Chapter 27



Chapter 27


"Are you guys ready for the trip tomorrow?" tanong ni Ivy sa kanila pagkaupo nila sa upuan. They are now in class. Hinihintay pa nila ang prof para syempre magsimula na ang klase.


Pinandilatan siya ng mata ni Tin. "Lower down your voice!"


Nagpeace sign na naman ito. "Hehe, sorry. Medyo excited lang ako kasi first time ito na may kasama kaming iba sa misyon!" medyo hininaan nito ang boses sa word na misyon.


Nasabi na nila kagabi ang tungkol sa mga misyon nila noon. Alam na rin nila na ang apat na taong palagi nilang kasama ay sikat na Elementalist. They are known to be the most skilled elementalist here in the academy. The students would usually call them E4 short for Elementalist 4 but they refuse and told the students to stop calling them that. Baduy daw kasi ani Ivy at Victoria. Kaya nang nag insist ang mga studyante na tawagin silang Elementalist, hinayaan na lang nila.


Mas malakas ang mga mahika nila kompara sa ibang mga mag-aaral. Kaya minsan ay nililiban na sila sa mga klase at pinapadala sa mga misyon. But their mission right now is the most important. Buhay nilang lahat ang nakasalalay.


"Nandito na ang guro."


Their class started and ended fast. May meeting raw kasi ang mga mentors kaya pinagtrain na ang iba. Sila naman ay bumalik sa kaniya kaniyang dorm para mag empake ng mga importanteng dadalhin.


Nasa kalagitnaan si Aria ng pagliligpit ng mahagilap ang isang sobre sa cabinet niya.


Where did that come from? She was sure she didn't saw that earlier nor yesterday. Saan ito nanggaling?


"What's this?" she held the envelope and opened it. Hindi niya inaasahan ang pangalan na nakasulat.


Brent


That kid? Why is he giving her that?


Binuklat niya ito at nakita ang sulat.


Hi, Mommy. I know you're wondering why I am giving you this. A month later after I visit you, you'll be able to read this. Am I right? I know that you're distant from me. You won't even call me by my name. I haven't heard you calling me by my name and that's okay! I'm sure I had you shocked when I called you mommy the first time we met. It's true, I'm your son. And you're probably wondering how did that happen. Well, you married my Dad and both of you got me!


Back to the main reason I am giving you this letter.


I have my own reasons why I did everything that I did. It was for you. I love you so much, Mom. And it would break my heart again knowing you'll fall into depravity and regret. I can't explain it to you further but I just want you to know that your future self believes in you. I have no time left in this lifetime. I need to go back to my own time.


Yours truly,


Brent Agni Hogosha Fuego


x. There's another letter from someone important to you.


Hindi alam ni Aria kung ano ang mararamdaman. Brent knew that she didn't call him by his name. And Brent is really her son. Biologically. Pero Brent Agni Hogosha Fuego. That is probably his surname. Fuego? Bakit parang narinig na niya 'yan?


Tinignan niya ulit ang sulat.


x. There's another letter from someone important to you.


Sinuri niya ulit ang sobre at nakita ang isang liham.


Kanino naman kaya ito?


Aria... I know that you don't know me. Well, I didn't even introduce myself but let's just remain that. You'll experience a lot of pain, joy, struggle, and loss. But I just want you to know that you need to be strong for yourself. Thank you for everything. Thank you for fighting and for having a strong will. Do the things you think are right. Don't doubt yourself. Don't lose hope and protect your friends.


Please do what I didn't able to do. I love you and thank you.


-


Bakit walang pangalan na nakalagay? Hindi mawari ni Aria kung bakit parang may kung ano sa dibdib niya. Sino ba 'yon? Bakit parang ang dami niyang alam tungkol kay Aria? Isasauli na sana ni Aria ang sulat ng makita ang box sa cabinet.


Saan na naman ito galing? She opened it and there was a necklace and a circle thing inside.


Pinulot niya ang kwintas at pinagmasdan. It's Brent's... May nakaukit na pangalan sa pendant at may note na kasama.


Bring this with you always. You'll need this for sure.


Sunod niyang tinignan ang pabilog na bagay. She was holding it and scanning it when she heard a click. Nataranta naman siya sa pag-aakalang bomba ito.


"Shit! It's a bomb!" Naihagis niya ito at naglanding sa kama niya. Tumakbo siya papalayo at hinintay na sumabog. But there was no explosion that happened. Tinignan niya ulit ito at nakitang nakabukas na.


Ha? Lumapit siya at pinagmasdan ang bagay. Para itong lalagyan ng press powder. Seconds later, a hologram-like image appears right on her face.


It was Brent.


"Hi, Mommy!" He greeted. Kumaway pa ito sa kaniya.


"Brent," tanging nasabi niya. The boy in the hologram looked shocked. His mouth was formed into 'O'.


"Tinawag mo 'ko sa name ko po!" he happily exclaimed. Tumango na lamang si Aria.


"I just want to properly say bye to you. Hindi ko na po kasi pwede sa personal kasi wala na pong time."


Napapansin niyang palagi nitong sinasabi na wala ng time. Hindi alam ni Aria kung anong sasabihin. Nakatingin lamang siya sa mukha ni Brent sa harap.


"I know you can pass all the challenges you'll encounter, Mommy. Just trust yourself, hmm?" Hindi niya alam kung bakit tumango siya.


"And oh, please bring my necklace with you always. You'll need it!" nakangiti nitong ani. Napatingin naman si Aria sa hawak na kwintas.


"Okay."


"Hey, stop peaking!" Brent shouted at the person behind the camera? She thinks. Napatingin naman kaagad ito kay Aria. "Hindi po ikaw ang sinisigawan ko, Mommy hehe!"


"It's okay." Lumungkot naman ang mukha ni Brent kaya nagtaka si Aria. "What's wrong?" tanong niya rito.


"Nothing... I'll just miss the you in that time... Though, I prefer the you in this time. Hehe!"


What? Tinignan siya ni Aria na naguguluhan. Ano ba ang pinagsasabi ni Brent?


"Agni, open the door." narinig niya sa background ni Brent. Para namang lumikot ang mukha ni Brent. "Mommy, I gotta go! Bye, I love you!"


Hindi pa lumipas ang isang segundo ay nawala na ang mukha ni Brent. The line was cut. Was that a video call? Without using of connection? Paano niya ginawa iyon?


"Bye..." bulong niya sa hangin. She sighed and sat down. Ipinagpatuloy niya ang page-empake na nasa isipan ang pangyayari kanina lang. She's confused. Bakit kailangan umalis ni Brent kung anak niya ito? Bakit paulit ulit nitong sinasabi na wala na itong oras? Is he dying?


Umiling iling siya at itinabi na ang bag na dadalhin. Kunti lang ang dadalhin niya. Hindi naman kasi sila magbabakasyon. They'll be traveling for a mission.


"Ay jusko!" sinambot ni Tin ang mga gamit na nahulog. Nagkakaundaga na siya sa mga gamit na ini-empake. Hindi niya alam kung kailangan ba ng maraming damit. Oo, alam niya na misyon 'yon eh malay niya 'di ba kung ilang araw sila sa paglalakbay.


Alam niyang mahirap ang gagawin nila. They would search for people whom they don't know the faces and names are. It would take them a long time.


"Ay, eto dadalhin ko rin. Baka masugatan pa ang isa sa amin," inilagay niya ang limang healing potion sa bag. "Pero teka... hindi ba may healing magic si Ivy?" she tsked and get the two bottles. Tatlo na lang ang dadalhin niya. Hindi naman kasi nila alam ang mangyayari kaya dapat laging handa. She brought everything she thinks are needed. Nagliligpit na siya ng kalat ng may makapa siya sa ilalim ng kama.


The spear.


Dahan dahan niyang hinila 'yon at pinagmasdan. Naalala niyang naitago niya ito roon dahil sa kakulitan ni Brent. It was when Brent visited them. She was cleaning her room when Brent knocked and entered the room. Nakangiti ito sa kaniya.


"Knock, knock!" sinabayan ng maliit na boses na 'yon ang pagkatok niya. Alam niyang si Brent 'yon. Naglilinis kasi siya. Hindi niya kasi malinis linis ang kwarto ng masinsinan dahil busy sa pagte-train.


"Come in," aniya at tumigil sa pagkakalikot ng gamit. She looked at Brent. "Ano 'yon?"


"Tita Ella is calling you!" he giggled and Tin find it cute and weird at the same time. Ano na naman ang kalokohan ng dalawang 'to?


"Bababa ako mamaya. I'll just finish cleaning my room."


Lumapit sa kaniya ang bata. "What's this?"


Nilingon niya ito at nakitang tinuro ni Brent ang stick. 'Yong stick na nagiging spear. Hindi niya alam ang isasagot. Lumikot ang kaniyang mata bago bumuntong hininga.


"A stick. Ginagamit ko lang sa training."


"Hm. Okay!" his smile was so big that he looked like he knew something. Umalis na siya sa pwesto niya at tinungo ang pintuan. "Come downstairs when you're done!"


"Okay!"


Umiling siya at inilagay ang spear sa bag. She might need that during their mission.


Tumayo siya at pinuntahan si Ella. Baka kung ano na naman ang dadalhin non. She knew what Ella's mind is. Kahit hindi kailangan bibitbitin non.


Kumatok siya pinto ni Ella. "Open that!" Pinihit niya ang doorknob at bumungad ang magulong kwarto ni Ella. "Oh, hi Tin!"


"What the! Bakit ang kalat ng kwarto mo, Ella?"


"Hindi ko kasi alam kung ano ang mga dadalhin ko. Aeron said I should just bring those things that are important but everything is important!" she hysterically exclaimed.


"Gaga. Magdala ka na lang ng damit na sa tingin mo tama ang bilang tapos other necessities," ani Tin sabay upo sa kama ni Ella. Kaagad naman na itinuro ni Ella ang dalawang naglalakihang bag.


"'Yan."


"Ha?! Ang dami naman n'yan!" Nilapitan ito ni Tin at binuksan. Halos lumuwa ang mata niya ng makita ang mga damit na laman nito. "Ano ba naman 'to, Ella? Really? Pajamas? Ano 'to, Camping?"


"What? Bawal ba? I need that to sleep!"


"Bakit? Hindi ka makakatulog kapag hindi suot ang mga ito?" isa-isang binunot ni Tin ang mga damit ni Ella na wala namang silbi. Iniwan niya lang ang mga damit na alam niyang magagamit. "Oh, ayan! 'Wag mo na 'yang lagyan ng kung anu-ano!"


Umismid si Ella. "Hmp!"


Tumawa lang si Tin at niyakap si Ella. "Kain na tayo!"


"Wala pang nakakaalam tungkol rito kaya inaasahan kong hindi ninyo ito ipagkakalat. Please don't share the details when you'll encounter someone during your mission. Baka may mga nagmamasid."


Sabay silang tumango sa sinabi ng headmistress. Nasa labas na sila ng akademya. Maaga pa pero nasa labas na sila. Hindi pa nga umaangat ang araw. They need to go before the students would see them. Baka malaman pa ang tungkol rito. Hindi muna nila ipapaalam sa mga studyante ang tungkol sa digmaan. Pero ipagpapatuloy nila ang pag-eensayo para maging handa ang mga ito.


"Bring this with you," sabay bigay ng kahoy na cylinder na inabot naman kaagad ni Ivy. "You'll need that. Makakatulong 'yan sa paghahanap ninyo. There are clues there."


Nagpaalam na ito at nagsimula na ang kanilang paglalakbay. Naglalakad lamang sila. They are not allowed to use a carriage dahil baka mahalata pa sila. Bitbit ang kanilang mga bag, nagsimula na nilang tahakin ang daan papunta sa unang destinasyon.


"Saan nga pala tayo unang pupunta?" tanong ni Tin sa kanila. Madilim pa kaya nahihirapan ang iba na maglakad. Kakahuyan kasi pero hindi naman delikado. This place is still part of the academy's property. Kaya masisigurado na safe pa.


"Kaji," sagot ni Aidan. Sa tingin naman ng ibang tao na kasama nila parang himala ang pagsasalita nito.


"He really values missions like this," ani Victoria sa isipan.


"Isn't Kaji part of the Fuego kingdom?" tanong ni Aria. She read a book about the places of Sahuriya. Tinuro na rin ito ng guro nila sa history at nalaman niyang may mga sakop na place pala ang bawat kingdom. Hindi lang ang kaharian nila ang nasasakupan. Malaki kasi talaga ang Sahuriya.


"Yes."


"Malayo ba 'yon dito?" tanong naman ni Ella. Gusto sana ito barahin ni Tin pero nanahimik na lang. Baka mapagalitan pa siya nina Aidan at Victoria na sobrang seryoso.


"Aabutin tayo ng tatlong araw sa paglalabay patungo doon."


"Tatlong araw?!" maski si Tin ay nagulat rin. Alam niya kasi ang mapa ng Sahuriya. At hindi niya ini-expect na ganon katagal! Tatlong araw? Tapos maglalakad lang sila? Oh no.


"Oo, ito ang pinakamalapit kumpara sa mga lugar na kailangan nating puntahan. Galing doon, tutungo tayo sa kaze na tatlong araw at kalahati ang aabutin. By that we'll be riding a carriage kaya mas magiging madali ang paglalakbay natin."


"Ang hirap naman nito, 'no? Paano natin makikilala ang mga deities? Will we ask everyone on the places we'll visit?" tanong ni Ella na kanina pa na nag-aalala tungkol rito. She's afraid they wouldn't find the deities. They don't have even the slightest idea of who the deities are.


"No." sagot ni Victoria. "Pili lamang ang lugar kung saan nanggagaling ang mga deities."


"Really?! So magiging madali pala ito!"


"Not really," ani Ivy. "The places where the deities come from, they have their rituals done para mapalakas ang deities at biyayaan ng Panginoon. But they won't spill everything so easily." dugtong nito.


"The diety they have is so precious that's why they keep it as a secret. Maraming pwedeng mangyari kapag pinakilala sa buong lugar kung sino ang deity lalo na kung hindi pa sila kompleto," Victoria explained.


"Tinatago? So hindi talaga sila nawala? Tinatago lang sila?" naguguluhang tanong ni Tin. Ang sabi nila nawala ito kasabay ng paglaho ng mga demon slayers at ng Leavis? Tapos ano naman 'to ngayon na tinatago pala sila?


"No, hindi talaga sila tinatago. Well, they were but this time it's different. Ang nangyari noon ay totoong paglaho nila. Ang iba ay pinaniwalang namatay na. Ang iba naman ay nagtago. We don't really know what happened but we know that they vanished all of a sudden," ani Aeron.


"Parang ang gulo naman but well, we should focus on our way. Baka mawala tayo," sabi ni Ella ng hindi nag kayanin ng utak niya ang pinagsasabi ng iba. Kung bakit ba naman kasi hindi siya nagbabasa ng mga history books so malaking library sa academy. Speaking of library, kinalibutan na naman ito ng maalala ang kababalaghang nangyari. She haven't told Aeron about that yet. Tanging sina Aria at Tin lang ang may alam. She's afraid to tell him. Baka marami itong maitanong sa kaniya na hindi naman niya alam kung ano ang isasagot.


"Tumataas na ang sikat ng araw," sabi ni Ivy na nakapagpataas ng mga tingin nila. Unti-unti, lumalapat sa kanila ang bahagyang init ng sikat ng araw. Though, hindi naman talaga mainit. But there's this sensation where you'll know it was from the sun. Maganda ang tanawing 'yon.


Mabilis lumipas ang oras. Maggagabi na ng maisipan nilang maghanap na muna ng pwestong matutulugan nila. Hindi naman talaga sila completely naglakad the whole day. They stopped walking when they needed to eat, drink and kung may tinatawag man ng nature.


Kahit nga si Ella na mareklamo ay nanatiling tikom ang bibig dahil ramdam niya ang pagkaseryoso ng mga kasama at alam niyang hindi ito oras para maging isip bata. By the time she agreese on coming with them, simula na rin iyon sa pagko-considera na walang mga pambatang pag-iisip. Kahit masakit na ang paa sa paglalakad ay hindi siya nagreklamo. Ganon rin sina Aria at Tin. Hindi sila sanay sa mga ganito. Hindi katulad nila Aeron, Aidan, Ivy and Victoria na ilang misyon na ang nagawa.


"Wooh! Thank goodness it's nighttime!" sigaw ni Ivy. "Ang sakit na ng paa ko!" she whined and Ella agreed.


"Oo nga, my feet hurts as well."


"Hindi ka pa ba nasanay rito, Ivy?" tanong naman ni Aeron kay Ivy. Ngumuso naman ang dalaga.


"Sanay na but hindi naman maiiwasan na hindi ako mapagod! Besides, on our previous missions we used to ride on a carriage, horses, or krichou!"


"Krichou? I thought you hate them?" nangaasar na tanong ni Victoria kay Ivy. Sumama naman ang tingin ng huli sa kanya. "What?"


"Nakakalula kaya sa itaas! Tapos pagewang gewang pa 'yong ibang sirang ulong krichou," pagmamaktol nito.


"What's a krichou?" Ella asked out of curiosity.


"A krichou is a humungos bird na sinasakyan sa himpapawid. Mas madali itong maglakbay pero mahirap naman magcontrol ng mga ito." Aeron explained.


"Only those who are experts are able to instruct them."


Pagkatapos mag-usap usap, nagsimula na silang maghanap ng mga pagkain. May pagkain naman silang dala. Ngunit napagdesisyonan nilang magtabi ng makakain sakali mang may pagkakataong wala na silang mahanapan ay may naitago pa sila.


Kumuha rin ang iba ng mga kahoy para may magpainit sa paligid nila. Medyo malamig na kasi dahil gabi na.


"Is this enough?" tanong ni Aria kay Ivy na siyang kasama niya sa pangunguha ng mga kahoy. Tumango naman ang kasama.


"Oo! Madami na nga ang mga ito."


Bumalik na sila sa pwesto nila at nadatnan si Ella na naiwan para magbantay ng mga gamit.


"Nandyan na pala kayo. Ang bilis niyo namang makakuha ng kahoy!" tinulungan niya sina Aria sa pagbitbit at pag arrange ng kahoy.


"Maghintay na lang tayo kay Aidan para masindihan na niya 'to."


Sumangayon naman ang dalawa at naghintay na dumating ang iba. Mas nauna sina Tin at Victoria na may dalang mga prutas.


"We got this from the trees near the lake. We can go there tomorrow to wash if we want."


Dumating rin naman kaagad sina Aidan at Aeron na may bitbit na manok at "Is that a boar?" hindi makapaniwalang tanong ni Ella.


"Yup! We're so lucky we got this." masayang tinig ni Aeron.


"My favorite!" Ivy exclaimed and rushed towards the boar. Sinindihan naman ni Aidan ang kahoy at binigay kina Victoria ang manok. Alam naman kaagad ni Victoria ang gagawin.


Naging matiwasay ang gabi nila. Madami silang nakain at mahimbing ang kanilang tulog. Nagkwentuhan pa anh mga kababaihan bago natulog. Himala at paminsan minsan ay sumasabat si Aria. Victoria was also getting talkative. Nga lang, palaging inaasar nina Ella at Ivy. Wala ring nangistorbo sa tulog nila. Ang sabi ni Ivy ay wala rawng mga wild na hayop sa paligid.


"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Ella na kanina pa hinihingal. Ito ang kanilang pangatlong araw ng paglalakbay at malapit na silang dumating sa bayan ng Kaji.


"Malapit na," sagot ni Victoria. Magkasingtulad ang saya na naramdaman nila ng matanaw ang mga bahay sa ibaba ng bundok. Yes, they've been traveling on the mountains. Mas malapit kasi kapag sa bundok sila dumaan.


"Ano 'yon?" tanong ni Ivy ng makaramdam ng kakaiba. She felt a heavy presence.


"Anong ano?" nagtatakang tanong ni Tin ng wala namang naramdaman o narinig.


"The ground is shaking."


"Ha? Wala nama—"


Hindi pa natapos ni Ella ang sasabihin ng hinila na siya ni Aeron patago sa isang puno. "What's happening?" mahinang tanong niya.


Ngunit imbis na sumagot, inilagay lamang ni Aeron ang daliri sa kaniyang labi na nagpapahiwatig na manahimik siya. Mas lumakas ng lumakas ang paggalaw ng lupa. Kahit sina Tin na hinila nina Ivy at Victoria ay naguguluhan rin. But she chose to shut up just like Aria who's with Aidan. Mas malapit kasi silang dalawa kaya ng mahila siya nito, hindi na siya umangal.


"Shit!" mahinang mura ni Aeron.


A monster. No, it's a demon. A demon is here and they don't know kung malakas ba ito o hindi.


Mas naging mabigat rin ang paghinga ng dalawang babae na sanay na sa mga laban. Si Aidan naman ay hinanda ang kaniyang espada.


"Lalaban siya?" ang nasa isip ni Aria. Inangat niya ang mata at nakita ang kalaban. It's huge. Para itong higante. Halata na mahirap kalabanin. Nagsimula itong maglakad pababa ng bundok.


Ang bayan! Parehas silang lahat ng inisip. And there's no other way to stop the demon but to fight with it. Kung hindi nila ito pipigilan ay maraming tao ang mamamatay!


Unang lumabas si Aidan at sinugod ang demon. He used his sword to slash the demon but nothing happened. Sumunod naman si Aeron na may dala ring espada. Pinagtulungan nila ito pero para lang wala para sa demon.


It growled and attacked back at them. Lumabas na rin sina Victoria at Ivy.


"Water spiral!" sigaw ni Victoria at may lumabas na tubig sa kamay niya at pumunta sa demonyo. It attacked the demon but nothing happened. Sunod naman si Ivy sa pag atake.


"Muguchi ueru!" kasabay ng kaniyang pagbigkas ng mga salitang iyon ay siya ring paglabas ng mga naglalakihang ugat galing sa lupa papunta sa demonyo. It circled around its foot and made the demon unable to move.


Inulit naman ni Victoria ang pag atake nito at natamaan ang mata nito kaya napapikit.


Ginamit 'yon ni Aidan para masaksak ang demonyo sa puso. Nakahinga ng maluwag sina Aria, Ella at Tin at namamgha na rin ng makitang nasaksak na ito sa puso. Patay na ito. 'Yan ang nasa isip nilang tatlo.


Ngunit ang pinagtataka ni Aria ay kung bakit ang bilis lang namatay? Hindi ba't mahirap patayin ang mga demons?


"Shit! Get away from the demon, Aidan!" sigaw ni Victoria at nagmadaling tumakbo papalayo sa halimaw. It moved and it destroyed Ivy's vines.


The demon growled and eyes are starting to grow everywhere on its body.


"Yuck..." bulong ni Ella. Hindi kaaya-aya ang itsura nito. Ang mga mata nito ay aabot sa sampung piraso at hindi pa magkatulad ang hugis at laki. May iba na malalaki at may maliit. May nakatabingi at may nakabaliktad.


"We can't kill this one!" ani Aeron. Pinagpatuloy nila ang pagtira. Ngunit hindi na sila makalapit. Aidan started throwing fireballs as well as Aeron. Aeron made air bows at pinatama sa halimaw. It may seem unable to kill pero kapag tumama sa balat ng target ay mas masakit pa ito kumpara sa totoong bow.


"We're gonna die!" natatarantang sigaw ni Ivy sabay palabas ng mga tinik sa kamay at pinaulanan sa halimaw. It was a thorns. Matatalim ang mga ito ngunit hindi pa rin masugatan ang halimaw.


The demon started wiggling and throwing trees at them. Ang kaninang nakatagong Ella, Tin at Aria ay na expose na sa mata ng halimaw.


Binato niya ng malaking bato ang pwesto ng tatlo. Dahil nakafocus ang apat sa pakikipaglaban, hindi na nila napigilan pa ang bato at papunta na ito sa deriksyon nila.


"Oh no," bulong ni Ella. Natatakot na ito ngunit pinakalma ang sarili. She closed her eyes and took a deep breath before looking at the huge rock coming to them. Pinigilan niya ito gamit ang kapangyarihan at ramdam niya ang bigat nito.


Napalingon si Ivy sa kanila at halos mapanganga ng makitang gumagamit ng mahika si Ella! Ganon din ang reaksyon ni Victoria at napakunot naman ng noo si Aeron. Pero hindi na siya nagreact pa at pinagpatuloy ang pakikipaglaban.


Ngunit sa paglingon niya'y siya ring pagkawala ng halimaw sa harapan. Sabay silang napalingon sa tatlong magkakaibigan at nakitang nandoon ang demonyo.


Sabay sabay silang nagmura at natigilan ng kinuha nito ang tatlo gamit ang kanang kamay.


"Roaaar!" growled by the demon. Hindi nila alam kung ano ang gagawin. They were calculating how to save the three but they know that it will be hard! Hindi sila demon slayer! Paano nila mapapatay ang demonyong 'to?


"What's up? Having hard time?" may paglalarong tinig na sabi ng lalaking nanggagaling sa puno. Kararating lang nito at sa taas siya ng puno naglakad. Tumalon ito at nakangising tinignan ang demonyo.


"Hm. A low class demon," tumingin ito sa kanang bahagi ng gubat at tinignan ang mga puno. "Greth, tignan mo nga 'to." Wala pang ilang segundo ng may tumalon mula sa puno. Just like what the boy did.


"What?" Nakataas ang kilay na tanong ng babae. Hindi alintana ang mga nagmamasid na matang nakatingin sa kanila. The four of them were just watching the two intruders who are now doing some chitchats.


"Who are they?" tanong ni Victoria sa katabing si Aeron.


"I don't know. Haven't seen them yet."


"What?! No way! Ako ang papatay n'yan. You'll do the cleaning." mataray na ani Grethel.


"You can't disobey me. Mas nauna akong ipinanganak!" nakakatakot na ani ng lalaki.


"Yeah? For how long? For like 12 seconds?" the girl said with a 'duh' tone.


"So they're twins?" bulong naman ni Ivy sa katabi na si Victoria.


"Maybe?" patanong na sagot nito.


"Still! I'm the older one here so you should obey me."


"Huh! So you admit now that you're old?" Grethel rolled her eyes and looked at the people behind them. "Leo, there are people watching."


"Uh, I know?" patanong na sagot nito dahil obvious naman. Is his twin sister dumb or something?


"Don't use that tone to me as if I'm dumb! Just kill that demon!" naiiritang aniya sa kambal.


Ngumisi naman si Leo at sumaludo. "Yes, Ma'am!"


He jumped and landed on the demons head. Umupo ito doon at hinimas ang ulo nito. Sinubukan niyang pasukin ang utak nito ngunit wala. Sarado at ayaw mabuksan. He will just kill this demon now. Wala rin naman siyang makukuha. Well, may makuha man o wala he would really kill the demon.


"Oh, hi ladies." bati niya sa tatlo na hindi makapaniwala sa pagiging relaks nito kahit na isang demon and inuupuan. The demon snapped and was about to get Leo when he did a back flip and run towards the demon's hands. Pinutol niya ito gamit ang dalang espada na hindi malaman ng manonood kung saan niya kinuha. Pinagpuputol niya ang kamay nito hanggang sa mapakawalan sila Aria. Sinalo naman kaagad ng mga lalaki ang tatlo.


"Hi beautiful," bati nito kay Tin na inirapan lang siya. Bahagya siyang tumawa at maingat na inilapag sa lupa.


"Are you okay?" tanong ni Aeron sa kasintahan. Tumango naman si Ella.


"I'm fine... Aeron, I'm sorry—" pinigilan naman kaagad siya ni Aeron.


"Shh. We'll talk later." Tumango ang dalaga at napatingin sa lalaking nakikipaglaban na ngayon.


Wala namang imik sina Aria at Aidan sa isa't isa. Binuhat ni Aidan si Aria kaya nakita ni Aria ang sugat ni Aidan sa gilid ng ulo. It's not visible if hindi tititigan ng mabuti.


"He's injured." Hindi mapigilan ni Aria na hindi mag-alala. Gusto niyang tanungin ito kung okay lang ba pero nahihiya siya. They are not even close to ask questions!


"Fucking ball," napatingin silang lahat kay Leo na nagmura. It was because of the demon. Its hands are coming to its body. Ilang ulit niyang hiniwa ulit ngunit ganon pa rin ang nangyayari. Bumabalik sa katawan nito.


"Uh, Greth, I need some help."


"Oh, you do?" nang iinis na tanong ni Grethel sa kambal na successful naman dahil kaagad na nagreact ang kakambal kahit busy sa pakikipaglaban.


"Shut up and just help me with this fucker!" irritation was evident in his voice. Sinamaan naman siya ng tingin ng kakambal.


Grethel helped him fight the demon.


Sabay silang namangha ng makita kung paano makipaglaban ang dalawa. They seem to be so good at swords handling. Wala pang ilang minuto namatay rin ang demon.


"Is that really dead?" naniniguradong tanong ni Ivy. Tumango naman si Leo.


"Yes. Kami yata ang pumatay nyan."


Si Grethel naman ay may kinuhang kung ano sa bulsa at nilapag sa lupa. A small robot-like toy crawled towards the dead body of the demon and went to the top of it.


Nakatutok ang mga mata ng mga ito sa robot at halos lumuwa ang mata ng bigla itong nagkaroon ng malaking bibig at nilamon ang demon.


"Oh my gee! What was that?" gulat na tanong ni Ella.


"Holy molly! I was so shocked," hawak pa ni Ivy ang dibdib. Nakakagulat kasi talaga dahil sa tunog nito. Bumalik na ang robot kay Grethel at kinuha naman kaagad niya ito.


"I'm exhausted... Kaya ayaw kong ako ang nagliligpit," naiinis na bulyaw nito sa kambal na lalaki.


"And what? Ako naman ang mapagod? Tsaka hindi ko na alam kung saan 'yan sila ilalagay. My place is becoming a graveyard!"


"Eh kung sunugin mo kaya sila lahat?"


"Mahahalata ako, edi malalaman nila na I am piling demons at my house?!"


Grethel rolled her eyes. Hindi naman talaga siya palasalita. She prefers silence but when she's with her twin brother, wala na. She can't help but brawl with him.


"Uh... Hi?" Sabay na napalingon sina Grethel at Leo sa mga panauhin. "Thanks for saving my friends' lives." nakangiting pagpapasalamat ni Ivy.


"No problem, anything for the beauties." umismid kaagad si Tin ng makitang nakatingin si Leo sa kaniya. Naiinis talaga ito sa lakaki. Ang yabang ng datingan, eh!


"You guys are demon slayers," Aeron concluded. Napatingin naman sa kaniya ang lahat at sinunod na tignan ang magkambal.


A smile crept on Leo's face while Grethel remained expressionless. "Yes." 

Comment