba?


Agad kong sinave yun.


Lalo kitang magugustuhan Jema kapag ganyan ka lagi kalapit sakin. At yun ang iniiwasan kong mangyari


"Sige na anak. Enjoy kayo dyan! Bye! Miss you Deanns!"


"Miss you too mom. See you soon!"


After ng pag uusap namin ni Mommy nasa shoulder ko parin yung head ni Jema.


Hindi ako nagalaw kasi ayako din na alisin niya yung ulo nya sa balikat ko. Oo gusto ko din. Gusto kong ganto sya kalapit sakin pero ayako din kasi napapansin ko na patingin tingin si Bea samin. Nararamdaman ko na medyo naiinis sya. Nagbabago yung mood nya. Medyo nanahimik sya since nung tumabi sakin si Jema.


Bakit Jema? I thought you're not clingy? Yun nga yung dahilan ng pag aaway nyo ng ex mo dati dahil siya clingy and you are not. Pero bakit sakin? Bakit parang ang clingy mo kagabi pa? Ang caring mo pa. Lalo kitang nagugustuhan.


Pero hindi tama yun. Ayakong masira ang friendship namin ni Bea. 10 years na kaming friends. Hindi ko hahayaang masira yun dahil lang sa nararamdaman ko.


-
Short ud muna po 😅
Kunwari wala sa cebu yung fam ni Deanna ha. And true story naman po yan. Story ng group of friends ko and ako yung Deanna kaya laging sakin lang yung POV. Inapply ko yung story ko kay Deanna and Jema dahil fan talaga akong ADMU since s78 ☺️ OBF!

Comment