chapter 9

Leslie POV 


uwian na kaya dali-dali akong lumabas para puntahan sina len at coleen minsan nga naiisip ko na baka kambal sila eh pero hindi naman dahil magkaiba sila ng magulang. pareho kasi silang madolen at coleen nakakalito tuloy pero di na dapat ako malito matalino ako eh hehehe nakita ko sila na kalalabas lang din kaya tinawag ko sila


"len! coleen!!" sigaw ko kaya napalingon sakin mga stupidyante. di naman sila tinatawag ko eh


"oh leslie bat ka ba sumisigaw ha? kala mo naman maganda boses mo" sabi sakin  ni len nang makarating ako sa kinatatayuan nila ni coleen


"alam mo namang mga bingi kayo diba? sigurado ako na di niyo ako maririnig pag hininaan ko yung boses ko" sagot ko sakanya habang naglalakd na kami. loka loka talaga len pano niya ako maririnig kung hinaan ko boses ko haynako. dami talagang tanga sa mundo.


"umuwi na tayo may sundo na ako eh" paalam ni coleen habang nakatingin sa relo niya. swerte naman niya may sumusundo pero ok lang di ako naiinggit hehe kontento na ako sa taxi


"ok sige bye !" paalam namin ni len sakanya kaya kumaway din siya at pumasok na sa loob ng sasakyan nila. iba talaga pag mayaman. mayaman naman kami ah di nga lang halata dahil di ko pinapahalata hehehe baka kasi kidnapin ako pag nalaman ng mga tao na mayaman ako nuh.tulad nung nasa movie na kinikidnap yung anak ng mayaman tas hihingi ng pera yung kumidnap di ba kapal ng mukha? 


"ah leslie bess uuwi na ako ha? ingat ka baka makidnap ka" sabi sakin ni len kaya tumayo mga balahibo ko. nababasa niya iniisip ko?


"wala naman sigurong kikidnap sakin ano ako mayaman? sige bye na wag kang mag-iingat" sabi ko sakanya kaya tumawa naman siya ng malakas at nag wave na sakin sabay alis niya


ako lang?  ang hirap maging lonely no? pumara ako ng taxi para makauwi na ako, ng makarating na ako sa bahay nadatnan ko si julia may bisita siya? sino kaya sila? dalawa kasi isang lalaki at isang babae.


"hi ate julia" bati ko sakanya bago pumasok


"oh nanjan ka na pala leslie" sabi ng pamilyar na boses pag lingon ko nakita ko si keila, yung close friend ko na pinsan ko ay hindi ko pala pinsan, pinsan siya ng pinsan ko pinsan siya ni julia sa mama niya. waaaahh ang saya nandito siya


"keila!!!!" sigaw ko sabay yakap sakanya waaahh ang saya ko talaga.


"leslie!!!" sigaw din niya.


"kamusta kana?"tanung niya


"ito maganda parin ikaw?" sagot ko sakanya at tanung ko nang matapos kaming magyakapan


" ito sexy parin di na nagbago" sagot naman niya sakin. nung grade school palang ako friend ko na siya kaya sobrang na miss ko siya dahil 1year din kaming hindi nagkita.


" leslie kapatid ko pala si jonas, jonas si leslie kaibigan ko" pagpapakilalasamin ni keila kaya nag-shake hands  kami.


" oh hi jonas" bati ko sakanya na nakangiti. kaya ngumiti din siya sakin pero pilit na ngiti. bakit kaya? masama ba makiramdam niya? natatae ba siya? 


"kilala mo naman siya leslie eh di mo lang matandaan" wika ni julia kaya di na ako nagulat dahil  may mga bagay talaga na di ko pa natatandaan so? 


"hehe leslie hiram lang ako ng cellphone mo mag sha-share it lang ako ng mga video" paalam sakin ni keila. adik talaga babaing to alam kong bts na naman kukunin niya minsan nga nag aaway kami dahilan lang sa mga video super mang-aagaw kasi siya eh kainis tuloy


"ah sige keila wag lang bts video" paalala ko sakanya


" kaya nga ako mag sha-share it eh kasi kukuha ako nga mga bts video" sagot naman niya. kaya muntik na akong mapasigaw ng WAG! kaso baka isipin nila na andamot ko.


"ah ganun ba sige hehe" ngumiti ako ng pilit


"leslie kumain kana " utos sakin ni julia


"mamaya na lang julia busog pa kasi ako eh" sabi ko sakanya. nakakahiya kaya kumakain si jonas bakit pa kasi kumain siya dito wala ba silang rice sa bahay nila.


" di pwedi kumain kana sabay ka kay jonas " utos na naman sakin ni julia kaya tumayo na ako at pumunta sa kusina


"yes po maam" sabi ko kay julia, para ko siyang ate e wala naman akong ate.


nang makarating ako sa kusina y kumuha na ako ng pagkain at umupo sa tapat ni jonas, nakatingin lang siya sakin anong problema ng lalaking to? may dumi ba ako sa mukha? 


"anong tinitingin-tingin mo jan? gusto mo bang  tusukin ko ng tinidor yang mata mo?" sabi ko sakanya kaya napangisi siya. bakit yun pa nasabi ko? bakit galit ako? 


"di ka pa pala nagbabago leslie" imbis na sumagot siya eh sumagot naman siya kaso tinatanung ko ba sakanya kung nagbabago na ako o hindi. dami talagang bingi sa mundo. super


"tssk." walang gana kong sabi kaya umakyat na ako di na ako kumain naiinis ako eh bakit ba ako naiinis ? siguro before ako maaksedinte ay kaaway ko yun. baka? naisip ko bigla si clint. hala! bakit ko siya naiisip? di kaya...omg! di kaya.. naiisip ko siya dahil iniisip niya ako? imposible naman, pero ang sabi ni ate kisha pag naiisip mo daw ang isang tao it means iniisip ka rin niya. baka naman iniisip ako ni clint dahil papatayin niya ako. wag naman sana lord! 






Clint POV 


naisip ko bigla yung babae na nakakainis haysss. ipapatay ko kaya, pero wala naman siyang kinalaman sa mga mesyon ko, di ko rin siya kayang patayin ewan ko lang kung bakit dati nga di lang mag sorry sakin patay na sila.  bakit ko ba siya naiisip? iniisip niya kaya ako? hayss I DON'T CARE!  I should be thinking is how they catch the boss ! right!


actually sa mama ko yung G.U kaso namatay siya kaya si tito humawak nun at ako. sorry di ko nasabi sa POV ko sa chapter 8 si author kasi ang tanga. hehehe






A/N: sana magustuhan niyo. baduy eh





Comment