chapter 5

Leslie POV 


inangat naman niya ang ulo niya dahilan para makita ko mukha niya. maganda naman siya pero mas maganda ako hehehe  ngumiti siya bago magsalita hehe gusto ko siyang maging kaibigan..


"ang ipis at ang malaking daga" ha? seryoso may malaki bang daga? kala ko pa naman wattpad. pero ang cute nung title. hiramin ko kaya sakanya pero binabasa niya pa eh saka na lang 


"ahh ganun ?"  sabi ko sakanya at ngumiti. tinanung ko siya kung san siya nakatira and ilang taon na siya at anung pangalan niya. sinagot naman niya lahat ng tanung ko. pero ang weird niya huhuhu di naman lang ako tinanung pabalik? daya niya sayang laway ko kakatanung sakanya. bigla na lang may pumasok na professor. at sinabing uuwi daw kami kasi may meeting lahat ng teacher dito. hehe sana araw-araw nag me-meeting sila para happy! kaya nag tatakbuhan kaming lahat para lumabas yung iba naman nag hihiyawan haha ang saya nila kaka-first day palang eh may meeting na agad. pero sa bagay enjoy din naman. habang naglalakad ako ay natanaw ko sina len sa di kalayuan kaya tumakbo ako papunta sakanila di ba nila ako nakita? tumakbo ako para maabotan sila ng may nabangga ako ayy hindi siya ang bumangga sakin kaya nahulog yung cellphone niya huwaaahh patay ako. inangat ko ang ulo ko para tignan ang nabangga ko pero pinagsisihan ko na makita siya. 


siya yung lalaki sa guidance na puro what? lang ang naririnig ko ang sama ng tingin niya sakin at yung ibang mga babae di naman sila nabangga ko eh bat sila galit? 


"why have you bumped me?!" galit niyang tanung sakin. huhuh ako pa? ako pa talaga eh siya naman talaga yung di umiwas kaya nabangga ko siya at nahulog phone niya waahh


"don't why why me ha! eh ikaw naman talaga may kasalanan kung bakit nahulog yang phone mo!" sagot ko sakanya natatakot naman talaga ako sakanya pero pinakita ko parin na di ako natatakot ayaw kong mag mukha akong kawawa. nakatingin na samin ang ibang mga studyante buti naman at kaunti lang ang tao dito. nung nasabi ko yun kitang-kita ko ang pagkagulat niya.


"kilala mo ba ako ha?!" tanung na naman niya.nagtatagalog pala ang lalaking to pinapahirapan pa niya sarili niya. 


"hindi porket tatakbo ka bilang campus president e kailangan na kitang igalang nuh atsaka di ka pa naman panalo eh di kita bobotuhan tandaan mo yan" sagot ko sakanya da! talaga naman di ko siya bobotuhan eh pero nasira yung phone niya dahil sakin.


"tss. apologize to me speed" sabi niya luh sino ba siya ? "or i kill you?" dagdag pa niya. hala ano daw paptayin niya ako hahaha nakakatakot talaga omg!! 


"sino ka para mag sorry ako atsaka di ako basta basta nag so-sorry, patayin mo ako kung gusto mo I DON'T CARE!" sabi ko sakanya aalis sana ako kasi natatakot na ako baka seryoso siya na papatayin nya ako pero hinawakan niya ako sa kamay upang pigilan ako


"do you really know me?" tanung niya ulit pero kinuha ko yung kamay ko sa pag kakahawak niya kasabay dun ang pag ring ng cellphone niya. ay buhay pa pala cellphone niya? uhuhuh buti naman


"you'll regret it" sabi niya bago bitawan ang kamay ko at umalis. nakatngin lang sakin yung mga tao dito gusto kong tumakbo kaso baka isipin nila na natatakot ako kaya wag na lang. nasan na ba sina len. pero kung papatayin ako ng lalaking yun edi kataposan ko na atsaka di ako natatakot nuh. huhuhu natatakot kaya ako.


di ko na natagpuan sina len at coleen kaya nag disisyon akong umuwi na lang. pag uwi ko ay di na ako kumain at natulog na lang ako  kakalimutan ko na lang ang mga nangyari ngayong araw na to.






A/N:  sorry if ugly heheh and just short 

Comment