Chapter 34



Chapter 34


Aria continued her training. Leo and Grethel have been with her to train 'the demon slayer way'. Strikto ang mga ito pagdating sa training. Mabilis namang matuto si Aria kaya mabilis rin ang progress ng training nila.


Hindi lang ang pagiging demon slayer ni Aria ang tini-train niya. Pati ang pagiging szjin. Hindi pa rin siya makapaniwala na siya na nga ang demon slayer na kailangan ng mundo, siya pa ang nakakuha sa szjin na pinakamangyarihan naman sa mundo.


Hindi naman siya nakakapressure. Haha.


Sina Aidan, Aeron, Ivy at Victoria ang nagti-train sa kaniya sa mga elemento. Kung dati na wala pa siyang kapangyariham ay tinitrain na siya ng apat, lalo na ngayon na may kapangyarihan na siya. Sobrang dami niyang ginagawa para mapagaling ang sarili. Lalo na sa paggamit ng kapangyarihan. She's still new to this that's why she still can't give her all. Pero mabilis naman siyang natuto.


Ngayon na paiba iba ang elemento na ginagamit niya, paiba iba rin ang kulay ng mga mata niya. But unlike at the first time it changed, wala na ang sakit. Para ngang wala na. Her eyesight now also improved. Hindi naman malabo mata niya noon pero pakiramdam niya ngayon nakikita na niya pati mga alikabok.


Thanks to that hellish experience. Ayaw na niyang alalahanim 'yon.


Ngayon na tinitrain na rin siya ng kambal, Tin would sometimes be with her para matrain parin ito ng dalawa. It's not a problem since Tin's training is for her element.


"When will I train for the sub-elements?" tanong ni Aria sa apat ng minsan silang nagtraining. Napaisip naman ang apat. Aria's been really good at training and her magic is really powerful. Kaya na niyang makipagsabayan sa iba pagdating sa pakikipaglaban at paggamit ng kapangyarihan.


"Gusto mo ngayon na?" tanong ni Aeron.


"Is it okay?"


"You're totally great in using the four elements so why not try the subs?" Sabi ni Ivy na sinangayunan ni Victoria.


They asked Grethel and Leo to train her in Lightning as for now. Maghahanap pa sila ng magti-train sa kaniya na may ice magic, sound magic at metal magic. Hindi niya alam kung bakit pero nai-excite siya sa mga trainings niya. She finds it hard but great. Mas napapahusay niya rin ang talas ng pag-iisip lalo na sa laban. And it would be very beneficial to her especially when she'll be in a battle field.


"Why not ask the headmistress to introduce someone to us na makakapagtrain kay Aria?" suhesiyon ni Ella. "If that's okay for her."


"Oo nga, we can do that! Si Aeron ang kakausap!" Ivy said that made Aeron frown.


"Bakit ako?" anito na tinuro pa ang sarili.


"Mas paniniwalaan ka non!"


"Eh di si Aidan na lang!"


In the end, all of them went to the office of Violet. Nadatnan nila itong may kausap na ibang tao. Paalis na rin ito dahil patayo na ito mula sa kinauupuan.


"Salamat, aasahan ko ang pagunlak mo sa gusto ng hari at reyna," anito sabay yukod.


"Pag-iisipan ko," yumukod rin si Violet at hinatid sa labas ng opisina ang bisita.


"Anong kailangan niyo?" she asked them. Umupo ito at inayos ang papeles sa mesa.


"May sasabihin daw si Aeron, Miss V." Bulalas ni Ivy na kaagad ikinasama ng tingin ni Aeron sa kaniya.


"What is it?"


"May kilala po ba kayo na pwedeng tumulong sa training ni Aria?"


Napatigil ito sa ginagawa at napaangat ang tingin. "In what aspect?"


"Sub elements po," sagot naman ni Victoria.


"Hm. Ang bilis ng progress mo, hija." Puri nito kay Aria. "Well, I can send you somewhere na alam kung makakatulong sa inyo, but you need to do a favor for me."


"Ano po 'yon?"


"I'm sending you off to Eurus, you'll be attending their annual Aerial Banquet."


"Bakit ka ba nakasimangot, ha, Aeron? Hindi ka ba masaya na pupunta tayo sa bahay niyo?" tanong ni Ivy rito pero may halong pang-aasar.


"Really, Ivy? You want me to smile and be happy after knowing we'll be going to see my family?" inis na sagot nito kay Ivy.


"Bakit ba ganyan na lang makareact si Aeron? Anong meron sa banquet na pupuntahan natin?" naguguluhang tanong ni Ella.


"Well, ito lang naman ang pagtitipon sa kaharian nila na pinakaayaw niya. He would usually excuse himself by saying na busy siya dito sa academy," ani Ivy.


"Because there will be lots of guest meaning there will be a lot of candidates to be his wife," bored na dugtong ni Victoria.


Natigilan naman si Ella sa narinig. "R-Really?"


Napapikit si Aeron sa nakitang reaksyon ng kasintahan. "It's not important anyway. Trip lang ng mga magulang ko."


Hindi na nagsalita pa si Ella at umayos ng upo. Sumama ata pakiramdam niya. Pero ipapakilala daw siya nito sa mga magulang hindi ba? This will be the time to meet his parents! Pero bakit hindi man lang siya sumaya? Is it because she's nervous? Or is it because she feels like they won't like her?


"Don't worry too much, please." bulong ni Aeron sa kaniya. She just slightly smile as a response. Ayaw na niyang makipagtalo pa sa wala namang kwentang bagay. Maybe she's just jealous kaya nawalan siya ng gana?


"Ilang buwan pa naman tayo pupunta doon dahil may event pa rito sa school na kailangan nating daluhan. Kaya no need to worry about it now," pagpapagaan ng loob ni Tin kay Ella. Ella just hugged her.


Nagpatuloy ang mga araw na nagti-training parin sila. They would do it in their free time. Pati ang apat ay nagtitraining na rin. A teacher was assigned by the headmistress to train them physically. They do some duels, obstacles with fighting, and other stuff. Gumagamit rin sila ng mga weapons. After a week, may mga nagtrain na din sa kanila sa mga elements. The headmistress said if sila sila lang ang magti-train sa isa't isa, it wouldn't be as sufficient as that. They need someone with greater experience and strength. Not that they are not skilled enough to train a friend. Gusto ni Violet na mas mapahusay ang mga bata.


She also implemented training hours for all the students. Naisipan niya na hindi nila al kung kelan susugod ang mga kalaban. They need to be ready anytime. That's why the students would undergo serious trainings.


"Ang dami kong narinig na reklamo kanina sa pinakauna na training room," pagchichika ni Ivy sa kanila.


"Mahirap?" tanong naman ni Victoria.


"Very! Ako naaawa sa kanila."


"Don't worry Ivy, bukas kasali na tayo doon," sabi ni Aeron na nakapagpababa ng balikat nila.


"Ugh! Ayoko na! Wala bang breaks?!" inis na reklamo ni Ella sa katabing si Ivy. They are now participating on the school's training program at hindi ito nakakatuwa. Sure, they have had undergo training like this pero not to the extent where they aren't given breaks! Pati nga ata pagtigil dahil sa paghinga bawal!


"This is torture!" ani naman ni Ivy. Hingal na hingal na sila sa ginagawa. They just finish a one set of push ups which consists of 100 push ups. Tapos ngayon papaikutin na naman sila at aakyat sa mga puno and swing like a monkey on the big veins! They've been doing this for ages!


Ang sabi ng instructor nila rito, it's for their body to be light. Para mas gumaan ang katawan nila to be able to move freely sa pakikipaglaban and to push their selves to the extent of their strength. Kung hanggang saan daw nila kakayanin ang laban. They need to be used to being exhausted. Kasi hindi nila alam kung kelan matatapos ang laban. They don't know when will the war end. Kung tatagal ba ito ng ilang araw o linggo.


"Ah! Nakahinga rin ng maayos," sabi ni Tin sabay laglag sa sarili sa sofa. Nasa dorm na sila at nagpapahinga. Katatapos lang ng training nila at pagod na pagod pa. Medyo maaga sila pinauwi due to the headmistress' order. Kailangan kasi nila na maghanda para sa kanilang paglalakbay bukas. They'll be going to Eurus to attend the Aerial Banquet na sinasabi ni Miss Violet.


"Oo nga, I thought I'm gonna die because of exhaustion..." paos na ani Ella. "I'm famished."


"Ako rin," ani Aria na hindi na nakatiis sa gutom. Halos buong araw silang nagtrain na walang kain kain o inom man lang ng tubig. Kaya ngayon, todo lagok silang tatlo sa tubig.


Tumayo si Tin, "I'll cook. Ano gusto niyo?" tanong nito sa kanila.


"Anything will do. 'Yong mabilis lang and of course nakakabusog," sagot naman ni Ella. Hindi na sila nagabala na magbihis at inabangan lang si Tin habang nagluluto. They are really famished. Feeling nila kinakain na ng intestines nila ang mga kauri intestines!


Kaagad na nilantakan nilang tatlo ang pagkain. Habang busy sa paglamon, bigla na lang dumating si Blaise na pagod rin ang mukha. Lumiwanag ang mukha nito ng makakita ng pagkain.


"Wah! Pahinge!"


Dinamihan talaga ni Tin ang luto. Wala nga silang pakealam kahit mainit pa ang kinakain. Kahit umuusok pa ang kanin at ulam, they didn't hesitate to eat it. Ganon sila kagutom na kahit sobrang init pa ng pagkain, lalamunin at lalamunin nila.


"Wooh, solve na!" ani Ella habang hinihimas ang busog na tiyan. Tapos na sila kumain at ready na umakyat sa taas. Magpapahinga na sila at maghahanda para bukas. "Goodnight guys!" sigaw nito sa kanila at pumunta na sa silid.


"I'll be going also," paalam ni Aria kanila Blaise at Tin, "Goodnight."


"Goodnight!"


Nakatingin sa kisame si Aria. Pagod na siya pero hindi parin makatulog. She's thinking about the earth deity. Kung paano nila magagamit ang kapangyarihan nito kahit isang beses lang. Just to actuate the weapon she needs.


She fell asleep thinking about those. Pinoproblema talaga niya ito. Kahit na alam na nila kung sino ang demon slayer, they still need the earth deity's power to actuate the holy weapon na gagamitin niya para matalo ang mga demons.


"Aren't you excited?" tanong ni Ivy sa kanila. Walang sumagot sa kaniya bagkus ay nginitian lang siya. Nagkibit balikat na lamang siya. Sasakay sila sa flying carriage. They didn't even know that flying carriage existed. Ang sabi ni Aeron, pinapalipad ito gamit ng kapangyarihan na hangin. Ang driver ang nagpapalipad sa harap at meron din sa likod. Dalawa on each para kung hindi na kaya ng isa, ang isa naman ang magko-control. It's exhausting that's why hindi tina-try ni Aeron na magpalipad ng sasakyan.


Medyo malapit lang ito dahil nakasakay sila sa himapapawid kaya madali lang silang nakarating. They straightly went to the palace.


"Aeron, anak!" sigaw ng ina ni Aeron pagkatanaw sa kaniyang anak. Niyakap niya ang anak at hinagkan. "Akala ko'y hindi ka makakapunta rito!"


"I have to, Ma," sagot nito sa ina na nakahawal sa mukha niya. "Nga pala, Ma. These are my friends. I'm sure you already know Aidan, Ivy, and Victoria so no need to introduce them to you."


Tumango naman ang ina niya habang nakatingin sa mga kaibigan.


"This is Christine Hudson," anito sabay turo kay Tin at sunod si Aria. "And that's Aria Kim."


Hinigit niya si Ella at hinarap ng mabuti sa ina. "And this is Mikaella Morris, my girlfriend."


Nawala ang ngiti sa mukha ng ina ni Aeron na siyang nakapagpakaba kay Ella. Sariwa ang mga tanong sa isip niya. Did she like her or she didn't like her? What if she didn't really like her? What should she do to make Aeron's mom like her? Ano ang gagawin niya—


"Hija! Oh my, it's nice to see you," sabi ng ginang at bineso siya bago niyakap. Nahigit naman niya ang kaniyang hininga. Wooh!


Pagkatapos ng tagpong iyon, inihatid na sila sa kaniya kaniyang silid sa palasyo. They insisted na by pair na lang sa isang silid but Aeron's mother was persistent na bigyan sila ng silid isa isa.


"You're our guests so you should feel comfortable."


Hindi na sila nakahindi pa at pinaunlakan na lang ang offer ng Ina ng kaibigan. Medyo malayo ang silid ni Aeron sa kanila pero okay lang. Aeron will be sleeping in his room while the rest will be on the guest rooms. Nang mailagay na ang mga gamit sa kwarto, lumabas si Ella at pumunta sa silid ni Aria. Sumunod rin naman kaagad si Tin sa kaniya.


"Grabe, hindi ko inaakala na makakapunta ako sa isang totoong palasyo! And I can sleep on one of its room! Ang laki ng nilakihan ni Aeron, prinsipe na prinsipe talaga!" pahayag ni Tin na manghang mangha sa palasyo.


"You're also a princess," ani naman ni Aria na nakapasimangot kay Tin. Tumawa naman si Ella sa reaksyon nito.


"Ria's right! You're also a princess so you probably also have this kind of palace. Big and majestic."


"Pero tanong ko lang Ella, what does it feel to have a Prince as a boyfriend?" kuryoso na tanong ni Tin.


"Tanong ko lang rin Tin, what does it feel to be a Princess?" Inambahan siya ng suntok ni Tin dahil sa tanong nito. Tumawa lang ito at tumikhim. "Pero seryoso, I felt so nervous kanina. Her mother was so intimidating. Akala ko sisigaw sigaw ako or iismidan. Thank God she hugged me. Feel ko okay lang ako sa kaniya. And I'm also thankful that Aeron introduced me to her Mom. Na hindi siya nagdalawang isip na ipakilala ako kahit prinsipe siya. Actually, I don't see him as a prince because he is a prince. I see him as a prince because he treats me right and he loves me. That what's make him a prince in my eyes."


Nang matapos siya sa pagsasalita, pinalakpakan lang siya ng dalawa. Tin started it at nakisama lang din si Aria.


Sa araw na iyon, inilibot sila ni Aeron sa palasyo. They also met his father at mabait ito tulad niya but there's this certain aura of him that shows he's a king. Gusto sana ng ina ni Aeron na siya ang maglibot sa kanila but she was busy for the preparation of the Aerial Banquet. Nalalapit na kasi ito. Sa makalawa na ito at kailangan bukas handa na ang lahat.


All they did that day was to tour the palace and stay in their room. Nagpahinga lang talaga sila at hindi nag nag-abala na lumabas sa palasyo at gumala. They decided to do that tomorrow since hindi pa naman bukas ang banquet. They still have time to see the outside of the palace.


Kinabukasan, pinagsukat sila ng mga susuotin nila sa banquet. They'll be wearing gowns and tuxedo. The queen had ordered someone to have them fit their gowns. Hinayaan sila na mamimili ng mga susuotin. Sobrang namangha ang tatlo ng pinasok sa mga kwarto nila ang mga gown na pagpipilian. Ang gaganda at pang palasyo talaga ang datingan! Halos malula sila sa dami ng damit. Pero kalaunan ay nakapili rin.


After choosing their dress, they went outside and went to the city. Kumakaway ang mga tao kapag nakikita si Aeron. Ang iba ay yumuyuko bilang respeto. Nakakatuwa tignan ang mga bata na naghahabulan at kaagad na napatigil ng makita ang kanilang Prinsipe. Nag bow kaagad ito sa kaniya. Ngumiti si Aeron sa kanila kaya namula ang mga babaeng bata at natuwa naman ang mga lalaki.


Bumalik na rin sila kaagad para magpahinga. Tomorrow will be the banquet. They need to take a rest.


"Dali! Bilisan niyo!" sigaw ni Ella sa mga babae. "Kinakakabahan ako..."


"Ako rin," ani Tin sabay kapit kay Aria. Suot nila ang kanilang mga naggagandahang mga damit. Sanay na sina Ivy at Victoria sa mga ganito ngunit ang tatlo ay hindi. Kaya't kinakabahan at medyo naaasiwa sa mga suot.


"Isn't this dress heavy?" tanong ni Aria.


"You'll be used to it eventually."


Aria sighed and looked around. The place was full of people. Smiling, laughing, and enjoying. Hindi pa ito officially naguumpisa. Kaya't wala pa sa ere ang mga tao. The thought of having a party midair brought fear to them but Aeron said it's totally safe.


"Sure na ba na sa ere talaga 'yong party?" bulong ni Ella kay Tin.


"Oo nga, 'wag kang tanong ng tanong." Anito at sinita si Aria na kinakamot ang leeg. "Tigilan mo nga 'yan."


"It's itchy," halatang iritadong sagot nito. Puno ng burloloy ang leeg nito na nilagay ng mga nag-ayos sa kanila. She wasn't able to protest when they said the Queen wanted her to wear those.


"I feel you," tugon ni Tin ngunit pinipigilan ang sarili na kamutin ang leeg. She's not used on wearing jewelries lalo na't ang dami. Hindi nga niya maintindihan kung bakit ang dami pwede namang isa o kahit dalawa lang. "Tiisin na lang natin. Wala na tayong magagawa."


"Let's go, guys! It's about to start."


Naglakad na sila papunta sa dalawang lalaki. The two are wearing formal wear and it really suits them. Mas gumwapo ang mga ito.


Ella's eyes were awing at her boyfriend. Kaagad niya itong nilapitan at hinagkan. "You look so gwapo!" she squealed.


Aeron chuckled. "You look so beautiful, Mika." Ella blushed at her boyfriend's compliment. Puno ng paghanga ang mga mata nito. She can't help but kiss him.


"Ay, PDA!" nabulalas ni Tin pagkakita sa ginawa ng kaibigan. Nagtawanan naman ang iba.


Habang nagtatawanan ang mga ito, si Aria ay napako ang tingin sa isang tao. Aidan. Aidan looks so good in his suit with the combination of red and black. He looks so dazzlingly handsome. Habang tinititigan ito, umangat ang tingin nito sa kaniya. She immediately looked away. Heat rushed to her cheeks feeling hot.


Nagsimula na ang kasiyahan at nawala na ang pagkabahala nila sa party nga nasa ere. They actually enjoyed it. They enjoyed it to their hearts full content. Kasi kapag uwi nila sa akademya, alam nilang bugbog sarado na naman ang katawan nila at hindi nag sila makakapagpahinga at makakapag enjoy ng ganito.


Aria was in the middle of eating when Aidan stood up. Sinundan niya ito ng tingin at nilibot ang tingin sa paligid. 'Yon lamang niya nahalata na parang dumami ang mga kawal sa loob at labas. Sumunod siya kay Aidan.


"What's happening?" tanong niya rito.


"Just stay there."


Sasagot na sana si Aria ng makaramdam ng kakaiba.


"W-What is this..."


Napatigil siya ng may sumigaw at sunod sunod ang pagsabog. Kaagad na hinawakan siya ni Aidan at prinotektahan. Nagkagulo ang lahat at hinila siya ni Aidan. Everything is now a mess. Nagtatakbuhan ang mga mamamayan habang pumwesto naman ang mga kawal. Aeron's parents are now dictating their men.


Tumakbo si Aidan papalabas habang hawak pa rin siya. There, they saw a man with a hideous appearance. 

Comment