Chapter 4 (Dare or dare and truth or truth)

Chapter 4
Dare or dare and truth or truth

Zahara Rain's P.O.V
"How are you feeling?" tanong ng isang boses na nagpabangon sa'kin mula sa pagkakahiga.

"Allistair." pormal na pagbanggit ko ng pangalan niya ng mamukhaan ko kung sino siya.

"You didn't answer my question, Ms." pormal ding sabi niya.

'Ms? I'm your wife, jerk!'

"I'm feeling great actually. Being single is actually fun." sarkastikong sagot ko at pinigilang ngumiwi ng kumirot ang ulo ko. Napahinga nalang ako ng malalim para maibsan ang sakit. Napansin ko naman ang pasimpleng pagngiwi niya.

"Where's Angeline by the way? It's a miracle that you're not together." sarkastikong sabi ko.

"You know that I will never cheat on you, right?" biglang tanong niya na hindi ko napaghandaan at naging dahilan ng pagsasalubong ng kilay ko ng maproseso na sa isip ko ang sinabi niya.

"What do you mean?" nagtataka habang magkasalubong ang kilay na tanong ko.

"Doesn't mean that I am with Angeline I am already cheating right?" seryosong niyang tanong. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko makuha kung ano gusto niyang iparating.

"What do you mean? Can't you just go and straight to the poin-"

"Why did you kissed him?" pagputol niya sa dapat na sasabihin ko. Mas lalo akong napahinto sa tanong niya.

"Who? I did not kissed anyone." agad na sagot ko.

"Lying eh?" mariing tanong niya.

"I am not doing anything! What are you talking about?! If you will not going to say something nice then better get out of my room!" sigaw ko ng tuluyan na akong mainis. Napapikit ako ng kumirot ang ulo ko na parang pinupukpok ng martilyo.

"Then how can you explain when I saw that you kissed Kyon when both of you are in a boat?!" he yelled. Saglit akong napatigil bago napangiwi ng marealize ang ibig niyang sabihin.

"He was drowning! You can't just expect me to sit there and watch him die!" agad na apila ko.

"Then you should have let others to handle it! You already have a husband Rain if you didn't know." sabi niya.

"You already have a wife too Allistair if you forgot." mariing sabi ko at nagsimula ng manubig ang mga mata ko. Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya ng makita ang mga luha kong nagsisimula ng magsipatakan.

'Masyado naman na yata akong nagiging mababaw this past few days... What's happening to you, Rain?'

"I am now starting to wonder if you really love me or you just love me when she's not around." mapait ang ngiting sabi ko.

"Rain..." hindi makapaniwalang sabi niya sa sinabi ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglabas ng sama ng loob.

"After that incident happened years ago, you never take off your eyes off me even a single second. You are always making me feel that you love me! You are always saying how much you love and miss me! But when she appeared a while ago... I am now starting to doubt your feelings for me." pagpapakatotoo ko habang umiiyak.

"Rain... Please... Stop..." pagmamakaawa niya na nagsisimulang ring maluha.

"Mahal kita simula pa noong una! Walang nagbago, ikaw pa rin! Kahit ilang taon na ang nakalipas, ikaw pa rin! Noong niloko niyo ako, mahal pa rin kita! Noong umalis ako, mahal pa rin kita! Noong bumalik ako, mahal pa rin kita! At hanggang ngayon, mahal pa rin kita! Mahal na mahal pa rin kita Allistair kahit ang sakit sakit na!" I yelled. Mas lalong lumambot ang mukha niya at sinubukang lumapit sa'kin pero lumayo ako habang umiiyak saka siya dinuro.

"Pagod na pagod na ako, Allistair." umiiyak na sabi ko habang nakatingin sa mga mata niyang nagsisimula na ring manubig. "Pagod na pagod na ako sa kakaintindi sa'yo! Ako! Kailan naman ako?! Kailan niyo naman ako maiintindihan?! Bakit lagi nalang ako ang umiintindi?! Bakit laging ako nalang ang kailangang umunawa?! Bakit lagi nalang ako ang kailangang mag-adjust?!" nanggigigil na sigaw ko habang umiiyak.

Agad naman siyang naglakad papunta sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi na ako tuluyang nakalayo dahil pader na ang nasa likod ko. Mas lalong lumakas ang iyak ko at tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko. Kung hindi lang siya nakayakap sa'kin ay tuluyan na akong bumagsak sa sahig.

"Shh. Shh. Tahan na." pang-aalo niya at hinaplos ang buhok ko ngunit mas lalo lang akong naiyak.

"I'm sorry... I'm sorry, baby wife... I love you... Please... Don't leave me... Mahal na mahal na mahal kita... Please... I love you more than anything else... I love you more than how I love myself... Please..." bulong niya at mas hinigpitan ang yakap.

Napapikit nalang ako habang dinadama ang init ng yakap niya.

'I wish we can stay like this forever... Sadly... We can't...'

Inangat niya ang baba ko as our lips touched. I immediately wrap my arms around his nape as we continue on kissing. It's like there's no tomorrow. It's like we've been apart for years.

"I love you forever and always, baby wife..." bulong niya at muli akong hinalikan.

'Mahal din kita, Allistair... Kahit wala na akong maintindihan... Kahit pagod na pagod na ako... Mahal pa rin kita...'

***

Nagising nalang ako ng masakit ang ulo. Naramdaman ko naman ang isang mabigat sa tyan ko na nakapatong. Tinignan ko ito at hinawakan ang kamay ni Allistair upang alisin sana pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa'kin.

"Wife, it's still early." atungal ni Allistair at siniksik ang ulo sa leeg ko. Napangiwi naman ako pero agad din 'yong nawala ng mapagmasdan ko ang mukha niya.

Messy hair. Thick eyebrows. Closed eyes. Pointed nose. Kissable and pinkish lips. Perfect jawline. In short, perfect.

Hinaplos ko ang buhok niya pababa sa kilay, pagbaba sa ilong, pababa sa baba at pataas sa labi. Gusto kong sauluhin ang bawat anggulo ng mukha niya. Gusto kong namnamin ang mga oras na kasama ko pa siya. Dahil sa oras na lumabas kami sa kwartong ito. Kailangan na naming harapin ang mundong naghihintay sa amin.

"Baby... Are you molesting me?" inaantok na bulong niya at agad ko naman siyang sinampal sa pisngi ng mahina dahil sa sinabi niya. Natawa naman siya at saka hinila ang kamay kong nakaangat pa rin at hinatak kaya ang kinalabasan ay napalapit ako lalo sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at hindi nakagalaw sa gulat. Inaantok na nagmulat siya ng mata kaya napatitig ako sa kayumanggi niyang mga mata at gano'n din siya sa'kin.

"I love you, baby wife." sinserong bulong niya at idinampi ang labi sa noo ko. Napapikit naman ako para damahin ang labi niya.

"I love you even more, Allistair. More than anything and anyone." bulong ko at yumakap sa kaniya. Niyakap niya naman ako pabalik.

"Let's sleep. I'm still sleepy. Besides, aren't you tired?" inaantok na bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. Napangiwi naman ako at niyakap nalang siya pabalik.

"Round two?" mahinang bulong niya. Agad ko naman siyang hinampas sa braso at natawa naman siya.

***

"Good afternoon, baby wife. Lunch in bed." sabi ng isang pamilyar na boses na nagpagising sa'kin.

"Allistair, ang aga-aga pa eh." reklamo ko at nagtaklubong ng kumot.

"Pft, it's already afternoon, baby." sabi niya na nagpabangon sa'kin. Napatingin ako sa bintana at nakitang hapon na nga.

"Here. I brought you some foods." sabi ni Allistair at nilapag ang tray sa kama.

"Kanina ka pa gising?" inaantok na tanong ko at nagkusot ng mga mata.

"Nah. Just woke up a few minutes before you woke up." sabi niya at inayos ang mga pagkain.

Nagsimula na kaming kumain. Share kami sa isang plato, kutsara, tinidor at kutsilyo. Hindi ko alam kung anong trip ni Allistair at bigla siyang naging ganito. Mukhang nasaniban ng kung ano mang espiritu. O baka nagtitipid lang talaga siya sa pinggan para kaunti lang ang hugasin, tipid tubig at sabon din 'yon.

Natapos na kaming kumain at niligpit niya naman ang pinagkainan namin. Tumayo na ako at inayos ang higaan. Kinuha ko na ang roba at pumasok sa banyo.

Magtatanggal palang sana ako ng damit ng biglang may kumatok. Binuksan ko ang pintuan at nakita si Allistair na napakamot sa batok.

"Do you need some help?" tanong niya.

"On what?" salubong ang kilay na tanong ko sa pagtataka.

"To wash yourself... You know ahm it might be hard because of our baby in your tummy." sabi niya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Baby? In my tummy?" tanong ko at napaisip saglit bago nanlaki ang mga mata sa nabuong ideya. "Baby ba yung kinain natin kanina?!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Napabusangot naman siya bago pumasok sa banyo.

"Anong ginagawa mo?!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko.

"Helping you to wash yourself. Don't worry, I've already seen all of it before." nakangising sabi niya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

"You know I have my eyes, hand and feet. I can handle myself perfectly without some help." sabi ko at hindi niya naman ako pinansin.

'Ano bang problema niya?'

Pero nanlaki rin ang mga mata ko sa naisip.

'May baby sa tyan ko huhuhu! I just ate an innocent baby! Wahhh kasalanan ito ni Allistair! Siya ang dapat makulong! Wahhh! May asawa akong killer! Huhuhu! Police station! Anyone?! Anytwo?! Anythree?! Help!'

***

"Bakit hapon na kayo nagising ha?" nakangising tanong ni Luke ng makarating na kami sa dalampasigan kung nasaan sila.

"Kasi hindi raw umaga." pilosopong sagot ni Devin sa kaniya.

"Rain, gusto mo?" tanong ni Kuyang Holdaper at nginuso ang mga pagkaing nasa lamesa. Ngumiti naman ako at umiling dahil kakakain ko lang.

"Hep hep, bakit nakangiti si Pareng Lucas ngayon?" biglang sigaw ni Kuyang Panay Tawa pagkadating ni Allistair.

"Mukhang may naka score ah." nakangising sigaw ni Caleb. Napailing nalang ako.

'Hindi naman kami naglaro kagabi. Paano siya makaka-score? Hayst. Si Caleb lutang.'

"I said wait for me, wife. Aish, stubborn girl." bulong ni Allistair at napangiwi naman ako bago pumunta kila Devin at tinulungan siya sa pag-iihaw ng hotdog.

"Nasaan nga pala si Angeline? Hindi ko kasi siya nakita." pasimpleng tanong ko kay Devin.

"Umalis kanina. May pupuntahan daw. Hindi ko alam kung babalik pa." sabi ni Devin habang ang atensyon ay nasa niluluto.

"Hmm." pag hum ko at tumango at tinulungan siya.

"Hoy, tara truth or dare!" biglang yaya ni Melissa.

"Tara!" sigaw nila.

"Hoy, teka, yung hotdog!" sigaw ni Devin at natawa naman sila.

Tinapos na namin ang pag-iihaw ng hotdog saka umupo sa buhanginan. Naglagay sila ng patungan at pinatong doon ang bote. Pinaikot 'yon ni Audrain at tumapat 'yon kay Cheska.

"Ako magtatanong." sabi ni Kuya habang nakangisi. Inirapan lang siya ni Cheska. "When the day we saw each other again after a long time, do you still love me that time?" tanong ni Kuya.

"You haven't ask me if truth or dare." sarkastikong sabi ni Cheska. Napakamot nalang ng batok si Kuya at magsasalita na sana ng sumagot si Cheska. "But yes, I still love you the day we met again." sagot ni Cheska na nagpatahimik kay Kuya. Napansin namin ang pamumula ng tenga at leeg ni Kuya. Nagtawanan kami dahil sa reaksyon niya.

"Nay, hahaha! Blain niyo bakla na!" pang-aasar na sigaw ni Devin.

"Wala ka Blain mahina!" sigaw na pang-aasar din ni Luke.

"Tatahimik kayo o titilapon kayo?" maangas na hamon ni Kuya at nagtawanan lang sila.

Pinaikot na ni Cheska ang bote at tumapat naman 'yon kay Audrain.

"Bakit kayo biglang nagkaayos ni Rain? Dati pa talaga 'yon palaisipan sa'kin eh. Nagising nalang kami na ayos na kayo bigla." tanong ni Cheska.

"She went to my room when I am all alone. Sinamahan niya akong matulog even though I didn't treated her good." nakangiting sabi ni Audrain at pinaikot ang bote. Tumapat 'yon kay Kuyang Panay Tawa.

"Bakit mo hinahayaang landiin ka noong Klei o Lei yata na 'yon when we are on a camping?!" salubong ang kilay na tanong ni Audrain habang nakatingin ng masama kay Kuyang Panay Tawa na napakamot nalang ng batok.

"I was flirting with no one." nakangusong sabi ni Kuyang Panay Tawa at sinubukang hawakan si Audrain pero lumayo siya. Mas lalong napanguso si Kuyang Panay Tawa.

Inikot na ni Aster ang bote ng hindi na 'yon ginalaw ni Kuyang Panay Tawa dahil sinusuyo niya si Audrain. Tumapat naman 'yon kay Allistair.

"I'll choose dare for you. When you hurt my sister. Come to me with some weapon in your hand and let's have a one on one fight." seryosong sabi ni Aster.

"Aster." nakangusong suway ko. Hindi niya naman ako pinansin at nanatili ang tingin kay Allistair.

"Deal." seryosong sabi ni Allistair.

Inikot na Allistair ang bote at tumapat naman 'yon kay Kuyang Holdaper.

"Dare." sagot ni Kuyang Holdaper.

"Nani ga okotte mo kanojo o mamoru." sabi ni Allistair na naging dahilan kung bakit nagsalubong ang kilay naming lahat.

"Ang daya!" angal ni Audrain.

"Translator ehem!" sigaw ni Cheska.

Sinubukan kong alalahanin ang meaning ng sinabi ni Allistair dahil sa pagkakaalam ko ay Japanese word 'yon.

'Nani ga okotte mo kanojo o mamoru. Ano na nga ba ulit ang ibig sabihin n'yan? Alam ko 'yon eh!'

Nanlaki ang mga mata ko ng matandaan ko na ang ibig sabihin.

'Nani ga okotte mo kanojo o mamoru meaning is whatever happens protect her at all cost.'

Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka.

'Sino? Si... Si Angeline?'

Napaiwas nalang ako ng tingin sa naisip na 'yon ng magsimula na namang mangilid ang mga luha ko.

"Even if you didn't say it, I will still do it. Watashi wa kanojo o aishi, watashi wa kanojo o mamorimasu." sabi ni Kuyang Holdaper at napakamot naman ako ng ulo at tinranslate ang sinabi niya sa isip ko.

'Sa pagkakaalam ko ang ibig sabihin ng watashi wa kanojo o aishi, watashi wa kanojo o mamorimasu ay I love her and I will protect her.'

'Sino bang babae ang tinutukoy nila?!'

"Protecting and loving has a difference." mariing sabi ni Allistair habang masama ang tingin kay Kuyang Holdaper na nginisihan lang siya.

"You already hurt her so many times. I won't let you do it again." mapang-asar ngunit seryosong sabi ni Kuyang Holdaper.

"Ehem! Karibal din ako! Ehem! Wala bang magagalit sa'kin d'yan? Ehem!" biglang ubo ni Devin kaya nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka sa sinabi niya. Napangiwi nalang ako.

'Ang wi-weird naman ng mga tao ngayon.'

Comment