Chapter 13 (Rain & Allistair's anniversary)

Chapter 13
Rain & Allistair's anniversary

Zahara Rain's P.O.V
Napahugot ako ng hininga at napatingin sa orasang nakapatong sa cabinet. Alas dose na ng tanghali.

Nandito ako ngayon sa hotel na binili ko para sa anniversary namin ni Allistair. Hindi muna ako pumasok sa company at napagdesisyunang ipagpaliban muna ang mga gawain. Gusto kong mag focus sa espesyal na araw namin ni Allistair. Gusto kong maging memorable ito. Gusto kong masabi ko sa kaniya ng maayos na buntis ako.

Napasapo ako ng noo, hindi ako mapakali sa kaba.

'Paano kung hindi siya dumating? Nakalimutan niya kaya? May sorpresa rin kaya siya para sa'kin? Paano kung meron? Anong mauuna? Nasa'n na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Ayos lang kaya siya? Pupunta kaya siya? Busy kaya siya?'

Napahinga nalang ako ng malalim sa sunod na naisip.

'Kasama niya kaya ngayon si Angeline? Ano kayang ginagawa nila? Busy kaya sila? Nasaan kaya sila?'

"Pft, relax." natatawang sabi ni Arra na prenteng nakaupo sa kama.

Nagpa check-up na rin siya at nalaman naming buntis nga talaga siya. Dalawang linggo na siyang buntis. Halos si Luke pa nga ang mahimatay noong malaman 'yon.

~Flashback~

"Do-Doc, an-ano pong result?" nauutal na tanong ni Luke sa doctor. Humarap naman ang doctor sa amin at ngumiti.

"Congratulations, Mr. Nion! Mrs. Nion is two weeks pregnant!" nakangiting sabi ng doctor.

"Hoy, Kanyon! Hindi mo bagay!" sigaw ni Andrew ng bigla nalang mahimatay si Luke.

Inalalayan nilang makatayo si Luke na pinapaypayan ang sarili. Binato naman siya ni Arra ng unang bagay na nahawakan niya kaya agad umiwas si Luke at natawa.

"Magiging daddy na 'ko! Hahaha! Panis kayo! Magiging daddy na ako! Wahahaha! Magiging tatay na ako! Hahahaha! Magiging sugar daddy ehem I mean magkakaroon na ako ng anak!" parang baliw na sigaw ni Luke at nagtatalon talon pa sa sobrang saya. Napailing nalang kami at hinayaan siya.

Niyakap niya si Arra na nakailang irap na yata sa asawa niya.

"Hindi ko kilala 'yan. Hindi ko asawa 'yan. Ikinahihiya ko 'yan." nakangiwing sabi ni Arra at natawa naman kami.

~End of Flashback~

Nandito rin silang lahat. Pati sila Eros, Devin at Kuyang Holdaper ay nandito na. Nagliwaliw daw muna sila. Nakatanggap pa sila ng tag-iisang batok mula sa amin pagkabalik nila dahil sa hindi manlang sila nagsasabi kung saan pumupunta, pinag-aalala nila kami ng sobra.

Napangiti ako sa isiping ipinagpaliban din muna nila ang mga gawain nila para masamahan kami ni Allistair sa espesyal na araw na ito. Alam ko rin namang abala sila sa sari sariling kumpanya ngunit pinili nilang ipagpaliban muna upang masamahan akong mag-ayos. Alam na rin pala nilang buntis ako kaya medyo disappointed ng slight dahil akala ko ay magugulat ko sila.

"Kumain muna kayo." sabi ng kapapasok na si Kuya na may dalang mga paper bags. Agad naman kaming nagkumpulan sa mesa at kumuha ng sariling pagkain.

Binuhos ko sa pagkain ang kaba ko. Kumain lang ako ng kumain at hindi sila pinansin na pinagtatawanan ang sitwasyon ko ngayon.

'Bad!'

***

Alas tres ng hapon.

Nandito kaming mga babae sa loob ng kwarto. Umalis naman ang mga lalaki para sunduin si Allistair kapag handa na kami.

"I'll be the one who will fix her hair." presinta ni Audrain at naghanap ng mga gamit na kailangan niya.

"Leave the face to me." sabi ni Arra na may hawak na brush habang pinaglalaruan ito.

"I'll be the one who will prepare the clothes then." sabi ni Cheska at tumayo saka nagpunta sa closet.

"I'll just mind my own business here." sabi ni Melissa habang nakadekwatro at kumakain ng junk foods.

"Me too." sabi ni Aster at dumikot sa pagkain niya.

***

Alas syete ng gabi.

Tapos na akong ayusan at isusuot ko nalang ang damit. Nandito ako sa loob ng banyo para suotin ito.

Napatingin ako sa damit na inihanda nila para sa'kin. Napangiti ako ng makita ang kabuuan nito.

Kulay asul siya. May mga dyamante rin ito na nagpadagdag ng ganda niya. Abot ito hanggang paa ko.

"Hoy! Buhay ka pa ba?!" dinig kong siga ni Melissa na naging dahilan ng pagtawa ko.

"Teka lang!" sigaw ko pabalik.

Sinuot ko na ang damit at napatingin sa salamin pagkatapos. Parang hinaplos ang puso ko ng makita ang effort nila sa pag-aayos sa'kin.

Nakalugay ang mahaba kong buhok ngunit nakatirintas ang nasa may magkabilang gilid nito. Kinulot din nila ang dulo ng buhok ko. Light lang din ang make up ko.

"Hoy! Bakit ang tagal mo?! Labas!" muling sigaw ni Melissa at napailing nalang ako.

Lumabas naman ako ng banyo at tinignan sila habang nakangiti. Napanganga naman sila ng makita ako.

"Si Rain ba 'yan?"

"May pinapasok pa ba kayong iba?"

"Baka isa sa mga staff?"

"Tignan niyo nga sa loob ng banyo. Hindi siya 'yan."

Napanguso naman ako sa mga pinagsasabi nila.

"Rain, ang ganda mo." nakangiting sabi ni Arra.

"Jackpot na si Lucas dito!" sabi naman ni Melissa.

"Tingin niyo kaya magugustuhan 'to ni Allistair?" nababahalang tanong ko. Inakbayan naman ako ni Cheska.

"Don't lose hope, girl. Malay mo hindi niya talaga magustuhan. Charot. Syempre magugustuhan niya talaga 'yan." sabi ni Cheska.

Napahugot ako ng hininga, pilit na pinapalakas ang loob.

"Tara. Double check natin. Baka may nakaligtaan tayo." sabi ni Audrain.

Susunod na sana ako sa paglabas ng dinuro ako ni Melissa.

"D'yan ka nalang. Hintayin mo nalang yung pagdating nila. Masisira 'yang make up mo." sabi niya at lumabas. Napanguso naman ako.

***

Alas otso na ng gabi.

Napahugot ako ng hininga ng tumawag si Aster. Kinuha ko naman ito at sinagot.

[All set. Lalabas na kami.] sabi ni Aster at napabuntong hininga naman ako.

[You can do it. Just trust yourself.] pagpapalakas ng loob na sabi ni Aster. Napangiti naman ako.

"Thank you." pagpapasalamat ko.

[Always.] sabi niya at binaba na ang tawag.

Napahugot ako ng hininga at saka binuksan ang pintuan ng kwarto na ang kalalabasan ko ay ang backstage.

Unti unti akong naglakad palabas ng stage at nakita siyang magkasalubong ang kilay habang tumitingin tingin sa paligid. Nang mapadapo ang tingin niya sa'kin ay nanlaki ang mga mata niya.

[Kindly play, You're still the one by Shania Twain before reading. Thank you!]

Nang matauhan ay agad niya akong inalalayan pababa ng stage. Nagpaalalay naman ako.

Nang makarating na kami sa gitna ay huminto na kami. Nagsimula naman na sa pagtugtog ang kanta. Humawak ako sa balikat niya at siya naman sa bewang ko.

Nakasuot siya ng isang black suit. Kulay asul ang necktie at suit niya kung kaya't partners kami. Nakasuot din siya ng itim na slacks at sapatos. Nakaayos din ang buhok niya.

'Ang gwapo niya...'

"Baby wife." emosyonal na tawag niya ng ma digest na sa atay niya ang mga nangyayari.

"Happy third anniversary, Allistair." emosyonal na bulong ko habang nakangiti.

"Happy third anniversary, baby wife. Thank you for those wonderful gift. Thank you." nakangiti at emosyonal ding bulong niya.

Niyakap niya ako at nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Napapikit naman ako at dinama ang sandaling ito. Dahil baka matagal tagal pa bago pa kami muling magkita.

Agad kong pinigilan ang mga luha ko ng maalala ang plano ko para sa gabing ito.

'Ang plano kong hiwalayan si Allistair para wala ng maging balakid sa plano nila ni Angeline. Ang plano kong hiwalayan si Allistair upang hindi na siya madamay sa problema namin. Ang plano kong hindi nila alam.'

Napapikit ako ng maalala ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Ang mga banta na binibigay nila sa'kin, banta na hindi para sa kaligtasan ko kung hindi banta para sa kaligtasan ng pamilya ko. Ang mga transactions na sinasabotahe nila kaya madalas palpak. Ang isa isang pagbagsak ng kumpanya ng mga Kingston sa iba't ibang bansa. Ang isa isang pagkakaroon ng mga problema sa kumpanya ng pamilya ko, kahit hindi sabihin nila Melissa sa'kin ay alam ko ang mga ito dahil nag imbestigasyon ako.

At ang solusyon lang doon ay ang layuan sila. Ang layuan sila hanggang sa matapos na ang gulong ito. Ang layuan sila para tigilan na nila ang pamilya kong hindi naman talaga dapat nadamay sa problemang ito. Ang layuan sila habang inaayos namin ang problemang ito.

Masyado naming minaliit ang mga Weston. Hindi namin alam na kaya nilang magawa ang mga ito. Hindi sila biro. Hindi sila basta basta.

"Allistair." tawag ko.

"Hmm?" pag hum niya at inikot ako bago muling niyakap at saka kami nagpatuloy sa pagsasayaw.

"I - uhh I'm preg-"

Napatigil ako sa pagsasalita ng mag-iba ang tugtog.

[Kindly play, Let me be the one by Jimmy Bondoc beforew reading. Thank you!]

Napapikit ako ng mga mata ng marinig ang sa kanta.

'Nanandya ba yung player?! Yung totoo?'

Aalis sana si Allistair para ibahin ang kanta ng pinigilan ko siya.

'I want to spent my remaining time with him... I can't waste even a single second on not being with him tonight...'

"Baka may problema lang sa player. Hayaan mo na. Let's just continue dancing." pilit na hindi mautal na sabi ko at nginitian siya ng pilit. Napatigil naman siya at napabuntong hininga at hinayaan nalang ang player.

Muli kaming nagsayaw sa dance floor habang patuloy ang pagtugtog ng player.

"Allistair." tawag ko.

"Hmm?" pag hum niya.

"I trust you." panimula ko at napatingin naman siya sa'kin ng may pagtataka sa mukha. Ngumiti naman ako at hinaplos ang pisngi niya habang pinagmamasdan ang mukha niya. Gusto kong sauluhin ang bawat anggulo ng mukha niya.

'Allistair... My Allistair...'

"I knew it... I knew everything..." bulong ko at napakagat sa ibabang labi ng magsimula ng magbadya ang mga luha ko.

"What are you talking about, wife? I don't get it." naguguluhang tanong niya.

"Alam ko yung tungkol sa en-engagement. Alam ko yung tungkol sa ka-kasal na planong isagawa ngayong bu-buwan. Al-Alam ko lahat. I knew eve-everything. I kne-knew every single thing." nauutal na sabi ko at nagsimula ng bumuhos ang mga luha ko.

'I need to do this. I need to break up with him. I need to!'

Magsasalita pa sana ako ng mag ring ang cellphone niya. Napatingin naman siya rito at napatingin sa'kin. Ngumiti lang ako ng pilit at tumango. Senyas na sagutin niya na ito.

"What is it? I'm busy." bungad ni Allistair pagkasagot ng tawag.

[Lucas! Si Angeline! Si Angeline! Kailangan niya ng tulong mo! She needs you!] dinig kong sabi ng nasa kabilang linya.

"What?! Why?! Where is she?! Message me the address! I'm on my way now!" nag-aalalang sigaw ni Allistair at napasapo sa noo.

"Wife, I have to go somewhere. I'll be back as soon as I can. I love you." sabi ni Allistair pagkalapit sa'kin. Ngumiti lang ako sa kaniya at pinigilan ang sariling umiyak.

'I love you even more, Allistair... More than anything and anyone... Mahal na mahal kita kahit ubos na ubos na ako...'

Hinalikan niya ako sa noo at nagsimulang tumakbo palayo. Pero napatigil siya sa sumunod na liriko ng kanta.

"Just turn around and walk away~
You don't have to live like this, oh~
But if you love me still then stay~
Don't keep me waiting for that final kiss (oh)~
We can work together through this test~
Or we can work through it apart~
I just need to get this off my chest~
That you will always have my heart~
Let me be the one (let me be the one)~"

'I also need you, Allistair... Paano naman ako?'

Pero ilang segundo lang 'yon at saka siya nagpatuloy sa pagtakbo palabas ng building. Napaluhod nalang ako ng hindi ko na makayanan ang sakit. Doon na nagsimulang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Allistair, I'm pregnant... We'll be now having a baby! Yay! Congratulations! Magiging daddy ka na! Magkakaroon ka na ng anak!" pilit ang ngiting sabi ko at nagpatuloy sa pag-iyak.

'Ubos na ubos na ako, Allistair...'

"Aww. He left his wife for a friend. Oh, wait, kaibigan lang nga ba talaga?" isang boses na nagpatingala sa'kin.

Nakita ko ang isang taong hindi pamilyar sa harap ko.

"Wh-Who are you?" nanghihinang tanong ko.

"I am Maxine. The girl who can give you the pain to it's maximum." nakangising sabi niya saka ako tinutukan ng katana.

Napangisi lang ako saka hinawakan ang katana sa gilid nito at sinipa siya. Agad kong pinunit ang gown na suot ko para makagalaw ng maayos.

"And I am Zahara Rain Kingston Lim. The queen of trouble you won't ever beat." nakangising sabi ko saka siya sinapak.

"Let's see who is way more better then." mayabang na sabi niya at nagsimula na ang laban namin.

Comment